CHAPTER 98 Kulay itim din naman ang suot na robe ni Raymond ngunit ang kanyang presensya ay mas mahinahon kumapara kay Francis. Bahagya naman na itinaas ni Raymond ang kanyang tingin ka nya hinaplos ang kanyang manipis na labi na para bang nagpapahiwatig o nagpapakita ng pag angkin nya sa kanyang teritoryo. Nanatili lamang naman sa kinatatayuan nya si Francis habang pinagmamasdan ang kanilang mga likuran gamit ang madilim niyang mga mata. Sa di kalayuan naman ay naghihintay si Khate. Iniabot niya kay Francis ang mga impormasyong nakalap niya. Habang pinapanood naman ni Francis ang surveillance video kung saan makikita ang mapanlinlang na ngiti ni Bianca ay unti unting kumunot ang kanyang noo. “Mr. Francis may gusto pa po ba kayong ipagawa?” tanong ni Khate sa kanyang amo. Alam na rin naman kasi niya ang nangyare noong nakaraang gabi na iyon. At hindi naman na sya nagulat pa roon dahil may mga maruruming intensyon na talaga si Bianca. Alam na rin nila na plano ni Bianca na sa
CHAPTER 99Ang lugar kung saan matatagpuan ang lumang bahay ng pamilya Bustamante ay sobrang maunlad ngayon ngunit hindi talaga ito ang kanilang orihinal na tahanan. Sa mga naunang taon ay ang pamilya Bustamante ay dumanas ng matinding pagsubok at ang kanilang minanang ari arian ay naibenta at napunta sa pamilya Villamayor.Ang tunay na ancestral property ng pamilya Bustamante ay matatagpuan sa pinakamayamang lugar sa Lungsod. Mistulang isang klasikal na kastilyo ito at matagal nang kabilang sa listahan ng protektadong yaman ng bansa. Bukod sa halaga ng bahay ay ang lupa sa lugar na iyon ay nagkakahalaga ng bilyun bilyon. Kaya't nang gamitin ni Raymond ang ancestral home bilang kapalit sa isang pustahan ay tila isa itong kabaliwan para kay Francis."Raymond sigurado ka bang seryoso ka dito sa sinasabi mo na ito?" tanong ni Francis kay Raymond."Mukha ba akong nagbibiro Francis? Hindi ako nagbibiro sa mga ganitong bagay," seryosong agot ni Raymond kay Francis. "Kung manalo ang Villamay
CHAPTER 100Tila sinasadya naman ni Raymond na bitawan ang mga salitang iyon kay Desiree. Gusto kasi nitong siguraduhin na hindi na nga nito muling babanggitin pa si Francis kay Sophia.Alam naman nilang hindi madaling kausap ang pamilya Villamayor ngunit hindi rin biro ang pamilya Bustamante. Hindi lamang para kay Desiree ang mga salitang iyon ni Raymond kundi ito ay para rin marinig nina lolo Robert at Francis.Hindi hahayaan ni Raymond na basta basta na lamang lalapitan ng pamilya Villamayor si Sophia ngunit sa parehong paraan ay nais niyang ipabatid sa pamilya Bustamante na dapat silang magkaroon ng kaunting konsensya at kamalayan.Si Desiree na dati ay mabilis ang dila at laging may sagot ay ngayon ay biglang natahimik na lamang.Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si David at tumabi nga ito sa kanyang anak na si Desiree habang may ngiti sa labi dahil gusto nya sanang ayusin ang sitwasyon."Pasensya na Mr. Raymond. Si Desiree ay medyo bata pa at minsan ay padalos dalos pa sa
CHAPTER 101Nanatili naman na nakatingin si Sophia sa mga dokumento na hawak niya. At habang tinitingnan nga niya ang makapal na mga dokumento na iyon ay para bang nakikinita ni Sophia ang malambing na mga mata ng kanyang ina na si Theresa.Nakaramdam ng pagkalito si Sophia at para bang biglang kumirot ang kanyang puso. Tila ba ang lahat ng landas na tinatahak niya ngayon ay ang kanyang ina na si Theresa ang nagtakda. Bigla tuloy naalala ni Sophia na noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na nga ng kanyang ina sa kanya si Jacob. At noong mga panahon na iyon ay wala pa nga siyang labinlimang taong gulang.Upang maprotektahan nga ni Theresa si Jacob ay isinantabi nga niya ang kanyang dangal. Lumuhod siya sa harap ni Nelson upang makiusap dito. Ito lamang kasi ang nakikitang paraan ni Theresa noon upang magkaroon ng tahimik at payapang buhay si Jacob kaya humingi siya ng tulong sa lalaking matagal na niyang kinamumuhian.Kaya naman lumaki si Jacob na masaya. Samantalang si Sophia ay nabu
CHAPTER 101.2Samantala naman mabilis na binagtas ni Raymond ang kalsada. At agad nga silang dumiretso sa tinitirhan ni Sophia na apartment.Pagkababa nila ng sasakyan ay agad nga na iniabot ni Sophia kay Raymond ang makapal na dokumento na dala niya."Gumawa ka ng backup at ipasa mo ito sa research institute," mahinang sabi ni Sophia kay Raymond.Habang nasa daan pa sila kanina ay naikuwento na niya kay Raymond ang lahat ng sinabi ni lolo Robert sa kanya.Ngumiti naman si Raymond at saka nya bahagyang inabot ang dulo ng buhok ni Sophia at saka nya hinaplos ito."Ginagawa ko na nga ang mga bagay na ito para sa’yo pero nag aalala ka pa rin?" sabi ni Raymond kay Sophia at bahagya pa nga siyang tumawa.Saglit naman na natigilan si Sophia nang maramdaman nga niyang marahang hinawakan ni Raymond ang kanyang baba. Banayad ang haplos nito na para bang pinapakalma siya nito."Bago ka pumasok sa loob gusto mo ba na halikan kita?" tila nang aakit ang boses na sabi ni Raymond kay Sophia pero
CHAPTER 102Kakaabot pa lamang nga ni Sophia kay Raymond ng mga impormasyon na iyon at wala pa ngang isang oras ang nakakalipas ay nadisgrasya na nga kaagad si Raymond sa isang kahindik hindik na aksidente.Bigla tuloy napaisip si Sophia kung sino naman ang gagawa nito kay Raymond at kung paano nga nalaman ng mga ito ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Raymond.Nakagat na lamang nga ni Sophia ang kanyang pang ibabang labi at bigla nga niyang naisip ang mapagkunwaring mukha ni David.“David Bustamante pagbabayaran mo ito,” sabi ni Sophia sa kanyang isipan at naikuyom na nga lamang niyaang kanyang kamaoBigla namang nagdilim ang mukha ni Sophia at saka nga niya hinawakan ang kamay ni Raymond.Agad naman na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Han’s Hospital ni Dr. Gerome Martinez. Habang nasa byahe nga rin sila ay tinawagan na nga ni Sophia si Dr. Gerome kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin nga sila.Tahimik lamang naman na sumunod si Soph
CHAPTER 102.2Samantala naman sa mansyon ng pamilya Bustamante ay nakatanggap ng balita si David mula sa kanyang mga tauhan. At talaga namang nagalit si David sa ibinalita ng kanyang mga tauhan dahil hindi nga nakuha ng mga ito ang mga dokumento na hawak ni Raymond.“Tsk. Talaga ngang kakaiba itong si Raymond dahil may mga bodyguard pa talaga siya kaya hindi nakuha ng mga tauhan ko ang mga dokumento na iyon,” sabi ni David habang nakakuyom nga ang kanyang kamao matapos niyang makausap ang kanyang mga tauhan. Habang naghihintay si David sa paliwanag ng kanyang mga tauhan ay nakita nga nya ang trending research sa internet.[ Auction of the Manuscript of Theresa Flores ]Ang balita na iyon sa internet ay agad ngang kumalat at nag umpisa na nga na magkagulo ang mga tao na nais na makuha iyon.Matapos mailabas ang balita na iyon ay hindi lamang mga tao sa mga mataas na uri sa syudad ang nakaalam ng tungkol doon kundi pati na rin ilang mga banyagang siyentipiko na gusto rin makuha ang man
