CHAPTER 30"Ang dahilan kung bakit siya ganoon kayabang ay dahil ikaw ang nasa likod niya,” sabi pa ni Sophia habang may ngiti pa sa kanyang labi. Ang kanyang ngiti ay tila banayad at gaya ng dati noong hindi pa sila nagkahiwalay. Ngunit alam ni Francis na sa likod ng kanyang kalmadong mga mata ay may bahid ng lamig."Sigurado ka ba na si Nelson ang may gawa nito sa iyo?" tanong ni Francis at nanatili nga itong kalmado. "Bakit niya naman gagawin iyon sa’yo?" tanong pa nya.Isang mapait na ngiti ang lumabas mula sa labi ni Sophia.Dahan dahan niyang hinaplos ang pulang damit gamit ang kanyang mahahabang daliri. Ang tela nito ay makinis at malambot at ito ang damit na kanyang minahal mula ng ibigay ito sa kanya ni Francis kanina.Maaaring sabihin na ito ang kauna unahang totoong regalo na ibinigay ni Francis sa kanya. Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, wala siyang natanggap na anumang regalo mula kay Francis. Kahit pa ipinarating niyang gusto niya ng surpresa rito ay a
CHAPTER 31Tahimik naman na nakatingin si Francis kay Sophia at ang kanyang mga mata ay walang ipinapakitang emosyon. Kahit gaano sila kalapit sa isa’t isa ay tila imposibleng mabasa ang nasa isip niya.Tatlong taon na silang magkasama na dalawa ngunit tila ba hindi pa rin lubos na naiintindihan ni Sophia si Francis."Ikaw ang pumili kay Bianca. At ikaw rin ang nagpabaya sa akin," bulalas ni Sophia kay Francis.Bahagyang napakunot naman ang noo ni Francis sa sinabi ni Sophia. Nakatayo sya sa tabi ng mesa at kinuha niya ang isang piraso ng yelo mula sa ice bucket at inilagay iyon sa makinis at maputing noo ni Sophia.Napasinghap naman si Sophia dahil sa biglaang lamig at bahagya pa ngang nanginig ang kanyang katawan. Bumitiw siya kay Francis ngunit naramdaman niya ang mas tumitinding presyong bumabalot sa silid. Unti unting natunaw ang yelo at dumaloy pababa sa kanyang noo at nag iiwan nga iyon bakas ng tubig. Ang haplos ng lamig ay unti unting bumawi sa kanyang pagkalasing."Gising ka
CHAPTER 32Habang tinititigan ng malamig at magagandang mata ni Sophia ang mga lalaking nakatali ay tila ba natigilan ang mga ito at natulala sa mga sandaling iyon.Hindi ko naman mapigilang humanga sa taglay niyang tingin na isang malamig ngunit makahulugan na titig.Pagkatapos ng ilang saglit ay narinig ang mahinang ungol ng pagsusumamo mula sa mga nakatali na tila ba nagpapakita ng kahinaan at umaasang palayain sila ni Sophia. Ngunit nanatiling malamig ang kanyang mga mata. Tiningnan lamang niya sila at malamig na sinabi, "Tawagan nyo ang mga pulis."Walang pag aalinlangan si Sophia. Kung gusto nilang palalain ang sitwasyon ay handa siyang tapusin na ito sa pinakamatinding paraan. Sino nga ba ang may kayang gumawa ng ganitong kademonyohan na paraan para sirain ang isang babae?Napaka pamilyar ng ganitong taktika sa kanya. Dahil ito rin ang ginamit ni Nelson para sirain ang reputasyon ng kanyang ina.Ngunit hindi niya hahayaan na siya ang sumunod na biktima nito. Kung magtatangka s
CHAPTER 33 Tiningnan naman ni Sophia ang lalaking bigla na lamang sumulpot sa harapan niya at diretso nya nga itong tinanong, "Ano ba talaga ang dahilan ng pagsunod mo sa akin dito?" Lalo pang lumapad ang ngiti sa labi ni Raymond. "Hindi ko ba nasabi sa’yo? Nililigawan kita," tugon nito na may halong biro. "Ang paraan mo ng panliligaw ay ang panoorin akong mapahiya at mapalibutan ng kahihiyan tapos magpapanggap kang inosenteng tagapanood lamang? Parang palabas lang sa mata mo ito hindi ba?" seryoso naman na sagot ni Sophia sa binata. Hindi naman talaga galit si Sophia. Wala naman siyang inaasahan kay Raymond dahil simula’t sapul ay hindi naging malalim ang koneksyon nilang dalawa. Ang tinatawag na panliligaw nito ay hindi totoo pero parang laro lang ito at isang laro ng pusa at daga. "Nakakatuwa nga iyon," sagot ni Raymond habang lumapit pa sya ng kaunti kay Sophia. Nasa mukha niya ang ngiting puno ng interes at parang natutuwa siya sa biktima na nasa harapan niya ngayon. "Nilil
