CHAPTER 37Para kay Khate at Sophia si Bianca ay isa talagang magnanakaw.Isang magnanakaw na nagnakaw ng pagmamahal ng kanyang ama, ng kanyang asawa, at ng kanyang posisyon. Baka pati nga ang kanyang pagkakakilanlan at mga koneksyon ay balak din nitong nakawin. "Mas bagay yata siyang tawaging isang tulisan kaysa magnanakaw,” natatawa pa na sabi ni Sophia kay Khate.Hindi siya basta nagnanakaw kundi inaagaw niya ito nang harapan.At pagkatapos niyang makuha ang mga bagay na iyon ay sasabihin pa niyang alam mo dapat ito. Napaka bastos at walang hiya."Tama ka. Mas bagay nga sa kanya ang pagiging tulisan," sagot ni SKhate habang hindi nga nito mapigilang ngumiti.Ipinagpatuloy naman na nila Khate at Sophia ang kanilang ginagawa at muling itinuon ang kanilang atensyon sa mga dokumento na nasa kanilang harapan.Ang mga impormasyon ay maayos at detalyado kaya’t madaling maunawaan sa isang mabilisang tingin."Ano ba ang pinag-uusapan ni Principal Monica at ni boss? Mahigit isang oras na ka
CHAPTER 38Narinig naman ni Sophia ang mga sinabi ni Francis kaya saglit siyang natigilan dahil doon. Humarap naman na si Sophia rito at saka nya ito seryosong tinitigan at saka sya dahan dahan na tumango rito."Kung iyang ang gusto mo ay babalik ako rito," sagot ni Sophia kay Francis at ang boses nga nito ay puno ng lungkot.Pagkatapos sabihin iyon ay hindi na siya nagtagal pa roon. Ayaw niyang manatili kahit isang saglit pa dahil pakiramdam niya ay tuluyang masisira ang kanyang puso kung magtatagal pa siya roon.Sa kabilang banda si Francis ay tila ba walang alam. Hindi niya naiintindihan at hindi niya nararamdaman ang sakit na iniinda ni Sophia. Parang ni minsan ay hindi siya tunay na nakaintindi sa damdamin nito.Ang kaarawan ni Nelson ay kasabay ng anibersaryo ng pagkamatay ng ina ni Sophia. Ang pagsama sa pagdiriwang na iyon ay parang isang matalim na patalim na tumatama sa kanyang puso.*************Ang villa ng pamilya Marquez ay matatagpuan sa isang masiglang bahagi ng Lung
CHAPTER 39Yumuko naman si Raymond at saka ito tumingin kay Sophia.Idinampi niya ang kamay sa balikat ni Sophia na waring sinusubukang aliwin ito.Bahagyan namang umilag si Sophia habang pulang pula nga ang mga mata nito. Ngunit sa sandaling ito ay kahit na malungkot siya ay hindi siya nagpatalo. Ang malamig niyang mga mata ay tila walang masyadong emosyon."Sinundan mo ako," ani Sophia na walang bakas ng takot sa boses nito."Sinundan?" nakangisi naman na sagot ni Raymond kay Sophia habang titig na titig sya rito. "Hindi ko akalaing pagsubaybay ang tawag doon. Kung galit ka ang masasabi ko lang ay nakatadhana tayo,” dagdag pa ni Raymond at saka nya itinuro ang isang kanyang kamay sa direksyon kumg saan nanggaling si Sophia kanina."Alam mo ba na ngayon din ang anibersaryo ng pagkamatay ng aking ina," seryoso pa na sabi ni Raymond kay Sophia.Nagulat naman si Sophia sa sinabi ni Raymond at tila ba hindi sya makapaniwala sa sinabi nito.May ngiti pa rin sa mga mata ni Raymond ngunit n
CHAPTER 40Bago pa man magpatuloy si Raymond sa kanyang mga sinasabi ay nakapasok na kaagad si Sophia sa kotse.Si Raymond ay si Raymond at ang mga kulay ng sasakyan na pinipili niya ay talaga namang kakaiba.Isang pink na sports car ang gamit niyang sasakyan. At kahit na parang kakaiba nag kulay nito para sa isang lalaki ay tila namna bumagay din talaga ito kay Raymond."Sinabi ko sa mommy ko na gusto kita at balak kitang ligawan. At mukhang nakuha ko na ang basbas ng mga nakatatanda," nakangiti pa na sabi ni Raymond.“Baliw ka na ba?” tanong ni Sophia kay Raymind habang hindi man lang nya ito tinatapunan ngbtingin,"Ngayon ang kaarawan ng iyong ama. Paano kaya kung sumama ako sa’yo roon?" biglang tanong ni Raymond kay Sophia. "Hindi ka mapapahiya sa bagong presidente ng Villamayor Group of Companies," nakangisi pa na dagdag ni Raymond.Bagamat hindi na kasing lakas ng pamilya Bustamante ang pamilya Villamayor ay hindi pa rin naman sila nagkakalayo. Naniniwala si Raymond na hindi s
CHAPTER 41“Mabuti pa ay tara ng pumasok sa loob,” sabi ni Raymond kay Sophia saka nya iniabot dito ang kanyang kamay.Tiningnan naman ni Sophia ang kanyang kamay ni Raymond na nakalahad sa kanyang harapan. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya tinanggihan ang alok ni Raymond kaya naman tinanggap na rin nya ang kamay nito.Divorce na sila ni Francis at sa ngayon ay kailangan niya ng bagong tagapagtaguyod na makikita ng lahat. Bagamat madaldal si Raymond at mahilig magbiro ay isa siyang tunay na maginoo na may sariling prinsipyo. Bukod dito ay hindi nagpapahuli ang yaman at impluwensya ng pamilya Villamayor sa pamilya Bustamante.Kapag nasa tabi ni Sophia si Raymond ay alam ni Nelson na hindi na nito basta bastang pwedeng maliitin si Sophia. Kahit wala na si Francis sa tabi nito ay may ibang tao pa rin siyang maaasahan.Habang hindi pa niya nakakamit ang sariling kapangyarihan ay hindi niya dapat bigyan ng pagkakataon si Nelson na mag isip ng kahit ano pang masama laban sa kanya.Ang bi
CHAPTER 42Hindi na kayang kumalma pa ni Sophia. Bagamat bata pa siya noon ay malinaw pa rin sa alaala niya ang maamo at napakagandang mukha ng kanyang ina na si Theresa na banayad at puno ng liwanag ang anyo nito.Napakahilig ng kanyang ina sa mga magagandang damit at mga alahas at mahilig din talaga ito na magpaganda ng kanyang sarili. Kahit sa huling sandali nga nito bago ito pumanaw ay espesyal niyang ginawa ang damit na iyon para maipakita ang kanyang kariktan hanggang sa huli. Ito ang huling alaala na iniwan ng kanyang ina na isang bagay na siya mismo ang gumawa gamit ang sariling mga kamay.“Hindi siya isang bagay na basta basta lang puwedeng pakialaman ng isang tulad ni Bianca!” Sigaw ni Sophia sa kanyang isipan.“Isang tulad mo na nababagay lamang sa putikan!” dagdag pa nga nito.“Hubarin mo 'yan,” galit pa na sabi ni Sophia at saka nya hinawakan sa leeg si Bianca at halos ibuhos talaga nya ang lahat ng kanyang lakas.“Hubarin mo!” gigil pa na sabi ni Sophia at bawat salit
CHAPTER 43Tumayo naman na si Sophia habang hawak pa rin nya ang masakit niyang ibabang tiyan at dahan dahan na lumapit kay Bianca.Ang dugo sa kanyang mga kamay ay patuloy pa rin na tumutulo at ang bawat patak nito ay nag iipon sa sahig at nagiging isang maliit na lawa ng dugo.“Ngayon hubarin mo ang damit na iyan,” sabi ni Sophia kay Bianca.Pinahid ni Sophia ang luha sa kanyang mukha ngunit sa halip na malinis iyon ay lalo pa nitong nadungisan ng dugo ang kanyang mukha. Nagmukha tuloy siyang nakakatakot. Ngunit sa kabila nito ay maputla pa rin siya at halatang wala nang natitirang lakas. Pero kahit ganon pa man ay nagmumukha pa rin syang malakas at matapang.“Hubarin mo ang damit na iyan,” pag uulit ni Sophia kay Bianca habang seryoso syang nakatitig dito.Akmang tatakbo na sana si Bianca ngunit mabilis siyang hinawakan ni Sophia sa pulso gamit ang kamay niyang walang sugat.“Huwag mong pagnasaan ang hindi sa’yo,” galit pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “Kung gusto mong mang agaw ba
CHAPTER 44"Isang pangungusap lang naman ang sinabi ni daddy noong mga oras na iyon," nakangiti pa na sabi ni Bianca habang nakatingin sya kay Sophia. "Alam mo ba kung anong sinabi ni daddy? Sinabi ni daddy na talaga yatang malas. Sinabi niyang sobrang tanga ng unang misis niya. Bakit nga ba siya nagpasya na magpakamatay sa kanyang kaarawan? Dapat sana'y ibang araw na lang siya namatay," tatawa tawa pa na sabi Bianca.Alam naman ni Sophia na sinasadya ni Bianca na inisihin siya sa pagkakataong ito. Naiintindihan niya ito ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang galit na unti unting umuusbong sa kanyang dibdib.Titig na titig naman si Sophia kay Bianca habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Habang si Bianca naman ay patuloy na nakangiti sa kanya habang inaalis ang silver dress at saka nito itinatapon kay Sophia iyon."Akala mo ba magugustuhan ko ang mga damit ng patay?" sabi pa ni Bianca kay Sophia.Agad naman na kinuha ni Bianca ang isang bagong high end na damit mula sa silid
Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m
Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa
CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang
Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka
Isang titig nga iyon na parang tumatagos sa kaluluwa dahilan para mapahinto ang tibok ng puso ng sinumang nakatingin doon.Sunod-sunod nga ang mga naging komento sa live chat at karamihan nga ay paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Sophia.Bahagya lamang nga na itinaas ni Sophia ang kanyang kilay habang si Max ay halos mamula na ang mukha nang dahil sa galit. At sa mga sandaling iyon ay pakiramdam nga niya ay isa siyang malaking biro.Galit na galit nga na itinutok ni Max ang screen ng cellphone niya kay Harold. Isa na namang beauty filter attack ang nakita ng lahat ng nanonood ng live stream na iyon.Kakaiba nga ang itsura ni Harold kay Sophia. Kung si Sophia kasi ay malamig at elegante ang dating, si Harold naman ay may pilak na buhok na lalo ngang nagpatingkad sa matalas at mapanuksong anyo ng kanyang mukha. Nakatayo nga siya ngayon sa harap ni Sophia at tila ba wala nga itong pakialam, tamad ang kilos at ni hindi man lang nga ito tumitingin sa camera.“Tingnan niyo. Ito ang
CHAPTER 200Nagtaas naman ng tingin niya si Sophia at saka nga niya malamig na tiningnan si Max. At kitang kita nga sa knyang mga mata ang lamig at pangungutya.“Maaari ko bang malaman kung sino ka?” malamig na tanong ni Sophia kay Max.Nakahawak nga ang isang kamay ni Sophia sa gilid ng mesa habang may bahid nga ng malamig na ngiti ang kanyang mga mata.“Tatlong taon akong nagtrabaho sa lungsod pero ngayon ko lang narinig ang tungkol sa’yo ‘Dakilang Buddha’ sa marangyang mundong ito,” sabi pa ni Sophia at saglit pa nga siyang nagkunwari na natauhan. “Ahh… Ikaw nga pala si Mr. Max Villamayor. Pasensya ka na. Matagal-tagal na in mula nang huli tayong nagkita. Sa tingin ko ay parang pumayat ka yata nitong mga nakaraang araw dahil sa kung ano mang problema. Kaya siguro ganito ka kahina ngayon,” pagpapatuloy pa ni Sophia at wala ngang pag-aalinlangan iyon at isang malinaw at lantad na panlalait nga iyon.Alam kasi ng lahat na kamakailan lang ay pinaalis nga ni Raymond si Max at inalis sa
Pagdating nga niya sa conference room sa pinakamataas na palapag ay hindi na nga siya nag-abala pa na kumatok roon. Bahagya pa ngang namutla ang guard na nakabantay sa sa pinto ng makita nga siya. Wala namang malinaw na utos mula sa director na hindi nga siya pwedeng pumasok kaya hindi naman nga siya pinigilan ng guard.Mas deretsahan nga si Harold at agad na nga niyang binuksan ang pintuan ng conference room.Sa loob nga noon ay naroon nga si Gilbert na kasalukuyan nga na nagsasalita. Pero natigilan nga ito ng makita nga niya si Sophia.“Pasensya na kung nahuli ako ng dating,” malumanay pa na sabi ni Sophia at wala ngang bahid ng kaba ang kanyang tinig.Matatag nga ang kanyang tindig. Maliwanag ang kanyang mga mata ngunit may kalamigan nga ng tingin nito. Dahan-dahan nga siyang naglakad sa loob ng conference room hanggang sa makarating nga siya sa upuan kung saan nakaupo si Gilbert.Diretso nga na tiningnan ni sphia si Gilbert.“Mr. Gilbert, mukhang akin ang upuan na iyan,” kalmado p
“Sigurado ka ba na pupunta ka pa roon?” tanong kaagad ni Harold kay Sophia. “Sa lagay mong iyan ay mahina pa ang iyong katawan. Tapos haharap ka pa sa mga matatandang buwaya ng pamilya Villamayor? Mas tuso pa ang mga iyon kaysa sa inaakala mo…”Hindi pa man nga tapos sa kanyang sinasabi si Harold ay tiningnan na nga siya ni Sophia habang may ngiti nga sa labi nito.“Mas mabigat pa ang laman ng isipan ko kaysa sa kanila,” sabi ni Sophia.Totoo naman kasi na mas mabigat nga ang iniisip ngayon ni Sophia kaysa sa mga tao ng Villamayor Group. Alam na alam na kasi ni Sophia ng mga pinaplano ng pamilya Villamayor. Pero alam kaya ng pamilya Villamayor ang totoong nilalaman ng puso’t isipan niya?Nagbihis naman nga si Sophia ng isang beige na corporate suit. Maingat nga siyang nag make-up para nga maitago niya ang maputla niyang mukha.Habang nakatingin nga siya sa salamin ay nakita nga ni Sophia ang kanyang sarili na matalas ang tingin at matapang ang anyo. At hindi nga niya kayang ipakita na
CHAPTER 199Marami nga ngayon ang usap-usapan tungkol sa pamilya Villamayor.Ayon nga sa balita ay matagal nang gumawa ng testamento si Raymond dahil sa sobrang pagkahumaling niya sa isang babae. At sa kanya ngang testamento ay iniiwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian at shares kay Sophia. At kung hindi nga mahanap ang katawan ni Raymond ngayon ay si Sophia lang ang magiging tagapagmana ng lahat ng iyon. Siya lang ang makakakuha ng kabuuang yaman ng Villamayor Group sa mga darating na taon.“Ang galing naman niya. Na-promote, yumaman tapos nawalan ng asawa. Sino ba naman ang hindi magdududa sa kanya?”“Pero teka lang. Hindi ba at linoko ni Sophia si Francis habang kasal pa sila? Pagkatapos ay halos wala pa ngang pagitan ay agad na nga siyang sumama kay Raymond. At pagkatapos nga niyang umalis sa kumpanya ng mga Bustamante ay nakunan nga siya sa anak nila ni Ramond. Tapos ngayon nga ay may problema na naman si Raymond? Paano mo nga naman masasabing wala siyang kinalaman dito?”“Kung