Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos ay hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa dinaraanan. Ang tanging gusto niya ay matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero sa isang hakbang niya ay naramdaman niyang kumawala ang kaluluwa niya. Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Pasalamat na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa alertong namutawi sa sistema para lamang makahawak sa nakausling ugat ng puno. Kung sakaling mang hindi siya nakahawak ay malamang durog at patay siyang bumagsak sa ibaba.
"Damn!" Hindi niya namalayang nasa kaniyang harapan na ang lalaking kanina pa niyang pilit na tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at iniabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand, woman!"
Umiling siya. Hindi niya puwedeng abutin ang kamay nito, dahil sa oras na abutin niya ito ay mawawalan ng saysay ang pagtakas niya. Pumatak muli ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan.
"Bullshit! Grab it now!" malakas na singhal nito.
Pumikit siya. Ayaw na ayaw niyang tanggapin ang tulong na ibinibigay nito, pero ayaw naman niyang tuluyang mahulog sa bangin. Sa tantiya niya ay lagpas one-hundred feet ang taas nito plus creeping creatures pa. Sa pagdadalawang-isip ni Ellah ay hindi niya napansin ang dahan-dahang pagkaputol ng maliit na ugat kung saan siya nakakapit.
Hindi masukat ang lakas ng sigaw niya. Muntik na itong lamunin ng bangin kung hindi lamang naka-responde ang lalaking kasama niya. Ang bigkis ng kamay nito sa kaniyang pulsuhan ang nagsilbing lakas upang iangat siya mula sa bingit ng kamatayan. Narinig pa niya itong nagsalita, "I got you!"
Ilang sandali pa ay nagpiyesta ang mga butil ng ulan sa alapaap, kasabay ring iyon ang tuluyang pag-angat nito sa kaniya.
"P-papatayin mo na ba ako?" nangangatal sa takot na tanong niya. Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahing manok at nawawala. Wala siyang nakuhang sagot mula kay Cuhen. Walang emosyong ipinangko siya nito habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Ang lalaking may balak patayin siya ay narito sa kaniyang harapan at iniligtas siya.
Bakit pa siya tinulungan nito kung papatayin lang siya nito? Puwede naman siya nitong hayaan na mahulog na lang, dahil ito naman talaga ang plano nito sa una pa lang.
She felt hopeless. Ang nag-iisang pag-asa niyang makatakas ay wala nang saysay. Mukhang kailangan niya nang tanggapin na ito ang buhay na naghihintay sa kaniya. Ang malakas na buhos ng ulan ay nagpadagdag sa bigat ng dibdib niya sa mga sandaling ito.
Inaamin niya sa sariling si Cuhen Malcogn ay isang lalaking nagtataglay ng kakaibang karisma. Nag-uumapaw ang sex appeal at idagdag pa ang mga mata nitong tagos sa kaluluwa kung makatitig. Every woman desired to be his girl. Kahit may fiancèe na ito ay maraming babae ang nabaliw pa rin sa lalaki.
Ang lawak ng source niya sa binata. Kung ito ba naman ang laging laman ng mga babaeng employee ng kaniyang ama sa tuwing naririnig niyang nagtsi-tsismisan ang mga ito. Pinangarap niya dati na makita ito sa personal, dahil hinahangaan niya ang taglay nitong talino at husay sa pagpapatakbo ng negosyo na ngayon ay namamayagpag sa buong Asya. Pero ngayon – imbes na paghanga ang nararamdaman niya galit – takot at pagkasuklam ang kaniyang nararamdaman.
Dahil sa naramdamang pagod, hindi niya namalayang nawalan siya ng malay sa mismong bisig nito habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata.
***
Napasulyap si Cuhen sa dalagang pangko-pangko niya. Napailing siya nang mapansing nakatulog ito. Pinasakit ng babaeng ito ang ulo niya sa kahahanap. Akala siguro nito ay matatakasan siya. Siya lang ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng lugar, kaya halos manggalaiti siya sa galit nang maisahan siya nito.
Kung hindi pa siya bumalik ng bahay dahil nakalimutan niyang dalhin ang baril for in case of emergency ay hindi niya pa nalaman na sa kanang bahagi tumakbo ang dalaga. Ilan sa mga tanim na bulaklak ng bakuran ay naapakan at may mga bakas pang paa sa malambot na lupa.Wala siyang sinayang na oras, at agad na sinundan ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon, hindi pa nakalalayo ang babae, at kapag hindi niya ito maabutan ay baka sa bangin ang deretsong bagsak nito.
Takipsilim nang dumating sila sa bahay at basang-basa. Marahang nilapag ni Cuhen si Ellah sa kawayang sofa. Mabilis siyang kumuha ng malinis na tuwalya, t-shirt at boxer na pag-aari niya.
Hindi ito nagising nang simulan niyang hubarin ang damit na suot ng babae. Damn! Inis na ipinukol niya ng masamang titig sa kisame at kinontrol ang sarili.
Kapagkuwa'y mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na may pag-iingat at pagtitimpi sa sarili na hindi angkinin ito sa ganitong sitwasyon bilang kabayaran sa ginawa nito. Sinunod niyang gamutin ang mga galos nito at sugat sa paa. Kung gising pa ito ay kanina na ito nakatikim ng kaniyang galit. Sunod naman na kaniyang ginawa ay binuhat ang walang malay na babae paakyat sa silid nito. Damn this woman for making him mad! Ipagpapa-bukas niya na ang parusa nito, at tiyak na hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan, at minsan nga ay sinasabayan ito ng pagkulog at pagkidlat. Napailing siya at dahan-dahang inilapag ang katawan nito sa malambot na kama saka niya ini-on ang switch ng lampshade.
Kumuha siya ng panibagong kumot sa cabinet at kinu-mutan ito. Tinungo rin niya ang bintana, kinuha roon ang kumot na ginawang bitag ng dalaga sa kaniya at sinarado. Hindi niya talaga akalaing gagawan siya nito ng kakaibang patibong, at napaniwala naman siya. Ang akala niya'y ang tanging nagagawa nito ay umiyak lang sa tabi at makiusap.
Not gonna happen again, woman!
Mabilis niyang inihakbang ang mga paa patungo sa pintuan at walang emosyong lumabas. Nakakuyom lamang ang kaniyang mga kamao, at alak ang naging takbuhan niya sa mga sandaling ito. He needs to calm himself. Sa ngayon ay wala pa siyang gagawin sa babae, pero bukas ay magsisimula ang parusang nararapat dito. Titiyakin niyang masasaktan nang sobra ang pinakamamahal nitong ama na nagtatago sa balat ng karnero. Nangangati na siyang patayin ang matanda pero huwag muna sa ngayon! Ipapalasap muna niya ang sakit na idinulot nito sa buhay niya.
Lumipas ang ilang sandali, bumalik siya sa silid ng babae at sinilip ito kung buhay at humihinga pa. Nagtagis ang kaniyang bagang nang makitang umiiyak ito at nangangatog. Pinagsawalang-bahala niya ang bagay na iyon at akmang isasara ulit ang pinto para lang humugot ng malalim na buntonghinga . . . pero na-estatwa siya sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang patuloy na pag-iyak nito; wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang babae at damhin ang noo.
Napapasong inilayo niya ang kamay sa sobrang init ng dalaga. Nanginginig ito, at hindi kasya ang kumot na ibinigay niya. Napamura siya at mabilis na tumayo.
Kuyom ang mga kamao nang magtungo siya sa kaniyang silid at kumuha ng gamot. Nag-init na rin siya ng tubig sa heater at ibinuhos niya ito sa maliit na palangganita. Kumuha na rin siya ng bimpo.
Bullshit!
Sa isip niya ay isa siyang kidnapper kahapon, pero mukhang nabaligtad ang mundo nang maging tagapag-alaga siya ngayon ng may sakit? Damn hell! Hindi ito ang plano niya.
Bitbit ang gamot, isang basong tubig at palangganita, pumasok siya sa silid ng babae. Ginising niya ito para painumin ng gamut, pero nanatiling nakapikit ito at umiiyak. Napailing siya at walang nagawa kundi ang lapatan na lamang ng maligamgam na bimpo ang noo ng dalaga.
Tumayo rin siya at kumuha ulit ng panibagong kumot sa cabinet at dinagdagan ang kumot na nakasaplot sa katawan ng babae. Medyo nakatulong ang kaniyang ginawa, dahil tumigil ito sa panginginig.
"Hey, woman!" Tinapik niya ang pinsgi. "Uminom ka ng gamot," aniya, pero nanatiling nakapikit ito.
He cursed under his breath. Parang gusto niyang sapilitan itong painumin para makapagpahinga na siya. Malapit nang mag-hatinggabi, at gusto na niyang magpahinga. Napansin niyang tumila na ang ulan, at napalitan ito ng tila ritmo ng mga kulisap.
"D-dad . . ."
Napakuyom ang kaniyang kamao. That's it! Tila nabingi siya sa sinambit nito dahilan para sapilitan niya itong niyugyog. Napaismid siya nang dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Mapupungay ang mga iyon at pulang-pula dahil siguro sa pag-iyak.
"Drink," utos niya nang iminuwestra ang gamot sa bibig nito at basong may lamang tubig.
Muling pumatak ang luha sa mata nito, at kahit lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa naturang silid ay alam niya ang takot na nakasalamin sa mata ng dalaga.
"Come on, drink!" Maikli lang ang kaniyang pasensya, dahil mabilis lang mag-react ang kaniyang mala-bulkang ugali.
Walang ingay na sinunod siya ng dalaga. Nanginginig ang mga kamay nito nang abutin ang gamot at dahan-dahang nilagok ang tubig. Agad siyang tumayo at tinalikuran ito. Magpapahinga na siya sa kabilang silid, tutal ay napainom niya na ito ng gamot.
Nagising si Ellah dahil sa kumakalam niyang sikmura. Tingin niya ay nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawing umagahan ang kaniyang bituka.Napatingin siya sa labas – kahit nakasara ang bintana –alam niyang tirik na ang araw dahil sa maliit na siwang na nagsusumiksik sa maliit na espasyo ng bintana. Dahan-dahan siyang tumayo, pero ganoon na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo at panlalabo ng paningin. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansing iba na ang kaniyang kasuotan.Don't tell me . . .Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies – walang iba, kundi ang boxer short ng binata. May kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang baywang.God!Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik nang mahulog sa bangin."This time, you'll eat what I cooked." Mula sa pintuan ay pumasok ang lalaki na hindi nababakasan ng anumang emosyon sa mga mata. Pati boses nito ay nagbibi
"Dad! Tingin mo, Mom is happy in heaven with God?""Yes, Ellah. Bakit mo naitanong?""Because of me, maaga siyang umuwi ng langit at alam kong nalulungkot kayo sa parteng iyon.""I am not sad, Hija. Dahil alam ko rin isang araw ay magsasama kami ng Mommy mo sa langit. Sadyang nauna lang siyang pinauwi ni God at who knows, nagbabantay siya sa 'tin ngayon na hindi natin alam, right?"Napatango siya. Sa murang edad na anim, naintindihan niya na ang lahat at kailan man ay hindi pinaramdam sa kaniya ng kaniyang ama na isa siyang malas sa buhay nito. Kahit siya ang dahilan kung bakit wala na ang babaeng mahal nito, namatay ito sa panganganak sa kaniya."Did you miss Mom po?""Miss? Oo. But I have you, Ellah, our princess. Hangga't buhay pa si Daddy ay gagawin lahat ni Daddy para sa 'yo."Malambing siyang napangiti at ginulo ang buhok ng Ama pero kaagad din niya itong sinuklay gamit ang kamay at pinaglalagyan ng mga hair pin. Ang totoo niyan, kasama niyang naglalaro ng tea party ang Ama sa ma
Nagising si Ellah bandang hapon. Sandali niyang kinurap-kurap ang mga mata-walang pagbabago, nasa log bench pa rin siya habang nakatagilid na nakahiga. Agad siyang nag-unat ng mga braso at awtomatikong napangiti nang makita ang mga magagandang bulaklak na nagsasayaw sa preskong simoy ng hangin. Nanatili siyang ganoon ang ayos habang pinagmamasdan ang mga ito. Kating-kati na siyang pitasin ang isa sa mga ito at amuyin.Ngayon lamang din nakuha ang atensyon at pandinig niya sa malakas na pagbagsak ng tubig sa falls sa 'di-kalayuan. Tila hinihila siya nito. Napasulyap siya sa bahay at nagdadalawang-isip kung sisilipin ba niya ang water falls. Namalayan na lamang niya ang sariling naglalakad papunta roon.Na-estatwa siya nang makita niya ang kagandahan ng paligid. Mula sa talon ay mailalarawan ang kulay-kristal na tubig na malayang dumadaloy sa batis. Bahagya pa siyang nagtaka at kapagkuwa'y nagulat nang umahon mula roon ang isang lalaki-Greek God ang dating sa aura pa lamang nito.Napasik
Mga kalahating oras ang lumipas bago siya natapos. Tumayo siya at nagpasyang lumabas nang mapansing nakatulog na ito. Napangiti siya sa sarili pero agad din naglaho sa isipin na hindi pa ito nagpalit. Nag-aaway ang kaniyang utak kung sasabihin ba niya sa lalaki na magpalit at baka magkasakit ito.“M-Mr. Malcogn?”Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakapikit at malalim ang hininga. Nakatulog na nga ito. Sandali niyang pinatong sa tabi ng kama ang medicine kit para tapikin ang lalaki. Pero nauwi sa ere ang kamay niya nang maramdaman mainit ang singaw ng balat nito. May sakit siya! Agad niyang pinatong ang palad sa leeg nito at tila napapasong inilayo niya agad ang kamay sa sobrang init. Bigla siyang nataranta.Maingat niyang pinatihaya ang binata. Nakapikit pa rin ito at namumula na halos ang buong mukha sa init. Agad niyang hinubad ang shirt nitong suot at naghanap ng maipampalit. Lakas loob na rin niyang pinalitan ang pan
Tulad ng dati, revealing night dress na naman ang kaniyang suot sa umagang iyon at halos exposed ang kaniyang buong katawan. Napabuntunghinga siya at nagdadalawang isip kung bababa ba siya at pakiharapan ang lalaki o hindi. Pero sa huli, pinili niyang huwag.Biglang bumikas ang pintuan at niluwa ro'n ang lalaki. Wala itong suot pang-itaas at agad nagtama ang mata nila. Lumukso ang puso niya kaya mabilis siyang nagbaba ng tingin. Habang titig na titig naman sa kaniya ang lalaki lalo na sa kaniyang dibdib. Mabilis niya itong tinakpan ng kamay. Kahit ilang beses na siya nitong inangkin, hindi pa rin siya nito pagmamay-ari.“Bakit di ka pa bumababa?”Napasulyap siya sa kamay nitong hindi na nakabenda, “Hindi na ba masakit ang kamay mo?”“Ang tanong ko ang sagutin mo.”“L-late na akong nagising. Pasensya na.”Hindi ito sumagot pero humakbang ito papalapit sa
Halos maluha siya nang ilapag siya nito sa picnic blanket na ngayon ay gitna ng bakuran at napapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak. May punpon ng pulang rosas roon at isang cake na may nakaukit na Happy Birthday at pangalan niya.Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata nang iabut nito sa kaniya ang boquet of roses sabay greet ulit sa kaniya ng maligayang kaarawan. Ang iyak ay napalitan ng hikbi. Paano na ang puso niya? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat galaw nito? Masayang masaya siya pero nasasaktan siya sa kabilang banda. Nag-aaway ang kaniyang utak at puso.Mabilis siya nitong niyakap at sa dibdib nito siya hinayaang umiyak nang umiyak. Kaya lang ba ito naging mabait ng araw na ito dahil birthday niya?"May kulang ba? Cake, roses, gift..." naputol ang anuman sasabihin nito at tumingin sa kaniya, "What gift do you want? Hindi ko alam ang gusto mo kaya hindi ako makapagpasya."
Napapikit siya nang makitang malayo na ang kaniyang sinasakyang bangkang gamit sa pangingisda. Sa kakatakbo niya kanina, bumungad sa kaniya ang napakagandang paraiso ng beach resort. Napakaganda! Pero wala na siyang panahon para ro'n. Muntik pa siyang mapasigaw nang makita ang binata na galit na galit na pinagsisigawan nito ang mga crew at guard sa isla. Sa hitsura nito, alam niyang pinapahanap siya. Mapait siyang napangiti. Pinapahanap siya hindi dahil importante siya, kundi pinahanap siya para isunod sa kaniyang namayapang ama! Ang sakit naman ng tadhana.Kaya ng maghiwa-hiwalay ang mga ito papasok sa kagubatan, nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo sa malalaking tipak na bato malapit sa dagat. Payuko-yuko siya sa para hindi mapansin ng ilan sa mga taong nandoon sa isla at busy sa paghahanap sa kaniya.“Ineng, anong ginagawa mo rito?”Kung hindi niya pa nahawakan ang bibig, sumigaw na siguro siya sa gulat. Sa harap niya,
KINANSELA ni Kleve ang kanilang kasal. Dinala siya nito sa States para magpagaling dahil sa matinding trauma ang nakuha niya. Nagigising siya bawat gabi na umiiyak. Sa panaginip niya, hinahabol siya ng binata.Pero isang araw, umalis ang binata at may ka-business meeting. Naiwan siyang mag-isa sa bahay na pagmamay-ari ng magulang ng lalaki.Napakislot siya nang may narinig siyang kaluskos sa kusina. Dali-dali siyang umakyat ng silid niya sa ikalawang palapag ng bahay.Simula nung nalaman niyang pinatay ni Cuhen ang kaniyang ama, naging matatakutin na siya at itong takot niya ang kaniyang nilalabanan ngayon. Gusto niya isang araw na maghaharap sila ni Cuhen, makukulong na ito at kaya niyang makipaglabanan ng ayon sa gusto nitong laro.Nakita niya sa online news ang mukha ng binata nung nakaraang araw. Madilim pa rin ang aura nito at handang lalapa ng tao anuman oras.“Mr. Malcogn nu
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy