CHAPTER 16Kakaalis pa lamang ni Sophia sa mansyon ng lolo ni Francis at narito nga sya ngayon sa lihim na pinupuntahan ni Raymond. Kaya naman bigla syang napa isip kung paano sya natagpuan sa lugar na iyon ng ganoon kabilis ni Francis. Kung hindi sya sinusundan nito ay paano kaya sya natagpuan nito roon?Bigla naman napasimangot si Sophia. Dahil kung hindi sya sinundan ni Francis malamang ay linagyan sya nito kanina pang umaga ng tracking device. Napaisip din sya bigla kung saan naman ito linagay ni Francis at bigla nga syang napatingin sa kanyang cellphone dahil ito lamang naman ang palagi nyang dala dala.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nya seryosong tiningnan si Francis.“Dito mo inilagay ang tracking device. Tama ba ako?” seryoso pa nga na sabi ni Sophia. Hindi naman sumagot si Francis sa tanong ni Sophia.Napangisi naman si Raymond dahil sa sinabi ni Sophia at saka sya napatingin sa cellphone nito.“Ms. Sophia okay lang ba kung buksan ko ang cellphone mo?” t
CHAPTER 17Napabuntong hininga naman si Sophia saka sya nagyuko ng kanyang ulo.“Sa totoo lang inosente talaga si Francis. Ang nangyari kasi sa amin ng gabing iyon ay talagang isang aksidente lamang. Malaki naman talaga ang naitulong sa akin ni Francis simula ng maikasal kaming dalawa. Pagkatapos pa nga lang ng kasal namin noon ay sinabi na nya kaagad sa akin na mayroon syang ibang mahal at maghihiwalay nga rin kaming dalawa balang araw,” mahinang sagot ni Sophia kay Dr. Martinez.Seryoso naman na tinitigan ni Dr. Martinez si Sophia.“Alam ko naman na inosente si Ali pero kung titingnan naman natin ang perspektibo ng inyong kasal ay maling mali talaga lahat ang ginawa ni Francis. Ngayon na dinadala mo ang kanyang anak malaya ka namang magdesisyon para sa iyong sarili kung itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis o hindi at kung mananatili ka pa ba o hindi sa inyong relasyon ngayon ni Francis,” sagot naman ni Dr. Martinez kay Sophia. “Ikaw ang babae at ikaw ang magdadala ng kanyang anak sa
CHAPTER 18 “Manager Sophia, alam mo ba na nagkamali na naman kahapon si Secretary Bianca? Mali ang nailagay nyang decimal point sa ulat ng halaga. Mabuti na lamang talaga at naging maingat na kami sa pagrereview ng mga papeles na galing sa kanya at hindi na nagamit pa ang kontrata na iyon. Dahil kung nagkataon ay malaki talaga ang mawawala sa kumpanya ng pamilya Bustamante,” bungad ng isang empleyado sa mula sa secretariat department na malapit kay Sophia noong sekretarya pa sya. Agad kasi itong lumapit sa kanya ng makita sya nito at agad nga syang binati nito at hindi na nga rin nito napigilan na sabihin sa kanya ang mga nangyare kahapon. Sa pagkakataon nga na iyon ay hindi na nga nya tinawag na Secretary Marquez si Bianca dahil noong nakaraan ay Secretary Marquez pa nga rin ang tawag nito rito. Magkapareho kasi ng apelyido sila Sophia at Bianca kaya pakiramdam nito ay nakakainsulto naman kung tatawagin nya ito sa ganoong paraan. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka sya
