CHAPTER 102Kakaabot pa lamang nga ni Sophia kay Raymond ng mga impormasyon na iyon at wala pa ngang isang oras ang nakakalipas ay nadisgrasya na nga kaagad si Raymond sa isang kahindik hindik na aksidente.Bigla tuloy napaisip si Sophia kung sino naman ang gagawa nito kay Raymond at kung paano nga nalaman ng mga ito ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Raymond.Nakagat na lamang nga ni Sophia ang kanyang pang ibabang labi at bigla nga niyang naisip ang mapagkunwaring mukha ni David.“David Bustamante pagbabayaran mo ito,” sabi ni Sophia sa kanyang isipan at naikuyom na nga lamang niyaang kanyang kamaoBigla namang nagdilim ang mukha ni Sophia at saka nga niya hinawakan ang kamay ni Raymond.Agad naman na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Han’s Hospital ni Dr. Gerome Martinez. Habang nasa byahe nga rin sila ay tinawagan na nga ni Sophia si Dr. Gerome kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin nga sila.Tahimik lamang naman na sumunod si Soph
CHAPTER 102.2Samantala naman sa mansyon ng pamilya Bustamante ay nakatanggap ng balita si David mula sa kanyang mga tauhan. At talaga namang nagalit si David sa ibinalita ng kanyang mga tauhan dahil hindi nga nakuha ng mga ito ang mga dokumento na hawak ni Raymond.“Tsk. Talaga ngang kakaiba itong si Raymond dahil may mga bodyguard pa talaga siya kaya hindi nakuha ng mga tauhan ko ang mga dokumento na iyon,” sabi ni David habang nakakuyom nga ang kanyang kamao matapos niyang makausap ang kanyang mga tauhan. Habang naghihintay si David sa paliwanag ng kanyang mga tauhan ay nakita nga nya ang trending research sa internet.[ Auction of the Manuscript of Theresa Flores ]Ang balita na iyon sa internet ay agad ngang kumalat at nag umpisa na nga na magkagulo ang mga tao na nais na makuha iyon.Matapos mailabas ang balita na iyon ay hindi lamang mga tao sa mga mataas na uri sa syudad ang nakaalam ng tungkol doon kundi pati na rin ilang mga banyagang siyentipiko na gusto rin makuha ang man
CHAPTER 103Wala namang emosyon ang mata ni Sophia habang tahimik nyang tinitingnan ang lalaking nakalugmok sa lupa.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nga nya idinial ang number ni Harold at ng sagutin na nga nito ang kanyang tawag ay may sinabi lamang sya saglit dito at agad na nga rin niyang pinutol ang kanilang tawag. Pagkatapos nga nilang mag usap na dalawa ay malamig naman niyang tiningnan muli ang lalaking driver na si Emman Salvador.Patuloy naman sa pagsigaw at pagmumura ang lalaking driver na iyon habang nanatili nga itong nakatali ang kamay at paa.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita,” sabi ni Sophia kay Emman at saka sya mahinang tumawa rito. “Mayroon akong dinidevelop na bagong modelo ng sasakyan. At hindi pa iyon naisasailalim sa testing kaya naman inaasahan kong aabutin pa ng ilang taon bago ito opisyal na mailabas sa merkado,” sabi pa ni Sophia at sandali pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka nga nya seryosong tiningn
CHAPTER 103.2“Sophia ang bilis na ng sasakyan. Tama na yan,” sabi ni Louie habang nanatiling matalim ang tingin niya sa rumaragasang sasakyan at napakunot na lamang talaga ang kanyang noo dahil sa labis na pagaalala.Ngunit imbis na mag alala si Sophia ay nagyuko nga siyang kanyang ulo habang tinitingnan ang remote control.“Anong mabilis? Kung talaga ngang sira ang sasakyan na ito ay ganyan talaga ang magiging bilis nito,” malamig na sagot ni Sophia kay Louie. “At ngayon naman ay kailangan nating subukan kung gaano ito katibay kapag nabangga,” dagdag pa ni Sophia.Pinaharurot naman lalo ni Sophia ang sasakyan kung saan nga nakasakay si Emman at diretsong isinalpok nya ito sa pader.“Sophia tama na sabi yan,” saway ni Louie kay Sophia at ramdam na rin kasi niya na tuluyan ng nawalan sa katinuan si Sophia.Hindi naman pinansin ni Sophia ang sinabi na iyon ni Louie. At muli nga ay pinagalaw niya ang sasakyan at ilang saglit lamang nga ay lalo pa nga itong bumilis.Bigla namang nangilab
CHAPTER 104“Hindi pa ito sapat,” sabi ni Sophia habang nakakuyom nga ang kanyang kamao at saka nya nga ulit kinuha ang remote control at muli nga ay pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track.“Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Emman.Paranamnag walang naririnig si Sophia at nanatili pa nga rin na walang emosyon ang kanyang mukha.“Sophia tama na yan,” saway ni Louie kay Sophia at saka nya nga ito hinawakan sa pulso at pilit na pinapaklama.Mariin naman na hinawakan ni Sophia ang remote control ng sasakyan na iyon.“Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatili nga na malamig. “Kung nagawa nyang gawin ang ganitong bagay ay ibig sabihin lang no’n ay wala syang pakialam sa buhay ni Raymond. Kaya bakit ko naman sya kaaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Sophia.Tumingin naman si Sophia sa gawi kung nasaan ang sasakyan at pinagmasdan nga niya ang takot na takot na mukha ni Emman. Paulit ulit nga niyang pinindo
CHAPTER 104.2“Ms. Sophia ito po ba ang bagong sasakyan na inyong dinivelop?” tanong ng assistant ni Raymond kay Sophia at hindi nga nito napigilan ang kanyang sarili na pumalakpak dahil talagang namangha siya sa sasakyan na iyon."Ang sasakyan na ito ay dinisenyo lamang upang subukin ang performance nito at kinakailangan pa itong ma-optimize nang maraming beses sa hinaharap," sagot ni Sophia rito at saka nga sya dahan dahan na naglakad palapit sa sasakyan na iyon na halos mawasak na nga.“Emman anong pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Sophia habang tinitingnan nga niya si Emman na may umaagos na dugo mula sa noo nito.Bigla namang pinanghinaan ng loob si Emman at agad nga ito na nagkubli na parang bata dahil totoong takot na takot nga ito ngayon.Ang dahilan kasi ni Emman sa walang habas na pag atake kay Raymond ay dahil na rin sa mayroon nga siyang malubhang sakit at alam niya na hindi na nga siya magtatagal kaya naman nagdesisyon siya na saktan si Raymond ng walang pag aalinlangan.
CHAPTER 105Pagkatapos na magsalita ni Sophia ay agad na nga rin siyang sumakay sa sasakyan ni Louie. Agad naman din na sumunod si Louie kay Sophia habang hindi nya inaalis ang tingin nya rito.Nang maisara na ang bintana ng sasakyan ay tanging sila na lamang na dalawa ang natira sa loob ng sasakyan ni Louie.“Phia napakalupit mo,” mahinahong sabi ni Louie kay Sophia habnag dahan dahan na niyang pinapaandar ang sasakyan.Hindi naman na nagsalita pa si Sophia. Alam na rin naman ni Louie kung saan nga pupunta si Sophia dahil alam nya na sa ospital ito pupunta para dalawin si Raymond.Nanatili naman na walang imik si Sophia at saka nga niyahinawakan ang hibla ng kanyang buhok na nasa noo niya. Bigla tuloy nyang naalala si Raymond dahil kapag kasama nga nya ito ay palagi nga nitong inaayos ang buhok ni Sophia at hinahaplos nga ito ng dahan dahan.Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ni Sophia. Naalala na naman kasi niya ang imahe ni Raymond na nakahandusay habang duguan ito at may kirot siy
Tiningnan naman ni Sophia si Raymond at nagtagpo nga ang kanilang mga mata at nakita nga ni Sophia na bahagya nga na nakangiti ang binata.“Raymond gusto mo na naman akong bitagin,” sabi ni Sophia sa binata.Kanina pa kasi gising si Raymond pero sa halip na alalahanin nga nito ang kanyang sarili ay ang una nga na sinabi nito sa kanya ay ang tungkol sa mga impormasyon na iyon ng kanyang ina na si Theresa na wala nga raw ibang makakuha no’n.Mahina naman na natawa si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia at kahit nga namumutla nga ito ay nagawa pa talaga nito tumawa.Ngunit bago pa man makapagsalita si Raymond ay hinawakan nga ni Sophia ang kanyang mukha at saka nito dinampian ng magaan na halik ang labi ng binata.Nagulat naman si Raymond sa ginawa na iyon ni Sophia at katahimikan nga ang namayani sa kanila roon.Medyo nalalasahan pa nga ni Sophia ang dugo mula sa labi ni Raymond at kasabay nga no’n ay ang malkas na amoy ng gamot mula sa katawan ng binata.“Sophia hindi pa nawawala
Pilit pa nga na bumangon si Jacob noon at halos gumapang na nga siya papunta sa pintuan ng club. At sampung taon pa lamang nga siya ng mga panahon na iyon ng danasin nya ang lahat ng iyon.Habang iniisip nga ni Sophia ang lahat ng iyon ay bigla ngang sumikip ang kanyang dibdib at bigla ngang nag init ang kanyang mga mata.Bigla nyang naisip na bakit hindi niya pinandin si Jacob noon? Bakit siya nagtiwala na ayos lamang ito base lamang sa sulyap mula sa malayo sa paaralan?Nang labindalawang taong gulang na si Jacob ay matangkad na ito at napakagwapo. Dahil dito ay marami na nga itong tagahanga. Pero naging target din siya ng mga taong mahilig manamantala sa itsura.At si Johnny na walang ibang mahalaga kundi ang pera ay handang gawin ang lahat para rito. Hindi nga nito kailanman prinotektahan si Jacob at sa katunayan nga ay gusto pa nga niyang patalsikin ito sa paaralan at maging alipin na lamang.Pero nagkaroon nga si Jacob ng negosasyon sa kanyang ama. Kumuha nga ito ng kutsilyp at
CHAPTER 129Pakiramdam naman ni Sophia ay palagi nga siyang komportable kapag kasama niya si Raymond kagaya na nga lamang ngayon.Nasa ganoon naman nga silang posisyon ng bigla ngang bumukas ang pintuan ng opisina ni Raymond.“Mr. Raymond may emergency meeting po ang board of directors. Sabi po nila ay kokontakin ka raw nila—” bigla ngang natigilan sa pagsasalita nya si Kenneth at napakurap kurap na nga lamang ito at napatikhim. “Ahm. P-pasensya na po Mr. Raymond. I-ituloy nyo na lamang po iyan. Ipapa-reschedule ko na lamang po ang meeting na iyon,” nauutal pa na sabi ni Kenneth.Si Kenneth ay matagal na nga na assistant ni Raymond. Dati ay hindi naman talaga nagdadala si Raymond ng kahit na sinuman sa opisina nito. Kaya naman nakasanayan na nga talaga ni Kenneth na hindi na kumatok kapag may mga agaran siyang dapat na sabihin kay Raymond.At ngayon nga ay nakalimutan ni Raymond na mayroon nga palang kasama si Raymond sa opisina at walang iba nga iyon kundi si Sophia.Alam naman niya
Samantala naman si Raymond ay isang lalaki na may kakaibang personalidad. Wala rin nga siyang pakialam kahit na sabihin sa kanya na pabago bago sya ng kanyang mood. Basta lagi lamang nga siyang nakangiti pero hindi nila alam kung kailan ka niya ilalagay sa alanganin. Parang lagi pa nga itong may nakatagong bitag sa likod ng kanyang mga ngiti.Sa paningin pa nga ng iba si Raymond ay masasabi nga na isa siyang magiliw at madaling kausap na tao. Pero sa totoo lang ay malamig siya at parang wala nga siyang pakialam sa ibang tao.Pero kapag nga kaharap ni Raymond si Sophia ay iba nga ang ugali nito.Bagamat para bang wala nga siyang pakialam sa mundo ay nagiging mas totoo nga si Raymond kay Sophia. Mula sa pagiging malamig na may halong pagnanasa at paghanga ay nagiging mas malambing nga ito at nagiging possessive nga si Raymond kay Sophia.Hindi kailanman pinilit ni Raymond si Sophia sa anumang bagay. At sa halip nga ay sinusunod pa nga niya ang kagustuhan nito at ginagawa ang mga nais ni
CHAPTER 128“Please lang Raymond. Umayos ka nga ng pagkakaupo mo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa atin,” seryosong sabi ni Sophia kay Raymond habang hindi nga niya inaalis ang kanyang tingin sa kalsada.Bigla naman natigilan si Raymond at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa sinabi na iyon ni Sophia.Nagtaka namansi Sophia sa biglang pananahimik ni Raymond kaya napatingin nga diya sa gawi nito at saka nya nga ito tinaasan ng kilay.Bigla naman ngang natauhan si Raymond ng makita nga niya ang seryosong mukha ni Sophia habang nakataas nga ang kilay nito. Napailing na nga lamang talaga siya at bahagya pa nga siyang natawa at hindi na nga rin nya napigilan ang mapangiti rito.“Sophia pwede ba na humanap ka muna ng maaari mong maparadahan. Gusto na kitang halikan ngayon,” sabi ni Raymond at ang boses nga niya ay mababa lamang at kaakit akit. Habang nagsasalita pa nga siya ay hinihila nga niya pataas ang kanyang kwelyo at ipinapikita pa nga nito ang kanyang sexy na collarbone na til
“Ngayon kung tatalikuran mo ako ay paghihigantihan ka lang ni Sophia, Dad. Kaya kailangan mong maintindihan iyon,” sabi pa ni Bianca habang nakangisi nga ito. “At ngayon nga ay magkasama tayo sa iisang bangka at hindi ka tutulungan ni Sophia ngayon at ako lamang ang makakatulong sa’yo ngayon,” dagdag pa nya. “Kung mayroon mang Raymond si Sophia ngayon ay mayroon din naman akong Francis. At anuman ang maging pagkakamali ko at hangga’t handa akong protektahan ni Francis ay magiging ligtas at panatag ako. At ito ang tiwala na ibinibigay sa akin ni Francis,” pagmamalaki pa ni Bianca.Sigurado kasi si Bianca na pareho pa rin sila ng dati ni Francis na handa siyang protektahan nito.Tahimik naman si Nelson sa kabilang linya at nag iisip nga siya. Bigla kasi niyang naisip na kahit nga wala kang utak ay maiisip mo kung gaano karami ang totoo at peke sa sinabi ni Sophia.Simula rin kasi ng pinili ni Nelson si Bianca ay napasama na na nga diya sa panig nito. Kaya paano pa siya ngayon muli mat
CHAPTER 127Paulit-ulit na hinahawakan ni Nelson ang kanyang dibdib hanggang sa bigla ngang nagdilim na ang kanyang paningin. Nauna na kasi niyang napadalhan ng malaking halaga ng pera si Sophia. Hindi naman kasi talaga malaki ang liquid capital ng pamilya Marquez at ang natitira nga nila na yaman ay ang mga ari ariang dinala ni Theresa ng magpakasal nga sila.Sa ilalim ng pamumuno ni Nelson ay tuluyan na nga na bumagsak ang kumpanya. Minsan ay napipilitan pa silang magbenta ng ilang ari-arian para lang magpatuloy ang negosyo. Kaunti na nga lang din talaga ang mga natitira niyang pag-aari at nagbenta pa siya ng dalawa sa mababang presyo para kumita ng malaki sa kanyang bagong investment. Pinapangarap kasi niya na kumita rito ng bilyon bilyon.Pero kakalipatpa nga lang ni Neldon ng pera at waka pa nga dilang pirmahan ng kontrata nang mapagtanto nga niya na naloko nga talaga siya.Bigla namang natahimik si Nelson. At ang katahimikan nya na iyon ay ang ibig sabihin noon ay ginastos nya
[“Napakabobo naman ni Bianca. Nagtatrabaho siya sa finance peto hindi niya naiintindihan ang patibong sa kontrata. Malinaw naman na sinabi ng project manager at ni Mr. Raymond na may bitag ang nasabing kontrata at hindi nga pwedeng mag invest doon. Pero nagmamarunong pa rin siya at pinakalat pa niya ang balita sa internet at maraming kumpanya tuloy ang sumunod at nag invest ng malaking pera. Mukhang kumbinsido talaga siya na walang problema roon kadi nag invest pa ang kanyang ama ng isandaang milyong piso. Isang hangal talaga ang pamilya nila.”][“Yung tatay ko rin pinaniwala ng Bianca na iyan. Kunuha pa nag bahay namin para gawing loan. Ngayon hindi na namin mababawi ang pera namin. Bianca paano mo kami mababayaran ngayon?”][“Grabe may mga naniwala talaga kay Bianca. Hindi naman siya ang dating secretary ni President Francis na nag-negotiate ng bilyong kontrata. Si Bianca ang pinag aralan nya ay sining. Ano namna ang alam ng isang art major sa finance?”]Ilan lamang nga ito sa mga n
CHAPTER 126Paano nga ba naging ganito ang lahat? Kaya pumunta si Bianca sa ospital ay para pagtawanan si Sophia? Pero bakit tila yata ngayon ay siya na ang pinagtatawanan nito.Hindi lubos maunawaan ni Bianca ang mga nangyayari ngayon, hindi niya alam kung saan magsisimula para makipagtalo kay Sophia. Bigla ngang naging magulo ang kanyang isipan.Nagsimula na nga rin si Bianca na sisihin ang kanyang sarili dahil nagpadalos dalos nga siya ng desisyon at hindi na nga muna siya nag isip ng mabuti bago sya pumunta roon. At isang malaking kalokohan talaga ito.Napansin naman ni Raymond na tila ba naiirita at nababalisa na di Bianca kaya naman hindi na nga niya napigilan ang kanyang sarili na tumawa ng malakas.“Ms. Bianca mukhang tama ka nga. Ang mundo nga naman ay puno ng hindi inaasahan na mga pangyayari. Pero alam mo ba na lalabas ngayong araw ang balita tungkol sa pandaraya ni Michael? Hindi ko alam kung nag-invest ang iyong ama roon. Pero kung nag invest nga siya—” sandali pa nga na
Ang mga tauhan kasi ni Bianca kagabi na pinadala nya para turuan ng leksyon sila Sophia at Jacob ay hindi pa rin nga nakakabalik hanggang ngayon. Nababahala na nga siya na baka may nangyari ng hindi maganda kaya nandito sya ngayon para manabotahe.Hindi kasi naniniwala si Bianca na matibay ang pagmamahalan nila Raymond at Sophia. Kaya umaasa nga siya na magkakasira nga ang dalawa.Sa punto nga na iyon ay kumatok naman na si Sophia sa pintuan na bahagya ng nakabukas.“Sophia narito ka pala,” sabi ni Bianca at hindi nga niya pinahalata na nagulat nga siya na naroon pala si Sophia. Tumayo pa nga ito kaagad at nakangiting humarap kay Sophia.“Dinala ko nga pala rito ang dress na ginawa ni Aunt Theresa para ibalik sa’yo. Hindi ko kasi alam kung paano ito napunta sa auction ng Hoya kagabi peto mabuti na lang at binili ito ni Mr. Francid para ibigay sa akin. Kaya narito ako ngayon para isauli ito sa’yo para hindi mo na kailangang mag alala pa,” sabi pa ni Bianca at saka nga niya iniabot ka