CHAPTER 19Tanging si Desiree lamang ang may lakas loob na magsalita nga ganon kay Francis at tila ba wala itong pakialam sa mga sinasabi nito.“Seryoso kuya? Kahit kasal ka na ay nagagawa mo pa ring lokohin ang asawa mo? Pati ba naman masamang ugali na iyan ay kinuha mo na rin?” tila walang pakialam na sabi ni Desiree sa kuya Francis nya. Hindi naman malaman ni Desiree kung ano ba ang dapat niyang sabihin dahil totoong nagulat sya sa mga nalaman nya.“Grabe kuya Francis hindi ko akalain na mayroon na pala na parte ng pamilya natin na mayroong ganyang ugali. Ang sama naman ng ugali mo,” hindi pa rin nga mapigilan ni Desiree na sabi sa kanyang kuya Francis.Pinandilatan naman ng mata ni Francis si Desiree para tumigil na nga ito sa mga sinasabi nito na masasakit na salita sa kanya.Nang sabihin kasi ni Desiree ang salitang ‘sama ng ugali’ ay tila ba nainsulto si Francis doon pero natawa na lang din naman sya bandang huli.“Desiree subukan mo pa ulit magsalita ng mga kalokohan mo,” tat
CHAPTER 20“Sa tingin mo pinoprotektahan talaga ako ni Desiree? Akala ko kasi ay galit sya sa akin,” mahinang sabi ni Bianca kay Francis.Hindi naman na sila pinansin pa ni Sophia at agad na nga rin itong lumabas ng opisina ni Francis. Wala kasi syang balak na makinig at manood sa mga kaartehan ni Bianca.Nang tuluyan na ngang makaalis si Sophia ay naupo naman si Bianca sa armrest kung saan nakaupo si Francis saka sya yumakap sa may leeg ng binata.“Ali pwede rin ba akong sumama sa school nila Desiree kung saan gaganapin ang anniversary performance nila? Alam mo naman na doon din ako nag aral noon diba? Gusto ko sanang pumunta ulit doon matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta roon e,” tila naglalambing pa na sabi ni Bianca kay Francis at lalo pa nga nitong inilapit ang kanyang mukha sa binata. “At isa pa ay ayokong makita na kayo lamang ni ate Sophia ang magkasama na dalawa na pupunta roon. Mukha kasi kayong magkasintahan na dalawa kapag ginawa nyo iyon at hindi naman ako
CHAPTER 21Hirap na hirap naman na lumabas si Bianca sa loob ng school na iyon. Pagkalabas pa nga nya ay sinalubong pa sya ng malamig na ihip ng hangin. Basang basa pa rin kasi ang kanyang buhok at ang kanyang pang itaas na damit ay basang basa na rin nga kaya naman dumikit na ito sa kanyang balat kaya naman kapag humahangin ng malakas ay talaga namang nanginginig ang katawan nya dahil sa lamig.Agad na nga syang tumakbo sa gilid ng kalsada at sinusubukan nga nya na pumara ng taxi roon. Nakayuko lamang nga ang kanyang ulo dahil nahihiya talaga sya sa mga nangyare kanina at idagdag pa na ganoon nga ang kanyang itsura ngayon.“Bianca?” rinig ni Bianca na tawag sa kanyang pangalan kaya naman agad syang nag angat ng kanyang tingin at nakita nga nya si Francis na kunot noo na nakatingin sa kanya.Wala ka ngang ibang makikitang ibang ekspresyon sa mukha nito bukod sa nakakunot nga ang noo nito. At dahil nga sa malaking lalaki si Francis ay nasasangga nga nito ang malakas na hangin na tatam
CHAPTER 22Seryoso pa nga na tinititigan ni Sophia si Francis habang sinasabi nya ang mga kataga na yun. Ang mukha nya ay kalmado pa rin pero sa kaloob looban ni Sophia ay nasasaktan sya sa pagbibintang sa kanya ni Francis.Paano ba naman na hindi malulungkot si Sophia. Sa loob ng tatlong taon na magkasama sila ni Francis araw at gabi ay parang hindi pa rin sya talaga kilalang lubusan ni Francis. Kahit kailan ay hindi gumawa si Sophia ng bagay na ibinibintang ni Francis sa kanya. Hindi kasi sya ang tipo ng tao na gagawa ng isang bagay na hindi kayang panindigan. Pero ngayon sa nakikita nya kay Francis ay parang napakababang uri sya ng tao sa paningin nito.Nanatili naman na nakatingin si Francis kay Sophia habang may malamig na titig sa dating nyang asawa na kung titingnan mo nga ay parang wala na syang pakialam pa rito.“Maganda ang relasyon nyo ni Desiree at talagangbmalapit kayo sa isa’t isa. At diba ikaw rin ang dahilan kaya nagagalit ngayon si Desiree kay Bianca,” seryoso pa na s
CHAPTER 23Agad naman na naghanap ng mapaparkingan si Francis at napili nga nya na sa tabing kalsada na nga lamang mag park ng kanyang sasakyan. At pagkatapos nga noon ay dinala na nga nya si Sophia sa snack street.Ang snack street ay puno ng maliliit na mga kainan. At dahil nga malapit lamang ito sa isang University ay sinisigurado ng mga nagtitinda roon na malinis ang kanilang itinitindang pagkain. Habang naglalakad nga sila roon ay kita nga nila ang kabi kabilang mga paninda roon kagaya ng mga pancakes, fries, burgers, noodles, barbecue, fried skewers, fried rice, mga dessert at marami pa ngang iba. At meton nga ring mga restaurant sa paligid nito.At dahil nga medyo makitid lamang ang daan doon ay siksikan talaga ang mga tao na naroon ngayon.At dahil nga napakatangkad ni Francis ay kapansin pansin talaga sya roon lalo na at nakasuot pa nga siya ng mamahaling suit at napakagwapo pa nga nito talaga at tila ba hindi sya nababagay sa ganoong lugar.Samantala naman si Sophia ay nasa
CHAPTER 24Habang mahimbing naman na natutulog si Sophia ay naramdaman nya na parang may umaalog at tumatawag sa kanya.“Madam! Madam!” Dahan dahan naman na iminulat ni Sophia ang kanyang mga mata at nakita nga nya ang isang babae na gumigising nga sa kanya at walang iba iyon kundi si Aunt Mylene.Pagkatapos kasi nilangbmaikasal ni Francis noon ay si Aunt Mylene na ang palaging nag aalaga sa kanya.“Aunt Mylene ano po ang nangyare?” tanong ni Sophia kay Aunt Mylene.“Madama pinapagising na po kayo ni sir Francis. Baka ma late daw po kayo sa inyong trabaho,” magalang naman sagot ni Aunt Mylene.Bigla naman na natigilan si Sophia saka sya dahan dahan na tumango rito. Napadako naman ang tingin ni Sophia sa kanyang suot na damit at nagulat pa nga sya dahil iba na ang kanyang suot dahil naka night gown na nga siya.Napansin naman ni Aunt Mylene na nakatingin si Sophia sa suot nitong damit.“Nang dumating po kayo rito kagabi ay mahimbing na po ang tulog ninyo. Ayaw na po kayong gisingin pa
CHAPTER 25Tatlong taon na ang nakalipas mula nang maging sekretarya si Sophia ni Francis. Dahil sa kanyang kahanga-hangang hitsura, madalas siyang pinag-uusapan ng mga tao. Kahit pa nagtapos siya sa kolehiyo sa loob lamang ng dalawang taon, halos perpekto ang kanyang marka at hindi pa rin nga nawala wala ang tsismis tungkol sa kanya.Noon, dapat nang wakasan ang pakikipagtulungan sa isang resort company dahil pumili na ito ng ibang partner—isa pang kumpanya na hayagang karibal ng pamilya Bustamante. Sa panahong iyon, nasa ibang bansa si Francis para makipagnegosasyon sa isa pang kontrata. Dahil sa masamang lagay ng panahon, hindi siya kaagad nakabalik ng bansa para ayusin ang problema.Sa pagkakataong halos pipirma na ang resort company sa kabilang partido, sinamantala naman iyon ni Sophia bilang huling pagkakataon. Ipinakita niya ang mga benepisyo at kawalan ng parehong kumpanya, at ginamit ang opinyon ng mga tao upang talunin ang kalaban. Sa huli, matagumpay niyang napanatili ang
CHAPTER 26Sa wakas ay inihinto na rin ni Francis ang sasakyan sa harap ng entrance ng resort. Mabuti na lamang talaga at ang mga taong pumapasok at lumalabas ay pawang mga bisita roon para sa ribbon cutting ceremony o mga mamamahayag. Walang sinuman mula sa kumpanya ang nakakita sa pagdating ni Sophia.Abala namannsi Sophia sa pagmamasid sa paligid ng entrance ng kumpanya nang bigla niyang maramdaman ang mainit na hangin sa kanyang tainga. May banayad na simoy na dumausdos sa kanyang leeg at tainga, dala ang amoy ni Francis.Mabilis naman na napalingon si Sophianat halos pigil pa ang kanyang paghinga dahil sa pagkabigla. Napakalapit kasi ng mukha ni Francis sa kanya at sa sobrang lapit nga ay muntik nang magdikit ang kanilang mga labi ng humarap siya.Mainit ang hininga nito, at halos nasusunog ang kanyang pisngi. Napatulala na nga lamang si Sophia, habang ang kanilang mga mata’y nagtagpo kahit na may suot pa na salamin si Francis.May init sa mga mata nito at hindi iyon imahinasyo
Nang marinig naman nga ni Sophia ag boses ni George ay marahil nga ay naroon si Louie sa tabi niya o baka rin dahil sa nalalapit na paghihiganti kay Nelson ay nagsalita nga si Sophia na may halong biro pero may kurot sa tonong matalim.“Ms. Melanie, gusto raw sumama ng kuya ko. Bakit hindi tayo sabay-sabay na dumalo sa board meeting ng Marquez Corporation?” sabi ni Sophia.Nang marinig nga ni George na tinawag siyang ‘kuya’ ni sophia ay bahagya nga napataas ang kanyang kilay. Lalo tuloy siyang naging interesado sa babaeng ito na tinatawag siyang kuya at tila ba nagkaroon nga siya ng magandang impresyon kay Sophia.Ngunit bigla ngang pinandilatan ni Louie si Sophia at marahan nga niyang pinisil ang tenga ni Sophia. Bagamat hindi naman nga iyon masakit ay malinaw ang paninito nito sa tono ng dalaga.“Sino na naman ang kinikilala mong kuya sa harap ng tunay mong kuya?” tanong ni Louie kay Sophia.Nameywang naman nga si Sophia at saka nga siya tumingin kay Louie.“Kasalanan ito ni Nelson.
CHAPTER 203Agad naman nga na nag-utos si Harold na mag-imbstiga tungkol sa taong nasa likod ng nangyaring insidente. Ngunit hindi nga niya inaasahan na ang mga taong nasa itaas ng listahan ay mga miyembro mismo ng pamilya Marquez naa sina Nelson at Bianca.ang mga tulad nila ay sakim at naiinggit ay kailanman ay hindi tatantanan ssina Sophia at Jacob. Para kasi kay Bianca basta’t buhay pa si Sophia ay parang tinik ito sa lalamunan niya. At para naman kay Nelson si Jacob ay isa namang malaking kahihiyan sa buong pagkatao niya At gusto nga niya ng isang nakakabaliw na paghigati.Kung hindi lang sana niyayani Raymond si Sophia sa labas ay malamang na nadamay na rin siya sa aksidente sa sasakyan.Alam ni Sophia sa puso niya na ang pamilya Marquez ay ginamit lang bilang sangkalan upang mabigyan siya ng paliwanag. Ngunit kahit nga ganoon ay hindi nga siya basta-basta papayag na matapos na lang ito nang ganoon kadali.Bago nga umalis si Sophia ay nasalubong nga niya si Louie na mabilis na p
Ang pamilya Villamayor kasi ay may mga matang gutom na gutom sa yaman. at kahit kailan nga ay hindi sila titigil hangga’t hindi nila nasasakmal ang lahat.“Bakit ko naman ipamimigay ang mga bagay na iniwan sa akin ng taong mahal ko?” sagot ni Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi na may kasamang pangungutya. “Kapag ibinigay ko yun sa inyo ay maibabalik pa ba iyon sa akin? Alam ko na hindi na. At ngayon nga kung ganito rin lang ang magiging usapan natin ay may saysay pa ba ang pagpapatuloy nito?” pagpapatuloy pa nga ni Sophia.Bahagya pa nga na itinaas ni Sophia ang isa niyang kilay. Pero hindi nga nawala ang lamig sa kanyang mga tingin. Nanatili naman nga na tahimik si Gilbert pero madilim nga ang ekspresyon ng kanyang mukha.Hindi na nga pinansin pa ni Sophia ang katahimikan sa buong paligid. Bumaba na nga siya sa pagkakaupo niya sa mesa pero nang lumapat nga ang kanyang mga paa sa sahig ay bigla nga siyang nanghina at kamuntik na nga siyang matumba. Mabuti na lang nga at mab
“Ako lang naman ang bumubuhay sa kumpanya nyo ngayon. At kung wala kang alam sa finance at business ay bumalik ka na lang sa pamilya niyo at maging palamunin habang buhay. At huwag ka nang magpahiya pa rito,” galit pa na sabi ni Harold.Matagal na kasi talagang naiinis ssi Harold kay Max at ngayon nga ay hindi na talaga siya nakapagtimpi pa.Pagkabitaw nga ni Harold kay Max ay tumingin nga siya kay Gilbert na tahimik lang nga sa kinatatayuan nito.“Mr. Gilbert alam mo naman siguro kung gaano kahalaga si Sophia sa Villamayor Group, hindi ba?” baling ni Harold kay Gilbert dahl alam naman niya na alam nga nito na kung wala nga si sophia ay matagal na rin nga n natumba ang kumpanya ng mga Villamayor.Pinunasan naman nga muna ni Gilbert ang malamig niyang pawis sa kanyang noo at sunod-sunod nga ito na tumango. Ngunit sa huli nga ay hindi rin sya nakapagpigil at nagsalita na nga rin siya.“W-wala naman akong ibang ibig sabihin. Ang sa akin lang… p-pwede namang maging vice president si Sophi
CHAPTER 202Nakangiti naman nga si Sophia habang pinagmamasdan nga niya ang lahat ng mga naroon sa meeting na iyon. Tahimik lang naman din ang lahat ng mga naroon pero bigla ngang nagsalita muli si Max.“Sinabi mo na makikipag cooperate ang Prudence sa Villamayor Group. Ibig bang sabihin niyan ay tiyak na mangyayari iyon? Akala mo ba ay ikaw ang presidente ng Prudence? Pinapaalala ko lang sa’yo na hindi ikaw si Mr. Louie Hernandez,” sabi ni Max ng mapanuyang tono ng pagsasalita.Tahimik naman na napatingin si Harold sa gawi ni Max at saka nga niya iyon malamig na tinitigan.“Sa palagay ko, sapat na sigurong kasagutan sa tanong mo na iyan ay ang narito ako ngayon sa harapan ninyo,” malamig na sabat ni Harold.Halos mapasigaw naman nga si Gilbert sa inis sa kanyang anak na si Max, Kaya naman mabilis na nga niya itong sinaway.“Tumigil ka na nga, Max,” saway ni Gilbert sa kanyang anak.Alam naman ni Gilbert na kinikilingan nga niya ang kanyang anak na ito pero hindi niya inakala na ganit
Sa dami nga ng kneksyon ni Sophia ay hindi na nga siya nauubusan ng kasosyo o kontrata. At kung ihahambing ang mga mumurahing benepisyong iniaalok nina Max at Migual sa kung ano ang kayang ibigay ni Sophia ay parang katawa tawa lang nga iyon.May ilan nga na naroon sa silid na iyon ang napatingin nga kay Gilbert na may halong awa. Dahil kung tuluyan ngang mawawala si Raymond ayon sa batas ang lahat nga ng pag-aari nito ay mapupunta kay Sophia.At ang mga direktor nga na naroon sa silid na iyon. Halos lahat nga sila ay tahimik pero malinaw ang kinikilingan nitong panig at yun ay suportado nga nila si Sophia. Ang importante lang naman sa kanila ay ang kita. At wala nga silang pakialam kung sino ang umuupo basta’t may dala nga itong pera. Para kasi sa kanilaay wala ngang pinagkaiba si Sophia at ang pagsamba sa Diyos ng Kayamanan.Tumayo nga si Sophia habang may ngiti nga sa kanyang labi at pinagmamasdan ang lahat ng mga naroon.“Maalala ko nga pala… Ano nga ba ulit ang dahilan ng board m
Gaya nga ng madalas sabihin ni Gilbert na, “Kung isa man sa mga sira ulo na kamag-anak natin ay lumaking kasing ganda ni Harold ay panigurado na siya rin ang magiging paborito ng lahat.”May lambing at pino ang itsura ni Harold at kabigha-bighani at malumanay nga ito kabaligtaran ng hitsura ng ibang miyembro ng pamilya Villamayor. Magaganda rin naman ang kanilang lahi pero lagi ngang may matigas at mapanghamon na aura ang mga ito.At dahil nga roon ay unti-unti na nga na naging kakaiba ang tensyon sa loob ng conference room.“Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa,” sabi ni Sophia kasabay nga ng pagsulyap niya sa mga ito habang nakaupo nga siya sa gilid ng mahabang mesa. Marahan pa nga niyang pinipindot-pindot ng kanyang mahabang daliri ang mesa.“Narito ako ngayon sa kumpanya kasama si Harold para sa isang kontrata,” kalmado pa na sabi ni Sophia.“Matagal nang may ugnayan ang Prudence at ako. At ang bagong 3D rlated na proyekto ay personal kong pakikipagtulungna sa Prudence at hindi sa
CHAPTER 201Bahagya naman nga na tumaas ang kilay ni Harold saka nga siy marahan na ngumiti habang nakatitig kay Miguel Villamayor.Sanay na nga siya sa negosyante na mukhang maamo pero mapanganib. At ito nga ang mga tao na may apanlinlang na ngiti, pero may itinatagong bangis o matinding plano sa likod ng kanilang mga salita.Pero sa pananaw nga ni Harold ay isa lang nga lang ang naiisip niya kay Miuel at iyon nga ay ‘mukha siyang tanag’.“Hindi ba at iisa lamang ang kapatid ni Mr. Raymond?” tanong ni Harold habang bahagya pa nga na naningkit ang kanyang mga mata. “Hindi ba’t ang kapatid niya ay si Miguel? Kailan pa naging malapit si Raymond kay Max Villamayor?” sabi pa ni Harold at saka nga siya napangisi.“bagong bago pa lang nga ang gulo ni Mr. Max, pero heto at masaya pa ring umiinom at nakikipagkwentuhan si Mr. Miguel sa kanya at tinatawag pa nga siyang ‘kapatid’. Mukhang ganito pala talaga kalalim ang relasyon nilang dalawa,” pagpapatuloy pani Harold.Pero ano nga ba talaga ang
Pero pinatunayan nga ng reyalidad ang masakit na katotohanan. Ang kagandahan ay isa ngang kapangyarihan. At kapag ang kagandahan ay sinamahan pa nga ng tagumpay ay mas lalo nga iyong nakakabighani.“Si Sophia ay niloloko si Raymond. Niloloko niya. Pakiusap, mag-focus kayo sa tunay na issue. May affair silang dalawa. Naiintindihan nyo ba? MAY AFFAIR SILA!” halos mapasigaw na nga si Max habang patuloy nga ito sa live stream niya.Sa comment section naman ay may mga ilan nga na hindi nagpapatinag at tila ba mas panig pa nga ang mga ito kina Sophia at Harold.“Napakagwapo talaga ni Mr. Harold. At parang nakakabaliw nga talaga ang kagwapuhan niya.”“Hindi ba’t si Ms. Sophia ay malaki ang impluwensya sa mundo ng negosyo? Bakit naman hindi sila pwedeng magtulungan na dalawa? Wag kayong basta n alang manghusga at sabihing may milagro na nangyayari,” sabi ng isa sa mga nanonood ng live stream ni Max. “Ang totoo nyan ay ikaw nga yata ang mukhang mahilig sa gulo Mr. Max Villamayor, /sigurado ka