NAGMULAT ng mata si Ellah. Hindi man lang niya namalayang nakatulog siya sa pag-iyak. Ang haba ng kaniyang tinulog, dahil nang dumako ang paningin niya sa labas ay magtatakipsilim na. Agad niyang tiningnan ang kasuotan, at ganoon na lamang ang kaginhawaan niya nang makitang may damit pa siyang nakasuot sa katawan.
Bigla siyang napahawak sa tiyan nang kumalam iyon. Gutom na gutom na siya, at parang pinagtaksilan naman siya ng panahon, dahil mula sa silid na kinaroroonan niya ay amoy na amoy niya ang masarap na lutong pagkain. Mas lalong nagwala ang tiyan niya sa gutom.
Maya-maya, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang lalaking ilang ulit niyang sinumpa sa isip. May dala itong panibagong tray na may lamang pagkain, at inaamin niyang nakakatakam ang amoy nito.
"Eat," mungkahi nito.
Ang boses nito – parang ang sarap sa pakiramdam at pakinggan, pero agad niyang pinuksa ang isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nga siya tumitingin sa mukha nito simula kaninang umaga.
"I w-wont! What if, nilagyan mo 'yan ng lason na ikamamatay ko agad?" Gaya kanina ay sumiksik muli siya sa gilid ng kama na animo'y allergic sa paglapit nito. Pero ang totoo ay gustong-gusto niya nang lantakan ang pagkain na inihandog nito.
"Huwag kang mag-alala, sweetheart, hindi kita agad papa-tayin. Ipadadama ko muna sa gago mong ama kung paano mawalan ng importanteng tao sa buhay."
Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Hindi ito kailanman mananalo sa kaniya. Gagawin niya ang lahat para makatakas sa impyernong lugar na ito! Bahala na ang Diyos sa gagawin niya.
Nagtaas siya ng tingin at galit na tinitigan ito sa mga mata. Tila nabagot ito sa ginawa niyang pagtitig. Napapantastikuhan itong umupo sa gilid ng kaniyang kama at nilagay ro'n ang tray.
Ilang beses niya na itong napanood sa TV, sa internet at sa social media sa pagiging mayaman nito. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Cuhen Malcogn. Minsan nang nakipag-business deal ang kaniyang ama rito, dahil muntikan nang bumagsak ang kanilang kompanya resulta ng ilang sunod-sunod na problema, pero tumanggi ito at bagkus ay nag-offer ito na bilhin ang kompanya. Matagal itong ipinundar ng kaniyang magulang, at kahit hindi kasingyaman ng binata ang mga ito ay hindi ito ibinenta ng ama niya, bagkus sa tulong ni Kleve Vergan ay muling bumangon nang dahan-dahan ang kanilang negosyo.
Kilala si Mr. Malcogn bilang business tycoon at pagigiging agila nito pagdating sa negosyo. Binabagsak nito ang mga taong kumakalaban dito, dinudurog ang mga taong tumatraydor sa negosyo at lahat ng gusto ay nakakaya nitong kunin. Wala siyang takot at awa pagdating sa larangan sa mundo ng pera at negosyo kung kaya't ganito ito kayaman ngayon. As far as she knows, binalita ang pagkamatay ng ina nito at ang fiancèe nitong doktor noong mga nakaraang linggo.
Luminaw sa isip niya ngayon ang nangyayari sa kaniyang paligid. Umalpas ang galit sa puso niya, at ang kaninang takot na naramdam at namutawi ay biglang nawala. Bigla siyang lumundag sa kama, at malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito. Napakawalanghiya nito!
"Isa kang malaking gago, Mr. Malcogn! You think my father killed them? Malinaw na malinaw na walang kasalanan ang ama ko rito. Isa kang baliw! Mamatay ka na. Mamatay ka nang demonyo ka!"
Hindi ito natinag sa sampal na ibinigay niya, pero kapagkuwan ay dumilim ang anyo nito na bumuhay sa pangambang naghari sa kaniyang dibdib. Bigla siyang napaurong at bumalik sa puwesto niya kanina. Nalimutan niyang ipaalala sa sarili na ang lalaking kaharap ay isang baliw at kinatatakutan ng lahat. Puwedeng-puwede siyang patayin nito ngayon din at mas lalong dumagdag iyon ng takot sa kaniyang buong pagkatao.
"Mabuti kilala mo na ako. Now, eat!"
Napasigaw siya sa lakas ng boses nito. Halos tumalon siya sa sobrang takot. Umiling siya nang dalawang beses. "Ayaw ko!" nauutal na tugon niya, kasunod niyon ang pagtilapon ng tray sa kung saan na hindi niya na nahagip pa ng mga mata sa sobrang gulat na yumanig sa kaniyang sistema.
Madilim ang anyo nito at nangangalaiti sa galit. Nagsimula na namang bumukal ang mga luha niya na kahit anong pigil niya ay kusang pumapatak ang mga ito.
"Damn you, woman!" Sa galit ay iniwan siya nitong tulalang nakatanaw sa kawalan.
Kung hindi siguro matibay ang pagkakagawa ng pinto ay matagal na itong bumigay, dahil sa tuwing lumalabas ito ay malakas nitong isinasara ang pinto.
Sa kabilang banda, kahit anong piga ni Ellah sa kaniyang utak, wala talaga siyang maisip na hakbang kung paano niya ito matatakasan, kasabay pa ang kumukulo niyang tiyan. Nanghihinayang man siya sa natapong pagkain ay batid niya sa sariling naging maingat lamang siya. Ayaw niya pang mamamatay na bumubula ang bibig at itapon na lang ang nilalamig niyang bangkay sa kagubatan sa labas.
Bumaling ang tingin niya sa labas ng bintana. Matagal siyang napatitig doon nang biglang may pumasok na ideya sa kaniyang isip. Napatingin siya sa kumot at sa dalawang kurtinang nakasabit. Tama! Ito ang gagamitin niya para makawala sa demonyong nag-anyong tao habang may oras pa siya. Mas gugustuhin niyang maligaw sa kagubatan kaysa hayaang patayin nito. Paniguradong may daan palabas sa gubat na ito, at iyon ang nagbigay sa kaniya ng pag-asa.
Dali-dali niyang kinuha ang kurtina saka kumot at binuhol ang bawat dulo. Matapos masigurong matibay ang pagkakabuhol, dali-dali niyang tinungo ang bintana at binuhol ulit ang dulo nito sa haliging-kahoy na siyang naghahati sa bintanang kaniyang kinaroroonan.
Hindi na tiningnan ni Ellah kung umabot ba ito sa ibaba, dahil may ibang planong pumasok sa kaniyang isip. Wala na siyang oras, at isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon – iyon ang makatakas. Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng kama nang hindi lumilikha ng anumang ingay nang maramdaman niya ang yabag ng lalaki. Abot-abot ang kaniyang hininga sa sobrang kaba. Halos kagatin niya ang kaniyang labi, huwag lang siyang mapasinghap, dahil baka marinig siya nito. Gusto niya pang mabuhay!
Napangisi siya nang marinig niyang napamura ang binata at mabilis na tinakbo nito ang bintana. Narinig niyang tinungo nito ang pintuan at mabilis na tumakbo palabas.
Gusto naman niyang palakpakan ang sarili sa napakagandang planong nagawa, pero bago siya magdiwang ay mabilis niyang tinungo ang bintana at sumilip doon. Mula sa kaniyang pwesto ay nakita niya ang lalaki na papasok sa kagubatan sa kaliwang bahagi kung saan hindi dinadaluyan ng tubig.
Ito na ang pagkakataon ni Ellah na makatakas! Wala siyang sinayang na segundo at agad na lumabas ng silid. Laking tuwa niya nang hindi naka-lock ang pinto sa may sala at nakabukas lang iyon. Hindi na siya nag-iisip at biglang tinakbo ang kanang bahagi ng kagubatan. Bahala na! Takbo at lakad ang ginawa niya sa mga sandaling ito. Binaybay ng kaniyang paa ang parte ng gubat na hindi siya tatawid ng sapa. Iniwasan niya ang tubig, ito ang totoo.
Tila sumabay sa pagiging manhid ang kaniyang mga yapak na paa kaya hindi niya halos maramdam ang sakit ng mga tuyong sanga na naaapakan habang tumatakbo. Nagkasabit-sabit siya sa mga nakausling ugat at nagkadapa-dapa. Hindi niya na mabilang ang mga galos at sugat sa kaniyang tuhod, binti at braso, pero hindi niya ininda ang mga iyon. Ang importante ay ang makawala siya!
God!
Gusto niyang maiyak sa nararamdamang pagod. Hindi siya sanay sa mahabang takbuhan, pero kailangan na kailangan niyang makaalis sa lugar na ito, kung saang lupalop ng mundo man siya dinala ng baliw na Cuhen Malcogn.
No!
Kung minamalas nga naman ay malapit nang magdilim ang kalangitan. Takot siya sa dilim kapag nag-iisa. Inilibot niya ang paningin. Pakiramdam niya ay nawawala na siya at hindi alam kung saan siya dinadala ng kaniyang sariling mga paa. Puro matataas at matatayog na punongkahoy lang ang kaniyang nasasalubong, isabay pa ang mga nagtataasang talahib sa bawat nadaraanan niya at nakakangilong huni ng mga ibon at kulisap sa paligid. She hates it! Pero mas mabuti nang ganito kaysa mapatay ng lalaki.
"Aray!" d***g niya nang matusok ang kaniyang kanang talampakan sa nakausling kahoy. Namumula ang mga mata niya sa pagpipigil na hindi maluha lalo na't kitang-kita niya ang pagdaloy ng dugo mula roon.
Kung minalas nga naman siya nang sobra-sobra! Napapikit siya sandali at tiniis ang sakit. Kung magpapadala siya sa sakit ay walang mangyayaring maganda sa kaniya, kaya kinakailangan niyang tatagan ang sarili sa mga sandaling ito. Pero ilang sandali lang ay napangiwi siya nang mula sa malayo ay natanaw niya ang malaking itim na baboy-ramo. Sa palagay niya ay mukhang gutom ito, dahil bigla itong napahinto sa ginagawang pagtutulak sa lupa sabay deretsong tumingin sa kaniya nang makita siya.
Ayaw niyang maging hapunan ng isang baboy-ramo! Mabilis niyang hinakbang ang paa kahit masakit pa iyon. Pero dahil sa ginawa niyang iyon, parang binigyan niya ang hayop ng isang rason para sundan siya.
Sandali siyang huminto at binato ito para umalis. "Alis!"
Takot ang awtomatikong rumehistro sa kaniyang mukha nang makitang susugurin siya ng baboy-ramo, imbes sa inaasahang tatakbo ito palayo. Kahit masakit ang kaniyang paa ay nagawa niyang tumakbo.
Napatili siya nang marinig ang alingawngaw ng baril sa kapiligiran. Awtomatikong paglingon niya ay patay nang bumagsak ang hayop sa kaniyang harapan.
"Ellah!"
Mabilis na napalingon si Ellah sa direksiyon ng pigura kung saan galling ang putok ng baril. Halos hindi siya makagalaw nang makita si Cuhen Malcogn – nakatayo sa may kalayuan at may hawak na baril sa kanang kamay habang ang anyo nito'y hindi matantiya sa pandidilim.
Gumapang ang takot sa buo niyang katawan kasabay ang panginginig ng kaniyang mga tuhod sa takot. Hindi! Paano siya naabutan nito? Papatayin na ba siya? Gusto niyang umiyak. Natakasan niya na ito pero bakit pati kagubatan ay tinatraydor siya? But, no! Hindi niya hahayaang hawakan siya nito o kaya ikulong ulit sa silid na iyon para patayin lang. Kung papatayin man siya ay mas mabuting mamatay siyang tumatakbo palayo, at iyon nga ang kaniyang ginawa.
"Stop running, you damn woman!" Tila kulog ang boses nito na mas lalong nagbigay ng takot sa buo niyang pagkatao.
Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos ay hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa dinaraanan. Ang tanging gusto niya ay matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero sa isang hakbang niya ay naramdaman niyang kumawala ang kaluluwa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa alertong namutawi sa sistema para lamang makahawak sa nakausling ugat ng puno. Kung sakaling mang hindi siya nakahawak ay malamang durog at patay siyang bumagsak sa ibaba."Damn!" Hindi niya namalayang nasa kaniyang harapan na ang lalaking kanina pa niyang pilit na tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at iniabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand, woman!"Umiling siya. Hindi niya puwedeng abutin ang kamay nito, dahil sa oras na abutin niya ito ay mawawalan ng saysay ang pagtakas niya. Pumatak muli ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan."Bullshit! Grab it now!" malakas na
Nagising si Ellah dahil sa kumakalam niyang sikmura. Tingin niya ay nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawing umagahan ang kaniyang bituka.Napatingin siya sa labas – kahit nakasara ang bintana –alam niyang tirik na ang araw dahil sa maliit na siwang na nagsusumiksik sa maliit na espasyo ng bintana. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ganoon na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo at panlalabo ng paningin. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansing iba na ang kaniyang kasuotan.Don't tell me . . .Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies – walang iba, kundi ang boxer short ng binata. May kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang baywang.God!Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik nang mahulog sa bangin."This time, you'll eat what I cooked." Mula sa pintuan ay pumasok ang lalaki na hindi nababakasan ng anumang emosyon sa mga mata. Pati boses nito ay nagbibi
"Dad! Tingin mo, Mom is happy in heaven with God?""Yes, Ellah. Bakit mo naitanong?""Because of me, maaga siyang umuwi ng langit at alam kong nalulungkot kayo sa parteng iyon.""I am not sad, Hija. Dahil alam ko rin isang araw ay magsasama kami ng Mommy mo sa langit. Sadyang nauna lang siyang pinauwi ni God at who knows, nagbabantay siya sa 'tin ngayon na hindi natin alam, right?"Napatango siya. Sa murang edad na anim, naintindihan niya na ang lahat at kailan man ay hindi pinaramdam sa kaniya ng kaniyang ama na isa siyang malas sa buhay nito. Kahit siya ang dahilan kung bakit wala na ang babaeng mahal nito, namatay ito sa panganganak sa kaniya."Did you miss Mom po?""Miss? Oo. But I have you, Ellah, our princess. Hangga't buhay pa si Daddy ay gagawin lahat ni Daddy para sa 'yo."Malambing siyang napangiti at ginulo ang buhok ng Ama pero kaagad din niya itong sinuklay gamit ang kamay at pinaglalagyan ng mga hair pin. Ang totoo niyan, kasama niyang naglalaro ng tea party ang Ama sa ma
Nagising si Ellah bandang hapon. Sandali niyang kinurap-kurap ang mga mata-walang pagbabago, nasa log bench pa rin siya habang nakatagilid na nakahiga. Agad siyang nag-unat ng mga braso at awtomatikong napangiti nang makita ang mga magagandang bulaklak na nagsasayaw sa preskong simoy ng hangin. Nanatili siyang ganoon ang ayos habang pinagmamasdan ang mga ito. Kating-kati na siyang pitasin ang isa sa mga ito at amuyin.Ngayon lamang din nakuha ang atensyon at pandinig niya sa malakas na pagbagsak ng tubig sa falls sa 'di-kalayuan. Tila hinihila siya nito. Napasulyap siya sa bahay at nagdadalawang-isip kung sisilipin ba niya ang water falls. Namalayan na lamang niya ang sariling naglalakad papunta roon.Na-estatwa siya nang makita niya ang kagandahan ng paligid. Mula sa talon ay mailalarawan ang kulay-kristal na tubig na malayang dumadaloy sa batis. Bahagya pa siyang nagtaka at kapagkuwa'y nagulat nang umahon mula roon ang isang lalaki-Greek God ang dating sa aura pa lamang nito.Napasik
Mga kalahating oras ang lumipas bago siya natapos. Tumayo siya at nagpasyang lumabas nang mapansing nakatulog na ito. Napangiti siya sa sarili pero agad din naglaho sa isipin na hindi pa ito nagpalit. Nag-aaway ang kaniyang utak kung sasabihin ba niya sa lalaki na magpalit at baka magkasakit ito.“M-Mr. Malcogn?”Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakapikit at malalim ang hininga. Nakatulog na nga ito. Sandali niyang pinatong sa tabi ng kama ang medicine kit para tapikin ang lalaki. Pero nauwi sa ere ang kamay niya nang maramdaman mainit ang singaw ng balat nito. May sakit siya! Agad niyang pinatong ang palad sa leeg nito at tila napapasong inilayo niya agad ang kamay sa sobrang init. Bigla siyang nataranta.Maingat niyang pinatihaya ang binata. Nakapikit pa rin ito at namumula na halos ang buong mukha sa init. Agad niyang hinubad ang shirt nitong suot at naghanap ng maipampalit. Lakas loob na rin niyang pinalitan ang pan
Tulad ng dati, revealing night dress na naman ang kaniyang suot sa umagang iyon at halos exposed ang kaniyang buong katawan. Napabuntunghinga siya at nagdadalawang isip kung bababa ba siya at pakiharapan ang lalaki o hindi. Pero sa huli, pinili niyang huwag.Biglang bumikas ang pintuan at niluwa ro'n ang lalaki. Wala itong suot pang-itaas at agad nagtama ang mata nila. Lumukso ang puso niya kaya mabilis siyang nagbaba ng tingin. Habang titig na titig naman sa kaniya ang lalaki lalo na sa kaniyang dibdib. Mabilis niya itong tinakpan ng kamay. Kahit ilang beses na siya nitong inangkin, hindi pa rin siya nito pagmamay-ari.“Bakit di ka pa bumababa?”Napasulyap siya sa kamay nitong hindi na nakabenda, “Hindi na ba masakit ang kamay mo?”“Ang tanong ko ang sagutin mo.”“L-late na akong nagising. Pasensya na.”Hindi ito sumagot pero humakbang ito papalapit sa
Halos maluha siya nang ilapag siya nito sa picnic blanket na ngayon ay gitna ng bakuran at napapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak. May punpon ng pulang rosas roon at isang cake na may nakaukit na Happy Birthday at pangalan niya.Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata nang iabut nito sa kaniya ang boquet of roses sabay greet ulit sa kaniya ng maligayang kaarawan. Ang iyak ay napalitan ng hikbi. Paano na ang puso niya? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat galaw nito? Masayang masaya siya pero nasasaktan siya sa kabilang banda. Nag-aaway ang kaniyang utak at puso.Mabilis siya nitong niyakap at sa dibdib nito siya hinayaang umiyak nang umiyak. Kaya lang ba ito naging mabait ng araw na ito dahil birthday niya?"May kulang ba? Cake, roses, gift..." naputol ang anuman sasabihin nito at tumingin sa kaniya, "What gift do you want? Hindi ko alam ang gusto mo kaya hindi ako makapagpasya."
Napapikit siya nang makitang malayo na ang kaniyang sinasakyang bangkang gamit sa pangingisda. Sa kakatakbo niya kanina, bumungad sa kaniya ang napakagandang paraiso ng beach resort. Napakaganda! Pero wala na siyang panahon para ro'n. Muntik pa siyang mapasigaw nang makita ang binata na galit na galit na pinagsisigawan nito ang mga crew at guard sa isla. Sa hitsura nito, alam niyang pinapahanap siya. Mapait siyang napangiti. Pinapahanap siya hindi dahil importante siya, kundi pinahanap siya para isunod sa kaniyang namayapang ama! Ang sakit naman ng tadhana.Kaya ng maghiwa-hiwalay ang mga ito papasok sa kagubatan, nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo sa malalaking tipak na bato malapit sa dagat. Payuko-yuko siya sa para hindi mapansin ng ilan sa mga taong nandoon sa isla at busy sa paghahanap sa kaniya.“Ineng, anong ginagawa mo rito?”Kung hindi niya pa nahawakan ang bibig, sumigaw na siguro siya sa gulat. Sa harap niya,
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy