CHAPTER 7
Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia. Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan. “Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia. Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa. “Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha. “Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan nyo ay baka naman maaaring mamaya nyo na lamang iyan pag usapan. May meeting kami ngayon tungkol sa bagong proyekto. Kaya kung hindi naman tungkol yan sa aming pinag uusapan at hindi naman mahalaga ang sinasabi mo kay Ms. Sophia ay maaari ka ng umalis dahil naaabala mo ag aming meeting,” sabi ng isa sa mga kameeting ni Sophia. Seryoso naman na tinitigan ni Sophia si Bianca. “Ngayon ang meeting namin tungkol dito sa project na ito. Kaya Ms. Bianca kung wala ka ng iba pang sasabihin ay maaari ka ng lumabas ng conference room para naman maipagpatuloy na namin ang aming meeting. At kung maaari lamang ay huwag mo muna kaming istorbohin sa aming pagtatrabaho,” seryoso pa nga na sabi ni Sophia kay Bianca dahil naiistorbo na talaga nito ang kanilang meeting. “Ate Sophia hindi naman ako pumunta rito para istorbohin ka. Narito ako para humingi ng tawad sa’yo,” sagot pa ni Bianca kay Sophia at ayaw pa rin nya talagang umalis roon at talagang nagmamatigas pa rin sya. Sandali naman na natigilan si Bianca at napadako nga ang kanyang paningin sa may puntuan ng silid na iyon. Napakunot pa nga ang kanyang noo ng mamukhaan nya kung sino ang nakatayo roon at bigla nga syang kinabahan. Nagtataka naman ang mga naroon ng mapansin nga nila na biglang natigilan si Bianca at napandin nga nila na namumula na ang mata nito. “Pasensya na talaga ate Sophia. Wala naman akong masamang intensyon. Pwede ba na tigilan mo na ang paninira sa akin ate,” sabi pa ni Bianca habang hilam ng luha ang kanyang mga mata at nanginginig pa nga ang kanyang boses dahil sa kanyang pag iyak. “Secretary Bianca pwede ba na ayusin mo ang iyong ugali lalo na kung narito ka sa kumpanya. Hindi mo ba alam na pwedeng maapektuhan si President Francis dahil sa ginagawa mo. Ang personal na buhay ay dapat na hinihiwalay sa oras ng trabaho. At hindi mo rin ba alam na maaari syang mahirapan dahil sa mga ginagawa mo,” malamig ang boses na sabi ni Sophia kay Bianca dahil naiinis na sya rito. “That’s enough,” sabi ng isang malalim na boses na lalaki mula sa labas ng punto ng naturang silid. Napalingon naman ang lahat ng naroon sa gawi ngblalaki na nagsalita at walang iba iyon kundi si President Francis. Ngayon naman napagtanto ni Sophia kung bakit biglang umakto na kaawa awa si Bianca at may pa iyak pa nga ito. “Good afternoon President Francis. Paumanhin ngunit ang pagpupulong na ito ay tungkol sa isang bagong proyekto. At hindi naman na kailangan pa rito ang presensya ni Secretary Bianca,” sabat na ng isang kasama sa meeting ni Sophia. Hindi naman kinkabahan si Sophia dahil hindi naman sya ang nagsimula ng gulo. Si Bianca naman ang pumasok roon ng walang pasabi at ayaw pa ngang umalis. Habang hawak hawak ni Sophia sa kanyang kamay ang USB flash drive ay linaro laro naman nya ito at saka nya makahulugang tinitigan si Bianca. “President Francis may kailangan bang sabihin sa amin si secretary Bianca kaya sya narito?” tanong na ni Sophia. “Oo si president Francis ang nagsabi sa akin na hawakan ko ang trabaho na ito,” sabat na ni Bianca. “Kung gayon ay pwede ba naming malaman kung ano nais mong ipagawa sa amin?” nakangiti pa na sabi ni Sophia na tila ba inaasar nga nito si Bianca. Napasandal naman si Sophia sa may bintana habang nakangiti kay Bianca. “Sasabihin mo ba sa amin ang tungkol sa Yesha Pharmaceutical o ang tungkol sa pakikipagtulungan ng Sarmiento Group of Company?” seryoso pang tanong ni Sophia kay Bianca. Bigla namang kinabahan si Bianca sa tanong ni Sophia. “P-parehas sila,” kandautal pa na sagot ni Bianca. Bigla namang natawa si Sophia dahil sa sinabi ni Bianca. “Secretary Bianca wala namang kumpanya na Yesha Pharmaceutical at ang Sarmiento Group of company naman ay may hindi magandang relasyon sa pamilya Bustamante. Magkaaway ang kanilang pamilya at imposibleng magtulungan ang mga ito,” tatawa tawa pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “ Bianca hindi mo ba alam ang tungkol sa bagay na yan? Gayong kahit ang mga guwardya ni Francis ay alam ang tungkol sa bagay na yan,” panunuya pa ni Sophia kay Bianca. Bigla namang nakaramdam ng pagkapahiya si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia. Ramdam nga nya ang pamumula ng kanyang mukha dahil doon. “Bilang secretary ni President Francis dapat ay pinag aaralan ni secretary Bianca ang tungkol sa mga bagay na yan. Dapat iyon ang pagtuonan ng pansin ni Ms. Bianca at hindi ang kung ano anong bagay na lamang ang kanyang sinasabi,” sabat na ng isang kasama ni Sophia sa meeting. Napapangisi naman si Sophia habang nakatingin kay Bianca. Para naman iyong sampal kay Bianca dahil totoong hindi naman nya alam ang tungkol sa mga bagay na iyon. Napadako naman ang tingin ni Sophia kay Francis na nasa pintuan pa rin ng naturang silid at nanatiling nakatayo habang madilim ang awra na nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga naman si Sophia at saka nya seryosong tiningnan si Francis. “May mga kailangan pa akong gawin at nasuspinde na nga ang meeting na ito dahil sa ilang mga kadahilanan. Mr. Francis maaari mo nang gawin ang lahat ng nais mong gawin,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis habang hindi tumitingin dito. Tiningnan pa nga ni Sophia ang mga kasamahan nya bago sya tuluyang umalis ng conference room. Pagkaalis ni Sophia ay nagmamadali na rin naman na umalis ang lahat ng mga naroon dahil hindi na nga natuloy ang kanilang meeting. Naiwanan naman sa loob ng conference room si Bianca at Francis. “Francis maniwala ka sa akin gusto ko lamang talaga na humingi ng tawad kay ate Sophia. Wala naman akong ibang ibig sabihin doon. Bakit hindi ako maintindihan ni ate,” umiiyak pa na sabi ni Bianca kay Francis. Napabuntong hininga naman si Francis at saka nya linapitan si Bianca at agad na oinunasan ang luha nito na lumandas sa pisngi. “Huwag mo na lamang pansinin pa si Sophia. Pabayaan mo na lamang sya,” pang aalo ni Francis kay Bianca. “Kung Wala kang ginagawa ay wag ka na lamang pumunta rito lalo na kung may nagmimeeting dahil may mga proyekto sila na pinag uusapan dito,” dagdag pa ni Francis. Agad naman na tumango si Bianca at hindi na nagsalita pa.CHAPTER 8Pagkaalis naman ni Sophia sa conference room ay may nakita naman sya na delivery boy. Nang makita nga sya nito ay agad nga itong lumapit sa kanya habang nakangiti.“Ikaw po ba si Ms. Sophia Marquez? Pinapabigay nga po pala ni Mr. Raymond Villamayor itong isang Blue Enchantress,” sabi ng delivery boy kay Sophia.Agad naman na napatingin sa gawi ni Sophia ang mga naroon ng marinig ang sinabi ng delivery boy.Ang Blue Enchantress kasi ay isang malaking bungkos ng blue roses at tila nagniningning ito sa malambot na liwanag.Sa kabilang kamay naman ng delivery boy ay may hawak pa siyang jewelry box na yari sa kahoy at may nakaukit pa nga roon na phoenix pattern.Sa loob ng kahon ay may laman itong isang Red Agate Neclace. Ang kulay nitong dugong pula ay sobrang kumikinang at nakakasilaw at hindi mo maiwasang tumitig dito kapag nakita mo na.Mayroong maliit na card sa loob ng kahonnna may nakasulat sa isang magarbo eleganteng estilo.‘May you be as bright and radiant as the risin
CHAPTER 9Ang mga tampok ng mukha ni Sophia ay talaga namang napakaganda at maselan Ang kanyang mga kilay at mata ay maliwanag at tila ba may bahid ng kahinaan, lamig, at kawalan. Sa sandaling ito, ang pulang agata na kuwintas ay lalo pang nagpatingkad sa ganda ng kanyang mga mata at kilay.May ngiti sa kanyang mga labi, na nagbigay sa kanya ng mas malaya at magaan na aura kumpara sa karaniwan niyang malamig at mailap na hitsura."Maganda ba ang kuwintas na ito sa akin?" malumanay na tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinahaplos ng kanyang mahahabang daliri ang mabigat at mamahaling agata na nakasabit sa kanyang leeg.Bigla namang naging madilim ang awra ng mukha ni Francis dahil sa tanong ni Sophia.“Sophia hindi iyan bagay sa’yo," malamig na sagot ni Francis kay Sophia.Ngunit imbis na mainis ay lalo pang lumawak ang ngiti ni Sophia at tiningnan niya ang lalaki gamit ang kanyang mga matang tila nang-aakit."Ganon ba? Wala naman iyong problema kung bagay ba ito sa akin o hindi an
CHAPTER 10Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
CHAPTER 11Habang nakatanaw sa labas ng bintana si Sophia ay ramdam na ramdam naman niya ang malamig na simoy ng hangin. Nang mapadako ang tingin nya sa loob ng sasakyan ay napansin kaagad nya ang malaking pagbabago roon. Ang mga naiwan nya roon ay wala na.Sa tatlong taon kasi nilang pagsasama ni Francis ay madalas nga siyang sumasakay sa kotse nito dahil sa pakikisama na rin nya sa pamilya ni Francis. Sa paglipas nga ng panahon ay naiwanan na nga ang bakas nya sa loob ng kotse.Ang mga laruan at ang inosenteng amoy ng jasmine ay nawala na rin. Para syang biglang nawala bigla sa buhay ni Francis.“Ate Sophia pasensya ka na kung wala na ang mga gamit mo rito sa loob ng kotse ni Francis. Hindi ko rin kasi gusto ang amoy ng jasmine kaya pinapaltan ko na lamang din iyon kay Francis. Ang mga laruan mo naman ay aksidente kong nadumihan kaya naman itinapon ko na lamang,” sabi ni Bianca ng mapansin nya na iginagala ni Sophia ang tingin nito sa loob ng kotse. “Pasensya ka na ate kung itinapon
CHAPTER 12Gusto na lamang matawa ni Sophia ng marinig nyang sabihin ni Francis na hubarin daw nya ang kuwintas na suot nya.Alam naman ni Sophia na noon pa man ay may pagka possessive na talaga si Francis. Kahit kasi hindi siya mahal nito ay pagkatapos ng kasal nila noon ay hindi nito matanggap na may ibang lalaki sa kanyang paligid.Kaya noon para lamang mapasaya si Francis ay palagi na lamang nya itong inuunawa at hindi nga sya nakikihalubilo sa ibang mga lalaki.Pero ngayon na hiwalay na nga sila anong dahilan ni Francis para utusan sya na tanggalin ang suot niyang kwintas? Bakit kailangan pa na ipatanggal ng dati niyang asawa ang kwintas na bigay ng tagahanga nya?Tumingin naman si Sophia kay Francis at seryoso nya nga itong pinakatitigan na animo’y binabasa nya ang damdamin ng lalaki. Nakipagtitigan din naman si Francis kay Sophia.“Bakit ko naman kailangan na hubarin ang kwintas na ito?” tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinihipo niya ang mamahaling Red Agate Necklace na n
CHAPTER 13“Paano ba nagagawa ng isang babae na magsuotng pormal na damit sa buong araw?” tanong pa ni lolo Robert kay Sophia. Napabaling naman ang tingin ni lolo Robert kay Francis.“Huwag mo ng patagalin pa ito Ali. Dalhin mo bukas na bukas din si Sophia sa mall para ipamili ng mga damit nya at damihan mo na rin yun,” sabi naman ni lolo Robert kay Francis.Natigilan naman si Francis dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Akmang tatanggi na sana si Francis ng bigla namang magsalita si Sophia.“Lolo Robert may trabaho pa po ako bukas at may mga kailangan pa po akong tapusin sa opisina,” nakangiti pa na sabi ni Sophia sa matanda.Hindi pa man tumatanggi si Francis ay kusa na ngang tumanggi si Sophia sa sinasabi ng matanda.Napabuntong hininga naman si Francis at kita nya ang lungkot sa mukha ng kanyang lolo Robert kaya parang bigla nga syang nakunsensya dahil doon.“Pwede ka namang umabsent bukas sa trabaho mo Sophia. Sasamahan na rin kita bukas na mamili ng iyong mga damit sa mall” sabi ni
CHAPTER 14Alam naman ni Sophia na pinipilit sya ni Francis sa mga sandaling iyon, makalipas ba naman ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi talaga madaling mabura ang nararamdaman ni Sophia para rito.Sa mga sandaling iyon ay ramdam ni Sophia ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nararamdaman kasi niya ang presensya ni Francis na nakatingin sa kanya pero hindi nya magawang salubungin ang titig nito sa kanya.Naramdaman naman ni Sophia ang mainit na labi ni Francis sa kanyang sintido at pati na rin ang mainit nitong hininga ay ramdam nya sa kanyang tainga kaya naman hindi na nya naiwasan pa na pamulahan ng mukha. Tila naman nakikiliti si Sophia sa ginagawa ni Francis na padampi damping halik sa kanyang leeg kaya naman parang nanghihina sya dahil doon.Itinulak naman ni Sophia sa dibdib si Francis gamit ang kanyang mga kamay pero hindi man lang ito natinag sa ginagawa nya rito.“Francis pakiusap tama na,” tila ba nahihirapan pa na sabi ni Sophia kay Francis.Hindi naman gumalaw
CHAPTER 15“Mukhang nalilibang ka sa panunuod ng pagsikat ng araw ah,” sabi ni Raymond kay Sophia. At hindi na nga maiwasan ni Raymond na mag inat ng kanyang katawan habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito at halata mo sa mukha ng binata na wala man lang itong kasigla sigla sa pagsasalita.Agad naman na napansin ni Sophia na para ngang matamlay nga si Raymond.“Huwag mong sabihin na hindi ka natulog buong gabi para lamang hintayin ako na makalabas ng mansyon. Hindi ako naniniwala r'yan,” hindi na maiwasang sabi ni Sophia kay Raymond habang nakahalukipkip pa nga siya at seryosong tinitingnan si Raymond.Agad naman na umiling si Raymond kay Sophia saka sya lumingon sa kahon na nasa may likuran ng kanyang sasakyan. Ang laman ng mga kahon na iyon ay ang mga dokumento na kailangan nga nyang pag aralan at basahin. Bagama’t bago pa lamang nga na hawakan ni Raymond ang kanilang kumpanya ay marami pa nga kasi talaga syang dapat na malaman at pag aralan tungkol sa kumpanya. “You really
Anuman nga sa dalawang iyon ang rason a pareho nga itong ayaw makita ni Harold.Kung maging baldado nga si Raymond ay hindi na nga siya karpat-dapat sa kahit na anong pangarap. at kung hindi naman nga siya napinsala ay malaki nga ang magiging pinsala kay Sophia at sa Prudence.Ang presensya lang nga ni Raymond ay parang tanikala sa paligid ni Harold. At gusto nga niyang malaman agad ang totoo dahil gusto nga niyang makapaghanda.Bigla ngang bumigat ang panahon. Mainit at maalinsangan ang hangin at bigla ngang bumuhos ang malakas na ulan. At habang bumubuhos nga ang ulan ay halos wala na ngang makita si Sophia sa harapan niya kundi ang malabo at basang paligid.Mas lalo ngang tumindi ang amoy ng sunog sa hangin matapos nga nitong maulanan.Nakakaramdam na nga ng pagkahilo si Sophia. At paulit ulit nga niyang pinipigilan ang kanyang sarili na msuka dahil sa amoy na iyon.“Umalis na muna tayo. Buhay pa si Raymond” sabi n Harold kay sophia.Nanatili naman nga na tahimik si Sophia at hindi
CHAPTER 197Wasak na wasak nga ang sports car na naroon at halos wala na ngang natira kundi ang pira-piarso nitong bahagi. At dahil nga sa pagsabog dahil sa pagtagas ng gasolina nito ay makikita nga ang ilang bahagi ng sasakyan na nagkalat doon.hindi naman nga makapasok si Sophia roon gamit ang wheelchair niya kaya naman kinailangan nga siyang tulungan ni Harold para makalapit siya roon.Tanghaling tapat nga ng mga oras na iyon pero tila ba madilim nga ang kalangitan dahil sa makakpal ang mga ulap na tila ba bumubulong ng isang masamang balita. Para bang ang bundok nga ay tinakpan ng anino na nagdadala ng hindi maipaliwanag na kaba at bigat ng damdamin.Napakarami ngang sports cars at racing cars ang nagbungguan sa bundk na iyon. Lahat nga ay wasak at nagkapatong patong na dahil sa trahedyang hindi nga madaling kalimutan.Mula sa ilang sasakyan ay maririnig pa nga ang mahihinang paghingi ng tulong.Habang papalapit nga si Sophia roon ay unti-unti nga niyang nakita ang isang sasakyan
Oo nga at hindi naman niya ipagsasabi ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit kahit pa man hindi niya ito ikalat a mukhang hindi rin nga ito mananatiling lihim nang matagal.Halata naman nga na mayroong mabigat na problema si Raymond ngayon. Sa pamilya Villamayor ay hindi nga basta-basta ang mga kalaban. At kung wala si Raymond para ipagtanggol si Sophia ay sino pa ang kikilala sa kanyang pagkatao?Hindi lamang nga ang mga shareholders ng Villamayor Group ang posibleng hindi tumanggap sa huling habilin ni Raymond. Maging sina Max at Gilbert Villamayor ay siguradong kokontra. At hindi lang nga sila basta tututol at tiyak nga na tatargetin nila si Sophia para makuha ang yaman ng pamilya Villamayor.Magiging sentro nga si Sophia ng pagbatikos at paninirang-puri. At baka nga pagbintangan pa siya na ginamit niya si Raymond para agawin ang kanyang mga ari-arian.Kung dati nga ay mag aalala si Dr. Gerome na baka nga hindi kayanin ni Sophia ang ganitong laban at baka kailanganin pa niya ang sup
Bahagya naman nga na umatras si Harold at muling pumwesto sa tabi ni Sophia. At tahimik nga nitong itinulak ang wheelchair ng dalaga palayo.Pero bago pa man nga sila tuluyang umalis ay mahinahon nga niyang itinaas ang kamay niya.“Jacob may inatasan nga pala ako na mag-alaga sa’yo. At kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi. Ikaw ang batang amo ng Prudence,” sabi ni Harold.Pagkaalis nga ni Harold ay iniwan nga niya ang linya na ikinagulat ng lahat at napaisip pa nga ang mga ito na kung ano ang ibig sabihin ni Harold sa sinabi nito na batang amo ng Prudence si Jacob?Wala ngang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ni Jacob. ang kanya ngang ina ay si Theresa na matagal na ngang pumanaw. At ang natatangi na lang na kamag-anak niya ay ang kanyang kaptid na si Sophia.Kung batang amo nga si Jacob ng Prudence, ang tanong ngayon ay sino ang totoong namumuno sa Prudence? At ang tanging kasagutan nga roon ay si Sophia lang.At kahit nga si Dr. Gerome na hindi kailanman sumagi s
CHAPTER 196Sa mundo ng negosyo, sino nga ba ang tinatawag nila na lalaking diwata? At ang una nga na pangalan na papasok sa kanilang isipan ay si Harold.Si Harold Alvarez ay ang vice president ng Prudence. At kilala nga ito hindi lamang dahil sa kanyang husay kundi pati na rin nga sa taglay nitong kagwapuhan. Usap-usapan nga noon na noong itinatatag pa lamang ang Prudence sa ibang bansa ay madalas nga itong habulin ng maraming tao, hindi lang nga ng mga kababihan kundi pati na rin nga ng mga lalaki.Sa hindi nga inaasahang pagkakaaon ay higit kalahati ng mga tao na humabol kay Harold noon ay mga taong humabol din nga kay Sophia.At ngayon nga na kahit walang ngiti sa kanyang mukha ay nanatili pa rin na mahinahon si Harold nang humarap sa kanila. Ang taglay nga niyang kagwapuhan ay tila ba umangkin ng sandaling katahimikan at pati nga si Jacob ay naanganga sa gulat ng makita siya.“Anong ginagawa mo ito?” tanong ni Jacob.“Tsk. Hindi pa ba obvious,’ maikling sagot ni Harold at saka n
“Huwag kang maguilty,” mariin na sabi ni Sophia. “Walang mangyayaring masama kay Raymond. Isa siyang masamang damo at ang sabi nila ang masamang damo raw ay mahaba ang buhay. Babalik ssiya at ako mismo ang maghahatid sa kanya pauwi. At pagkatapo nun…” saglit pa nga na tumigil sa pagsasalita niya si Sophia.Napatingin naman nga si Jacob sa mga mata ng ate Sophia niya. At kita nga niya na wala na nga roon ang lambing. Hindi na nga iyon ang malambot at mahinhin na Sophia na nakilala niya. At sa halip nga ay malamig ang mga mata nito, matalim at puno ng galit.“Papanagutin ko sila. Sampu, sandaang ulit ng sakit na pinatikim nila sa’yo ay ibabalik ko lahat sa kanila. Pangako yan,” mariin pa na sabi ni Sophia.at sa katahimikan nga ng silid na iyon ay tanging ang mga salita na iyon ni Sophia ang naiwan. Dahil sa mundong ito ay wala namang ganap na aksidente.Kakapalabas pa lang nga ni Sophia ng ilang 3D video clips tungkol sa hologram technology at ilang araw pa lamang nga ang lumipas pero
“At kung may nakaaway man nga si Raymond at kahit pa nagreport ka na sa mga pulis ay baka wala ring mangyayari. Kung totoong may nangyari nga sa kanya ay baka mabaon na lang sa limot ang kaso,” pagpapatuloy pa ni Dr. Gerome dahil hindi naman talaga nila maitatago ito.Wala naman siyang balak na itago ang lahat. Bagamat litong lito nga ang isip ni Jacob ay alam niyang wala na siyang magagawa kundi harapin ang sitwasyon. Alam niya na mahina si Sophia at baka hindi nito kayanin ng damdamin nito ang balita pero hindi naman nga niya kayang hayaan na si Raymond lang ang magdala ng lahat ng bigat. At isa nga itong sugal na kailangan niyang gawin.“Iligtas mo siya,” paos ang boses na sabi ni Jacob. “Ang tanging naaalala ko ay sa bundok siya dinala. At ang taong umatake sa kanya ay nagngangalang Wilson,” pagpapatuloy ni Jacob.Napakurap kurap nga si Dr. Gerome dahil sa sinabi na iyon ni Jacob. At ang pangalan na binanggit ng binata ay parang isang babala na.Ang lider ng isang kilalang sindik
CHAPTER 195“Mag exam sa ganitong kundisyon? Baka nga nababaliw na ako,” tahimik na tanong ni Jacob sa kanyang sarili habang nakahiga nga siya sa hospital bed.“Sa lagay nya ngayon ay hindi ko inirerekomenda na ipagpatuloy niya ang kanyang pagsusulit,” direktang pahayag ni Dr. Gerome.Isinasaalang-alang nga ni Dr. Gerome ang lahat ng aspeto. Si Jacob ay kilalang henyo mula sa kanilang paaralan. matagal na siyang itinuturing na magiging top scorer sa taong ito para sa college entrance exam. Nasa mataas na pedestal na siya at kung babagsak man siya ay tiyak na masakit nga ang pagbagsak nito.Sa totoo lang ay wala ngang pakialam ang publiko kung naaksidente man si Jacob o kung nasugatan siyang pumasok sa pagsusulit na iyon. At ang tanging mahalaga lang nga sa kanila ay ang magiging resulta ng exam.Gaya nga ng paggawa ng isang hiling na kung hindi mo maabot ng kahilingan na iyon ay pagtatawanan ka. Maliban na lang kung makapaghain nga si Jacob ng isang kamangha manghang resulta matapos b
Hindi na nga napigilan pa ng guro ang kanyang sarili. Lumapit na nga siya kaagad kaagad sa binta at napamulagat na lang siya nang makita nga niya na pulang pula at mainit ang mukha ni Jacob.“May lagnat ka,” sabi ng tagabantay kay Jacob.Dahan dahan naman nga na itinaas ni Jacob ang kanyang ulo. ngunit hindi pa man nga siya nakakabigkas ng salita ay bigla ngang pumasok si Principal Monica kasama ang doktor.naramdaman na lang nga ni Jacob na may yumakap nga sa kanya at buhat-buhat nga siyang inalalayan palabas ng kwarto na iyon.“Pakiusap… pababain nyo lang muna ang lagnat ko. May exam pa ako mamayang hapon. Kailangan kong kunin iyon… kailangan ko…” mahinang bulong ni Jacob at paos na nga rin ang kanyang boses.Ayaw kasi ni Jacob na hindi siya makkuha ng exam ngayon. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ito. Si Raymond nga ang halos nagbigay sa kanyan ng panibagong buhay kaya hindi siya pwedeng mabigo dahil hindi nga niya ito bibiguin.**************Samantala naman sa bundok kung