CHAPTER 100Tila sinasadya naman ni Raymond na bitawan ang mga salitang iyon kay Desiree. Gusto kasi nitong siguraduhin na hindi na nga nito muling babanggitin pa si Francis kay Sophia.Alam naman nilang hindi madaling kausap ang pamilya Villamayor ngunit hindi rin biro ang pamilya Bustamante. Hindi lamang para kay Desiree ang mga salitang iyon ni Raymond kundi ito ay para rin marinig nina lolo Robert at Francis.Hindi hahayaan ni Raymond na basta basta na lamang lalapitan ng pamilya Villamayor si Sophia ngunit sa parehong paraan ay nais niyang ipabatid sa pamilya Bustamante na dapat silang magkaroon ng kaunting konsensya at kamalayan.Si Desiree na dati ay mabilis ang dila at laging may sagot ay ngayon ay biglang natahimik na lamang.Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si David at tumabi nga ito sa kanyang anak na si Desiree habang may ngiti sa labi dahil gusto nya sanang ayusin ang sitwasyon."Pasensya na Mr. Raymond. Si Desiree ay medyo bata pa at minsan ay padalos dalos pa sa
CHAPTER 101Nanatili naman na nakatingin si Sophia sa mga dokumento na hawak niya. At habang tinitingnan nga niya ang makapal na mga dokumento na iyon ay para bang nakikinita ni Sophia ang malambing na mga mata ng kanyang ina na si Theresa.Nakaramdam ng pagkalito si Sophia at para bang biglang kumirot ang kanyang puso. Tila ba ang lahat ng landas na tinatahak niya ngayon ay ang kanyang ina na si Theresa ang nagtakda. Bigla tuloy naalala ni Sophia na noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na nga ng kanyang ina sa kanya si Jacob. At noong mga panahon na iyon ay wala pa nga siyang labinlimang taong gulang.Upang maprotektahan nga ni Theresa si Jacob ay isinantabi nga niya ang kanyang dangal. Lumuhod siya sa harap ni Nelson upang makiusap dito. Ito lamang kasi ang nakikitang paraan ni Theresa noon upang magkaroon ng tahimik at payapang buhay si Jacob kaya humingi siya ng tulong sa lalaking matagal na niyang kinamumuhian.Kaya naman lumaki si Jacob na masaya. Samantalang si Sophia ay nabu
CHAPTER 101.2Samantala naman mabilis na binagtas ni Raymond ang kalsada. At agad nga silang dumiretso sa tinitirhan ni Sophia na apartment.Pagkababa nila ng sasakyan ay agad nga na iniabot ni Sophia kay Raymond ang makapal na dokumento na dala niya."Gumawa ka ng backup at ipasa mo ito sa research institute," mahinang sabi ni Sophia kay Raymond.Habang nasa daan pa sila kanina ay naikuwento na niya kay Raymond ang lahat ng sinabi ni lolo Robert sa kanya.Ngumiti naman si Raymond at saka nya bahagyang inabot ang dulo ng buhok ni Sophia at saka nya hinaplos ito."Ginagawa ko na nga ang mga bagay na ito para sa’yo pero nag aalala ka pa rin?" sabi ni Raymond kay Sophia at bahagya pa nga siyang tumawa.Saglit naman na natigilan si Sophia nang maramdaman nga niyang marahang hinawakan ni Raymond ang kanyang baba. Banayad ang haplos nito na para bang pinapakalma siya nito."Bago ka pumasok sa loob gusto mo ba na halikan kita?" tila nang aakit ang boses na sabi ni Raymond kay Sophia pero
CHAPTER 102Kakaabot pa lamang nga ni Sophia kay Raymond ng mga impormasyon na iyon at wala pa ngang isang oras ang nakakalipas ay nadisgrasya na nga kaagad si Raymond sa isang kahindik hindik na aksidente.Bigla tuloy napaisip si Sophia kung sino naman ang gagawa nito kay Raymond at kung paano nga nalaman ng mga ito ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Raymond.Nakagat na lamang nga ni Sophia ang kanyang pang ibabang labi at bigla nga niyang naisip ang mapagkunwaring mukha ni David.“David Bustamante pagbabayaran mo ito,” sabi ni Sophia sa kanyang isipan at naikuyom na nga lamang niyaang kanyang kamaoBigla namang nagdilim ang mukha ni Sophia at saka nga niya hinawakan ang kamay ni Raymond.Agad naman na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Han’s Hospital ni Dr. Gerome Martinez. Habang nasa byahe nga rin sila ay tinawagan na nga ni Sophia si Dr. Gerome kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin nga sila.Tahimik lamang naman na sumunod si Soph
CHAPTER 102.2Samantala naman sa mansyon ng pamilya Bustamante ay nakatanggap ng balita si David mula sa kanyang mga tauhan. At talaga namang nagalit si David sa ibinalita ng kanyang mga tauhan dahil hindi nga nakuha ng mga ito ang mga dokumento na hawak ni Raymond.“Tsk. Talaga ngang kakaiba itong si Raymond dahil may mga bodyguard pa talaga siya kaya hindi nakuha ng mga tauhan ko ang mga dokumento na iyon,” sabi ni David habang nakakuyom nga ang kanyang kamao matapos niyang makausap ang kanyang mga tauhan. Habang naghihintay si David sa paliwanag ng kanyang mga tauhan ay nakita nga nya ang trending research sa internet.[ Auction of the Manuscript of Theresa Flores ]Ang balita na iyon sa internet ay agad ngang kumalat at nag umpisa na nga na magkagulo ang mga tao na nais na makuha iyon.Matapos mailabas ang balita na iyon ay hindi lamang mga tao sa mga mataas na uri sa syudad ang nakaalam ng tungkol doon kundi pati na rin ilang mga banyagang siyentipiko na gusto rin makuha ang man
CHAPTER 103Wala namang emosyon ang mata ni Sophia habang tahimik nyang tinitingnan ang lalaking nakalugmok sa lupa.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nga nya idinial ang number ni Harold at ng sagutin na nga nito ang kanyang tawag ay may sinabi lamang sya saglit dito at agad na nga rin niyang pinutol ang kanilang tawag. Pagkatapos nga nilang mag usap na dalawa ay malamig naman niyang tiningnan muli ang lalaking driver na si Emman Salvador.Patuloy naman sa pagsigaw at pagmumura ang lalaking driver na iyon habang nanatili nga itong nakatali ang kamay at paa.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita,” sabi ni Sophia kay Emman at saka sya mahinang tumawa rito. “Mayroon akong dinidevelop na bagong modelo ng sasakyan. At hindi pa iyon naisasailalim sa testing kaya naman inaasahan kong aabutin pa ng ilang taon bago ito opisyal na mailabas sa merkado,” sabi pa ni Sophia at sandali pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka nga nya seryosong tiningn
CHAPTER 103.2“Sophia ang bilis na ng sasakyan. Tama na yan,” sabi ni Louie habang nanatiling matalim ang tingin niya sa rumaragasang sasakyan at napakunot na lamang talaga ang kanyang noo dahil sa labis na pagaalala.Ngunit imbis na mag alala si Sophia ay nagyuko nga siyang kanyang ulo habang tinitingnan ang remote control.“Anong mabilis? Kung talaga ngang sira ang sasakyan na ito ay ganyan talaga ang magiging bilis nito,” malamig na sagot ni Sophia kay Louie. “At ngayon naman ay kailangan nating subukan kung gaano ito katibay kapag nabangga,” dagdag pa ni Sophia.Pinaharurot naman lalo ni Sophia ang sasakyan kung saan nga nakasakay si Emman at diretsong isinalpok nya ito sa pader.“Sophia tama na sabi yan,” saway ni Louie kay Sophia at ramdam na rin kasi niya na tuluyan ng nawalan sa katinuan si Sophia.Hindi naman pinansin ni Sophia ang sinabi na iyon ni Louie. At muli nga ay pinagalaw niya ang sasakyan at ilang saglit lamang nga ay lalo pa nga itong bumilis.Bigla namang nangilab
CHAPTER 104“Hindi pa ito sapat,” sabi ni Sophia habang nakakuyom nga ang kanyang kamao at saka nya nga ulit kinuha ang remote control at muli nga ay pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track.“Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Emman.Paranamnag walang naririnig si Sophia at nanatili pa nga rin na walang emosyon ang kanyang mukha.“Sophia tama na yan,” saway ni Louie kay Sophia at saka nya nga ito hinawakan sa pulso at pilit na pinapaklama.Mariin naman na hinawakan ni Sophia ang remote control ng sasakyan na iyon.“Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatili nga na malamig. “Kung nagawa nyang gawin ang ganitong bagay ay ibig sabihin lang no’n ay wala syang pakialam sa buhay ni Raymond. Kaya bakit ko naman sya kaaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Sophia.Tumingin naman si Sophia sa gawi kung nasaan ang sasakyan at pinagmasdan nga niya ang takot na takot na mukha ni Emman. Paulit ulit nga niyang pinindo
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal
Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali