CHAPTER 9Ang mga tampok ng mukha ni Sophia ay talaga namang napakaganda at maselan Ang kanyang mga kilay at mata ay maliwanag at tila ba may bahid ng kahinaan, lamig, at kawalan. Sa sandaling ito, ang pulang agata na kuwintas ay lalo pang nagpatingkad sa ganda ng kanyang mga mata at kilay.May ngiti sa kanyang mga labi, na nagbigay sa kanya ng mas malaya at magaan na aura kumpara sa karaniwan niyang malamig at mailap na hitsura."Maganda ba ang kuwintas na ito sa akin?" malumanay na tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinahaplos ng kanyang mahahabang daliri ang mabigat at mamahaling agata na nakasabit sa kanyang leeg.Bigla namang naging madilim ang awra ng mukha ni Francis dahil sa tanong ni Sophia.“Sophia hindi iyan bagay sa’yo," malamig na sagot ni Francis kay Sophia.Ngunit imbis na mainis ay lalo pang lumawak ang ngiti ni Sophia at tiningnan niya ang lalaki gamit ang kanyang mga matang tila nang-aakit."Ganon ba? Wala naman iyong problema kung bagay ba ito sa akin o hindi an
CHAPTER 10Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
CHAPTER 11Habang nakatanaw sa labas ng bintana si Sophia ay ramdam na ramdam naman niya ang malamig na simoy ng hangin. Nang mapadako ang tingin nya sa loob ng sasakyan ay napansin kaagad nya ang malaking pagbabago roon. Ang mga naiwan nya roon ay wala na.Sa tatlong taon kasi nilang pagsasama ni Francis ay madalas nga siyang sumasakay sa kotse nito dahil sa pakikisama na rin nya sa pamilya ni Francis. Sa paglipas nga ng panahon ay naiwanan na nga ang bakas nya sa loob ng kotse.Ang mga laruan at ang inosenteng amoy ng jasmine ay nawala na rin. Para syang biglang nawala bigla sa buhay ni Francis.“Ate Sophia pasensya ka na kung wala na ang mga gamit mo rito sa loob ng kotse ni Francis. Hindi ko rin kasi gusto ang amoy ng jasmine kaya pinapaltan ko na lamang din iyon kay Francis. Ang mga laruan mo naman ay aksidente kong nadumihan kaya naman itinapon ko na lamang,” sabi ni Bianca ng mapansin nya na iginagala ni Sophia ang tingin nito sa loob ng kotse. “Pasensya ka na ate kung itinapon
CHAPTER 12Gusto na lamang matawa ni Sophia ng marinig nyang sabihin ni Francis na hubarin daw nya ang kuwintas na suot nya.Alam naman ni Sophia na noon pa man ay may pagka possessive na talaga si Francis. Kahit kasi hindi siya mahal nito ay pagkatapos ng kasal nila noon ay hindi nito matanggap na may ibang lalaki sa kanyang paligid.Kaya noon para lamang mapasaya si Francis ay palagi na lamang nya itong inuunawa at hindi nga sya nakikihalubilo sa ibang mga lalaki.Pero ngayon na hiwalay na nga sila anong dahilan ni Francis para utusan sya na tanggalin ang suot niyang kwintas? Bakit kailangan pa na ipatanggal ng dati niyang asawa ang kwintas na bigay ng tagahanga nya?Tumingin naman si Sophia kay Francis at seryoso nya nga itong pinakatitigan na animo’y binabasa nya ang damdamin ng lalaki. Nakipagtitigan din naman si Francis kay Sophia.“Bakit ko naman kailangan na hubarin ang kwintas na ito?” tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinihipo niya ang mamahaling Red Agate Necklace na n
CHAPTER 13“Paano ba nagagawa ng isang babae na magsuotng pormal na damit sa buong araw?” tanong pa ni lolo Robert kay Sophia. Napabaling naman ang tingin ni lolo Robert kay Francis.“Huwag mo ng patagalin pa ito Ali. Dalhin mo bukas na bukas din si Sophia sa mall para ipamili ng mga damit nya at damihan mo na rin yun,” sabi naman ni lolo Robert kay Francis.Natigilan naman si Francis dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Akmang tatanggi na sana si Francis ng bigla namang magsalita si Sophia.“Lolo Robert may trabaho pa po ako bukas at may mga kailangan pa po akong tapusin sa opisina,” nakangiti pa na sabi ni Sophia sa matanda.Hindi pa man tumatanggi si Francis ay kusa na ngang tumanggi si Sophia sa sinasabi ng matanda.Napabuntong hininga naman si Francis at kita nya ang lungkot sa mukha ng kanyang lolo Robert kaya parang bigla nga syang nakunsensya dahil doon.“Pwede ka namang umabsent bukas sa trabaho mo Sophia. Sasamahan na rin kita bukas na mamili ng iyong mga damit sa mall” sabi ni
CHAPTER 14Alam naman ni Sophia na pinipilit sya ni Francis sa mga sandaling iyon, makalipas ba naman ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi talaga madaling mabura ang nararamdaman ni Sophia para rito.Sa mga sandaling iyon ay ramdam ni Sophia ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nararamdaman kasi niya ang presensya ni Francis na nakatingin sa kanya pero hindi nya magawang salubungin ang titig nito sa kanya.Naramdaman naman ni Sophia ang mainit na labi ni Francis sa kanyang sintido at pati na rin ang mainit nitong hininga ay ramdam nya sa kanyang tainga kaya naman hindi na nya naiwasan pa na pamulahan ng mukha. Tila naman nakikiliti si Sophia sa ginagawa ni Francis na padampi damping halik sa kanyang leeg kaya naman parang nanghihina sya dahil doon.Itinulak naman ni Sophia sa dibdib si Francis gamit ang kanyang mga kamay pero hindi man lang ito natinag sa ginagawa nya rito.“Francis pakiusap tama na,” tila ba nahihirapan pa na sabi ni Sophia kay Francis.Hindi naman gumalaw
CHAPTER 15“Mukhang nalilibang ka sa panunuod ng pagsikat ng araw ah,” sabi ni Raymond kay Sophia. At hindi na nga maiwasan ni Raymond na mag inat ng kanyang katawan habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at halata mo sa mukha ng binata na wala man lang itong kasigla sigla sa pagsasalita.Agad naman na napansin ni Sophia na para ngang matamlay nga si Raymond.“Huwag mong sabihin na hindi ka natulog buong gabi para lamang hintayin ako na makalabas ng mansyon. Hindi ako naniniwala r'yan,” hindi na maiwasang sabi ni Sophia kay Raymond habang nakahalukipkip pa nga siya at seryosong tinitingnan si Raymond.Agad naman na umiling si Raymond kay Sophia saka sya lumingon sa kahon na nasa may likuran ng kanyang sasakyan. Ang laman ng mga kahon na iyon ay ang mga dokumento na kailangan nga nyang pag aralan at basahin. Bagama’t bago pa lamang nga na hawakan ni Raymond ang kanilang kumpanya ay marami pa nga kasi talaga syang dapat na malaman at pag aralan tungkol sa kumpanya. “You really
CHAPTER 16Kakaalis pa lamang ni Sophia sa mansyon ng lolo ni Francis at narito nga sya ngayon sa lihim na pinupuntahan ni Raymond. Kaya naman bigla syang napa isip kung paano sya natagpuan sa lugar na iyon ng ganoon kabilis ni Francis. Kung hindi sya sinusundan nito ay paano kaya sya natagpuan nito roon?Bigla naman napasimangot si Sophia. Dahil kung hindi sya sinundan ni Francis malamang ay linagyan sya nito kanina pang umaga ng tracking device. Napaisip din sya bigla kung saan naman ito linagay ni Francis at bigla nga syang napatingin sa kanyang cellphone dahil ito lamang naman ang palagi nyang dala dala.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nya seryosong tiningnan si Francis.“Dito mo inilagay ang tracking device. Tama ba ako?” seryoso pa nga na sabi ni Sophia. Hindi naman sumagot si Francis sa tanong ni Sophia.Napangisi naman si Raymond dahil sa sinabi ni Sophia at saka sya napatingin sa cellphone nito.“Ms. Sophia okay lang ba kung buksan ko ang cellphone mo?” t
CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis