CHAPTER 24Habang mahimbing naman na natutulog si Sophia ay naramdaman nya na parang may umaalog at tumatawag sa kanya.“Madam! Madam!” Dahan dahan naman na iminulat ni Sophia ang kanyang mga mata at nakita nga nya ang isang babae na gumigising nga sa kanya at walang iba iyon kundi si Aunt Mylene.Pagkatapos kasi nilangbmaikasal ni Francis noon ay si Aunt Mylene na ang palaging nag aalaga sa kanya.“Aunt Mylene ano po ang nangyare?” tanong ni Sophia kay Aunt Mylene.“Madama pinapagising na po kayo ni sir Francis. Baka ma late daw po kayo sa inyong trabaho,” magalang naman sagot ni Aunt Mylene.Bigla naman na natigilan si Sophia saka sya dahan dahan na tumango rito. Napadako naman ang tingin ni Sophia sa kanyang suot na damit at nagulat pa nga sya dahil iba na ang kanyang suot dahil naka night gown na nga siya.Napansin naman ni Aunt Mylene na nakatingin si Sophia sa suot nitong damit.“Nang dumating po kayo rito kagabi ay mahimbing na po ang tulog ninyo. Ayaw na po kayong gisingin pa
CHAPTER 25Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging sekretarya si Sophia ni Francis. Dahil sa kanyang kahanga-hangang hitsura, madalas siyang pinag-uusapan ng mga tao. Kahit pa nagtapos siya sa kolehiyo sa loob lamang ng dalawang taon, halos perpekto ang kanyang marka at hindi pa rin nga nawala wala ang tsismis tungkol sa kanya.Noon, dapat nang wakasan ang pakikipagtulungan sa isang resort company dahil pumili na ito ng ibang partner—isa pang kumpanya na hayagang karibal ng pamilya Bustamante. Sa panahong iyon, nasa ibang bansa si Francis para makipagnegosasyon sa isa pang kontrata. Dahil sa masamang lagay ng panahon, hindi siya kaagad nakabalik ng bansa para ayusin ang problema.Sa pagkakataong halos pipirma na ang resort company sa kabilang partido, sinamantala naman iyon ni Sophia bilang huling pagkakataon. Ipinakita niya ang mga benepisyo at kawalan ng parehong kumpanya, at ginamit ang opinyon ng mga tao upang talunin ang kalaban. Sa huli, matagumpay niyang napanatili ang
CHAPTER 26Sa wakas ay inihinto na rin ni Francis ang sasakyan sa harap ng entrance ng resort. Mabuti na lamang talaga at ang mga taong pumapasok at lumalabas ay pawang mga bisita roon para sa ribbon cutting ceremony o mga mamamahayag. Walang sinuman mula sa kumpanya ang nakakita sa pagdating ni Sophia.Abala namannsi Sophia sa pagmamasid sa paligid ng entrance ng kumpanya nang bigla niyang maramdaman ang mainit na hangin sa kanyang tainga. May banayad na simoy na dumausdos sa kanyang leeg at tainga, dala ang amoy ni Francis.Mabilis naman na napalingon si Sophianat halos pigil pa ang kanyang paghinga dahil sa pagkabigla. Napakalapit kasi ng mukha ni Francis sa kanya at sa sobrang lapit nga ay muntik nang magdikit ang kanilang mga labi ng humarap siya.Mainit ang hininga nito, at halos nasusunog ang kanyang pisngi. Napatulala na nga lamang si Sophia, habang ang kanilang mga mata’y nagtagpo kahit na may suot pa na salamin si Francis.May init sa mga mata nito at hindi iyon imahinasyo
CHAPTER 27 Pagbalik ni Bianca sa kanilang bahay ay agad na nga siyang dumiretso sa kanyang kwarto at hindi na lumabas pa. Mahal naman ni Nelson ang kanyang anak na si Bianca bagamat maaaring hindi ito tunay na pagmamahal. Sa halip ay nakikita niya si Bianca bilang tulay sa magandang kinabukasan dahil sa kaugnayan nito kay Francis. Umaasa siyang magagamit niya ang kanyang anak upang maabot nya ang tagumpay. Nang mapansin nga ni Nelson na malungkot si Bianca ay binuksan na nga niya ang pinto ng kwarto nito at agad na pumasok doon. “Bakit tila yata malungkot ka ngayon?” tanong ni Nelson kay Bianca at naabutan nga nya roon si Bianca na nakaupo sa gilid ng kama nito habang nakayakap sa kanyang at mukhang kaawa awa. "Sa ribbon cutting ceremony kasi ng Bustamante Resort at sa hapunan ngayong gabi ay si Sophia ang magiging kasamang babae ni Francis," mahinang sagot ni Bianca sa kanyang ama. "Ako ang sekretarya ni Francis pero nagpumilit ang kapatid ko na sumama sa kanya sa hapunan ngay
CHAPTER 28 Ibinunyag na rin sa wakas ni Nelson ang kanyang tunay na pakay kaya ito naroon. At ito ay upang pakalmahin nga ang galit niyang anak na si Bianca. Hindi naman napigilan ni Sophia na tumawa ng malakas dahil sa sinabi ng kanyang ama. “Papasamahin mo si Bianca sa hapunan bilang babaeng kasama ni Francis? Hindi mo alam ang kakayahan ko, pero hindi mo rin alam ang kakayahan ni Bianca? Gaano karaming wika ba ang alam ni Bianca? Gaano karaming tao ba ang kilala niya sa pagtitipon na ito? Alam ba niya ang tungkol sa pamilihan ng pananalapi o negosyo? Kailangan ko pa bang ipaliwanag iyon sa kanya? Baka hindi niya pa nga naiintindihan ang pinakapayak na kontratang pangnegosyo ngayon. Ilang beses na niyang muntik nang sirain ang mga imbitasyon sa kooperasyon ng Bustamante Group of Company,” seryoso pa na sabi ni Sophia sa kanyang ama. “Pinasama mo si Bianca kay Francis para ipahiya ang pinakapaborito mong anak at ang pamilya Buatamante,”dagdag pa ni Sophia. Ngumiti naman si
CHAPTER 29Saglit naman na natigilan si Sophia. At ng lumingon nga siya ay nagtama ang tingin niya sa malalim at seryosong mga mata ng isang lalaki."Akala ko ay may pinag-uusapan ka pang trabaho kasama ang mga taong iyon? Paano ka nakarating dito ng ganoon kabilis?" tanong ni Sophia kay Francis."May alam naman sa kagandahang-asal ang mga taong iyon at hindi nila ako pinilit na manatili roon," kalmado naman na sagot ni Francis kay Sophia habang nakatingin nga sya sa hawak na juice ni Sophia.Hindi naman kumbinsido si Sophia sa sinabi ni Francis ngunit dahil iyon ang sinabi ng lalaki ay wala na siyang balak alamin pa.Nagbago ang musika sa salu-salo at ang ilan sa mga kalalakihan ay nagsimula ng mag imbita ng mga dalagang naroon na sumayaw sa dance floor.Tumingin naman si Francis sa kanya at saka nito inilahad ang kamay sa kanya. "Pwede ba kitang maisayaw?" tanong ni Francis kay Sophia habang nanatiling nakalahad ang kamay nya rito.Saglit naman na natigilan si Sophia dahil sa alok
CHAPTER 30"Ang dahilan kung bakit siya ganoon kayabang ay dahil ikaw ang nasa likod niya,” sabi pa ni Sophia habang may ngiti pa sa kanyang labi. Ang kanyang ngiti ay tila banayad at gaya ng dati noong hindi pa sila nagkahiwalay. Ngunit alam ni Francis na sa likod ng kanyang kalmadong mga mata ay may bahid ng lamig."Sigurado ka ba na si Nelson ang may gawa nito sa iyo?" tanong ni Francis at nanatili nga itong kalmado. "Bakit niya naman gagawin iyon sa’yo?" tanong pa nya.Isang mapait na ngiti ang lumabas mula sa labi ni Sophia.Dahan dahan niyang hinaplos ang pulang damit gamit ang kanyang mahahabang daliri. Ang tela nito ay makinis at malambot at ito ang damit na kanyang minahal mula ng ibigay ito sa kanya ni Francis kanina.Maaaring sabihin na ito ang kauna unahang totoong regalo na ibinigay ni Francis sa kanya. Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, wala siyang natanggap na anumang regalo mula kay Francis. Kahit pa ipinarating niyang gusto niya ng surpresa rito ay a
CHAPTER 31Tahimik naman na nakatingin si Francis kay Sophia at ang kanyang mga mata ay walang ipinapakitang emosyon. Kahit gaano sila kalapit sa isa’t isa ay tila imposibleng mabasa ang nasa isip niya.Tatlong taon na silang magkasama na dalawa ngunit tila ba hindi pa rin lubos na naiintindihan ni Sophia si Francis."Ikaw ang pumili kay Bianca. At ikaw rin ang nagpabaya sa akin," bulalas ni Sophia kay Francis.Bahagyang napakunot naman ang noo ni Francis sa sinabi ni Sophia. Nakatayo sya sa tabi ng mesa at kinuha niya ang isang piraso ng yelo mula sa ice bucket at inilagay iyon sa makinis at maputing noo ni Sophia.Napasinghap naman si Sophia dahil sa biglaang lamig at bahagya pa ngang nanginig ang kanyang katawan. Bumitiw siya kay Francis ngunit naramdaman niya ang mas tumitinding presyong bumabalot sa silid. Unti unting natunaw ang yelo at dumaloy pababa sa kanyang noo at nag iiwan nga iyon bakas ng tubig. Ang haplos ng lamig ay unti unting bumawi sa kanyang pagkalasing."Gising ka
“Hindi mo ba sinabi… na itatago mo ako? mahinang sabi ni Raymond at basag pa nga ang kanyang boses. “Bakit hindi na lang ako manatili rito? Kung hindi ko na siya makikita.. ayos na rin na manatili na lamang ako na pilay,” dagdag pa niya.Hindi na nga iniisip ni Raymond ang sarili niyang nararamdaman. Alam kasi siyang hindi na niya kayang bumalik.Galit na galit naman nga si Camille dahil sa sinabi na iyon ni Raymond. Namumula na nga ang kanyang mga mata at handa na nga sana siyang magwala, pero bago pa man nga siya makasigaw ay isang grupo nga ng mga tao ang biglang sumugod sa loob ng villa. At sinimulan na nga ng mga ito na halughugin ang buong bahay.“Alam nyo ba kung nasaan kayo? Lumayas kayorito,” galit nga na sigaw ni Camille at nanginginig pa nga siya sa sobrang galit.Pero para ngang walang naririnig ang mga ito. At nang makita nga nila si Raymond ay nagkatinginan nga ang mga lalaki at dahan-dahan nga nilang inakay si Raymond palabas mula sa basement patungong sala.At sa sala
“Sabihin mo kay Rafael na nakatanggap ako ng email mula kay Theresa,” kalmado pero mabigat nga ang boses na utos ni Lester sa kanyang assistant. “At bilang isang mahusay na pinuno ng pamilya ay alam na niya siguro kung ano ang dapat niyang gawin,” dagdag pa niya.Alam nga ng lahat sa pamilya Ledezma kung sino si Theresa at kung gaano nga sya kadelikado kapag nasaktan. At gaya nga ng inaasahan nang mabalitaan nga ni Rafael na nakatanggap ng email si Mr. Lester mula kay Theresa ay agad nga itong nag-panic.Noon ay hindi nga niya gaanong inintindi ang ginawang pagdukot ni Camille kay Raymond. Pero ngayon nga nang marinig niya ang pangalan ni Theresa ay bigl nga siyang nakaramdam ng takot.Bilang pinsan nga ni Jayson ay alam na alam niya kung gaao kadelikado si Theresa noon — kung paano nga niloko at tinalo ang buong pamilya Ledezma, kung paano niya naitakas si Jayson at nagkunwaring patay na nang hindi man lang sila nahalata.At kung si Theresa nga ang kalaban ay hindi nga sila basta-ba
CHAPTER 220Gabi pa rin nga ng mga oras na iyon. At nang matanggap nga ni Mr. Ledezma ang email na iyon ay agad nga niyang kinuha ang kanyang reading glass at agad niyang tiningnan ang bagong dating na mensahe na iyon.Kakaunti lamang nga ang nakakaalam ng kanyang personal na email address. At kadalasan nga mga liham lamang tungkol sa negosyo o mahahalagang pagpupulong ang pumapasok doon. Pero ngayon nga pagtingin niya sa pinakadulo ng email ay bigla ngang nanigas ang kanyang katawan ng mabasa nga niya ang pangalan ni Theresa roon.Ang pangalan na iyon ay parang multo na bumabalik sa bawat alaala ng pamilya Ledezma at isang bangungot nga iyon na hindi nila matakasan.Gaano nga ba kalalim ang galit ni Mr. Ledezma kay Theresa?Si Jayson Ledezma sana dapat ang naging pinakamagaling na tagapagmana ng pamilya Ledezmam. Pero minahal nga nito si Theresa na isang babae na handang baguhin ang sarili, magsakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanya at kahit pa nga ang sarili niyang buhay.At ma
Hindi nga niya malaman kung kanino ba siya galit ngayon. Sa sarili ba niya o sa mga taong walang alam pero nanghuhusga na lamang ng basta basta.Tahimik na nga lang siyang naglakad papunta sa kanyang study room at hindi na nga siya nag-abala pa na magbukas ng ilaw doon. Naupo na nga lang siya ng mag-isa sa madilim na lugar na yon.Iniisip niya kung may pag-asa pa kaya siya? Ayaw pa rin kasi niyang hayaan na tuluyan ngang mawala si Sophia sa kanya.*********Samantala naman sa isang malayong isla sa ibang bansa ay tahimik nga na sinusubaybayan ni Theresa ang mga balita at kaganapan tungkol sa kanyang mga anak at sa bansa.Nalaman niya na ang bago ngang pinuno ng pamilya Ledezma ngayon ay ang pinsan ni Jayson at ang pakakalinlan nga ni Camille Ledezma ay…. Natatawa na lamang nga si Theresa nang mabasa pa nga niya ang iba pang balita.Ang akala nga ng ibang tao sa pamilya Ledezma ngayon ay naputol na ang tunay na dugo ng kanilang linya. Kaya naman akala nga nila ay pwede na silang magha
Sunod-sunod pa nga siyang nag-post sa kanyang sariling social media account at parang ginawa na nga niya itong chat app.“Magkita tayo. Mag-usap tayo.”“Wala na si Raymond, pero ako, narito pa rin ako.”“Kung nababasa mo ito ay tawagan mo ako.”“Pagkaalis mo kay Raymond a hihintayin pa rin kita kahit ailan.”Sa loob nga ng ilang minuto ay mas marami pa nga siyang naipost kaysa sa kabuuan ng mga naging post niya sa nakaraang mga taon.Ipinapakita nga ng bawat salita niya ang kanyang matinding pag-aalala, pagkalito, takot at ayaw pa niyang bumitaw.Maging ang mga netizen nga na dating abala sa tsismis ay bigla ngang napahinto at napatulala sa dami ng mga post ni Francis.Kung may mata pa nga ang mga tao at kung marunong nga silang umintindi at makaramdam kahit sa pinaka-mababaw na paraan ay malalaman sana nila na ang kasal na iyon ay hindi isang simpleng transaksyon lamang.Para kay Francis, si Sophia ay hindi nga kailanman naging isang bagay na maaari niyang piliin o talikuran kung ka
CHAPTER 219Pagkatapos nga na basahin ni Sophia ang mga post na iyon ni Raymond noon ay agad nga siyang nagreply doon.“Hihintayin ko ang pagbabalik mo,” sagot nga ni Sophia. At ang simpleng sagot nga niya na yun ay ang naging sagot niya sa lahat at isang tahasang pagpili nga iyon.Sa pagitan ni Francis at Raymond ay buong puso at walang pagdadalawang isip na pinili ni Sophia si Raymond. At bawat salita nga na sinabi ni Raymond sa post niya ay tinugunan nga ni Sophia ng katapatan. Samantalang nang ipinahayag nga ni Francis ang kanyang pagmamahal ay walang alinlangan nga itong tinanggihan ni Sophia.Mahal ni Sophia si Raymond. At tanging si Raymond lamang nga ang pinili niya at wala ng iba pa.May ilang mga tao nga na matagal nang sumusubaybay sa kwento nilang ito at hindi nga nila maiwasang malungkot sa naging takbo ng mga pangyayari. Ang iba pa nga sa kanila ay ipinagdasal nga na sana raw ay ligtas na makabalik si Raymond kay Sophia.Hindi pa nga alintana ng mga ito ang interes o ang
Hindi naman malaman ni Sophia kung saan nahalungkat ni Raymond ang mga ganitong matatamis na salita. At kasama pa nga sa post nito ang isang litrato ng kanyang likuran — isang kuha nga iyon na puno ng lambing at kalinawan at kahit ang simpleng pagtalikod niya ay napakaganda sa mata ni Raymond.Napangiti naman nga si Sophia at saka nga niya pinindot ang like sa post na iyon. Pagkatapos ay nagpatuloy pa ng siya sa pag-browse sa iba pang mga post ng binata.[Ang makilala ka ay isang napakagandang bagay at para nga itong marahang hangin sa tabing dagat, parang bituin sa gabi, parang malamig na pakwan sa tag-init at parang lahat ng magagandang bagay sa mundo.]Matamis naman nga na napangiti si Sophia matapos nga niyang mabasa iyon. At sa sobrang kilig nga niya ay nag comment nga siya sa ilalim ng post na iyon.“Parang si Sophia na nakilala ni Raymond.”Marami pa nga na post si Raymond na may kinalaman kay Sophia. Is-isa nga iyon na tiningnan ni Sophia at para bang gusto niyang damhin ang
CHAPTER 218“Alam mo ba kung gaano kahalaga ang Homen negotiations noon? Si Sophia ang mag-isang nagpatumba kay Michael at nakabili ng lupa ng dalawang bilyon na mas mababa pa sa orihinal na presyo nito. Nagulat pa nga noon ang mga banyagang negosyo at financial circle.”“Alam mo ba kung bakit tinawag na Homen negotiations yon? asi isa yon sa mga patibong na sinadya ng mga banyaga para hiyain ang ibang mga kumpanya. Pero si Sophia ang sumira ng plano nil. Siya ang dahilan kung bakit naipanalo ang negosasyon at naipamukha sa lahat ang kakayahan nila. At sa tulong nga ni Sophia ay nagbago ang tingin ng mundo sa bansa pagdating sa mga internationl na pag-uusap.”“Kung hindi nga dahil sa kanya ay sa tingin nyo ba magkakaroon ng pagkakataon ang iba para makipag-cooperate? Pati nga itong financial summit sa lungsod ay dito pa sa atin gaganapin. Hindi lang dahil lumipat doon ang headquarters ng Prudence. Isa pa ay dahil si Sophia na nakipaglaban noon sa Homen negotiations ay naroon din sa lu
Pagkaalis nga ni James ay muli ngang binalot ng katahimikan ang buong bahay na iyon. Tahimikk nga na binuksan ni Francis ang dating walk-in closet ni Sophia na puno nga ng makukulay at mamahaling damit. Karamihan pa nga roon ay pulang bestida, makikintab at mamula-mula na halos sumisigaw sa ilaw ng chandelier.Napatingin nga si Francis sa mga tela na iyon na magagara at mamahalin pero may masakit nga na alaala.Bigla nga niyang naalala ang isang gabi ng pagtitipon ilang linggo matapos nga ang kanilang divorce ni Sophia. Nakatayo nga si Sophia sa gitna ng madilim na bulwagan, hawak ang gunting at walang pag-aalinlangan niyang pinag pira-piraso ang isang pulang bestida. At ang mga hibla nga ng tela ay tila ba mga dugo na tumalsik sa sahig— kagaya g damdaming unti-unti nga na pinapatay.Hindi nga niya malilimutan ang mga mata ni Sophia noon na basag pero matatag, buo ang desisyon at isang pamamaalam. At ang bestida nga na iyon ay simbolo nga ng tuluyang pagkalas.Kaya paanong basta na la