CHAPTER 10Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
CHAPTER 11Habang nakatanaw sa labas ng bintana si Sophia ay ramdam na ramdam naman niya ang malamig na simoy ng hangin. Nang mapadako ang tingin nya sa loob ng sasakyan ay napansin kaagad nya ang malaking pagbabago roon. Ang mga naiwan nya roon ay wala na.Sa tatlong taon kasi nilang pagsasama ni Francis ay madalas nga siyang sumasakay sa kotse nito dahil sa pakikisama na rin nya sa pamilya ni Francis. Sa paglipas nga ng panahon ay naiwanan na nga ang bakas nya sa loob ng kotse.Ang mga laruan at ang inosenteng amoy ng jasmine ay nawala na rin. Para syang biglang nawala bigla sa buhay ni Francis.“Ate Sophia pasensya ka na kung wala na ang mga gamit mo rito sa loob ng kotse ni Francis. Hindi ko rin kasi gusto ang amoy ng jasmine kaya pinapaltan ko na lamang din iyon kay Francis. Ang mga laruan mo naman ay aksidente kong nadumihan kaya naman itinapon ko na lamang,” sabi ni Bianca ng mapansin nya na iginagala ni Sophia ang tingin nito sa loob ng kotse. “Pasensya ka na ate kung itinapon
CHAPTER 12Gusto na lamang matawa ni Sophia ng marinig nyang sabihin ni Francis na hubarin daw nya ang kuwintas na suot nya.Alam naman ni Sophia na noon pa man ay may pagka possessive na talaga si Francis. Kahit kasi hindi siya mahal nito ay pagkatapos ng kasal nila noon ay hindi nito matanggap na may ibang lalaki sa kanyang paligid.Kaya noon para lamang mapasaya si Francis ay palagi na lamang nya itong inuunawa at hindi nga sya nakikihalubilo sa ibang mga lalaki.Pero ngayon na hiwalay na nga sila anong dahilan ni Francis para utusan sya na tanggalin ang suot niyang kwintas? Bakit kailangan pa na ipatanggal ng dati niyang asawa ang kwintas na bigay ng tagahanga nya?Tumingin naman si Sophia kay Francis at seryoso nya nga itong pinakatitigan na animo’y binabasa nya ang damdamin ng lalaki. Nakipagtitigan din naman si Francis kay Sophia.“Bakit ko naman kailangan na hubarin ang kwintas na ito?” tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinihipo niya ang mamahaling Red Agate Necklace na n
CHAPTER 13“Paano ba nagagawa ng isang babae na magsuotng pormal na damit sa buong araw?” tanong pa ni lolo Robert kay Sophia. Napabaling naman ang tingin ni lolo Robert kay Francis.“Huwag mo ng patagalin pa ito Ali. Dalhin mo bukas na bukas din si Sophia sa mall para ipamili ng mga damit nya at damihan mo na rin yun,” sabi naman ni lolo Robert kay Francis.Natigilan naman si Francis dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Akmang tatanggi na sana si Francis ng bigla namang magsalita si Sophia.“Lolo Robert may trabaho pa po ako bukas at may mga kailangan pa po akong tapusin sa opisina,” nakangiti pa na sabi ni Sophia sa matanda.Hindi pa man tumatanggi si Francis ay kusa na ngang tumanggi si Sophia sa sinasabi ng matanda.Napabuntong hininga naman si Francis at kita nya ang lungkot sa mukha ng kanyang lolo Robert kaya parang bigla nga syang nakunsensya dahil doon.“Pwede ka namang umabsent bukas sa trabaho mo Sophia. Sasamahan na rin kita bukas na mamili ng iyong mga damit sa mall” sabi ni
CHAPTER 14Alam naman ni Sophia na pinipilit sya ni Francis sa mga sandaling iyon, makalipas ba naman ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi talaga madaling mabura ang nararamdaman ni Sophia para rito.Sa mga sandaling iyon ay ramdam ni Sophia ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nararamdaman kasi niya ang presensya ni Francis na nakatingin sa kanya pero hindi nya magawang salubungin ang titig nito sa kanya.Naramdaman naman ni Sophia ang mainit na labi ni Francis sa kanyang sintido at pati na rin ang mainit nitong hininga ay ramdam nya sa kanyang tainga kaya naman hindi na nya naiwasan pa na pamulahan ng mukha. Tila naman nakikiliti si Sophia sa ginagawa ni Francis na padampi damping halik sa kanyang leeg kaya naman parang nanghihina sya dahil doon.Itinulak naman ni Sophia sa dibdib si Francis gamit ang kanyang mga kamay pero hindi man lang ito natinag sa ginagawa nya rito.“Francis pakiusap tama na,” tila ba nahihirapan pa na sabi ni Sophia kay Francis.Hindi naman gumalaw
CHAPTER 15“Mukhang nalilibang ka sa panunuod ng pagsikat ng araw ah,” sabi ni Raymond kay Sophia. At hindi na nga maiwasan ni Raymond na mag inat ng kanyang katawan habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at halata mo sa mukha ng binata na wala man lang itong kasigla sigla sa pagsasalita.Agad naman na napansin ni Sophia na para ngang matamlay nga si Raymond.“Huwag mong sabihin na hindi ka natulog buong gabi para lamang hintayin ako na makalabas ng mansyon. Hindi ako naniniwala r'yan,” hindi na maiwasang sabi ni Sophia kay Raymond habang nakahalukipkip pa nga siya at seryosong tinitingnan si Raymond.Agad naman na umiling si Raymond kay Sophia saka sya lumingon sa kahon na nasa may likuran ng kanyang sasakyan. Ang laman ng mga kahon na iyon ay ang mga dokumento na kailangan nga nyang pag aralan at basahin. Bagama’t bago pa lamang nga na hawakan ni Raymond ang kanilang kumpanya ay marami pa nga kasi talaga syang dapat na malaman at pag aralan tungkol sa kumpanya. “You really
CHAPTER 16Kakaalis pa lamang ni Sophia sa mansyon ng lolo ni Francis at narito nga sya ngayon sa lihim na pinupuntahan ni Raymond. Kaya naman bigla syang napa isip kung paano sya natagpuan sa lugar na iyon ng ganoon kabilis ni Francis. Kung hindi sya sinusundan nito ay paano kaya sya natagpuan nito roon?Bigla naman napasimangot si Sophia. Dahil kung hindi sya sinundan ni Francis malamang ay linagyan sya nito kanina pang umaga ng tracking device. Napaisip din sya bigla kung saan naman ito linagay ni Francis at bigla nga syang napatingin sa kanyang cellphone dahil ito lamang naman ang palagi nyang dala dala.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nya seryosong tiningnan si Francis.“Dito mo inilagay ang tracking device. Tama ba ako?” seryoso pa nga na sabi ni Sophia. Hindi naman sumagot si Francis sa tanong ni Sophia.Napangisi naman si Raymond dahil sa sinabi ni Sophia at saka sya napatingin sa cellphone nito.“Ms. Sophia okay lang ba kung buksan ko ang cellphone mo?” t
CHAPTER 17Napabuntong hininga naman si Sophia saka sya nagyuko ng kanyang ulo.“Sa totoo lang inosente talaga si Francis. Ang nangyari kasi sa amin ng gabing iyon ay talagang isang aksidente lamang. Malaki naman talaga ang naitulong sa akin ni Francis simula ng maikasal kaming dalawa. Pagkatapos pa nga lang ng kasal namin noon ay sinabi na nya kaagad sa akin na mayroon syang ibang mahal at maghihiwalay nga rin kaming dalawa balang araw,” mahinang sagot ni Sophia kay Dr. Martinez.Seryoso naman na tinitigan ni Dr. Martinez si Sophia.“Alam ko naman na inosente si Ali pero kung titingnan naman natin ang perspektibo ng inyong kasal ay maling mali talaga lahat ang ginawa ni Francis. Ngayon na dinadala mo ang kanyang anak malaya ka namang magdesisyon para sa iyong sarili kung itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis o hindi at kung mananatili ka pa ba o hindi sa inyong relasyon ngayon ni Francis,” sagot naman ni Dr. Martinez kay Sophia. “Ikaw ang babae at ikaw ang magdadala ng kanyang anak sa
Anuman nga sa dalawang iyon ang rason a pareho nga itong ayaw makita ni Harold.Kung maging baldado nga si Raymond ay hindi na nga siya karpat-dapat sa kahit na anong pangarap. at kung hindi naman nga siya napinsala ay malaki nga ang magiging pinsala kay Sophia at sa Prudence.Ang presensya lang nga ni Raymond ay parang tanikala sa paligid ni Harold. At gusto nga niyang malaman agad ang totoo dahil gusto nga niyang makapaghanda.Bigla ngang bumigat ang panahon. Mainit at maalinsangan ang hangin at bigla ngang bumuhos ang malakas na ulan. At habang bumubuhos nga ang ulan ay halos wala na ngang makita si Sophia sa harapan niya kundi ang malabo at basang paligid.Mas lalo ngang tumindi ang amoy ng sunog sa hangin matapos nga nitong maulanan.Nakakaramdam na nga ng pagkahilo si Sophia. At paulit ulit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na msuka dahil sa amoy na iyon.“Umalis na muna tayo. Buhay pa si Raymond” sabi n Harold kay sophia.Nanatili naman nga na tahimik si Sophia at hindi
CHAPTER 197Wasak na wasak nga ang sports car na naroon at halos wala na ngang natira kundi ang pira-piarso nitong bahagi. At dahil nga sa pagsabog dahil sa pagtagas ng gasolina nito ay makikita nga ang ilang bahagi ng sasakyan na nagkalat doon.hindi naman nga makapasok si Sophia roon gamit ang wheelchair niya kaya naman kinailangan nga siyang tulungan ni Harold para makalapit siya roon.Tanghaling tapat nga ng mga oras na iyon pero tila ba madilim nga ang kalangitan dahil sa makakpal ang mga ulap na tila ba bumubulong ng isang masamang balita. Para bang ang bundok nga ay tinakpan ng anino na nagdadala ng hindi maipaliwanag na kaba at bigat ng damdamin.Napakarami ngang sports cars at racing cars ang nagbungguan sa bundk na iyon. Lahat nga ay wasak at nagkapatong patong na dahil sa trahedyang hindi nga madaling kalimutan.Mula sa ilang sasakyan ay maririnig pa nga ang mahihinang paghingi ng tulong.Habang papalapit nga si Sophia roon ay unti-unti nga niyang nakita ang isang sasakyan
Oo nga at hindi naman niya ipagsasabi ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit kahit pa man hindi niya ito ikalat a mukhang hindi rin nga ito mananatiling lihim nang matagal.Halata naman nga na mayroong mabigat na problema si Raymond ngayon. Sa pamilya Villamayor ay hindi nga basta-basta ang mga kalaban. At kung wala si Raymond para ipagtanggol si Sophia ay sino pa ang kikilala sa kanyang pagkatao?Hindi lamang nga ang mga shareholders ng Villamayor Group ang posibleng hindi tumanggap sa huling habilin ni Raymond. Maging sina Max at Gilbert Villamayor ay siguradong kokontra. At hindi lang nga sila basta tututol at tiyak nga na tatargetin nila si Sophia para makuha ang yaman ng pamilya Villamayor.Magiging sentro nga si Sophia ng pagbatikos at paninirang-puri. At baka nga pagbintangan pa siya na ginamit niya si Raymond para agawin ang kanyang mga ari-arian.Kung dati nga ay mag aalala si Dr. Gerome na baka nga hindi kayanin ni Sophia ang ganitong laban at baka kailanganin pa niya ang sup
Bahagya naman nga na umatras si Harold at muling pumwesto sa tabi ni Sophia. At tahimik nga nitong itinulak ang wheelchair ng dalaga palayo.Pero bago pa man nga sila tuluyang umalis ay mahinahon nga niyang itinaas ang kamay niya.“Jacob may inatasan nga pala ako na mag-alaga sa’yo. At kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi. Ikaw ang batang amo ng Prudence,” sabi ni Harold.Pagkaalis nga ni Harold ay iniwan nga niya ang linya na ikinagulat ng lahat at napaisip pa nga ang mga ito na kung ano ang ibig sabihin ni Harold sa sinabi nito na batang amo ng Prudence si Jacob?Wala ngang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ni Jacob. ang kanya ngang ina ay si Theresa na matagal na ngang pumanaw. At ang natatangi na lang na kamag-anak niya ay ang kanyang kaptid na si Sophia.Kung batang amo nga si Jacob ng Prudence, ang tanong ngayon ay sino ang totoong namumuno sa Prudence? At ang tanging kasagutan nga roon ay si Sophia lang.At kahit nga si Dr. Gerome na hindi kailanman sumagi s
CHAPTER 196Sa mundo ng negosyo, sino nga ba ang tinatawag nila na lalaking diwata? At ang una nga na pangalan na papasok sa kanilang isipan ay si Harold.Si Harold Alvarez ay ang vice president ng Prudence. At kilala nga ito hindi lamang dahil sa kanyang husay kundi pati na rin nga sa taglay nitong kagwapuhan. Usap-usapan nga noon na noong itinatatag pa lamang ang Prudence sa ibang bansa ay madalas nga itong habulin ng maraming tao, hindi lang nga ng mga kababihan kundi pati na rin nga ng mga lalaki.Sa hindi nga inaasahang pagkakaaon ay higit kalahati ng mga tao na humabol kay Harold noon ay mga taong humabol din nga kay Sophia.At ngayon nga na kahit walang ngiti sa kanyang mukha ay nanatili pa rin na mahinahon si Harold nang humarap sa kanila. Ang taglay nga niyang kagwapuhan ay tila ba umangkin ng sandaling katahimikan at pati nga si Jacob ay naanganga sa gulat ng makita siya.“Anong ginagawa mo ito?” tanong ni Jacob.“Tsk. Hindi pa ba obvious,’ maikling sagot ni Harold at saka n
“Huwag kang maguilty,” mariin na sabi ni Sophia. “Walang mangyayaring masama kay Raymond. Isa siyang masamang damo at ang sabi nila ang masamang damo raw ay mahaba ang buhay. Babalik ssiya at ako mismo ang maghahatid sa kanya pauwi. At pagkatapo nun…” saglit pa nga na tumigil sa pagsasalita niya si Sophia.Napatingin naman nga si Jacob sa mga mata ng ate Sophia niya. At kita nga niya na wala na nga roon ang lambing. Hindi na nga iyon ang malambot at mahinhin na Sophia na nakilala niya. At sa halip nga ay malamig ang mga mata nito, matalim at puno ng galit.“Papanagutin ko sila. Sampu, sandaang ulit ng sakit na pinatikim nila sa’yo ay ibabalik ko lahat sa kanila. Pangako yan,” mariin pa na sabi ni Sophia.at sa katahimikan nga ng silid na iyon ay tanging ang mga salita na iyon ni Sophia ang naiwan. Dahil sa mundong ito ay wala namang ganap na aksidente.Kakapalabas pa lang nga ni Sophia ng ilang 3D video clips tungkol sa hologram technology at ilang araw pa lamang nga ang lumipas pero
“At kung may nakaaway man nga si Raymond at kahit pa nagreport ka na sa mga pulis ay baka wala ring mangyayari. Kung totoong may nangyari nga sa kanya ay baka mabaon na lang sa limot ang kaso,” pagpapatuloy pa ni Dr. Gerome dahil hindi naman talaga nila maitatago ito.Wala naman siyang balak na itago ang lahat. Bagamat litong lito nga ang isip ni Jacob ay alam niyang wala na siyang magagawa kundi harapin ang sitwasyon. Alam niya na mahina si Sophia at baka hindi nito kayanin ng damdamin nito ang balita pero hindi naman nga niya kayang hayaan na si Raymond lang ang magdala ng lahat ng bigat. At isa nga itong sugal na kailangan niyang gawin.“Iligtas mo siya,” paos ang boses na sabi ni Jacob. “Ang tanging naaalala ko ay sa bundok siya dinala. At ang taong umatake sa kanya ay nagngangalang Wilson,” pagpapatuloy ni Jacob.Napakurap kurap nga si Dr. Gerome dahil sa sinabi na iyon ni Jacob. At ang pangalan na binanggit ng binata ay parang isang babala na.Ang lider ng isang kilalang sindik
CHAPTER 195“Mag exam sa ganitong kundisyon? Baka nga nababaliw na ako,” tahimik na tanong ni Jacob sa kanyang sarili habang nakahiga nga siya sa hospital bed.“Sa lagay nya ngayon ay hindi ko inirerekomenda na ipagpatuloy niya ang kanyang pagsusulit,” direktang pahayag ni Dr. Gerome.Isinasaalang-alang nga ni Dr. Gerome ang lahat ng aspeto. Si Jacob ay kilalang henyo mula sa kanilang paaralan. matagal na siyang itinuturing na magiging top scorer sa taong ito para sa college entrance exam. Nasa mataas na pedestal na siya at kung babagsak man siya ay tiyak na masakit nga ang pagbagsak nito.Sa totoo lang ay wala ngang pakialam ang publiko kung naaksidente man si Jacob o kung nasugatan siyang pumasok sa pagsusulit na iyon. At ang tanging mahalaga lang nga sa kanila ay ang magiging resulta ng exam.Gaya nga ng paggawa ng isang hiling na kung hindi mo maabot ng kahilingan na iyon ay pagtatawanan ka. Maliban na lang kung makapaghain nga si Jacob ng isang kamangha manghang resulta matapos b
Hindi na nga napigilan pa ng guro ang kanyang sarili. Lumapit na nga siya kaagad kaagad sa binta at napamulagat na lang siya nang makita nga niya na pulang pula at mainit ang mukha ni Jacob.“May lagnat ka,” sabi ng tagabantay kay Jacob.Dahan dahan naman nga na itinaas ni Jacob ang kanyang ulo. ngunit hindi pa man nga siya nakakabigkas ng salita ay bigla ngang pumasok si Principal Monica kasama ang doktor.naramdaman na lang nga ni Jacob na may yumakap nga sa kanya at buhat-buhat nga siyang inalalayan palabas ng kwarto na iyon.“Pakiusap… pababain nyo lang muna ang lagnat ko. May exam pa ako mamayang hapon. Kailangan kong kunin iyon… kailangan ko…” mahinang bulong ni Jacob at paos na nga rin ang kanyang boses.Ayaw kasi ni Jacob na hindi siya makkuha ng exam ngayon. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito. Si Raymond nga ang halos nagbigay sa kanyan ng panibagong buhay kaya hindi siya pwedeng mabigo dahil hindi nga niya ito bibiguin.**************Samantala naman sa bundok kung