CHAPTER 102.2Samantala naman sa mansyon ng pamilya Bustamante ay nakatanggap ng balita si David mula sa kanyang mga tauhan. At talaga namang nagalit si David sa ibinalita ng kanyang mga tauhan dahil hindi nga nakuha ng mga ito ang mga dokumento na hawak ni Raymond.“Tsk. Talaga ngang kakaiba itong si Raymond dahil may mga bodyguard pa talaga siya kaya hindi nakuha ng mga tauhan ko ang mga dokumento na iyon,” sabi ni David habang nakakuyom nga ang kanyang kamao matapos niyang makausap ang kanyang mga tauhan. Habang naghihintay si David sa paliwanag ng kanyang mga tauhan ay nakita nga nya ang trending research sa internet.[ Auction of the Manuscript of Theresa Flores ]Ang balita na iyon sa internet ay agad ngang kumalat at nag umpisa na nga na magkagulo ang mga tao na nais na makuha iyon.Matapos mailabas ang balita na iyon ay hindi lamang mga tao sa mga mataas na uri sa syudad ang nakaalam ng tungkol doon kundi pati na rin ilang mga banyagang siyentipiko na gusto rin makuha ang man
CHAPTER 103Wala namang emosyon ang mata ni Sophia habang tahimik nyang tinitingnan ang lalaking nakalugmok sa lupa.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nga nya idinial ang number ni Harold at ng sagutin na nga nito ang kanyang tawag ay may sinabi lamang sya saglit dito at agad na nga rin niyang pinutol ang kanilang tawag. Pagkatapos nga nilang mag usap na dalawa ay malamig naman niyang tiningnan muli ang lalaking driver na si Emman Salvador.Patuloy naman sa pagsigaw at pagmumura ang lalaking driver na iyon habang nanatili nga itong nakatali ang kamay at paa.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita,” sabi ni Sophia kay Emman at saka sya mahinang tumawa rito. “Mayroon akong dinidevelop na bagong modelo ng sasakyan. At hindi pa iyon naisasailalim sa testing kaya naman inaasahan kong aabutin pa ng ilang taon bago ito opisyal na mailabas sa merkado,” sabi pa ni Sophia at sandali pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka nga nya seryosong tiningn
CHAPTER 103.2“Sophia ang bilis na ng sasakyan. Tama na yan,” sabi ni Louie habang nanatiling matalim ang tingin niya sa rumaragasang sasakyan at napakunot na lamang talaga ang kanyang noo dahil sa labis na pagaalala.Ngunit imbis na mag alala si Sophia ay nagyuko nga siyang kanyang ulo habang tinitingnan ang remote control.“Anong mabilis? Kung talaga ngang sira ang sasakyan na ito ay ganyan talaga ang magiging bilis nito,” malamig na sagot ni Sophia kay Louie. “At ngayon naman ay kailangan nating subukan kung gaano ito katibay kapag nabangga,” dagdag pa ni Sophia.Pinaharurot naman lalo ni Sophia ang sasakyan kung saan nga nakasakay si Emman at diretsong isinalpok nya ito sa pader.“Sophia tama na sabi yan,” saway ni Louie kay Sophia at ramdam na rin kasi niya na tuluyan ng nawalan sa katinuan si Sophia.Hindi naman pinansin ni Sophia ang sinabi na iyon ni Louie. At muli nga ay pinagalaw niya ang sasakyan at ilang saglit lamang nga ay lalo pa nga itong bumilis.Bigla namang nangilab
CHAPTER 104“Hindi pa ito sapat,” sabi ni Sophia habang nakakuyom nga ang kanyang kamao at saka nya nga ulit kinuha ang remote control at muli nga ay pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track.“Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Emman.Paranamnag walang naririnig si Sophia at nanatili pa nga rin na walang emosyon ang kanyang mukha.“Sophia tama na yan,” saway ni Louie kay Sophia at saka nya nga ito hinawakan sa pulso at pilit na pinapaklama.Mariin naman na hinawakan ni Sophia ang remote control ng sasakyan na iyon.“Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatili nga na malamig. “Kung nagawa nyang gawin ang ganitong bagay ay ibig sabihin lang no’n ay wala syang pakialam sa buhay ni Raymond. Kaya bakit ko naman sya kaaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Sophia.Tumingin naman si Sophia sa gawi kung nasaan ang sasakyan at pinagmasdan nga niya ang takot na takot na mukha ni Emman. Paulit ulit nga niyang pinindo
CHAPTER 104.2“Ms. Sophia ito po ba ang bagong sasakyan na inyong dinivelop?” tanong ng assistant ni Raymond kay Sophia at hindi nga nito napigilan ang kanyang sarili na pumalakpak dahil talagang namangha siya sa sasakyan na iyon."Ang sasakyan na ito ay dinisenyo lamang upang subukin ang performance nito at kinakailangan pa itong ma-optimize nang maraming beses sa hinaharap," sagot ni Sophia rito at saka nga sya dahan dahan na naglakad palapit sa sasakyan na iyon na halos mawasak na nga.“Emman anong pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Sophia habang tinitingnan nga niya si Emman na may umaagos na dugo mula sa noo nito.Bigla namang pinanghinaan ng loob si Emman at agad nga ito na nagkubli na parang bata dahil totoong takot na takot nga ito ngayon.Ang dahilan kasi ni Emman sa walang habas na pag atake kay Raymond ay dahil na rin sa mayroon nga siyang malubhang sakit at alam niya na hindi na nga siya magtatagal kaya naman nagdesisyon siya na saktan si Raymond ng walang pag aalinlangan.
CHAPTER 105Pagkatapos na magsalita ni Sophia ay agad na nga rin siyang sumakay sa sasakyan ni Louie. Agad naman din na sumunod si Louie kay Sophia habang hindi nya inaalis ang tingin nya rito.Nang maisara na ang bintana ng sasakyan ay tanging sila na lamang na dalawa ang natira sa loob ng sasakyan ni Louie.“Phia napakalupit mo,” mahinahong sabi ni Louie kay Sophia habnag dahan dahan na niyang pinapaandar ang sasakyan.Hindi naman na nagsalita pa si Sophia. Alam na rin naman ni Louie kung saan nga pupunta si Sophia dahil alam nya na sa ospital ito pupunta para dalawin si Raymond.Nanatili naman na walang imik si Sophia at saka nga niyahinawakan ang hibla ng kanyang buhok na nasa noo niya. Bigla tuloy nyang naalala si Raymond dahil kapag kasama nga nya ito ay palagi nga nitong inaayos ang buhok ni Sophia at hinahaplos nga ito ng dahan dahan.Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ni Sophia. Naalala na naman kasi niya ang imahe ni Raymond na nakahandusay habang duguan ito at may kirot siy
Tiningnan naman ni Sophia si Raymond at nagtagpo nga ang kanilang mga mata at nakita nga ni Sophia na bahagya nga na nakangiti ang binata.“Raymond gusto mo na naman akong bitagin,” sabi ni Sophia sa binata.Kanina pa kasi gising si Raymond pero sa halip na alalahanin nga nito ang kanyang sarili ay ang una nga na sinabi nito sa kanya ay ang tungkol sa mga impormasyon na iyon ng kanyang ina na si Theresa na wala nga raw ibang makakuha no’n.Mahina naman na natawa si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia at kahit nga namumutla nga ito ay nagawa pa talaga nito tumawa.Ngunit bago pa man makapagsalita si Raymond ay hinawakan nga ni Sophia ang kanyang mukha at saka nito dinampian ng magaan na halik ang labi ng binata.Nagulat naman si Raymond sa ginawa na iyon ni Sophia at katahimikan nga ang namayani sa kanila roon.Medyo nalalasahan pa nga ni Sophia ang dugo mula sa labi ni Raymond at kasabay nga no’n ay ang malkas na amoy ng gamot mula sa katawan ng binata.“Sophia hindi pa nawawala
CHAPTER 106Sa kabila ng kondisyon ni Raymond na iyon ay nagawa pa rin talaga nito na magbiro ng ganon.Napatingin naman si Louie kay Sophia at may bahid ng pagkadismaya ang tingin nya rito.“Phia pakibantayan naman ang lalaki mo,” sabi ni Louie kay Sophia.Bigla namang nag vibrate ang cellphone ni Raymond at nakita nga niya na may pinadalang mensahe ang kanyang assistant kaya naman agad nya iyong binuksan at binasa.[ Ang manuscript ni Theresa tungkol sa holography ay isusubasta na sa susunod na tatlong araw.]Pagkabasa ni Raymond ng mensahe ng kanyang assistant ay dahan dahan nga siya na nagtaas ng kanyang tingin kay Sophia.“Ibebenta mo ang manuscript ng iyong ina?” tanong ni Raymond kay Sophia.Hindi naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond. Alam naman nya kasi na ang assistant nito ang nagsabi rito ng tungkol sa bagay na iyon dahil alam naman nya na tapat nga iyon kay Raymond kaya hindi nya talaga ito maitatago kay Raymond.“Ang manuscript na iyon ay magdadala lama
Dahil sa magandang ugali, kagandahan at talino ni Sophia ay hindi lubos maisip ni Raymond na basta na lamang nga ito babalik kay Francis upang maging personal secretary nito muli.Kahit naiintindihan niya si Sophia ay hindi niya mapigilang mag alala. Natatakot siyang baka bigla itong magdesisyong bumalik kay Francis nang hindi pinag iisipan.Katahimikan naman ang bumalot sa buong silid na iyon at nagpatuloy nga lamang si Sophia sa kanyang ginagawa. At nang mapansin nga niya na mahuhulog na ang balat ng mansanas sa sahig ay agad nga niyang hinila ang basurahan gamit ang kanyang paa.Lumipas pa nga ang ilang sandali at wala pa rin nga siyang sagot kay Francis. Tahimik at kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon na para bang walang anumang nangyayari.Nagpatuloy na nga lamang sila Francis at Raymond sa kanilang pag uusap tungkol sa negosyo pero halata mo sa kanilang mga kilos na hindi talaga nila iyon iniisip at pareho nga silang nakatuon kay SophiaSa unang pagkakataon ay pareho nilang na
CHAPTER 112Nagulat naman si Sophia sa ginawang paghalik na iyon ni Raymond sa kanya. Hindi na lamang nga siya nagreact pa at hindi rin naman sya tumugon dito. Nang matapos siyang halikan ni Raymond ay tiningnan nga lamang ito ng malamig ng dalaga at para bang walang epekto sa kanya ang ginawa nito.Samantala naman si Raymond ay napangiti na lamang talaga. Para bang nakakita sya ng isang bagay na nakakatuwa.Napatingin naman si Sophia kay Francis at bigla nga syang napaisip kung ano kaya ang dahilan ng pagpunta nito rito.Ngunit hindi naman na rin mahalaga pa kay Sophia kung ano man ang dahilan ni Francis. Kinuha na lamang nga muli ni Sophia ang kutsilyo kay Raymond at bumalik na nga lamang siya sa kanyang ginagawa.Bago pa man makapagsalita nga si Francis para sabihin kay Sophia na bumalik na nga ito sa kanyang dating posisyon ay nakapagdesisyon na nga si Sophia na hindi na bumalik sa Bustamante Group of Company kailanman.Sa mga sandaling iyon ay tila ba naglaho ang sakit ng mga sug
Walang iba iyon kundi si Sophia. Mukha ngang nag aalala ito dahil sa nakalimutan nga nitong magdala ng regalo para sa binata kaya naman bumaba nga ito muli at agad na nagpunta ng fruit shop upang bumili ng mga prutas.Pinagmasdan naman ni Raymond ang papalayo na si Sophia at hindi nga siya kumukurap man lang. Hindi niya kayang isipin kung paano magalit si Sophia kapag nalaman niyang nakaligtas na si Emman.“Ano ang gusto mong ipusta sa akin?” tanong ni Raymond.“Pipilitin kong ilipat siya mula sa project department at gawing chief secretary ko ulit. Gusto mo bang pumusta?” Sagot ni Francis.“Gusto mong pumusta kung papayag si Sophia na maging sekretarya mo ulit?” tanong ni Raymond kay Francis habang seryoso nga nya itong tinititigan. “Sige magpustahan tayo. Pero kapag hindi pumayag si Phia na maging sekretarya mo ulit ay ibabalik mo sa amin si Emman,” dagdag pa ni Raymond."Pero kung pumayag siyang maging sekretarya ko muli ay kailangan mong isuko ang proyektong na kamakailan lang
CHAPTER 111"Pinalayas mo si Sophia pero kaya mong ipasok ang sarili mo? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ay maaari pa bang tawaging matibay ang isang tatsulok?" punong puno ng panunuya ang tono ni James ng sabihin nya iyon kay Bianca.Namula naman bigla ang mukha ni Bianca."Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon niyo. Nasa kumpanya pa rin naman si Sophia at siya na ngayon ang direktor ng project department. Hindi ba't isang malaking hakbang ito para sa kanya?" sagot ni Bianca kay James."Tanga ka ba talaga o nagkukunwari lang?" tila naiinis ng sabi ni James sa dalaga. "Bilang chief secretary at assistant ni Mr. Francis ay halos kasing antas ko na ang mga direktor ng iba't ibang departamento at kung hindi man higit pa sa kanila. Si Sophia ay kahit inilipat sa project department ay ipinakita lang na may promosyon sa pangalan nya pero sa totoo lang ay isa iyong demotion,” dahdag pa ni James.Hindi naman nakapagsalita si Bianca dahil halata nya na naiinis na nga ang binata sa kanya."Si
Matapos kasing alukin si Bianca ng oportunidad ng kabilang kumpanya ay nagsagawa pa siya ng panibagong pagsusuri. At doon nga niya nalaman na kung matutuloy ang kasunduan kay Michael ay napakalaking halaga ang ilalabas ng mga Bustamante at wala pa nga itong kasiguraduhan kung mababawi pa ba ito.Kung nagkamali nga sila ng hakbang ay maaaring ma-freeze ang working capital ng kumpanya at iyon ang magiging sanhi ng pagbagsak nito. Nang matuklasan nga ito ni Bianca ay pakiramdam niya ay bumagsak ang kanyang mundo.Alam rin ni Bianca na kung sakali nga na nangyare ang lahat ng iyon ay kakalat nga ang balita na iyon. At kapag nga lumabas ang tungkol dito ay hindi si Sophia ang pagtatawanan ng lahat kundi siya mismo.Ngayon nga ay wala na siyang ibang magagawa kundi ang magmakaawa kay Francis. Kung papayagan siya nitong makabalik sa kumpanya nito ay kahit papaano ay may maipagmamalaki pa rin siyang posisyon bilang sekretarya.At higit pa roon ay kahit papaano ay mawawala ang tingin ng iban
CHAPTER 110Si James ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Francis. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Khate at Sophia.Sa loob ng kumpanya ng mga Bustamante ay maaaring sabihin na ang katayuan ni James ay kapantay o baka higit pa nga sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya.Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Sophia at Khate ay madalas na nasa labas ng bansa si James upang makipag negosasyon. Bihira na nga siyang makita sa opisina. Tulad ni Francis ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa.Noong unang pumasok si Sophia bilang sekretarya ay hindi siya pinansin ni James. Ni hindi nga siya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Ngunit nang matagumpay niyang maisara ang isang mahalagang kasunduan sa ibang bansa ay doon lang siya tuluyang kinilala ni James. Sa katunayan nga ay siya mismo ang nagrekomen
Sa likod ng malumanay niyang kilos ay nagkukubli ang isang mabangis na nilalang na para bang isang hayop na handang umatake sa kahit na sino at puno ng diskarte at kalupitan. Kung gayon ay ganito pala siya kapag may nais siyang makuha.Parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ni Francis kaya namna napabuntong hininga na lamang nga siya.Pinanood niya muli ang video ngunit sa halip na masindak ay may kung anong kakaibang emosyon ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya maitatangging ang ganitong tapang at ang ganitong pagiging agresibo ay may isang kakaibang pang-akit.Tulad ng isang pulang rosas na namumukadkad sa gitna ng madilim na gabi ay mapanganib ito ngunit hindi mo kayang alisin ang tingin mo rito.Hindi namnan siya makatingin sa iba. At tanging si Sophia lamang ang nais niyang pagmasdan ngayon. At nang sumapit na nga ang madaling araw ay naroon pa nga rin siya. Hindi man lang kumurap at ni hindi inalis ang tingin sa screen.Dahan dahan naman na hinaplos ni Francis an
CHAPTER 109Ginawa naman ni Raymond ang lahat para lamang matupad ang kanyang hangarin kaya naman kahit ang kanyang assistant na si Kenneth ay hindi rin talaga makapaniwala.Pakiramdam niya ay hindi naman na kailangan pa na umabot sa ganito. At si Sophia ay isang babae na walang kinatatakutan.“Mr. Raymond gusto mo ba na makita kung ano ang ginagaea ni Manager Sophia ngayong gabi?” tanong ni Kenneth sa kanyang amo dahil kailangan niyang ipaalam kay Raymond ang lahat ng mga nangyari sa villa cpsa labas ng lungsod at sa runway.Hindi pa kasi talaga napapanood ni Raymond ang video nito kaya naman nagkaroon siya ng interes. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni Sophia ngayong gabi.Ipinadala naman kaagad ni Kenneth ang video sa kanya at agad nga itong pinanood ni Raymond.Sa screen ay bumungad kaagad sa kanya ang imahe ni Sophia at ang maitim niyang buhok ay sumasayaw sa hangin at kahit bahagyang malabo ang kanyang mukha sa dilim ay hindi nito natakpan ang likas niyang kagan
“Hindi ba sinabi sa’yo ng mga tauhan mo na nasa paligid ko kung ano ang naging desisyon ko?” sagot ni Sophia sa binata at hindi na sya nagpasikot sikot pa nfpg tanong dito.Muli namang natawa si Raymond ngunit sa bawat pagtawa nya ay bahagyang namutla ang kanyang mukha dahil sa sakit mula sa kanyang mga sugat.Samantala naman sa kabilang linya ay maririnig naman ang mahinang pagbulong ng assistant ni Raymond sa kanya. “Dumudugo po ang sugat nyo. Tatawagin ko po ang doktor.”Ngunit kahit na naririnig nga ni Raymond ang sinabi na iyon ng kanyang assistant ay patuloy pa nga rin siya sa kanyang pagtawa at nagagawa pa nga nito na magbiro.“Phia ang sakit sakit,” sabi ni Raymond.Paano nga ba na hindi siya masasaktan e basag ang harapan ng kanyang sasakyan at may malalim na sugat pa sya sa kanyang noo at dumudugo pa ang kanyang mga sugat.Mahigpit naman na hinawakan ni Sophia ang kanyang cellphone at bigla nga niyang naalala ang eksena kung saan nakahandusay si Raymond at puno ng dugo ang