CHAPTER 19Tanging si Desiree lamang ang may lakas loob na magsalita nga ganon kay Francis at tila ba wala itong pakialam sa mga sinasabi nito.“Seryoso kuya? Kahit kasal ka na ay nagagawa mo pa ring lokohin ang asawa mo? Pati ba naman masamang ugali na iyan ay kinuha mo na rin?” tila walang pakialam na sabi ni Desiree sa kuya Francis nya. Hindi naman malaman ni Desiree kung ano ba ang dapat niyang sabihin dahil totoong nagulat sya sa mga nalaman nya.“Grabe kuya Francis hindi ko akalain na mayroon na pala na parte ng pamilya natin na mayroong ganyang ugali. Ang sama naman ng ugali mo,” hindi pa rin nga mapigilan ni Desiree na sabi sa kanyang kuya Francis.Pinandilatan naman ng mata ni Francis si Desiree para tumigil na nga ito sa mga sinasabi nito na masasakit na salita sa kanya.Nang sabihin kasi ni Desiree ang salitang ‘sama ng ugali’ ay tila ba nainsulto si Francis doon pero natawa na lang din naman sya bandang huli.“Desiree subukan mo pa ulit magsalita ng mga kalokohan mo,” tat
CHAPTER 20“Sa tingin mo pinoprotektahan talaga ako ni Desiree? Akala ko kasi ay galit sya sa akin,” mahinang sabi ni Bianca kay Francis.Hindi naman na sila pinansin pa ni Sophia at agad na nga rin itong lumabas ng opisina ni Francis. Wala kasi syang balak na makinig at manood sa mga kaartehan ni Bianca.Nang tuluyan na ngang makaalis si Sophia ay naupo naman si Bianca sa armrest kung saan nakaupo si Francis saka sya yumakap sa may leeg ng binata.“Ali pwede rin ba akong sumama sa school nila Desiree kung saan gaganapin ang anniversary performance nila? Alam mo naman na doon din ako nag aral noon diba? Gusto ko sanang pumunta ulit doon matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta roon e,” tila naglalambing pa na sabi ni Bianca kay Francis at lalo pa nga nitong inilapit ang kanyang mukha sa binata. “At isa pa ay ayokong makita na kayo lamang ni ate Sophia ang magkasama na dalawa na pupunta roon. Mukha kasi kayong magkasintahan na dalawa kapag ginawa nyo iyon at hindi naman ako
CHAPTER 21Hirap na hirap naman na lumabas si Bianca sa loob ng school na iyon. Pagkalabas pa nga nya ay sinalubong pa sya ng malamig na ihip ng hangin. Basang basa pa rin kasi ang kanyang buhok at ang kanyang pang itaas na damit ay basang basa na rin nga kaya naman dumikit na ito sa kanyang balat kaya naman kapag humahangin ng malakas ay talaga namang nanginginig ang katawan nya dahil sa lamig.Agad na nga syang tumakbo sa gilid ng kalsada at sinusubukan nga nya na pumara ng taxi roon. Nakayuko lamang nga ang kanyang ulo dahil nahihiya talaga sya sa mga nangyare kanina at idagdag pa na ganoon nga ang kanyang itsura ngayon.“Bianca?” rinig ni Bianca na tawag sa kanyang pangalan kaya naman agad syang nag angat ng kanyang tingin at nakita nga nya si Francis na kunot noo na nakatingin sa kanya.Wala ka ngang ibang makikitang ibang ekspresyon sa mukha nito bukod sa nakakunot nga ang noo nito. At dahil nga sa malaking lalaki si Francis ay nasasangga nga nito ang malakas na hangin na tatam
CHAPTER 22Seryoso pa nga na tinititigan ni Sophia si Francis habang sinasabi nya ang mga kataga na yun. Ang mukha nya ay kalmado pa rin pero sa kaloob looban ni Sophia ay nasasaktan sya sa pagbibintang sa kanya ni Francis.Paano ba naman na hindi malulungkot si Sophia. Sa loob ng tatlong taon na magkasama sila ni Francis araw at gabi ay parang hindi pa rin sya talaga kilalang lubusan ni Francis. Kahit kailan ay hindi gumawa si Sophia ng bagay na ibinibintang ni Francis sa kanya. Hindi kasi sya ang tipo ng tao na gagawa ng isang bagay na hindi kayang panindigan. Pero ngayon sa nakikita nya kay Francis ay parang napakababang uri sya ng tao sa paningin nito.Nanatili naman na nakatingin si Francis kay Sophia habang may malamig na titig sa dating nyang asawa na kung titingnan mo nga ay parang wala na syang pakialam pa rito.“Maganda ang relasyon nyo ni Desiree at talagangbmalapit kayo sa isa’t isa. At diba ikaw rin ang dahilan kaya nagagalit ngayon si Desiree kay Bianca,” seryoso pa na s
CHAPTER 23Agad naman na naghanap ng mapaparkingan si Francis at napili nga nya na sa tabing kalsada na nga lamang mag park ng kanyang sasakyan. At pagkatapos nga noon ay dinala na nga nya si Sophia sa snack street.Ang snack street ay puno ng maliliit na mga kainan. At dahil nga malapit lamang ito sa isang University ay sinisigurado ng mga nagtitinda roon na malinis ang kanilang itinitindang pagkain. Habang naglalakad nga sila roon ay kita nga nila ang kabi kabilang mga paninda roon kagaya ng mga pancakes, fries, burgers, noodles, barbecue, fried skewers, fried rice, mga dessert at marami pa ngang iba. At meton nga ring mga restaurant sa paligid nito.At dahil nga medyo makitid lamang ang daan doon ay siksikan talaga ang mga tao na naroon ngayon.At dahil nga napakatangkad ni Francis ay kapansin pansin talaga sya roon lalo na at nakasuot pa nga siya ng mamahaling suit at napakagwapo pa nga nito talaga at tila ba hindi sya nababagay sa ganoong lugar.Samantala naman si Sophia ay nasa
Pagdating nga niya sa conference room sa pinakamataas na palapag ay hindi na nga siya nag-abala pa na kumatok roon. Bahagya pa ngang namutla ang guard na nakabantay sa sa pinto ng makita nga siya. Wala namang malinaw na utos mula sa director na hindi nga siya pwedeng pumasok kaya hindi naman nga siya pinigilan ng guard.Mas deretsahan nga si Harold at agad na nga niyang binuksan ang pintuan ng conference room.Sa loob nga noon ay naroon nga si Gilbert na kasalukuyan nga na nagsasalita. Pero natigilan nga ito ng makita nga niya si Sophia.“Pasensya na kung nahuli ako ng dating,” malumanay pa na sabi ni Sophia at wala ngang bahid ng kaba ang kanyang tinig.Matatag nga ang kanyang tindig. Maliwanag ang kanyang mga mata ngunit may kalamigan nga ng tingin nito. Dahan-dahan nga siyang naglakad sa loob ng conference room hanggang sa makarating nga siya sa upuan kung saan nakaupo si Gilbert.Diretso nga na tiningnan ni sphia si Gilbert.“Mr. Gilbert, mukhang akin ang upuan na iyan,” kalmado p
“Sigurado ka ba na pupunta ka pa roon?” tanong kaagad ni Harold kay Sophia. “Sa lagay mong iyan ay mahina pa ang iyong katawan. Tapos haharap ka pa sa mga matatandang buwaya ng pamilya Villamayor? Mas tuso pa ang mga iyon kaysa sa inaakala mo…”Hindi pa man nga tapos sa kanyang sinasabi si Harold ay tiningnan na nga siya ni Sophia habang may ngiti nga sa labi nito.“Mas mabigat pa ang laman ng isipan ko kaysa sa kanila,” sabi ni Sophia.Totoo naman kasi na mas mabigat nga ang iniisip ngayon ni Sophia kaysa sa mga tao ng Villamayor Group. Alam na alam na kasi ni Sophia ng mga pinaplano ng pamilya Villamayor. Pero alam kaya ng pamilya Villamayor ang totoong nilalaman ng puso’t isipan niya?Nagbihis naman nga si Sophia ng isang beige na corporate suit. Maingat nga siyang nag make-up para nga maitago niya ang maputla niyang mukha.Habang nakatingin nga siya sa salamin ay nakita nga ni Sophia ang kanyang sarili na matalas ang tingin at matapang ang anyo. At hindi nga niya kayang ipakita na
CHAPTER 199Marami nga ngayon ang usap-usapan tungkol sa pamilya Villamayor.Ayon nga sa balita ay matagal nang gumawa ng testamento si Raymond dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa isang babae. At sa kanya ngang testamento ay iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian at shares kay Sophia. At kung hindi nga mahanap ang katawan ni Raymond ngayon ay si Sophia lang ang magiging tagapagmana ng lahat ng iyon. Siya lang ang makakakuha ng kabuuang yaman ng Villamayor Group sa mga darating na taon.“Ang galing naman niya. Na-promote, yumaman tapos nawalan ng asawa. Sino ba naman ang hindi magdududa sa kanya?”“Pero teka lang. Hindi ba at linoko ni Sophia si Francis habang kasal pa sila? Pagkatapos ay halos wala pa ngang pagitan ay agad na nga siyang sumama kay Raymond. At pagkatapos nga niyang umalis sa kumpanya ng mga Bustamante ay nakunan nga siya sa anak nila ni Ramond. Tapos ngayon nga ay may problema na naman si Raymond? Paano mo nga naman masasabing wala siyang kinalaman dito?”“Kung
At kahit saan ngang anggulo tingnan ay wala na nga talaga silang dalawa ni Sophia.At ang tanging bagay na lamang nga na nagpapagaan ng loob ni Raymond ngayon ay ang nauna na niyang inasikaso ang lahat at iyon nga ay ang paggawa niya ng kanyang huling habilin. Kaya kahit pa may mangyari sa Villamayor Group ngayon ay may kapangyarihan pa rin si Sophia para pigilan nga ang mga taong ito.Bigla ngang sumigaw si David at itinuturo nga niya ang patuloy na nagpi-play na video sa malaking screen.“Kung gano’n ay alam mo na dapat ang progress ng holographic project ni Sophia. Anong klaseng privacy code yan? Kaya ba nitong mapasok ang lahat ng database? Kailangan ba ng mataas na kagamitan para diyan?” sigaw ni David.Napaubo naman nga ng mahina si Raymond. Napangiti pa nga siya pero halatang may pait nga ang bawat salita nito.“Paano ko naman malalaman yan? Mula nang magsimula kami na magtulungan ay hindi ko na nasubaybayan pa ang kahit na anong may kinalaman sa holographic,” sagot ni Raymond.
“Sinasabi ng lahat na sina Theresa at Sophia ay mga henyo aat mga pambihirang nilalang na minsan lang lumitaw sa loob ng isang siglo. Pero para sa akin ay pareho lang silang mga tanga. Dahil kapag sobrang magmahal ay siguradong talo sa huli,” dagdag pa ni David.Hindi naman nga nagsasalita si Raymond at hinahayaan nga lang niya ang kabaliwan ni David na iyon.“Sa palagay mo ba kung sasabihin ko kay Sophia na ibabalik kita sa kanya kapalit ng holographic research materials ay papayag kaya siya?” mahina ngunit puno nga ng tensyon ang bulong ni Daavid na iyon kay Raymond.Hindi naman na nga hininty pa ni David na sumagot si Raymond. at sa halip nga ay nagsalita siya nang mag-isa at tila ba may sarili nga itong mundo.“Syempre naman papayag siya. Kagaya siya ng kanyang ina na si Theresa noon na handang gawin ang lahat para kay Jayson,” sabi pa ni David.“Hindi niya gagawin yon para sa akin,” paos ang boses na sabi ni Raymond at ang kanya ngang mga mata ay namumugto. Malamig pa nga ang pag
CHAPTER 198Nanatili naman nga na nakatayo si David habang nakatitig nga siy sa malaking screen sa loob ng kanyang laboratoryo. Paulit-ulit pa rin nga niyang pinapanood ang video na in-upload ni Sophia. At habang pinapanood nga niya iyon ay may kakaiba ngang kislap sa kanyang mga mata.Nang makarinig nga siya ng kalusko mula sa kanyang tabi ay napalingon nga siya roon. At naroon nga si Raymond na nakahiga sa sahig at unti-unti na nga itong nagkakamalay matapos nga siyang ihagis doon ni David kanina.“Mr. Raymond Villamayor, mabuti naman at gising ka na,” malamig na bati ni David.Napilitan naman nga si Raymond na sumandal sa malamig na pader para nga hindi siya muling mawalan ng malay. Ang isa nga niyang braso ay nakabaluktot at kita m nga na may bali ito habang nakalagay sa kanyang likuran. Dahan-dahan nga niyang ibinaba ang kanyang tingin at saka nga niya ginamit ang hindi nasugatang kamay para iayos ang na-dislocate niyang kabilang braso. Narinig pa nga niya na tumunog ito nang mai
Anuman nga sa dalawang iyon ang rason a pareho nga itong ayaw makita ni Harold.Kung maging baldado nga si Raymond ay hindi na nga siya karpat-dapat sa kahit na anong pangarap. at kung hindi naman nga siya napinsala ay malaki nga ang magiging pinsala kay Sophia at sa Prudence.Ang presensya lang nga ni Raymond ay parang tanikala sa paligid ni Harold. At gusto nga niyang malaman agad ang totoo dahil gusto nga niyang makapaghanda.Bigla ngang bumigat ang panahon. Mainit at maalinsangan ang hangin at bigla ngang bumuhos ang malakas na ulan. At habang bumubuhos nga ang ulan ay halos wala na ngang makita si Sophia sa harapan niya kundi ang malabo at basang paligid.Mas lalo ngang tumindi ang amoy ng sunog sa hangin matapos nga nitong maulanan.Nakakaramdam na nga ng pagkahilo si Sophia. At paulit ulit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na msuka dahil sa amoy na iyon.“Umalis na muna tayo. Buhay pa si Raymond” sabi n Harold kay sophia.Nanatili naman nga na tahimik si Sophia at hindi
CHAPTER 197Wasak na wasak nga ang sports car na naroon at halos wala na ngang natira kundi ang pira-piarso nitong bahagi. At dahil nga sa pagsabog dahil sa pagtagas ng gasolina nito ay makikita nga ang ilang bahagi ng sasakyan na nagkalat doon.hindi naman nga makapasok si Sophia roon gamit ang wheelchair niya kaya naman kinailangan nga siyang tulungan ni Harold para makalapit siya roon.Tanghaling tapat nga ng mga oras na iyon pero tila ba madilim nga ang kalangitan dahil sa makakpal ang mga ulap na tila ba bumubulong ng isang masamang balita. Para bang ang bundok nga ay tinakpan ng anino na nagdadala ng hindi maipaliwanag na kaba at bigat ng damdamin.Napakarami ngang sports cars at racing cars ang nagbungguan sa bundk na iyon. Lahat nga ay wasak at nagkapatong patong na dahil sa trahedyang hindi nga madaling kalimutan.Mula sa ilang sasakyan ay maririnig pa nga ang mahihinang paghingi ng tulong.Habang papalapit nga si Sophia roon ay unti-unti nga niyang nakita ang isang sasakyan
Oo nga at hindi naman niya ipagsasabi ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit kahit pa man hindi niya ito ikalat a mukhang hindi rin nga ito mananatiling lihim nang matagal.Halata naman nga na mayroong mabigat na problema si Raymond ngayon. Sa pamilya Villamayor ay hindi nga basta-basta ang mga kalaban. At kung wala si Raymond para ipagtanggol si Sophia ay sino pa ang kikilala sa kanyang pagkatao?Hindi lamang nga ang mga shareholders ng Villamayor Group ang posibleng hindi tumanggap sa huling habilin ni Raymond. Maging sina Max at Gilbert Villamayor ay siguradong kokontra. At hindi lang nga sila basta tututol at tiyak nga na tatargetin nila si Sophia para makuha ang yaman ng pamilya Villamayor.Magiging sentro nga si Sophia ng pagbatikos at paninirang-puri. At baka nga pagbintangan pa siya na ginamit niya si Raymond para agawin ang kanyang mga ari-arian.Kung dati nga ay mag aalala si Dr. Gerome na baka nga hindi kayanin ni Sophia ang ganitong laban at baka kailanganin pa niya ang sup