Sarah Sinusundan kami ng dalawang bodyguard ni Chairman Benner na maayos na nakasuot ng itim na suit. Namamayani sa amin ang katahimikan habang tinatahak ang pasilyo sa loob ng isang prestihiyosong hotel patungo sa kanyang inupahang suite. Awkward ang nararamdaman ko sa kasalukuyan habang kasama siya. Matagal-tagal na noong huli kaming nagkaroon ng maayos na pag-uusap, o ng maayos na relasyon. Noong buntis ako sa kambal, sama ng loob lang ang ibinigay niya sa akin. Nang pumasok kami sa suite, isang kristal na chandelier ang nagbigay ng mainit na liwanag sa maluwag na living area. Nagpaalam sa akin ang aking ama. “Magpapalit lang ako ng damit,” aniya. Without waiting for a response, he disappeared into the primary bedroom, leaving me alone in the abundant space. Umupo ako sa malambot na couch na naroon sa living space ng suite at saka nagpadala ng mensahe kay Philip. Me: ‘Babe, sinamahan ko si Chairman Benner dito sa suite niya. Siya ang sumalo ng wine na ibubuhos sana sa
Sarah Eleven years ago… Binalot na ng dilim ang kapaligiran… Humahampas ang tubig sa dalampasigan sa likod ng villa. Ang pagkakaiba lang siguro ng naganap sa nakaraan, kaarawan ko ang pagtitipon, ika-17th birthday! Narito ang pamilya ko sa resort sa Palm Beach para magdiwang na hindi rin naman nagaganap dahil kanina pa nasa silid ang magulang ko. Ang alam ko lang ay panay inom ng alak ng ama ko matapos makatanggap ng dokumento mula sa kanyang assistant. Dinig ko ang pagtatalo nila mula sa kanilang silid. Imposibleng hindi iyon marinig, hindi sound proof ang inupahan naming villa. “Please don’t do this, Xavier!” pakiusap ng aking ina na may halong paghihinagpis. May narinig akong mga pagbasag, Mga paghagulgol niya, at bilang anak ay hindi kami mapalagay ni Amir. “Brother, I’m afraid…” nanginginig kong usal kay Amir habang yakap niya ako. Hindi siya umimik. Nakalimutan ko na nagsisimula na nga palang lumayo ang loob niya sa akin dahil kay Jessica. Muli kong nadinig ang ak
Philip "Daddy, I need to pee," ani Iris, ang kanyang kulay abong mga mata ay nanlalaki sa pagmamadali habang nakatingala sa akin, ang dalawang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang tiyan. Sa bahay ay madalas na si Amanda or Pepper ang nag-aasikaso sa kanya sa ganitong bagay, o kaya naman ay si Sarah. Nakita ko ang anak kong lalaki sa malapit. “Rowan, come! We must help your sister!” sabi ko sa kanya. Wala akong plano na papasukin ang anak ko sa palikuran ng mga lalaki. Hindi ko rin naman siya pwedeng iwan nang mag-isa sa palikuran ng mga babae. “But I still wanted to play,” Rowan protested. Nilingon niya si Iris. “Please, Brother…” Kahit gaano pa kasutil ang isang ito, alam ko na pagbibigyan siya ni Rowan. “Promise me, you’ll give me your Monday snack,” at nagawa pang makipag-areglo. “Rowan…” nagsimula akong magbanta. Ayokong utakan niya si Iris sa ganitong paraan. “I-I’m just kidding!” “You are so annoying!” buwelta ni Iris, nagawang nameywang. Naiiling na lang ako
Sarah Habang pababa ng hagdan ay pinigil ako ng assistant na sumundo sa akin sa suite ni Chairman Benner. “Ms. Mitchell, sandali!” Naghahatid ng desperasyon ang boses niya kaya napatigil ako sa kabila ng aking pagmamadali. “What?” asik ko sa kanya. Hindi ba niya nakita ang pag-aalala sa mukha ko at ang nanginginig kong mga kamay? Dumadagundong ang dibdib ko, nangungulila, kinakabahan! Iniwan ako ng pamilya ko sa loob ng maraming taon; buhay ko si Philip at ang kambal ngayon! “Damn it! Bakit hindi ko ma-contact si Philip?!” naaasar na nga ako at kinakabahan, dumadagdag pa ang babae. Noon umilaw ang cellphone ko. Akala ko ay si Philip, ngunit mensahe ni Jakob ang dumating. Jakob: Doll, ayon sa balita, nakakulong pa si Madam Olsen. Natigilan ako. Kung ganoon ay nagsasabi ng totoo si Chairman Benner? Nakita niya ang aking ina? “You must end Marcus,” anang babae. So, it’s true! Wala akong maiisip na gagawa nito kung hindi si Marcus. Pinipili niya talaga ang araw na may okasyon
Philip Nagpapasalamat ako na maayos si Ethan, Dr. Ruth at ang anak nila. Nauna silang umalis ng pagtitipon dahil tinawagan sila ng emergency. Biglaan ang panganganak ng isang pasyente ni Dr. Ruth. Kung naaksidente ang kaibigan ko at pamilya niya, sigurado na hindi maililigtas si Sarah. May pagkakaintindihan kami ni Ethan na kahit hindi namin sabihin ay alam namin ang sitwasyon. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa niya sa pamilya ko. Nang ilabas ako ng ward ko, sakay ng wheelchair, noon ko lang nasaksihan kung gaano kaabala ang ospital ng mga Vanderbilt. The corridors buzzed with activity—nurses rushing by with charts, doctors shouting orders into phones, and dazed victims being directed to different departments. “Maraming sugatan at namatay sa naganap; ang ilan ay hotel staff, isa sa bodyguard mo ang binawian ng buhay at ang isa ay sugatan,” pagbibigay-alam ni Ethan. Hindi ako umimik, ngunit nakalarawan sa mukha ko ang sakit. Sigurado na ang taong kasama ko noong ma
Philip Pinagmasdan kong mabuti ang anyo ng ginang. May awra siya na hindi maitatanggi. Kuha niya ang mata ni Sarah; hindi, si Sarah ang kumopya sa mata ng ginang. “Clever boy,” the woman remarked, her scarlet lips curled into a small smile. “Hindi ko akalain na maitutugma mo ako sa taong tumulong sa ‘yo para marating ang kinatatayuaan ng estado mo ngayon...” Simple lang naman ang sagot doon. “Ipinakilala sa akin ni Orlie si Mariano noong unang kasal ko kay Sarah,” usal ko matapos mapagtanto ang totoo. "upang bantayan ako, hindi ba?" “You were thinking too much, Cornell!” aniya. Umupo muli siya sa sopa. Parang naging senyales ang ginawa nito, nagpaalam ang kanyang assistant. “Maghihintay kami sa labas.” Hindi na hinintay pa ang sagot ko at dumiretso siya sa pintuan papalabas. Nakasunod sa kanya si Josh na walang imik. Sinenyasan ko si Trey na iwan ako sa ginang; na walang duda na asawa ni Chairman Benner at ina ni Sarah. “Hindi ko naisip kailanman na babae pala si Mariano,” u
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa