Share

103 - Huge Disappointment

HINDI NA hinintay ni Trinity na dumating sa araw na iyon si Favio para sunduin siya at ihatid sa kaniyang pupuntahan. Ayaw niya ng maabala pa ang lalaki lalo na at sa office ng kaniyang Ama siya pupunta.

Ilang beses din niya itong pinag-isipan pero kailangan niya itong makausap. Alam niyang hindi ito naging mabuting Ama pero hindi rin siya naging mabuting Anak para rito.

Ang tanging dala lang niya ay bag at cellphone. Ang kotse niya ang kaniyang ginamit at kalahating oras lang ang tatakbuhin ng sasakyan para marating ang opisina ng Ama niya.

Sandali siyang napasulyap sa kaniyang mukha sa rear view mirror. Nangingitim ang eyebag niya dahil na rin siguro sa hindi siya nakatulog agad kaninang madaling araw.

Mapait siyang napangiti. Paano nga pala siya makatulog ng mahimbing ulit? Nung matapos niyang marinig si Henrik na kausap nito si Lianne, ilang minuto lang niyon ay pumasok na si Henrik sa kabilang silid at nagpanggap siyang tulog...

"Trinity..." Hinaplos nito ang kaniyang buhok pero
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status