Share

98 - Sunset

"You're pregnant?"

Napatayo siya. Umilap ang kaniyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang titig ngayon ni Henrik. Bakit bigla yata siyang natakot?

"Trie? Is it true, you're pregnant?

Mas lalo siyang naging asiwa. Gusto niyang umarte na hindi pero sa paraan ng pagtatanong nito, hindi niya kayang umarte. Naunahan siya ng takot kung kaya ay napahawak siya sa kaniyang tiyan. Nagbaba siya ng tingin, napatitig siya sa kamay niya. Nanginginig iyon.

Hindi nga niya namalayan ang pagbiglang lapit nito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. May pag-iingat ang paghawak nito na para siyang isang babasaging kristal, na dapat ingatan.

Takang nagtaas siya ng tingin at lakas loob na sinalubong ang mata ni Henrik, para lamang magulat. Naluluha ang lalaki habang nakatunghay ito sa kaniya. Iba ang nababasa niya, kasiyahan. Kasiyahan na hindi niya kayang pantayan.

May pagkalito, at takot sa kislap sa mata nito pero mas nangibabaw ang kasiyahan sa balitang buntis siya. Taliwas ang reaksyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status