CHAPTER 1Habang umiinom ng gamot si Sophia ay bigla namang tumunog ang kanyang phone kaya naman dali dali na nya iyong kinuha at nakita nga nya na ang kanyang matalik na kaibigan na si Karylle ang nagmessage sa kanya kaya naman agad na nga nya iyong binuksan.“Girl, Bumalik na pala ang asawa mo,” basa ni Sophia sa mensahe ng kanyang kaibigan. Kaya naman bigla syang natigilan dahil doon. Higit isang buwan din kasi silang walang komunikasyon ng kanyang asawa matapos itong ipadala ng ama nito sa ibang bansa para pamahalaan ang kumpanya ng pamilya nito roon.“Hindi ko alam na bumalik na pala siya ng bansa,” sagot ni Sophia sa kanyang kaibiganBigla namang tumunog muli ang kanyang phone kaya agad na nga nya itong binuksan muli.“Bumalik na sya at alam mo ba na mayroon syang kasamang babae na mukhang mas bata pa sa kanya at kilalang kilala mo rin,” sagot pa ni Karylle sa kanyang kaibigan at kalakip pa ng kanyang mensahe ay isang larawan at nakita nga roon ni Sophia ang kanyang asawa na
CHAPTER 2Matapos ang isang linggong sick leave ni Sophia ay muli na nga syang pumasok sa opisina.Pagkapasok nga nya sa loob ng kumpanya ay napansin nya ang ilang mga empleyado na nagbubulungan.“Manager Sophia hindi nyo pa po ba alam? May bago na pong sekretarya si sir Francis at ang apelyido rin po nito ay Marquez kagaya nyo,” daldal naman ng isang empleyada kay Sophia.Nagulat naman si Sophia sa sinabi ng isang empleyada nila. Bigla tuloy syang napaisip na talaga palang ipinalit ni Francis si Bianca sa kanya bilang sekretarya nito.Pagkalipas ng ilang sandali ay pinatawag nga si Sophia sa opisina ni presidente kaya naman agad na syang pumunta roon.Agad naman na napatingin si Francis sa bagong dating na si Sophia.“Dahil gusto mong manatili rito sa kumpanya ang pagiging personal na sekretarya ko ay hindi na nababagay pa sa’yo. Sakto naman na may bakanteng posisyon sa isang department dito kaya naman inilipat na kita roon bilang manager,” agad na sabi ni Francis kay Sophia.Dahil n
CHAPTER 3Kahit na nasasaktan sa sinabi ni Francis ay pinilit ni Sophia na magpakahinahon. Napabuntong hininga na nga lamang sya para pakalmahin ang kanyang sarili.“Mr. Bustamante pinaalalahanan ko si ms. Bianca tungkol sa bagay na yan. May surveillance camera ang ating kumpanya kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Maaari natin itong paimbestigahan at i-verify kung gusto mo,” sagot ni Sophia kay Francis dahil parang gusto nitong isisi sa kanya ang pagkakamali ni Bianca.Bigla namang namutla si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia.“A-ate Sophia siguro ay nadistract lamang ako kaya hindi ko masyado narinig ang mga sinabi mo kaya nagkamali ako. P-pasensya na,” pagdadahilan na lamang ni Bianca kay Sophia dahil alam naman nya na sya ang mali at yun na lamang ang naisip ni Bianca na idahilan.Hindi naman sya pinansin pa ni Sophia at sinamaan lamang nya ito ng tingin.“Sa dami ng produkto na yun. Imposibleng palampasin lamang ng mga Villamayor iyon. Ako na muna ang hahawak sa mga produkto
CHAPTER 4“Hindi ko pa alam,” sagot ni Sophia sa kaibigan habang mahigpit nyang hawak ang pregnancy test kit na iniabot sa kanya ni Karylle.Hindi kasi dinaratnan ng buwanang dalaw si Sophia ngayon at parang may kakaiba rin kasi syang nararamdaman nitong mga nakaraang araw kaya napagpasyahan nga nya na gumamit na ng pregnancy test kit.“Kung buntis ka nga. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ito kay Francis?” tanong pa ni Karylle sa kanyang kaibigan.Bigla namang natigilan si Sophia. Naalala nya kasi na ayaw ni Francis na magkaanak sa kanya. Ito na lang sana din ang pag asa nya para kay Francis pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya.“Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya kung sakali ngang buntis ako. Ayaw kong ipilit sa kanya ito dahil alam ko na ayaw nya. Mas mabuti pa na ilihim ko ito kung sakali,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan.Tatlong taon na rin talaga syang naghihintay na magkaroon ng anak pero ngayon na dumating na nga ito ay mukhang huli na nga ang laha
CHAPTER 5 “Hindi ako kailanman nagkautang kay Bianca at hindi rin ako nagkautang sa’yo Francis. Maaaring sa trabaho ay senior nya lamang ako. Pero sa personal naming buhay ay wala kaming utang na loob sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis. Napadako naman ang tingin ni Francis kay Sophia at napabuntong hininga na lamang sya rito. Nakasuot lamang kasi si Sophia ngayon ng simpleng damit at simpleng mahabang palda at balingkinitan pa ang baywang nito. Maganda rin ang mata at kilay ni Sophia. Si Sophia kasi ay may pagkamatigas at malamig ang ugali. Napakatalino rin nito at talaga naman na hinahangaan din ang kagandanhan nito. “Pasensya na. Alam kong kasalanan ko ito,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Hindi naman na nagsalita pa si Sophia at napabuntong hininga na lamang sya dahil doon. Katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at hindi nga maiwasan ni Francis na mapasulyap sa magandang mukha ni Sophia. KINABUKASAN…… May lumabas naman na balita tun
CHAPTER 6Hindi naman na nakatiis pa si Sophia at itinulak na nga nya ang pinto ng opisina ni Francis at kaagad na pumasok doon. Blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha at sandali pa nga nyang tiningnan ang kanyang kapatid na si Bianca na parang natuod na sa kinupuan nito at hindi magawang tumingin sa kanya.Agad naman na iniabot ni Sophia ang dala dala nyang mga dokumento kay Francis. Mga bagong kontrata iyon sa bagong kooperasyon na iminungkahi nila Marvin at Raymond Villamayor.Si Raymond Villamayor ay isang tao na may malalim na pag iisip ngunit sa pagkakataon na ito ay basta basta na lamang nito iminungkahi ang tungkol sa bagong kooperasyon na para bang nagustuhan nito ang isang bagay na para bang tiyak sya na mananalo.“Mr. Francis ito na ang mga bagong impormasyon tungkol sa bagong kooperasyon mula sa mga Villamayor,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis.Napasimangot naman si Francis at saka nya pinasadahan ng tingin si Sophia. Sa trabaho kasi ay madalas nga na nakasuo
CHAPTER 7Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia.Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan.“Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia.Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa.“Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha.“Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan
CHAPTER 8Pagkaalis naman ni Sophia sa conference room ay may nakita naman sya na delivery boy. Nang makita nga sya nito ay agad nga itong lumapit sa kanya habang nakangiti.“Ikaw po ba si Ms. Sophia Marquez? Pinapabigay nga po pala ni Mr. Raymond Villamayor itong isang Blue Enchantress,” sabi ng delivery boy kay Sophia.Agad naman na napatingin sa gawi ni Sophia ang mga naroon ng marinig ang sinabi ng delivery boy.Ang Blue Enchantress kasi ay isang malaking bungkos ng blue roses at tila nagniningning ito sa malambot na liwanag.Sa kabilang kamay naman ng delivery boy ay may hawak pa siyang jewelry box na yari sa kahoy at may nakaukit pa nga roon na phoenix pattern.Sa loob ng kahon ay may laman itong isang Red Agate Neclace. Ang kulay nitong dugong pula ay sobrang kumikinang at nakakasilaw at hindi mo maiwasang tumitig dito kapag nakita mo na.Mayroong maliit na card sa loob ng kahonnna may nakasulat sa isang magarbo eleganteng estilo.‘May you be as bright and radiant as the risin
Isang halik nga iyon na parang parusa. Isang halik na parang pag-angkin. At hindi na niya gustong marinig pa ang pangalan ni Raymond mula sa mga labi ni Sophia.Sa isip ni Francis si Sophia nga ay sa kanya. At hindi ito kailanman dapat na maging kay Raymond.Nanginginig naman nga sa galit si Sophia. Pilit nga niyang itinutula si Francis na pumupwersa sa kanya pero hindi nga niya ito kaya lalo na at mas malakas nga talaga ito sa kanya at isa pa ay hindi pa naman talaga siya ganoon kalakas muli.Kaya naman mariin nga niyang kinagat ang dulo ng dila ni Francis. At nalasahan pa nga niya ang dugo nito sa kanyang bibig.Ngunit hindi pa rin nga siya binitawan ni Francis. At sa halip nga ay gumanti nga ito at kinagat nga nito ang gilid ng kanyang labi. At habang tumatagal nga pareho na nga nilang nalalasahan ang dugo.Lalo ngang lumalim pa ang bigat ng halik na iyon hanggang sa parehas na nga silang halos kapusin na ng hininga. At sa wakas nga ay binitiwan na ni Francis ang labi ni Sophia.Ng
“Yun na siguro ang nag-iisa kong anak,” mahina ngunit buo nga ang tinig na sabi ni Sophia. Bahagya pa nga na nanginginig ang kanyang kamay.“Alam mo ba kung bakit ako nakasakay sa wheelchair na ito? Yun ay dahil may sakit ako,” mariin pa nga na sabi ni Sophia. “At hindi na ako magkakaanak pa… kailanman,” pagpapatuloy p anga ni Sophia at doon na nga niya tuluyang sinabi ang isang masakit na katotohanan.Noong una nga na nalaman ni Sophia na nagdadalang-tao siya sa anak nila ni Francis ay sumagi nga sa kanyang isipan na ipa-abort ang bata. Ngunit pinigilan nga siya ni Dr. Gerome.sinabi nga nito na kapag itinuloy niya ang balak niyang iyon ay lalo lamang itong makakasama sa kanyang mahinang katawan. Ngunit kahit ano ngang pag-iingat ang ginawa niya y hindi rin nga talaga nailigtas pa ang bata. At habang lumilipas nga ang panahon ay lalo pa ngang nanghina ang kanyang katawan. At lalo pa ngang lumala ang kanyang karamdaman.Ramdam ni Sophia ang pagkalito ng kanyang isipan at ang pagkaliga
CHAPTER 216Hindi naman na nga naglakas pa ng loob si Francis na direktang sumulat kay Sophia. Kaya naman sa harap nga mismo ni Sophia ay tinawagan at kinausap nga niya si Dr. Gerome.Maaari nga na hindi alam iba ang tungkol dito pero si Dr. Gerome— siya ang mas nakakaalam ng lahat.At nang makumpirma nga ni Francis dito ang totoo ay tila ba nawalan nga siya ng lakas. Dumulas pa nga sa kanyang kamay ang kanyang cellphone at malakas nga itong bumagsak sa sahig.Halos hindi na nga makatayo si Francis. Nanginginig nga ang buo niyang katawan. Hindi nga niya maikuyom ang kanyang kamao. At a mga mata nga niya ay bakas nga ag labis na pagkalito at pagdududa sa sarili.“A-akin? Akin daw? P-pero bakit? Bakit hindi kay Raymond? Bakit akin? Paanong ngaing akin iyon?” sunod-sunod pa nga na tanong ni Francis at tila ba hindi nga siya makapaniwala sa katotohanan na iyon. Dahil kung totoo nga na anak niya iyon ay ano nga ba itong nagawa niya.Tumingin naman nga si Sophia sa gawi ni Francis at saka n
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal