CHAPTER 2
Matapos ang isang linggong sick leave ni Sophia ay muli na nga syang pumasok sa opisina. Pagkapasok nga nya sa loob ng kumpanya ay napansin nya ang ilang mga empleyado na nagbubulungan. “Manager Sophia hindi nyo pa po ba alam? May bago na pong sekretarya si sir Francis at ang apelyido rin po nito ay Marquez kagaya nyo,” daldal naman ng isang empleyada kay Sophia. Nagulat naman si Sophia sa sinabi ng isang empleyada nila. Bigla tuloy syang napaisip na talaga palang ipinalit ni Francis si Bianca sa kanya bilang sekretarya nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay pinatawag nga si Sophia sa opisina ni presidente kaya naman agad na syang pumunta roon. Agad naman na napatingin si Francis sa bagong dating na si Sophia. “Dahil gusto mong manatili rito sa kumpanya ang pagiging personal na sekretarya ko ay hindi na nababagay pa sa’yo. Sakto naman na may bakanteng posisyon sa isang department dito kaya naman inilipat na kita roon bilang manager,” agad na sabi ni Francis kay Sophia. Dahil nga mahalaga para kay Francis si Bianca ay mas pinili na lamang nya na ilipat sa ibang department si Sophia para naman hindi iyon pagsimulan ng away nila ni Bianca. Alam nya kasi na selosa si Bianca kaya ayaw nyang gumawa ng dahilan para magalit itonsa kanya. “Sigurado ka ba r’yan sa desisyon mo? Kakatapos pa lamang ni Bianca sa pag aaral at wala pa syang masyadong alam tungkol sa trabaho ng isang sekretarya,” sagot naman ni Sophia. Napasulyap naman si Sophia sa suot na kwintas ni Bianca at nagulat pa nga sya dahil matagal na nyang gusto ang kwintas na iyon. Naalala pa nga nya na minsan syang tanungin ni Francis kung talaga bang gusto ng lahat na maliliit na babae ang alahas na ganon. Ang akala pa naman nya ay para iyon sa kanya yun pala ay inihahanda pala iyon ni Francis para kay Bianca. “What ever,” halos pabulong na sabi ni Sophia at saka sya tumingin sa kanyang kapatid. “Ayusin mo na lamang ang trabaho mo para walang naging problema. Matalino ka naman at sa tingin ko ay alam mo naman ang sa tingin mo ay tama,” sabi oa ni Sophia kay Bianca. Ngumiti lamang namna si Bianca kay Sophia at hindi na nagsalita pa. Isinama na rin muna ni Sophia si Bianca para maging pamilyar ito sa magiging trabaho nito sa kumpanya at ipinaliwanag na rin nya rito ang mga dapat at hindi nito dapat na gawin sa trabaho bilang sekretarya. “Ate Sophia ayaw mo ba sa akin? Dahil ba kay Francis?” bigalng tanong ni Bianca sa kanyang ate Sophia. Hindi naman ito pinansin ni Sophia bagkos ay linampasan na lamang nya si Bianca. “Mahirap sabihin kung ano ang tama at mali parang katulad sa namagitan kay daddy at mommy. Ate Sophia kahit ano pa man ang mga nangyare noon gusto ko pa rin sanang mapalapit sa’yo kahit na isang kaibigan mo lang sana ay–” hindi naman naituloy ni Bianca ang kanyang sasabihin ng magsalita na si Sophia. “Bianca,” pigil ni Sophia sa sinasabi ni Bianca. “Kahit na ano pa ang sabihin mo masakit pa rin para sa akin na linoko ng tatay natin ang aking ina. Kaya pwede ba tigilan mo ako,” sabi pa ni Sophia. Kahit kasi na wala na ang ina ni Sophia ay mahirap pa rin para sa kanya na patawarin ang ina ni Bianca lalong lalo na si Bianca dahil kahit na ano pa ang sabihin nila ay linoko pa rin ng mga ito ang kanyang ina. Agad naman ng tinalikuran ni Sophia si Bianca at agad na nga umalis at iniwan ito roon. Pagkabalik nga nya sa kanyang opisina ay agad na nga syang nagpadala ng message kay Francis. “Francis may oras ka ba ngayon para kunin ang certificate?” Agad din naman na sumagot si Francis sa message ni Sophia. “Sige. Mamayang alas dos,” Pagsapit ng alas dos ng hapon ay agad na nga silang pumunta ni Francis sa opisina ng abogado ni Francis. Ni hindi na nga nagawang magpalit ng damit ni Sophia at suot pa nga nya ang damit nya sa opisina. “Mukhang nagmamadali ka yata,” sabi ni Francis kay Sophia. “Hindi naman. Ito ang gusto mo diba? Bakit patatagalin pa natin,” sagot naman ni Sophia sa kanya. Hindi naman na nagsalita pa si Francis at agad na nga syang pumirma sa divorce paper. Agad na rin naman nilang natanggap ang certificate at agad na rin silang lumabas sa opisina ng abogado ni Francis. Pagkalabas pa nga nila roon ay nagsindi pa nga ito ng sigarilyo at saka nito mataman na tinitigan si Sophia. “Magaling ka na ba?” tanong ni Francis kay Sophia. “Oo magaling na ako,” sagot ni Sophia rito. Hindi na rin naman sila nagtagal pa roon dahil dumating na nga ang sasakyan ni Francis. “Ibabalik kita,” mahinang sambit ni Francis. Kahit mahina nag pagkakasabi ni Francis ay narinig naman iyon ni Sophia at kahit nagtataka sa sinabi nito ay hindi na lamang din nya iyon pinansin pa. “Buntis ka ba?” wala sa sariling naitanong ni Francis kay Sophia. Bigla namang kinabahan si Sophia sa tanong sa kanya ni Francis. Dalawang buwan na rin kasi ang nakakalipas ng huling nagtalik sila ni Francis. Pero lingid sa kaalaman nito na hindi sya umiinom ng pills. “H-hindi. Hindi ako b-buntis,” kandautal pa na sagot ni Sophia. Magsasalita pa sana si Francis pero bigla namang tumunog ang phone nya kaya naman agad na nya iyong sinagot. “May mga kailangan pa pala akong gawin sa kumpanya,” sabi ni Francis kay Sophia matapos nyang makipag usap sa tumawag sa kanya. Tumango lamang naman sa kanya si Sophia. Pinakatitigan naman ni Francis si Sophia at saka sya humithitnsankanyang sigarilyo. “Alam ko naman na hindi ka mabubuntis dahil may iniinom kang pills. Nagkataon lang siguro iyan na masama ang iyong pakiramdam,” sabi pa ni Francis kay Sophia. Parang bigla namang nanikip ang dibdib ni Sophia dahil sa sinai ni Francis kaya hindi na lamang sya nagsalita pa. Sa loob kasi ng ilang taon na kasal sila ni Francis ay talagang pinapainom sya ni Francis ng pills para hindi nga sya mabuntis dahil kahit naman hindi sila tunay na nagmamahalan ay nagsex panrin naman sila dahil kasal naman sila. Sadyang piangbibigyan lamang nila ang pangangailangan ng isa’t isa. Agad na rin naman na bumalik si Sophia sa kumpanya. Pagkapasok pa lamang nya ng kumpanya ay agad na syang linapitan ngnisa sa mga empleyado roon. “Ma’m Sophia nagkaroon po ng problema sa ilang mga produkto natin dahil kulang po ito,” pagbabalita nito kay Sophia. Agad naman na napakunot ang noo ni Sophia dahil doon. “Bakit? Anong nangyare?” agad na tanong ni Sophia. “Pinirmahan na lamang po kasi ni ms. Bianca ang mga papeles noon ng hindi man lang ito tinitingnan o binibilang man lang,” sagot naman ng empleyado. Napabuntong hininga naman si Sophia at napapailing na lamang talaga sya dahil ilang beses pa nyang inulit ulit na sabihin kanina kay Bianca ang tungkol doon. Habang nag uusap sila ng isang empleyado ay bigla namang may lumapit kay Sophia na isa pang empleyado rin doon kaya naman agad na syang napatingin sa gawi nito. “Manager Sophia pinapatawag po kayo ni sir Francis sa kanyang opisina,” sabi nito kay Sophia. Bumuntong hininga naman si Sophia at saka nya tianguan ito. Agad na rin naman syang pumunta sa opisina ni Francis. Kumatok pa muna sya roon bago sya tuluyang pumasok. Sa loob naman ng opisina ni Francis ay tahimik naman na nakaupo si Bianca habang pinaglalaruan nya ang kanyang daliri at kinakagat kagat pa nito ang kanyang labi dahil sa totoo lang ay kinakabahan na talaga sya. “Pasensya na. Hindi ko alam na kailangan ko palang bilangin at tingnan ang mga produkto natin bago ko ito pirmahan. Sinabi lamang sa akin ni manager Sophia na kailangan ko raw itong suriin. Pasensya na alam kong kasalanan ko ito,” nakayuko pa na sabi ni Bianca. Sakto naman na bumukas ang pinto ng opisina ni Francis at pumasok nga roon si Sophia. Kita naman ni Sophia na masama ang tingin sa kanya ni Francis. “Alam mo na bago pa lamang si Bianca. Bakit hindi mo sya pinaalalahanan ng tungkol sa bagay na to?” agad na sabi ni Francis kay Sophia.CHAPTER 3Kahit na nasasaktan sa sinabi ni Francis ay pinilit ni Sophia na magpakahinahon. Napabuntong hininga na nga lamang sya para pakalmahin ang kanyang sarili.“Mr. Bustamante pinaalalahanan ko si ms. Bianca tungkol sa bagay na yan. May surveillance camera ang ating kumpanya kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Maaari natin itong paimbestigahan at i-verify kung gusto mo,” sagot ni Sophia kay Francis dahil parang gusto nitong isisi sa kanya ang pagkakamali ni Bianca.Bigla namang namutla si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia.“A-ate Sophia siguro ay nadistract lamang ako kaya hindi ko masyado narinig ang mga sinabi mo kaya nagkamali ako. P-pasensya na,” pagdadahilan na lamang ni Bianca kay Sophia dahil alam naman nya na sya ang mali at yun na lamang ang naisip ni Bianca na idahilan.Hindi naman sya pinansin pa ni Sophia at sinamaan lamang nya ito ng tingin.“Sa dami ng produkto na yun. Imposibleng palampasin lamang ng mga Villamayor iyon. Ako na muna ang hahawak sa mga produkto
CHAPTER 4“Hindi ko pa alam,” sagot ni Sophia sa kaibigan habang mahigpit nyang hawak ang pregnancy test kit na iniabot sa kanya ni Karylle.Hindi kasi dinaratnan ng buwanang dalaw si Sophia ngayon at parang may kakaiba rin kasi syang nararamdaman nitong mga nakaraang araw kaya napagpasyahan nga nya na gumamit na ng pregnancy test kit.“Kung buntis ka nga. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ito kay Francis?” tanong pa ni Karylle sa kanyang kaibigan.Bigla namang natigilan si Sophia. Naalala nya kasi na ayaw ni Francis na magkaanak sa kanya. Ito na lang sana din ang pag asa nya para kay Francis pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya.“Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya kung sakali ngang buntis ako. Ayaw kong ipilit sa kanya ito dahil alam ko na ayaw nya. Mas mabuti pa na ilihim ko ito kung sakali,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan.Tatlong taon na rin talaga syang naghihintay na magkaroon ng anak pero ngayon na dumating na nga ito ay mukhang huli na nga ang laha
CHAPTER 5 “Hindi ako kailanman nagkautang kay Bianca at hindi rin ako nagkautang sa’yo Francis. Maaaring sa trabaho ay senior nya lamang ako. Pero sa personal naming buhay ay wala kaming utang na loob sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis. Napadako naman ang tingin ni Francis kay Sophia at napabuntong hininga na lamang sya rito. Nakasuot lamang kasi si Sophia ngayon ng simpleng damit at simpleng mahabang palda at balingkinitan pa ang baywang nito. Maganda rin ang mata at kilay ni Sophia. Si Sophia kasi ay may pagkamatigas at malamig ang ugali. Napakatalino rin nito at talaga naman na hinahangaan din ang kagandanhan nito. “Pasensya na. Alam kong kasalanan ko ito,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Hindi naman na nagsalita pa si Sophia at napabuntong hininga na lamang sya dahil doon. Katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at hindi nga maiwasan ni Francis na mapasulyap sa magandang mukha ni Sophia. KINABUKASAN…… May lumabas naman na balita tun
CHAPTER 6Hindi naman na nakatiis pa si Sophia at itinulak na nga nya ang pinto ng opisina ni Francis at kaagad na pumasok doon. Blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha at sandali pa nga nyang tiningnan ang kanyang kapatid na si Bianca na parang natuod na sa kinupuan nito at hindi magawang tumingin sa kanya.Agad naman na iniabot ni Sophia ang dala dala nyang mga dokumento kay Francis. Mga bagong kontrata iyon sa bagong kooperasyon na iminungkahi nila Marvin at Raymond Villamayor.Si Raymond Villamayor ay isang tao na may malalim na pag iisip ngunit sa pagkakataon na ito ay basta basta na lamang nito iminungkahi ang tungkol sa bagong kooperasyon na para bang nagustuhan nito ang isang bagay na para bang tiyak sya na mananalo.“Mr. Francis ito na ang mga bagong impormasyon tungkol sa bagong kooperasyon mula sa mga Villamayor,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis.Napasimangot naman si Francis at saka nya pinasadahan ng tingin si Sophia. Sa trabaho kasi ay madalas nga na nakasuo
CHAPTER 7Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia.Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan.“Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia.Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa.“Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha.“Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan
CHAPTER 8Pagkaalis naman ni Sophia sa conference room ay may nakita naman sya na delivery boy. Nang makita nga sya nito ay agad nga itong lumapit sa kanya habang nakangiti.“Ikaw po ba si Ms. Sophia Marquez? Pinapabigay nga po pala ni Mr. Raymond Villamayor itong isang Blue Enchantress,” sabi ng delivery boy kay Sophia.Agad naman na napatingin sa gawi ni Sophia ang mga naroon ng marinig ang sinabi ng delivery boy.Ang Blue Enchantress kasi ay isang malaking bungkos ng blue roses at tila nagniningning ito sa malambot na liwanag.Sa kabilang kamay naman ng delivery boy ay may hawak pa siyang jewelry box na yari sa kahoy at may nakaukit pa nga roon na phoenix pattern.Sa loob ng kahon ay may laman itong isang Red Agate Neclace. Ang kulay nitong dugong pula ay sobrang kumikinang at nakakasilaw at hindi mo maiwasang tumitig dito kapag nakita mo na.Mayroong maliit na card sa loob ng kahonnna may nakasulat sa isang magarbo eleganteng estilo.‘May you be as bright and radiant as the risin
CHAPTER 9Ang mga tampok ng mukha ni Sophia ay talaga namang napakaganda at maselan Ang kanyang mga kilay at mata ay maliwanag at tila ba may bahid ng kahinaan, lamig, at kawalan. Sa sandaling ito, ang pulang agata na kuwintas ay lalo pang nagpatingkad sa ganda ng kanyang mga mata at kilay.May ngiti sa kanyang mga labi, na nagbigay sa kanya ng mas malaya at magaan na aura kumpara sa karaniwan niyang malamig at mailap na hitsura."Maganda ba ang kuwintas na ito sa akin?" malumanay na tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinahaplos ng kanyang mahahabang daliri ang mabigat at mamahaling agata na nakasabit sa kanyang leeg.Bigla namang naging madilim ang awra ng mukha ni Francis dahil sa tanong ni Sophia.“Sophia hindi iyan bagay sa’yo," malamig na sagot ni Francis kay Sophia.Ngunit imbis na mainis ay lalo pang lumawak ang ngiti ni Sophia at tiningnan niya ang lalaki gamit ang kanyang mga matang tila nang-aakit."Ganon ba? Wala naman iyong problema kung bagay ba ito sa akin o hindi an
CHAPTER 10Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
CHAPTER 66Rinig na rinig naman ni Bianca ang mapanuyang boses ni Khate at agad nga siyang namutla dahil doon. Naikuyom na nga lamang niya ang kanyang mga kamay habang nagpipigil na magsalita ngunit bago pa man siya makapagpaliwanag ay isang mapanuksong tinig ang umalingawngaw na punong puno ng panunuya."Ang mga damdamin mo at sariling pananaw ay tuluyan nang sumakop sa isip mo. Hindi mo na kayang mag isip nang mahinahon. Kung sakaling mabigo ang investment na ito ay paano mo ito ipaliliwanag sa iba?" sabat na ni Raymond na kasalukuyang nakasandal na sa pinto ng opisina ni Francis. Ang kanyang makitid na mga mata ay puno ng kuryosidad na may halong ngiting tila nanunubok."Hindi mabibigo ang investment ko. Itataya ko kahit pa ang sarili kong career,” madiing sagot ni Bianca at bawat salita nya ay punong puno ng determinasyon.Ngunit hindi basta basta sinasabi ang mga ganoong bagay lalo na ang pagtaya sa sariling karera.Napataas naman ang kilay ni Khate habang seryoso nga syang nak
CHAPTER 65Maingat naman na inilapag ni Sophia ang mga dokumento sa harap ni Khate saka nya ito binuksan sa pahinang may isyu itinuro pa nga nya ang isang partikular na bahagi ng kontrata."Maayos ang bawat bahagi ng kontratang ito pero itong halos hindi mapansing tala ay isa itong patibong," sabi ni Sophia kay Khate.Napangiti naman si Khate dahil sa pinakita at sinabi ni Sophia."Nakita mo nga pero ang bago nating punong sekretarya akala nya ay isang malaking pagkakataon lamang ito. Gusto pa niyang sunggaban agad natin ito," sagot ni Khate kay Sophia.Napakunot naman ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot ni Khate sa kanya."Anong klaseng biro na naman ito? Si Bianca ba ang may pakana ng kasunduang ito? Baliw na ba talaga siya?" tila hindi makapaniwalang sagot ni Sophia kay Khate.Bahagya namang tumango si Khate ngunit hindi sya nagbigay ng opinyon."Si Secretary Bianca kahit na halos hindi pa nakakabawi mula sa aksidente ay pilit pa ring pumapasok sa trabaho kahit naka wheelchair
CHAPTER 64Napamulagat naman si Timothy dahil sa sinabi ni Sophia.Habang nakayuko naman si Sophia ay tahimik niyang hinahalo ang kape sa tasa. Ang malamig na simoy ng aircon sa silid ay nagdulot ng ginaw kay Timothy. Napansin iyon ni Sophia kaya itinaas niya ang temperatura ng aircon at saka sya umayos ng kanyang pagkakaupo.“Ang ugnayan ng pagiging magkadugo ay hindi laging sukatan,” mahinahongnsabi ni Sophia kay Timothy. “Hangga’t may tunay na pagmamahal at kahit walang kaugnayang dugo ay maaari kang maging pamilya. Pero kung wala namang pagmamahalan kahit na magkadugo pa kayo ay kayang lamunin hanggang sa wala nang matira ni bakas man lang,” dagdag pa ni Sophia.Habang sinisiyasat ang air vent ng aircon, hindi alintana ni Sophia ang malamig na hangin. Para sa kanya ito ay mas komportable at hindi malamig."Mr. Bautista matagal ka na sa mundong ito. Hindi ba sapat ang mga nakita mo para maunawaan ang ganitong mga bagay? Ilang tao na ang yumaman at iniwan ang kanilang asawa at mga
CHAPTER 63Seryoso naman na tinitigan ni Timothy si Sophia na animo’y tinitingnan nga nito kung seryoso ba talaga ito sa sinasabi nito sa kanya"Alam mo ba na nakita na kita noong bata ka pa lang," ani Timothy kay Sophia at napahalukipkip pa nga siya habang seryoso syang nakatitig sa dalaga. "Hawak hawak ka ni Nelson at sobrang liit mo pa noon at napakacute mo. Akala ko ay mabait siya sa'yo kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit mo siya kinaiinisan ng ganyan ngayon," dagdag pa ni Timothy.Naramdaman naman ni Sophia na para bang pinagtatawanan siya ni Timothy. "Akala ko po ay alam nyo na Mr. Bautista ang tunay na pagkatao ni Nelson. Pwede siyang maging mabait sa akin pero kaya rin niyang itulak ang sariling anak sa apoy. Si Nelson ay isang makasariling nilalang na ang tanging layunin ay ang sarili niyang kasiyahan," seryosong sagot ni Sophia kay Timothy.Nagulat naman si Timothy sa sinabi ni Sophia at hindi nya akalain na ganito na magsalita ngayon si Sophia."Talaga palang ibang iba
CHAPTER 62"Tama ka. Hindi madaling ipaliwanag ang bagay na ito sa telepono. May oras ka ba bukas? Bakit hindi na lamang tayo magkita upang mapag usapan natin ito ng mas maayos?” sabi ni Sophia kay Timothy."Sige dahil ikaw ang nagsabi ay hindi ko yan tatanggihan," sagot ni Timothy kay Sophia.Ngumiti naman si Sophia kay Timothy bago sya tumingin sa kanyang suot na relo."Paano kung magkita tayo bukas ng alas tres ng hapon sa kumpanya ng mga Bustamante?" pag aaya pa ni Sophia sa kanyang kausap.Binanggit na ito ni Sophia para ipahiwatig ang kanyang koneksyon sa pamilya Bustamante at para isipin ni Timothy kung paano aayusin ang presyo sa negosasyon nila."Sige. Walang problema darating ako. Inaasahan kong makilala ka Miss Sophia," pag sang ayon ni Timothy.Hindi ka magiging matagumpay na namamahala ng malaking kumpanya kung kulang ka sa talino. Natural lamang na narinig ni Timothy ang patagong mensahe ni Sophia at nagbigay ito ng mas mataas na halaga sa kanya. Si Sophia ang alas ng mg
CHAPTER 61Galit na galit talaga si Sophia sa dugo ng pamilya Marquez na nanalaytay sa kanya. Kinasusuklaman niya sina Nelson at Bianca dahil sa kanilang pagiging mababa ng mga ito at walang hiya ngunit hindi niya maikakaila na may dugo pa rin siya ng pamilya Marquez. Kung may paraan lang na mabuhay siya kahit mawalan ng dugo ay handa niiyang gawin iyon mapalitan lamang lahat ng dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mas pipiliin pa niyang magdusa kaysa madiri sa dugong ikinakabit sa isang maruming angkan.Para kay Sophia ay wala siyang ginagawang mali. Ang tunay na mali ay ang iba pang miyembro ng pamilya Marquez. Ngunit totoo rin na labis siyang nasusuklam sa pamilya Marquez. Kung gusto niyang putulin ang anumang ugnayan sa kanila ay kailangan nga niyang maging maayos sa kanyang mga desisyon. Ngunit hindi siya hangal. Alam niyang hindi nya kailangang saktan ang sarili nya para lang mawala ang kaugnayan niya sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nelson ang mga matitindi
CHAPTER 60Ang nakaraan ay nakaraan na. Matagal naman ng alam ni Sophia sa puso niya na si Francis ay si Francis at hindi na niya ito asawa ngayon.Napataas naman ang kilay ni Raymond at napapangiti na nga lamang sya at mukhang nag eenjoy nga sya sa kanyang nasasaksihan.Nanatili namang malamig ang tingin ni Francis kay Sophia ngunit bahagyang dumilim ang ekspresyon nito nang marinig niyang sinabi ni Sophia ang tungkol sa nakaraan nila. Alam naman niyang tama si Sophia dahil mula nang araw na naghiwalay sila ay naging bahagi na siya ng nakaraan nito."Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sinabi mo," nakangiti pa na sabi ni Raymond kay Sophia."Mr. Francis narinig mo rin naman siguro ang mga sinabi ni Sophia di ba? Ang nangyari sa inyo ni Sophia ay bahagi na ng kanyang nakaraan. Naiintindihan mo ba? San a'y huwag ka nang makialam pa sa amin,” baling naman ni Raymond kay Francis at napapangisi pa nga sya at halata mo na inaasar nga nito si Francis.Nanatili namang malamig ang
CHAPTER 59"Si Lolo Robert ay mukhang malusog at malakas pa pero ang puso niya ay laging nasa maselang kalagayan na," sabi ni Sophia kay Francis. "Napakatalino ni Lolo at kung mahuhulaan niya ang totoong relasyon nating dalawa dahil sa mga nangyayari ngayon ay paano natin ito haharapin? Hahayaan ba nating maapektuhan siya at magdulot pa ito ng atake sa puso at maospital siya?" dagdag pa ni Sophia.Hindi naman nakapagsalita si Francis dahil may punto naman ang sinasabi ni Sophia."Mahal ako ni Lolo. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Kaya sa ganitong sitwasyon mas pipiliin ko pang magparaya na lang,” sabi pa ni Sophia at saka sya huminga ng malalim.Pagkasabi noon ay muli namang ngumiti si Sophia kahit na may kirot sa kanyang mga mata."Hindi ba att pinapahirapan mo rin si Bianca dahil dito?" sabi pa ni Sophia.Dahil natatakot siyang masaktan ang matanda ay hindi niya magawang sabihin ang katotohanan na hiwalay na sila ni Francis. Kahit ngayon na dinala pa rin siya ng lalaki pabali
CHAPTER 58Tahimik naman sa loob ng sasakyan. Tanging sina Sophia at Francis na lang ang natitira roon. Bahagya namang ipinikit ni Sophia ang kanyang mga mata at parang wala talaga syang balak na magsalita. Makalipas ang ilang sandali ay pumwesto na ngansi Sophia sa upuan ng drayber at saka pinaandar ang kotse.Ito ang bagong sasakyan ni Francis ngayon isang itim na Mércedes Benz na Maybach na ipinalit nito sa asul na Cayenne na ibinigay ni Sophia noon sa kanya.Tahimik naman ang buong biyahe. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita habang papunta sila sa lumang bahay ng pamilya Bustamante.“Sophia may itatanong ako sa’yo,” pambabasag ni Francis sa katahimikan nila bago sila bumaba ng sasakyan ni Sophia. “Ano ang relasyon mo kay Jacob?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia.Natigilan naman si Sophia sa naging tanong ni Francis sa kanya. Maya maya ay lumitaw ang banayad na ngiti sa sulok ng kanyang labi.“Relasyon ko kay Jacob? Mukhang wala ka namang kinalaman panroon. Mr. Francis