CHAPTER 103Wala namang emosyon ang mata ni Sophia habang tahimik nyang tinitingnan ang lalaking nakalugmok sa lupa.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nga nya idinial ang number ni Harold at ng sagutin na nga nito ang kanyang tawag ay may sinabi lamang sya saglit dito at agad na nga rin niyang pinutol ang kanilang tawag. Pagkatapos nga nilang mag usap na dalawa ay malamig naman niyang tiningnan muli ang lalaking driver na si Emman Salvador.Patuloy naman sa pagsigaw at pagmumura ang lalaking driver na iyon habang nanatili nga itong nakatali ang kamay at paa.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita,” sabi ni Sophia kay Emman at saka sya mahinang tumawa rito. “Mayroon akong dinidevelop na bagong modelo ng sasakyan. At hindi pa iyon naisasailalim sa testing kaya naman inaasahan kong aabutin pa ng ilang taon bago ito opisyal na mailabas sa merkado,” sabi pa ni Sophia at sandali pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka nga nya seryosong tiningn
Hindi naman nga namalayan pa ni Raymond na napaparami na pala ang pag inom niya ng alak. At nang kinailangan na nga ni Sophia na gumamit ng banyo ay naunahan nga siya ni Angelo sa pagpunta sa banyo.“Raymond lalabas lang ako saglit ha. Gagamit lang ako ng CR sa labas,” pagpapaalam nga ni Sophia kay Raymond.Bagamat nakarami na nga ng inom ng alak si Raymond ay hindi naman halata sa mukha nito na lasung nga ito. At malinaw pa rin nga ang mga mata nito.“Sasamahan na kita,” sabi ni Raymond at akmang tatayo na nga sana siya ng pigilan nga siya ni Sophia at hinawakan nga siya nito sa braso.“Hindi mo naman na ako kailangan pang samahan. Hindi naman na ako bata,” sabi ni Sophia kay Raymond.Pagkasabi nga ni Sophia noon ay agad na nga itong tumayo at mabilis na lumabas sa private room na iyon at tila ba takot na takotnga ito na sundan siya ni Raymond.Pagkalabas nga ni Sophia ay sakto naman nga na tumunog ang kanyang cellphone na naiwan niya sa mesa. Kaya naman napatingin nga si Raymond sa
chapter 156Si Raymond nga ang bida ngayong gabi. At walang sinuman nga ang namimilit sa kanya na umimom ng alak. Hinayaan lamang din siyang mga kasama nya roon na uminom na lamang ng juice ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay magiging magalang na sa kanya ang mga tao.“Sa wakas ay mayroon na ring nagkagusto kay Raymond. Hindi rin biro ang maging singlr ng ganoon katagal,” may bahid ng panunuya na sabi ni Angelo.At dahil nga sa sinabi na iyon ni Angeli ay tila ba naging inosente nga ang dating ni Raymond kahit pa malunaw nga sa kanyang itsura ang pagiging playboy.Napalingon naman nga si Raymond sa gawi ni Sophia at sinalubong nga niya ang tingin ng dalaga na bahagya pa ngang nakataas ang kilay.“Bakit?” tanong ni Raymond kay Sophia.“Wala naman. Pakiramdam ko lang ay hindi bagay sa’yo ang pagiging inosente,” sagot ni Sophia.Bahagya naman nga na ngumiti si Raymond at napapailing na lamang din talaga sya dahil sa sinabi ni Sophia.“Hindi ba at ikaw ang tunay na nakakaalam kung ino
Lalo naman ngang nadagdagan ang pagkainis ni Angelo. At dahil nga roon ay agad nga niyang kinuha ang kanyang lightar at balak na nga sana niyang sindihan ang sigarilyo. Pero bago pa man nga magawa ni Angelo iyon ay agad nga niyang napansin ang malamig na tingin ni Raymond sa kanya kaya naman napahinto nga siya sakanyang binabalak gawin.“Hindi gusto ni Sophia ang amoy ng sigarilyo. Kaya tiisin mo na lang muna yan,” walang pakialam na sabi ni Raymond.Napakurap kurap naman nga si Angelo dahil sa sinabi na iyon ni Raymond at tila ba hindi nga siya makapaniwala rito.Nang pumasok kasi sila roon kanina ay nabanggit na nga ni Raymond na ayaw nga ni Sophia ang amoy ng sigarilyo pero hindi nga niya iyon binigyang pansin. At ngayon nga lang niya napagtanto na seryoso pala talaga ito.“Tsk. O sige na nga,” tila napipilitan nga na sagot ni Angelo at saka nga niya ibinalik ang isang sigarilyo sa kaha.Hindi naman kadi ganoon kawalang hiya si Angelo. Dahil kung may isa mang tao sa kanilang grupo
CHAPTER 155Ibang iba nga talaga si Raymond kay Francis. Dahil kung hindi nga seryoso si Raymond dito ay hindi nga niya ipapakilala si Sophia sa mga taong ito. Kung hindi nga siya seryoso ay hindi nga niya hahayaan si Angelo na tawaging ‘hipag’ si Sophia na katumbas ng pagkilala sa kanya bilang bahagi na ng kanilang grupo.Sa kanila kasing mundo ang salitang ‘hipag’ ay hindi basta basta ginagamit.Hindi naman maiwasan ni Sophia na mapatingin kay Raymond na kasalukuyang walang pakialam na nagbabasa ng menu. Pero napansin nga ni Raymond na nakatingin nga sa kanya si Sophia kaya naman nag angat nga siya ng kanyang tingin at tiningnan nga rin niya ang dalaga.Napadiretso naman ng pagkakaupo nya si Sophia ng makita nga niya na nakatingin na rin sa kanya si Raymond. Bigla nga siyang nakaramdam ng kakaibang kilig.Sa pagkakataon nga na iyon ay hindi na iyon isang guni guni lamang. Matagal ngang pinagmasdan ni Sophia si Raymond ngunit ang lambing sa mga mata nito ayhindi nga nawala.Ang bana
Lihim pa nga na pinagmasdan ng waiter na iyon si Sophia. Noon kasi tuwing kasama nga nito si Francis ay laging perpekto nga ang make up ng dalaga at tilaba nagpapahiwatig nga iyon na isa siyang tao na mahirap abutin. Pero ngayon nga ay tila nawala nga ang lamig ng kanyang itsura at tila ba may kakaibang lambing at katahimikan sa kanyang aura. At ang malinis at elegante nga nitong dating ay hindi nga kayang dayain.Saglit pa nga na natulala ang waiter kay Sophia ngunit agad nga rin nitong napansin ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Raymond. Ang dating banayad na ngiti ng binata ay biglang naglaho at ang kanyang madilim na mga mata ay tila ba naging kasung lamig ng yelo.Nagulat naman nga ang waiter kaya naman agad nga itong yumuko.“Ms. Marquez, Mr. Villamayor this way please,” sabi ng waiter saka nga ito bahagyang yumuko at nauna na nga na naglakad.Agad naman nga na sumunod sila Sophia at Ratmond sa waiter at dinala nga sila nito sa isang private room kung saan nga madalas pumunta
CHAPTER 154“Bakit nga pala ikaw ang nagmamaneho? Nandito na ba tayo?” tanong ni Sophia at napansin nga niya na nakarating na nga sila sa isang restaurant.“Huwag kang kabahan. Kakain lang naman tayo,” sagot naman ni Raymond habang pinapatay nga niya ang makina ng kanyang sasakyan. At dahil nga kailangan niyang alisin ang susi ay napilitan nga siya na bitawan ang kamay ni Sophia.“Ako? Kakabahan?” natatawa pa na turan ni Sophia.Sa totoo lang ay wala naman talagang dahilan para kabahan siya at alam din naman nga iyon ni Raymond. Sa dami ba naman ng okasyon na napuntahan ni Sophia ay bakit nga naman siya kakabahan sa isang simpleng salo salo lang.Hinawakan na nga ni Raymond ang pulso ni Sophia at handa na nga itong alalayan siya palabas ng sasakyan. Ngunit sandali ngang natigilan si Sophia. Tinitigan nga niya ang mukha ng binata at saka nga siya kumuha ng tissue mula sa kanyang bag at saka nga niya iniabot ito sa binata.“May marka pa ng lipstick ang kabi mo. Punasan mo na muna yan ba
Nang mapansin nga ito ni Sophia ay hindi nga niyamaiwasan na mapakunot ang noo habang nakataas ang kilay.“Linoloko mo ba ako?” tanong ni Sophia kay Raymond.“Hindi ko magagawa ang bagay na yun Sophia,” sagot naman ni Raymond pero ang mga mata nga nito ay nanatiling mapanukso.At kahit nga tapos na niyang ayudin ang seatbelt ni Sophia ay hindi pa rin nga siya lumayo kay Sophia. Bagkus ang kamay nga niya na nakahawk sa buckle ay biglang gumapang papunta sa kanyang baywang.Bigal naman ngang napapitlag si Sophia. Alam niyang sensitive ang bahaging iyon at bihira nga diyang hawakan ni Raymond doon. Pero sa mga oras nga na iyon ay hindi nga siya umiwas. At sa halip nga ay bahagya pa nga siyang nanginig dahil sa mainit na palad ng binata.Nakalaylay nga ang mahabng buhok ni Sophia sa likurannniya at kahit nga wala siyang kahit na naong kolorete sa mukha sa malapitan ay lalo pa ngang lumutang ang kanyang natatanging ganda na simple lang at tila ba napakabata nga nitong tingnan.Ang maouti n
CHAPTER 153Samantala naman katatapos lang basahin ni Sophia ang ilang kontrata bago ang itinakdang pagkikita nila nina Jeffrey at Angelo.Alam naman ni Sophia na mayroon talagang mga lalaki na walang kwenta. Paano na nga ba ang kasabihan na ang anyo ng asawa ay siyang dangal ng may bahay. Bagama’t hindi pa nga nasa ganoong relasyon sila Raymond at Sophia ay madalas naman itong nagpipigil sa harap ng iba. Kaya naman gusto rin nga ni Sophia na ipanalo ang laban para kay Raymond.Kung tutuusin ang ginagampanan na nga nito na papel ay parang sugar daddy at munting bituin sa buhay niya kaya naman hindi na rin imposible na lambingin ito paminsan minsan.Kaya naman nag ayos nga ng maigi si Sophia ngayon. Nagsuot nga siya ng bestida at naglagay na rin nga siya ng simpleng make up lamang kaya naman nagmukha nga siyang parang isang makinang na bituin na handang maglakad sa red carpet anumang sandali.Nang makita nga ni Raymond ang ayos na iyon ni Sophia ay hindi nga niya naiwasan na mapaluno
Pero sa totoo lang ay wala namang may makalumang pag iisip sa pamilya Mendoza. At ang dahilan nga kung bakit hindi nila hinabol si Sophia noon ay dahil hindi pa kumalat ang balita ng divorce na nga ito kay Francis. Pero sino nga ba ang mag aakala na mauunahan sila ni Raymond?Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Angelo ngayon dahil hindi naman nga niya magawang magreklamo. At sa huli nga ay wala siyang nagawa kundi ang lunukin ang pagkainis niya.**********“Tumawag nga pala ang kaibigan ko kanina. Gusto mo ba siyang makilala?” deretsahan nga na sinabi ni Raymond kay Sophia ang tungkol sa relasyon niya pamilya Mendoza.“Sabihin mo lang kung kailan at saan,” nakangiti naman na sagot kaagad ni Sophia at talagang hindi na nga siya tumanggi rito.Nang marinig nga ni Raymond na pumayag si Sophia ay napatikhim nga siya bigla.“B-Baka nga pala makilala mo na rin si Jeffrey Cristobal,” sabi ni Raymond.Napakurap kurap naman si Sophia dahil sa sinabi na pangalan ni Raymond.“J-Jeffrey Cristoba