CHAPTER 34Nararamdaman naman ni Raymond ang bihirang kirot ng awa sa kanyang puso."Biro lang ito," aniyakay Sophia na tila may bahid ng lungkot."Kung alam ko ay imposibleng hindi alam ni Francis,”Ang kanyang mga mata na madalas nakangiti at tila naglalaro ay biglang nagdilim. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging banayad ang kanyang tinig at seryoso ang kanyang mukha na malayo sa karaniwang walang pakialam nyang ugali."Alam niyang ikaw ang biktima rito pero kahit ganoon ay pinili pa rin niyang protektahan ang nanakit sa'yo. Tinanggap pa niya ang lahat mula sa taong iyon. Bakit ka pa kumakapit sa isang taong tulad niya?" seryoso pa na sabi ni Raymond kay Sophia.Ang tanong naman na iyon ay tila ba isang palaso na tumama sa puso ni Sophia. Mahigpit niyang hinawakan ang gilid ng bintana at nanginginig ang mga maputla niyang daliri habang kagat nya ang kanyang labi."Hindi ko lamang talaga matanggap ito," bulong ni Sophia na halos hindi marinig.Alam ni Raymond kung bakit siya nagpipi
CHAPTER 35"Ate Sophia bakit bigla mo na lang itinapon ang mga bagay na ito? Ang weird mo talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit mo biglang ginawa ito," sabi ni Bianca sa kanyangbate Sophia.Napansin din kasi ni Bianca ang ginawa ni Sophia at sa sandaling iyon ay tila tumigil ang tibok ng kanyang puso sa kaba dahil natatakot sya na baka may gawin si Sophia na hindi niya inaasahan.Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ay basta na lang itinapon ni Sophia ang ilang piraso ng punit punit na pulang tela. Napaisip tuloy si Bianca kung may sira na ba sa utak si Sophia.Gayunpaman ay natatakot din siya na baka ang ginawa ni Sophia ay may malalim na kahulugan kaya’t sinubukan niyang magbigay ng pahiwatig rito para lang ipakita na ang kapatid niya ay tila nababaliw na."Nagpapaalam lamang siya," mahinang sabi ni Francis habang pinulot nya ang isang piraso ng pulang tela mula sa lupa. Parang nararamdaman pa rin niya ang init ng balat nito sa kanyang kamay.Alam niya na ang lahat ng ginawa ni S
CHAPTER 36Matapos magdalawang isip ay nakaramdam ng kasiguraduhan si Johnny na posible nga ang sinabi ng kanyang anak na si Joshua.Bata pa naman si Jacob kaya't wala namang masama kung madedelay ng ilang taon ang kanyang pag aaral sa kolehiyo. Baka nga kumita pa sila ng malaki mula rito.Nag isip naman sandali si Johnny at saka nito seryosong tinitigan ang kanyang anak."Bakit mo ba ito sinasabi sa akin ngayon? May alam ka ba na gustong magpagawa ng ganoong bagay?” hindi na napigilang tanong ni Johnny kay Joshua.Ngumisi naman si Joshua sa kanyang ama at saka nya kinuha ang kanyang cellphone at agad nya iyong binuksanbat agad nga nyang ipinakita sa kanyang ama ang mga listahan ng mga pangalan."Ang mga taong ito ay mga pamilya ng mga mayayaman. Titingnan natin kung sino ang may pinakamataas na alok at pabayaan na lang natin si kuya Jacob na kumuha ng exam para sa kanila. Siguro pagkatapos ng exam na ito ay makakabili pa tayo ng bahay," nakangisi pa na sagot ni Joshua sa kanyang ama.
CHAPTER 37Para kay Khate at Sophia si Bianca ay isa talagang magnanakaw.Isang magnanakaw na nagnakaw ng pagmamahal ng kanyang ama, ng kanyang asawa, at ng kanyang posisyon. Baka pati nga ang kanyang pagkakakilanlan at mga koneksyon ay balak din nitong nakawin. "Mas bagay yata siyang tawaging isang tulisan kaysa magnanakaw,” natatawa pa na sabi ni Sophia kay Khate.Hindi siya basta nagnanakaw kundi inaagaw niya ito nang harapan.At pagkatapos niyang makuha ang mga bagay na iyon ay sasabihin pa niyang alam mo dapat ito. Napaka bastos at walang hiya."Tama ka. Mas bagay nga sa kanya ang pagiging tulisan," sagot ni SKhate habang hindi nga nito mapigilang ngumiti.Ipinagpatuloy naman na nila Khate at Sophia ang kanilang ginagawa at muling itinuon ang kanilang atensyon sa mga dokumento na nasa kanilang harapan.Ang mga impormasyon ay maayos at detalyado kaya’t madaling maunawaan sa isang mabilisang tingin."Ano ba ang pinag-uusapan ni Principal Monica at ni boss? Mahigit isang oras na ka
CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis