“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
“Please, don’t!” nanginginig ang boses ni Ellah nang bigkasin ang mga katagang iyon. Namumuo ang mga luha sa kaniyang mga inosenteng mata, kasabay niyon ang panginginig ng kaniyang katawan sa sobrang takot na nararamdaman. “You need to pay for what your father did to me, sweetheart,” may diing anito. Napakislot siya at biglang parang ulan na dumaloy mula sa mga mata niya ang mga luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak. Hindi man niya lubos maaninag ang kabuuang mukha ng lalaki dahil sa kadilimang bumabalot sa bawat sulok ng silid na ang tanging pusyaw lamang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa naturang kwarto ay alam niyang may masama itong binabalak. Napasiksik siya lalo sa headboard ng kama at niyakap nang mahigpit ang kumot pahapit sa kaniyang katawan na para bang kaya nitong takpan at pigilan ang binabalak ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi niya paniniwalaan ang sinabi ng lalaki. Alam niyang gumagawa lamang ito ng kuwento laban sa kaniyang ama. Nagsisinungaling ito
Napakislot siya nang maramdaman niyang may humaplos sa kaniyang pisngi. Bigla siyang napadilat ng mata at saka lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isipan na wala siya sa sariling kuwarto ng kanilang mansiyon, kundi nasa isang silid kasama ang lalaking may malaking galit sa ama niya. Napatingin siya sa lalaking ngayon ay humahakbang patalikod, at bago pa man siya makiusap dito na pakawalan siya ay malakas na pagsara ng pinto ang iniwan nito sa inaantok pa niyang sistema. Umaga na, ayon na rin sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Mabuti na lang at hindi na nakagapos pa ang kaniyang mga kamay at . . . Sandali siyang hindi nakaimik nang makitang may kumot siya hanggang dibdib, nakaunan sa malambot na unan at may suot na ngayon na matinong damit na pang-lalaki. Gumuhit sa labi niya ang mapait na ngiti, at kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga iyon na nauwi sa malakas na paghikbi. Hanggang ngayon, hindi pa r
NAGMULAT ng mata si Ellah. Hindi man lang niya namalayang nakatulog siya sa pag-iyak. Ang haba ng kaniyang tinulog, dahil nang dumako ang paningin niya sa labas ay magtatakipsilim na. Agad niyang tiningnan ang kasuotan, at ganoon na lamang ang kaginhawaan niya nang makitang may damit pa siyang nakasuot sa katawan.Bigla siyang napahawak sa tiyan nang kumalam iyon. Gutom na gutom na siya, at parang pinagtaksilan naman siya ng panahon, dahil mula sa silid na kinaroroonan niya ay amoy na amoy niya ang masarap na lutong pagkain. Mas lalong nagwala ang tiyan niya sa gutom.Maya-maya, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang lalaking ilang ulit niyang sinumpa sa isip. May dala itong panibagong tray na may lamang pagkain, at inaamin niyang nakakatakam ang amoy nito."Eat," mungkahi nito.Ang boses nito – parang ang sarap sa pakiramdam at pakinggan, pero agad niyang pinuksa ang isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nga siya tumitingin sa mukha nito simula kaninang umaga."I w-wont!
Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos ay hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa dinaraanan. Ang tanging gusto niya ay matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero sa isang hakbang niya ay naramdaman niyang kumawala ang kaluluwa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa alertong namutawi sa sistema para lamang makahawak sa nakausling ugat ng puno. Kung sakaling mang hindi siya nakahawak ay malamang durog at patay siyang bumagsak sa ibaba."Damn!" Hindi niya namalayang nasa kaniyang harapan na ang lalaking kanina pa niyang pilit na tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at iniabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand, woman!"Umiling siya. Hindi niya puwedeng abutin ang kamay nito, dahil sa oras na abutin niya ito ay mawawalan ng saysay ang pagtakas niya. Pumatak muli ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan."Bullshit! Grab it now!" malakas na
Nagising si Ellah dahil sa kumakalam niyang sikmura. Tingin niya ay nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawing umagahan ang kaniyang bituka.Napatingin siya sa labas – kahit nakasara ang bintana –alam niyang tirik na ang araw dahil sa maliit na siwang na nagsusumiksik sa maliit na espasyo ng bintana. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ganoon na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo at panlalabo ng paningin. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansing iba na ang kaniyang kasuotan.Don't tell me . . .Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies – walang iba, kundi ang boxer short ng binata. May kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang baywang.God!Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik nang mahulog sa bangin."This time, you'll eat what I cooked." Mula sa pintuan ay pumasok ang lalaki na hindi nababakasan ng anumang emosyon sa mga mata. Pati boses nito ay nagbibi
"Dad! Tingin mo, Mom is happy in heaven with God?""Yes, Ellah. Bakit mo naitanong?""Because of me, maaga siyang umuwi ng langit at alam kong nalulungkot kayo sa parteng iyon.""I am not sad, Hija. Dahil alam ko rin isang araw ay magsasama kami ng Mommy mo sa langit. Sadyang nauna lang siyang pinauwi ni God at who knows, nagbabantay siya sa 'tin ngayon na hindi natin alam, right?"Napatango siya. Sa murang edad na anim, naintindihan niya na ang lahat at kailan man ay hindi pinaramdam sa kaniya ng kaniyang ama na isa siyang malas sa buhay nito. Kahit siya ang dahilan kung bakit wala na ang babaeng mahal nito, namatay ito sa panganganak sa kaniya."Did you miss Mom po?""Miss? Oo. But I have you, Ellah, our princess. Hangga't buhay pa si Daddy ay gagawin lahat ni Daddy para sa 'yo."Malambing siyang napangiti at ginulo ang buhok ng Ama pero kaagad din niya itong sinuklay gamit ang kamay at pinaglalagyan ng mga hair pin. Ang totoo niyan, kasama niyang naglalaro ng tea party ang Ama sa ma
Nagising si Ellah bandang hapon. Sandali niyang kinurap-kurap ang mga mata-walang pagbabago, nasa log bench pa rin siya habang nakatagilid na nakahiga. Agad siyang nag-unat ng mga braso at awtomatikong napangiti nang makita ang mga magagandang bulaklak na nagsasayaw sa preskong simoy ng hangin. Nanatili siyang ganoon ang ayos habang pinagmamasdan ang mga ito. Kating-kati na siyang pitasin ang isa sa mga ito at amuyin.Ngayon lamang din nakuha ang atensyon at pandinig niya sa malakas na pagbagsak ng tubig sa falls sa 'di-kalayuan. Tila hinihila siya nito. Napasulyap siya sa bahay at nagdadalawang-isip kung sisilipin ba niya ang water falls. Namalayan na lamang niya ang sariling naglalakad papunta roon.Na-estatwa siya nang makita niya ang kagandahan ng paligid. Mula sa talon ay mailalarawan ang kulay-kristal na tubig na malayang dumadaloy sa batis. Bahagya pa siyang nagtaka at kapagkuwa'y nagulat nang umahon mula roon ang isang lalaki-Greek God ang dating sa aura pa lamang nito.Napasik
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy