"Where's my wife? Where's my fucking wife!" Halos mag-hysterical si Henrik nang makalapit siya sa pinangyarihan ng aksidente. Maraming nakiusyo pero wala siyang pakialam sa mga ito! Ang importante ay makita niyang buhay si Trinity at okay lang ito."Sir, calm down.""Just tell me the hell where is my wife?! The driver of that car is my fucking wife! Where is she?!"Natakot naman ang pulis na humarap sa kaniya at kaagad na sinabi kung anong Hospital.Wala siyang sinayang na sandali, kaagad niyang tinakbo ang sasakyan niya at mabilis na sumakay roon. Nanginginig ang kamay ni Henrik pero pinipilit niyang kumalma. Ang daming pumasok na eksena sa kaniyang utak pero pinaalis niya agad ang mga eksenang ito dahil mas lalo lamang siyang kinakain ng takot.Nanginginig ang mga kamay ni Henrik habang nagmamaneho. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kaniyang pagkatao. Goddammit!'Please God, don't take away my wife. Don't take them away. Trinity needs me. Dammit! I need her! I need her so please I'
Huling araw ng lamay ni Trinity, pero kung tatanungin si Henrik... Hindi niya alam kung makakaya niyang makita na tabunan ng lupa ang katawan nito mamaya sa burial service.Nasa tabi niya lang si Lianne at ang anak nitong si Aerush Li, pinapakalma ang nagsasaktan niyang puso. Minsan ay kinakausap siya ni Zyd pero parang wala siya sa sarili, hindi siya makausap ng matino.Pinayagan din siyang mawala nang dalawang linggo sa ice rink at buong Pennsylvania ay nakiramay sa pagkawala ng kaniyang asawa.Kahapon lang ay dumalaw ang aguela at aguelo ni Trie pero kaagad din umalis dahil hindi kaya ng mga ito ang nasaksihan sakit. Nakiramay rin ang kaniyang pamilya at nalungkot ang mga ito sa nangyari lalo na ang kaniyang ama sa biglaan pagkawala ng asawa niya sa masakit na paraan.Dalawa na lang ang hindi dumalaw at ito ay ang kapatid nitong si Serenity at ang ama nitong si Mr. Williamson.Ang tanging nanatili ay siya, si Favio at ang kaibigan nitong si Amara. Hindi sila nag-uusap dalawa pero a
Tapos nang tambakan ng lupa ang kabaong ni Trie pero nanatiling nakatayo si Henrik sa loob ng pribadong semeteryong iyon. Tatlong oras na ang nagdaan simula nung ibaon ang kabaong sa lupa pero heto ngayon siya, nakatayo sa harap ng puntot nito. Wala na siyang pakialam kung aabutin siya ng oras na nakatayo roon at kung aabutin siya ng gabi. Mas masakit ito sa lahat ng mga naranasan niyang sakit sa buong buhay niya. Hindi niya mahimay-himay ang sakitm"Hey bro, I think we need to go. It started to rain." Untag sa kaniya ni Favio."You are free to leave me here, Favio. I know how to get back home."Napahugot ito nang hangin at hindi nakaimik."I'm... still lost and puzzled. I need some time to ponder about why all of this is happening. I find it difficult to understand, and I hate myself going home and never seeing her beautiful smile there again."Tinapik na lang ni Favio ang balikat niya at naunang umalis. Habang si Henrik ay tuluyan nabasa sa ulan habang nakatitig lang sa lapida ng as
Dumaan ang ilang araw, mga buwan, hanggang naging tatlong taon. Pero si Henrik, hindi pa rin nakabangon mula sa pagkawala ni Trinity.He tried to act normal and live his life the way it was pero hindi na, hindi niya ito kayang ibalik.Nagmistula siya ngayon isang taong robot, gumagalaw ng ayon sa naka-program sa kaniya.Gigising siya sa umaga, mag-eensayo kasama ang team, maglalaro ng hockey at pagkatapos uuwi, magmumukmok. Minsan naman dinadalaw niya ang puntod ng asawa at kinakausap ito. Minsan din ay nagpupunta siya sa bahay ng aguela at aguelo ni Trie at nakikipag-usap sa mga ito, inaalam kung gaano kasayang bata si Trie noon.Pinakita rin sa kaniya ng mga ito ang dating silid ni Trie at doon niya napagtantong totoo nga na ultimate crush siya ng babae noon.Andoon lahat ng mga pictures niya sa dingding, mga jersey niya, mga wallpapers, magazines at ang huli na kumuha sa kaniyang atensyon ay ang isang babaeng matabang-mataba na katabi niya sa picture. Yakap-yakap ang jersey number
NAGPAPAHANGIN si Henrik nang gabing ito sa terasa habang umiinom ng kape. Nasa beach house sila ngayon at malaki ang nasabing beach house. Dalawang palapag ito at napapalibutan ng mga niyog at iba't ibang klase ng mga halaman ang paligid. Kulay dilaw ang mga ilaw na mas lalong nagbibigay ng kakaibang ambiance. Modern beach house ito halos salamin ang buong bahay.Sa harap ng bahay ay makikita ang magandang tanawin at dagat ng Palawan. Habang sa gilid ng bahay ay isang malaking pabilog na swimming pool at Jacuzzi.Nagbabalak siyang maligo ng dagat pero tinatamad siya ngayon kaya heto, umiinom siya ng kapeng barako at masasabi ni Henrik na napakasarap ng kapeng ininom niya ngayon."Hey?"Napalingon si Henrik. Nakita niya ang babaeng nagngangalang Misty na gustong ipa-date sa kaniya ni Favio. That asshole!"Hey.""Your first time here in Philippines?""My third."Napa-oh naman ito at namalagi sa kanila ang katahimikan. Napansin din ni Henrik na may dala itong tasa ng kape at malayang umi
TATLONG linggo ang mabilis na lumipas. Masasabi ni Henrik na na-enjoy niya ang bakasyon. Plano nila ni Favio ay manatili ng isang buwan sa Palawan at wala siyang problema roon. May apat na buwan siyang bakasyon bago sasabak muli sa hockey at makipagpatayan na naman sa rink dahil lang sa isang puck."Henrik!"Bahagyang nagulat si Henrik nang may yumakap sa kaniyang likuran pero kalaunan ay napangiti siya. It's Misty, ang babaeng dahan-dahan nagturo sa kaniya kung paano bumangon ulit."Sorry, kung natagalan ako. My Mom called me kasi.""Okay lang," simpleng sagot niya sa babae. "Shall we?"Kinakausap siya nito sa salitang tagalog at kahit papaano ay nanumbalik ang alam niya sa lengwaheng ito. Simula nung mawala si Trie, kinalimutan niya na ang paboritong lengwahe nito at ito ay ang tagalog."Yeah sure!" Mabilis na hinawakan nito ang kamay niya at nagsimula silang maglakad sa tabing dagat.May mga iilang turista rin na naglalakad, at halos sa mga ito at couple na matatawag. May iilan na
Ilang beses na napahugot ng hangin si Henrik habang nakatitig sa kesame. Katabi niya sa kama si Misty na mahimbing pa rin na natutulog.Damn it!Napamura siya sa isip at bumangon. Hindi nagising ang babae, kaya malaya siyang nakaalis sa tabi nito.Mali ito. Mali ito! Sobrang mali.Dapat ay pinigilan niya ang babae. Dapat hindi siya nagpadala sa tuksong nilapit nito. Tsk!Lumabas siya nang hotel room at nagtungo sa tabing-dagat. Pinagmasdan niya ang pag-sikat ng araw.Hihingi siya ng tawad oras na magising si Misty. Hindi niya intesyon na gamitin ito o ano pa man. Gusto niya ang babae, pero hindi ibig sabihin nito ay mahal niya or mas hihigit pa sa gusto.Misty is a liberated and care free woman.Natural sa Pennsylvania ito. Nakikipag-sex ang mga tao sa oras na gusto nila. Sex for convenience. Sex for fun. Sex for nothing. Ganito ang estilo sa lugar ng Pittsburgh Pennsylvania. Liberated at carefree ng mga tao. Ang sex ay katumbas lang halik, binibigay sa daan, sa pub or club house, sa
"SWEETHEART, do you know that guy?""No." Mabilis na umiling si Talia."He's like, he knows you. Tinawag ka niyang Trinity.""I don't know as well. Alam mo naman na after I had surgery, I forgot everything. Sabi nung Doctor, it's like retrograde amnesia but this one, hindi na babalik pa ang mga alaala na iyon. I lost all of it. Hindi ko nga alam kung may pamilya ako. Ang tanging kilala ko lang ay si Amara Legrand, who introduced herself to me and said we've been best friends since high school and are still best friends today." At totoo ito, ang sabi lang ni Amara ay wala siyang pamilya maliban dito bilang best friend niya."Sorry to hear that again, sweety."Ngumiti si Talia sa asawa. "No, don't be. Sabi ni Amara, kinailangan akong operahan sa utak to remove the tumor and to save my baby as well. Maliit ang chance na makaligtas ako and Thank God, miracles do happen because look at me, I'm alive.""Thank you, sweetheart. I'm happy na naging asawa kita. Kahit hindi ako ang totoong ama n