CHAPTER 3
Kahit na nasasaktan sa sinabi ni Francis ay pinilit ni Sophia na magpakahinahon. Napabuntong hininga na nga lamang sya para pakalmahin ang kanyang sarili. “Mr. Bustamante pinaalalahanan ko si ms. Bianca tungkol sa bagay na yan. May surveillance camera ang ating kumpanya kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Maaari natin itong paimbestigahan at i-verify kung gusto mo,” sagot ni Sophia kay Francis dahil parang gusto nitong isisi sa kanya ang pagkakamali ni Bianca. Bigla namang namutla si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia. “A-ate Sophia siguro ay nadistract lamang ako kaya hindi ko masyado narinig ang mga sinabi mo kaya nagkamali ako. P-pasensya na,” pagdadahilan na lamang ni Bianca kay Sophia dahil alam naman nya na sya ang mali at yun na lamang ang naisip ni Bianca na idahilan. Hindi naman sya pinansin pa ni Sophia at sinamaan lamang nya ito ng tingin. “Sa dami ng produkto na yun. Imposibleng palampasin lamang ng mga Villamayor iyon. Ako na muna ang hahawak sa mga produkto na iyon. Ang kumpanya ay may mga patakaran at ang mga responsibilidad ni ms. Bianca ay may kaukulang parusa,” sabi pa ni Sophia. Agad naman na umalis si Sophia roon para tingnan kung ano nga ba ang mga naging problema. Kinagabihan noon ay nagpa set nga ng meeting si Sophia sa kabilang kumpanya kung saan nagkaroon ng problema sa bilang ng kanilang produkto. Agad naman na nakipag usap kay Sophia ang nasa kabilang kumpanya na si Mr. Villamayor. Hindi naman napansin ni Sophia na sumunod pala sa kanya si Francis sa kabilang kumpanya. Pagkalabas kasi nya roon ay agad nga na itinuro ng guard na may naghihintay nga raw sa kanya roon at nagulat nga sya ng makita nya na si Francis iyon at mukhang hinihintay nga sya nito. Hindi nya kasi talaga inaasahan na susundan sya nito rito. Agad na rin naman na lumapit si Sophia kay Francis na nasa loob lamang ng sasakyan nito. Halos alas onse na rin ng gabi kaya naman sumakay na rin sya sa sasakyan ni Francis dahil malamig na rin talaga sa labas at wala na ngang masyadong tao. “Tapos ka na ba na makipag usap sa kanila?” pormal na tanong ni Francis kay Sophia at napansin pa nga nya na namamayat na pala ito at medyo namumutla na rin. Agad naman na tumango si Sophia rito bilang sagot. “Mas mahirap kausap si Marvin kesa kay Max. Pero nangako ako sa kanila na papalitan na lamang ang mga kulang na produkto,” sabi pa ni Sophia. Sinulyapan naman ni Francis si Sophia at saka ito marahan na bumuntong hininga. “Si Bianca ay bata pa at hindi pa sanay sa ganitong trabaho kaya hindi natin sya masisisi sa mga nangyare,” sabi pa ni Francis kaY Sophia. Bigla namang natigilan si Sophia at saka nya seryosong tinitigan si Francis. “Ikaw ang presidente ng kumpanya at ang anumang gustuhin mo ay nakadepende sa kung anong gusto mong gawin. Pero sana maging patas ka naman sa lahat ng empleyado mo,” sagot ni Sophia kay Francis. Bigla tuloy naalala ni Sophia noong bago pa lamang sya sa kumpanya ni Francis dahil mas bata pa sya noon kesa kay Bianca. Napabuntong hininga naman si Francis at iniba na lamang nya ang usapan nilang dalawa dahil may punto naman kasi ang sinasabi ni Sophia. “Hindi ko pa nga pala nababanggit kay lolo ang tungkol sa paghihiwalay natin,” pag iiba ni Francis ng kanilang usapan. Matanda na kasi ang lolo ni Francis at nasa bahay na lamang ito dahil palagi na lamang may sakit. Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Sophia sa sinabi ni Francis. Uminom naman ng kaunting alak si Sophia dahil may nakita sya sa sasakyan ni Francis. Uminom sya kahit na wala pa siyang kain. Maya maya ay napasandal na lamang sya ata agad na nga na nakatulog. Agad naman na napansin ni Francis na nakatulog na nga si Sophia kaya naman pinakatitigan nya ang mukha nito at napansin nga nya na namumutla ito kaya naman napakunot na lamang ang noo nya kaya nagpasya sya na dalhin na lamang sa ospital si Sophia. Bigla namang nagising si Sophia at napansin nga nya na iba na ang daan na tinatahak nila ni Francis. “Saan mo ako dadalhin?” agad na tanong ni Sophia habang nagpapalinga linga sya sa kanilang paligid. “Dadalhin kita sa ospital,” tipid na sagot ni Francis. Bigla namang kinabahan si Sophia kaya naman umisip na lamang sya ng idadahilan nya rito para hindi sya nito dalhin sa ospital. “Ha? Naku wag mo na akong dalhin sa ospital. Uuwi na lamang ako at kulang lang talaga ako sa pahinga,” pagdadahilan na ni Sophia. Agad naman na napalingon sa kanya si Francis. “Sigurado ka ba r’yan?” tanong pa ni Francis “Oo sigurado ako. Kaya iuwi mo na lamang ako,” sagot naman ni Sophia. “Sige kung yan ang gusto mo,” sagot ni Francis at saka nya sinabihan ang kanyang driver na bumalik na sila. Agad naman na sumunod ang driver ni Francis at agad na nga nilang inihatid si Sophia sa bahay nito. Pagkapasok na pagkapasok naman ng bahay ni Sophia ay agad na nga nyang kinuha ang phone nya at agad na tinawagan ang kaibigan nyang si Karylle. Nakailang ring pa ngan iyon bago ito sinagot ng kanyang kaibigan. “Hmm. Hello, bat napatawag ka Sophia? May problema ba?” agad naman na tanong ni Karylle sa kaibigan dahil dis oras na ng gabi ito kung tumawag sa kanya at kasarapan na nga ng kanyang tulog. “Ahm… Karylle pasensya na sa abala ha. Baka pwede mo naman akong bilhan ng pregnancy test kit bukas. Please,” deretsahan ng sabi ni Sophia sa kanyang kaibigan. Parang bigla naman nagising ang diwa ni Karylle dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Ha? Pregnancy Test kit? Bakit? Para kanino?” sunod sunod pa na tanong nito mula sa kabilang linya. “Basta bilhan mo na lamang ako bukas ha. Abot mo lang din sa akin. Salamat,” pagkasabi nya noon ay agad na nga nyang pinutol ang tawag nila ni Karylle dahil sigurado sya na tatadtarin na naman sya ng tanong nito. ********** Kinabukasan ay mayroon namang salo salo na pinuntahan si Sophia kasama ang ilang mga kaibigan nila ni Francis at kahit ito ay naroon din. Sinadya pa nga ng mga ito na pagsamahin sila ngayon dahil nalaman nga ng mga ito ang nangyari sa dalawa. Papasok pa lamang sana sa loob si Sophia ng marinig nya ang boses nila Francis at Kurt na nag uusap kaya dahan dahan na lamang sya na pumasok doon. “Totoo ba na naghiwalay kayo ni Sophia? At dahil iyon sa Bianca na yun?” tanong pa ni Kurt kay Francis. Bigla namang natigilan si Sophia sa paghakbang ng marinig ang tanong nito kay Francis at hinihintay nga nya ang magiging sagot nito. “Walang kinalaman dito si Bianca. Hindi kami bagay ni Sophia at hindi sya nararapat sa akin,” balewalang sagot naman ni Francis sa kanyang kaibigan. “Paanong hindi nararapat?” naguguluhang tanong ni Kurt kay Francis. “Ano pa ba ang hinahanap mo? Maganda si Sophia, matalino na mabait pa. At isa pa ay kilalang kilala na sya ng pamilya mo sa loob ng maraming taon. Ano pa ba ang problema mo sa kanya? At isa pa alam naman natin na malaki na ang naitulong nya sa’yo,” dagdag pa ni Kurt. Nakita at nakilala na rin naman nya si Bianca. Oo at maganda ito at maalalahanin. Pero kung ikukumpara kay Sophia ay mas gusto nya itonpara sa kanyang kaibigan. Hindi naman na nakatiis pa si Sophia sa kanyang mga naririnig na pag uusap ng dalawa kaya naman nagpasya na lamang sya na umalis na lang. Nag message na lang din sya sa kaibigan nyang si Kim na umalis na sya dahil may kailangan pa pala syang gawin. Pagkaalis nga nya roon ay agad na nga syang nakipagkita kay Karylle at saka nya kinuha ang ipinapabili nya rito. Agad naman na iniabot ni Karylle ang pregnancy test kit kay Sophia pero hindi nya muna ito binitawan at seryoso nyang pinakatitigan muna ang kaibigan. “H-hindi ka naman siguro buntis no?” alanganing tanong ni Karylle kay Sophia.CHAPTER 4“Hindi ko pa alam,” sagot ni Sophia sa kaibigan habang mahigpit nyang hawak ang pregnancy test kit na iniabot sa kanya ni Karylle.Hindi kasi dinaratnan ng buwanang dalaw si Sophia ngayon at parang may kakaiba rin kasi syang nararamdaman nitong mga nakaraang araw kaya napagpasyahan nga nya na gumamit na ng pregnancy test kit.“Kung buntis ka nga. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ito kay Francis?” tanong pa ni Karylle sa kanyang kaibigan.Bigla namang natigilan si Sophia. Naalala nya kasi na ayaw ni Francis na magkaanak sa kanya. Ito na lang sana din ang pag asa nya para kay Francis pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya.“Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya kung sakali ngang buntis ako. Ayaw kong ipilit sa kanya ito dahil alam ko na ayaw nya. Mas mabuti pa na ilihim ko ito kung sakali,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan.Tatlong taon na rin talaga syang naghihintay na magkaroon ng anak pero ngayon na dumating na nga ito ay mukhang huli na nga ang laha
CHAPTER 5 “Hindi ako kailanman nagkautang kay Bianca at hindi rin ako nagkautang sa’yo Francis. Maaaring sa trabaho ay senior nya lamang ako. Pero sa personal naming buhay ay wala kaming utang na loob sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis. Napadako naman ang tingin ni Francis kay Sophia at napabuntong hininga na lamang sya rito. Nakasuot lamang kasi si Sophia ngayon ng simpleng damit at simpleng mahabang palda at balingkinitan pa ang baywang nito. Maganda rin ang mata at kilay ni Sophia. Si Sophia kasi ay may pagkamatigas at malamig ang ugali. Napakatalino rin nito at talaga naman na hinahangaan din ang kagandanhan nito. “Pasensya na. Alam kong kasalanan ko ito,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Hindi naman na nagsalita pa si Sophia at napabuntong hininga na lamang sya dahil doon. Katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at hindi nga maiwasan ni Francis na mapasulyap sa magandang mukha ni Sophia. KINABUKASAN…… May lumabas naman na balita tun
CHAPTER 6Hindi naman na nakatiis pa si Sophia at itinulak na nga nya ang pinto ng opisina ni Francis at kaagad na pumasok doon. Blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha at sandali pa nga nyang tiningnan ang kanyang kapatid na si Bianca na parang natuod na sa kinupuan nito at hindi magawang tumingin sa kanya.Agad naman na iniabot ni Sophia ang dala dala nyang mga dokumento kay Francis. Mga bagong kontrata iyon sa bagong kooperasyon na iminungkahi nila Marvin at Raymond Villamayor.Si Raymond Villamayor ay isang tao na may malalim na pag iisip ngunit sa pagkakataon na ito ay basta basta na lamang nito iminungkahi ang tungkol sa bagong kooperasyon na para bang nagustuhan nito ang isang bagay na para bang tiyak sya na mananalo.“Mr. Francis ito na ang mga bagong impormasyon tungkol sa bagong kooperasyon mula sa mga Villamayor,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis.Napasimangot naman si Francis at saka nya pinasadahan ng tingin si Sophia. Sa trabaho kasi ay madalas nga na nakasuo
CHAPTER 7Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia.Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan.“Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia.Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa.“Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha.“Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan
CHAPTER 8Pagkaalis naman ni Sophia sa conference room ay may nakita naman sya na delivery boy. Nang makita nga sya nito ay agad nga itong lumapit sa kanya habang nakangiti.“Ikaw po ba si Ms. Sophia Marquez? Pinapabigay nga po pala ni Mr. Raymond Villamayor itong isang Blue Enchantress,” sabi ng delivery boy kay Sophia.Agad naman na napatingin sa gawi ni Sophia ang mga naroon ng marinig ang sinabi ng delivery boy.Ang Blue Enchantress kasi ay isang malaking bungkos ng blue roses at tila nagniningning ito sa malambot na liwanag.Sa kabilang kamay naman ng delivery boy ay may hawak pa siyang jewelry box na yari sa kahoy at may nakaukit pa nga roon na phoenix pattern.Sa loob ng kahon ay may laman itong isang Red Agate Neclace. Ang kulay nitong dugong pula ay sobrang kumikinang at nakakasilaw at hindi mo maiwasang tumitig dito kapag nakita mo na.Mayroong maliit na card sa loob ng kahonnna may nakasulat sa isang magarbo eleganteng estilo.‘May you be as bright and radiant as the risin
CHAPTER 9Ang mga tampok ng mukha ni Sophia ay talaga namang napakaganda at maselan Ang kanyang mga kilay at mata ay maliwanag at tila ba may bahid ng kahinaan, lamig, at kawalan. Sa sandaling ito, ang pulang agata na kuwintas ay lalo pang nagpatingkad sa ganda ng kanyang mga mata at kilay.May ngiti sa kanyang mga labi, na nagbigay sa kanya ng mas malaya at magaan na aura kumpara sa karaniwan niyang malamig at mailap na hitsura."Maganda ba ang kuwintas na ito sa akin?" malumanay na tanong pa ni Sophia kay Francis habang hinahaplos ng kanyang mahahabang daliri ang mabigat at mamahaling agata na nakasabit sa kanyang leeg.Bigla namang naging madilim ang awra ng mukha ni Francis dahil sa tanong ni Sophia.“Sophia hindi iyan bagay sa’yo," malamig na sagot ni Francis kay Sophia.Ngunit imbis na mainis ay lalo pang lumawak ang ngiti ni Sophia at tiningnan niya ang lalaki gamit ang kanyang mga matang tila nang-aakit."Ganon ba? Wala naman iyong problema kung bagay ba ito sa akin o hindi an
CHAPTER 10Nang mapansin naman ni Raymond na naiinis na si Sophia sa kanya ay tumigil na lamang sya sa kanyang ginagawa at iniba na lamang nya ang kanilang usapan.Bumalik naman si Raymond sa kanyang pwesto kanina at may kinuha roon na folder.“Tingnan mo ang mga impormasyon na ito Ms. Sophia. Gusto ko lang malaman kung interesado ka rito,” sabi ni Raymond at saka nya iniabot kay Sophia ang folder na naglalaman ng mga dokumento.Napasulyap naman si Sophia kay Raymond at ng tumango ito ay kinuha na nga nya ang iniaabot nitong mga dokumento at saka nya iyon binasa.Habang binabasa ni Sophia ang mga dokumento ay hindi naman nya naiwasan na magulat dahil sa nilalaman noon. Plano pala ni Raymond na magsaliksik sa larangan ng holograpiya ang isa sa napakamahal na larangan ng pananaliksik.“Mr. Raymond sa pagkakaalala ko ay mayroon ng mas bihasang grupo sa ibang bansa na nagsasagawa ng ganitong pananaliksik anim na taon na ang nakalilipas ngunit hanggang 3D projection pa lamang ang naabot ni
CHAPTER 11Habang nakatanaw sa labas ng bintana si Sophia ay ramdam na ramdam naman niya ang malamig na simoy ng hangin. Nang mapadako ang tingin nya sa loob ng sasakyan ay napansin kaagad nya ang malaking pagbabago roon. Ang mga naiwan nya roon ay wala na.Sa tatlong taon kasi nilang pagsasama ni Francis ay madalas nga siyang sumasakay sa kotse nito dahil sa pakikisama na rin nya sa pamilya ni Francis. Sa paglipas nga ng panahon ay naiwanan na nga ang bakas nya sa loob ng kotse.Ang mga laruan at ang inosenteng amoy ng jasmine ay nawala na rin. Para syang biglang nawala bigla sa buhay ni Francis.“Ate Sophia pasensya ka na kung wala na ang mga gamit mo rito sa loob ng kotse ni Francis. Hindi ko rin kasi gusto ang amoy ng jasmine kaya pinapaltan ko na lamang din iyon kay Francis. Ang mga laruan mo naman ay aksidente kong nadumihan kaya naman itinapon ko na lamang,” sabi ni Bianca ng mapansin nya na iginagala ni Sophia ang tingin nito sa loob ng kotse. “Pasensya ka na ate kung itinapon
Dati nga ay hindi nga iyon pinapansin ni Sophia. Pero ngayon nga ay nagtataka na siya dahil isang estudyante pa si Jacob na malapit nang kumuha ng entrance exam at sa halip na nag-aaral nga ito at nagpapahinga sa bahay ay nandito sa isang auction para magtrabaho.Pakiramdam ni Sophia ay paramg may mali. Unti unti nga na dumidilim ang tingin ni Sophia habang nakatitig nga siya kay Jacob.“Jacob tandaan mo na ikaw ay isang kandidato sa gaganapin na entrance exam,” sabi ni Sophia kay Jacob.Bigla namang natigilan si Jacob dahil sa sunabi na iyon ni Sophia at napakurap kurap pa nga siya bago sya dahan dahan na tumango.“A-ayos na po ba ang p-problema nyo Ms. Sophia?” kandautal pa na tanong ni Jacob kay Sophia dahil nag aalala rin naman sya rito. At mahahalata mo nga sa mga mata ni Jacob na matagal na niyang binabantayan ang sitwasyon ni Sophia.Bahagya naman na lumiwanag ang mukha ni Sophia at saka sya tipid na ngumiti sa binata.“Oo tapos na. Hindi na rin magtatagal at malalantad na ang
CHAPTER 118Tuluyan na nga na natapos ang auction. At hindi na rin nga nagtagal pa roon si Sophia. Nang papalabas na nga si Sophia sa venue ay may napansin nga siyang isang binata na abala sa pagtanggap ng mga panauhin. Payat at matangkad ang binata at may lamig sa mga mata nito at maputla rin nga ang mukha nito at halatang may sakit nga ito. Pero kahit ganoon ay may matigas na determinasyon sa kanyang paningin.Ang binata na iyon ay walang iba kundi si Jacob.Nagtataka naman si Sophia dahil ano nga ba nag ginagawa ng binata ngayon doon. At naalala rin nga niya na malapit na ang pagsusulit sa kolehiyo.Hindi na rin naman nga nakatiis pa si Sophia at linapitan na nga niya ang binata. Unti unti nga na nawala ang lamig sa kanyang mukha.“Jacob anong ginagawa mo rito? Nagpapart time ka ba rito?” tanong ni Sophia sa binata ng makalapit na nga sya rito. Nagulat naman si Jacob nang makita nga niya si Sophia roon. Agad niyang naalala ang sinabi ni Sophia noong ibinigay nito ang kanyang bu
Matalim naman ang mga tingin ni Sophia at nang mag angat nga siya ng kanyang tingin ay agad nga niyang nakita ang mapanuksong ngiti ni Bianca at sa mga sandaling iyon ay mukhang alam na nya ang dahilan kung bakit naroon nga ang dress na iyon.Mabilis nga na tumaas ang presyo ng dress na iyon at umabot na nga ito sa tatlong milyong piso.Wala namang pag aalinlangan si Sophia na lalo pa ngang tinaasan ang nasabing halaga. Hindi niya kasi hahayaan na mapunta sa kamay ng ibang tao ang damit na ang kanyang ina mismo ang may gawa.Mula sa malayo ay napansin ni Bianca ang panlalamig ng mukha ni Sophia. Kaagad niyang niyugyog ang braso ni Francis na parang isang batang nagpapalambing."Ali gustong gusto ko talaga ang dress na ‘yan. Puwede mo ba itong ipakuha para sa akin?" sabi ni Bianca kay Francis Nanatili naman na tahimik lamang si Francis at pinipigilan nga niya na mpabuntong hininga. Ngunit si Bianca naman nga ay ayaw magpatinag. Kumurap kurap pa nga ito sa harap ni Francis na para ba
CHAPTER 117Napakagaganda naman talaga ng disenyo ng mga parol sa labas ng naturang auction house. Bahagya pa nga ito na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin at nagdadagdag din nga ito ng masining na diwa sa buong kalsada.Isa isa naman na nga nagdadatingan ang mga panauhin sa naturang auction. Karamihan nga sa kanila ay naroon para sa manuscript ni Theresa. Ang ilan pa nga sa kanila ay may kanya kanyang umpukan at nag uusap ng tungkol sa naturang manuscript. Bagama’t nakangiti nga ang mga ito sa isa’t isa ay alam nilang lahat na ang bawat isa ay matindi nilang katunggali sa auction na ito.Sa ilalim ng madilim na kalangitan ang auction house ay mistulang isang makinang na perlas na pinapalibutan ng malambot at kaakit akit na liwanag.Pagpasok pa lamang sa pintuan ng auction house ay agad na napahanga ang mga panauhin sa kanilang nasaksihan dahil isa iyong maluwag at maliwanag na bulwagan na may mataas na kisame na pinintahan ng mga detalyadong mural. Mula sa lihim na sulok ay bumabagsa
"Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lamang sabihin na hindi naman ganoon kalubha ang sugat ni Raymond. Hindi mo kailangang manatili sa tabi niya para lamang alagaan siya," sagot ni Dr. Gerome. “Maaari nga na masakit ang sugat niya pero sa totoo lang ay alam mo naman na mahilig lang siyang umarte,” dagdag pa nya.Alam kasi niya na tumanggi si Sophia na bumalik sa pamilya Bustamante at piniling manatili sa ospital para lamang samahan si Raymond.Tahimik naman na nilaro ni Sophia ang kanyang cellphone sa kanyang kamay at tila ba naaaliw siya sa sinabi na iyon ni Dr. Gerome."Dr. Gerome hindi ba pwedeng ito talaga anf gusto ko? Gusto kong alagaan si Raymond. Gusto ko syang makita sa ganitong estado,” sagot ni Sophia at saka nga siya bahagyang lumapit dito. “At saka nakalimutan mo na ba kung ano ang relasyon namin ngayon ni Raymond,” dagdag pa ni Sophia.Hindi naman kaagad nakasagot si Dr. Gerome kay Sophia.Bigla kasing naisip ni Dr. Gerome na tama nga naman si Sophia. Si Raymond ang kasal
CHAPTER 116At ngayon nga ay si Sophia na ang itinuturon na may kasalanan sa nangyari kay Emman. Sadyang napakalupit ng kapalaran kay Sophia.Kung si David nga talaga ang may kagagawan noon ay marahil mula pa sa simula ay hindi na niya talaga balak pakawalan si Sophia. O baka naman mas inisip niyang poprotektahan ito nina Raymond at Francis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.Anuman ang dahilan nito ay isang bagay lamang ang sigurado si Francis at yun ay ayaw niyang may masasaktan lalong lalo na si Sophia."Itago nyo ang balitang ito," malamig na utos ni Francis kay James. "Sabihin mong namatay si Emman sa isang aksidente at hindi na nailigtas kahit na sinubukan ng mga doktor," dagdag pa nya.Totoo namang nasangkot ito sa isang malubhang aksidente bago ito tuluyang binawian ng buhay kaya hindi naman din iyon isang kasinungalingan.Nanataili naman na walang imik sa mga sandali na iyon si James bago sya tumango kay Francis at saka lumabas doon upang linisin ang anumang ebidensya.Ku
“Sa tingin ko ay mas mukha kang kontrabida,” sabi ni Sophia kay Raymond. “Kung tutuusin nga ay mas bagay pa kay Francis ang maging male lead sa isang CEO novels,” dagdag pa nya na tila ba inaasar pa nga niya si Raymond.Hindi naman nabawasan ang ngiti ni Raymond at sa halip nga ay mas lalo pa itong lumalim. Hinaplos niya ang palad ni Sophia bago hinawakan ito at saka nya pinagsalikop ang kanilang mga daliri."Sabagay ayos na rin ‘yon. Ako ang kontrabida na tatalo sa male lead at ninakaw ko lang naman ang prinsesa ng bida. Hindi ba perpektong ending ‘yon? Mukhang gusto ng kontrabida ang ganyang klaseng pagtatapos," sagot naman ni Raymond kay Sophia.Alam naman ni Sophia na para siyang batang kinakausap nito. Nang makita niyang muling lumalapit si Raymond sa kanya upang halikan siya ay mabilis niyang itinagilid ang kanyang ulo at tinakpan ang bibig ng lalaki gamit ang kanyang kamay."Raymond bakit ba halik ka ng halik?" tanong ni Sophia rito at nanatili nga na hawak nito ang bibig ng bi
CHAPTER 115Narinig naman ni Sophia ang sinabi na iyon ni Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay na waring may iniisip. Nag angat naman ng tingin nya si Sophia at may bakas pa nga ng pang uuyam ang ekspresyon ng kanyang mukha.Tinabig nga ni Sophia ang kamay ni Raymond at saka nga nya muling binalingan ang mga dokumento na hawak nya at muli nya nga itong binasa.“Bakit mo naman nasabi na iniisip ko pa rin si Francis?” tanong ni Sophia kay RaymondAng world class financial summit na ito ay gaganapin sa Lungsod at dinaluhan nga ito ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin lamang at yun ay ang makahanap ng matibay na oportunidad sa negosyo.Natural lamang na may ilang proyektong gustong makuha si Sophia kaya naman pursigido siyang magtagumpay sa bidding."May paparating na auction sa loob ng dalawang araw, may isang financial summit at pagkatapos ay college entrance exams sa loob ng isang buwan. Balak ko ri
Samantala naman lumabas na rin nga si Francis sa loob ng silid ni Raymond pero hindi nga siya tuluyang umalis dahil nanatili nga lamang siya sa labas ng silid na iyon habang tahimik nga siyang nakamasid kila Raymond at Sophia.Pinagmamasdan nga ni Francis ang dalawa at kitang kita nga niya ang paraan ng kanilang pagtitinginan at ang matamis na ilusyon ng pag ibig sa pagitan nilaAlam naman ni Francis na hindi totoo iyon at isang palabas lamang nga ang lahat ng iyon.Ngunit bakit parang may kung anong pumipiga sa puso ni Francis? Bakit nga ba may pait na lumalagok sa kanyang lalamunan. Yun ay dahil nga sa natalo nga siya.Dahan dahan naman nga na sumandal sa malamig na pader na iyon si Francis habang mahigpit nga niyang hawak ang kanyang cellphone. Marahan pa nga niyangbipinikit ang kanyang mga mqta at pilit na tinatanggal ang bigat sa kanyang dibdib.Sa tabi niya ay isang pamilyar na tinig ang marahang bumasag sa katahimikan."Nagsisisi ka na ba?" tanong ni Dr. Gerome kay Francis at