HINDI NA hinintay ni Trinity na dumating sa araw na iyon si Favio para sunduin siya at ihatid sa kaniyang pupuntahan. Ayaw niya ng maabala pa ang lalaki lalo na at sa office ng kaniyang Ama siya pupunta.Ilang beses din niya itong pinag-isipan pero kailangan niya itong makausap. Alam niyang hindi ito naging mabuting Ama pero hindi rin siya naging mabuting Anak para rito.Ang tanging dala lang niya ay bag at cellphone. Ang kotse niya ang kaniyang ginamit at kalahating oras lang ang tatakbuhin ng sasakyan para marating ang opisina ng Ama niya.Sandali siyang napasulyap sa kaniyang mukha sa rear view mirror. Nangingitim ang eyebag niya dahil na rin siguro sa hindi siya nakatulog agad kaninang madaling araw.Mapait siyang napangiti. Paano nga pala siya makatulog ng mahimbing ulit? Nung matapos niyang marinig si Henrik na kausap nito si Lianne, ilang minuto lang niyon ay pumasok na si Henrik sa kabilang silid at nagpanggap siyang tulog..."Trinity..." Hinaplos nito ang kaniyang buhok pero
Pinunasan ni Trinity ang panay na pagbagsak ng kaniyang mga luha. Nanglalabo ang kaniyang tingin pero kaya pa rin naman niya mag-drive. Ilang beses niya munang kinalma ang sarili bago ulit nagseryuso sa pagmamaneho.Pupunta muna siya sandali sa kaniyang aguela at aguelo. Mangungumusta kung okay lang ba ang mga ito at makikipagkwentuhan saglit.Saka biglang tumunog ang kaniyang cellphone, si Henrik ito, tumatawag. Sinagot niya ang tawag ng asawa niya habang nilagay sa teynga ang earpods."Hey?""Our team has finished practicing, so I'm heading home to see you!"Napangiti siya nang marinig ang sinabi ni Henrik. "Oh, about that. I'm on my way to my Nana's house. Could you please wait for me at home, hmm?""Of course. I'll be waiting for you at home. We'll be going to New York to get some fresh air.""That would be fantastic!" Nilangkapan niya ng sigla ang boses kahit alam naman niya ang totoong rason, bakit sila pupunta ng New York. Kunwari, wala siyang alam."R-really?""Yep! I miss Ne
"Where's my wife? Where's my fucking wife!" Halos mag-hysterical si Henrik nang makalapit siya sa pinangyarihan ng aksidente. Maraming nakiusyo pero wala siyang pakialam sa mga ito! Ang importante ay makita niyang buhay si Trinity at okay lang ito."Sir, calm down.""Just tell me the hell where is my wife?! The driver of that car is my fucking wife! Where is she?!"Natakot naman ang pulis na humarap sa kaniya at kaagad na sinabi kung anong Hospital.Wala siyang sinayang na sandali, kaagad niyang tinakbo ang sasakyan niya at mabilis na sumakay roon. Nanginginig ang kamay ni Henrik pero pinipilit niyang kumalma. Ang daming pumasok na eksena sa kaniyang utak pero pinaalis niya agad ang mga eksenang ito dahil mas lalo lamang siyang kinakain ng takot.Nanginginig ang mga kamay ni Henrik habang nagmamaneho. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kaniyang pagkatao. Goddammit!'Please God, don't take away my wife. Don't take them away. Trinity needs me. Dammit! I need her! I need her so please I'
Huling araw ng lamay ni Trinity, pero kung tatanungin si Henrik... Hindi niya alam kung makakaya niyang makita na tabunan ng lupa ang katawan nito mamaya sa burial service.Nasa tabi niya lang si Lianne at ang anak nitong si Aerush Li, pinapakalma ang nagsasaktan niyang puso. Minsan ay kinakausap siya ni Zyd pero parang wala siya sa sarili, hindi siya makausap ng matino.Pinayagan din siyang mawala nang dalawang linggo sa ice rink at buong Pennsylvania ay nakiramay sa pagkawala ng kaniyang asawa.Kahapon lang ay dumalaw ang aguela at aguelo ni Trie pero kaagad din umalis dahil hindi kaya ng mga ito ang nasaksihan sakit. Nakiramay rin ang kaniyang pamilya at nalungkot ang mga ito sa nangyari lalo na ang kaniyang ama sa biglaan pagkawala ng asawa niya sa masakit na paraan.Dalawa na lang ang hindi dumalaw at ito ay ang kapatid nitong si Serenity at ang ama nitong si Mr. Williamson.Ang tanging nanatili ay siya, si Favio at ang kaibigan nitong si Amara. Hindi sila nag-uusap dalawa pero a
Tapos nang tambakan ng lupa ang kabaong ni Trie pero nanatiling nakatayo si Henrik sa loob ng pribadong semeteryong iyon. Tatlong oras na ang nagdaan simula nung ibaon ang kabaong sa lupa pero heto ngayon siya, nakatayo sa harap ng puntot nito. Wala na siyang pakialam kung aabutin siya ng oras na nakatayo roon at kung aabutin siya ng gabi. Mas masakit ito sa lahat ng mga naranasan niyang sakit sa buong buhay niya. Hindi niya mahimay-himay ang sakitm"Hey bro, I think we need to go. It started to rain." Untag sa kaniya ni Favio."You are free to leave me here, Favio. I know how to get back home."Napahugot ito nang hangin at hindi nakaimik."I'm... still lost and puzzled. I need some time to ponder about why all of this is happening. I find it difficult to understand, and I hate myself going home and never seeing her beautiful smile there again."Tinapik na lang ni Favio ang balikat niya at naunang umalis. Habang si Henrik ay tuluyan nabasa sa ulan habang nakatitig lang sa lapida ng as
Dumaan ang ilang araw, mga buwan, hanggang naging tatlong taon. Pero si Henrik, hindi pa rin nakabangon mula sa pagkawala ni Trinity.He tried to act normal and live his life the way it was pero hindi na, hindi niya ito kayang ibalik.Nagmistula siya ngayon isang taong robot, gumagalaw ng ayon sa naka-program sa kaniya.Gigising siya sa umaga, mag-eensayo kasama ang team, maglalaro ng hockey at pagkatapos uuwi, magmumukmok. Minsan naman dinadalaw niya ang puntod ng asawa at kinakausap ito. Minsan din ay nagpupunta siya sa bahay ng aguela at aguelo ni Trie at nakikipag-usap sa mga ito, inaalam kung gaano kasayang bata si Trie noon.Pinakita rin sa kaniya ng mga ito ang dating silid ni Trie at doon niya napagtantong totoo nga na ultimate crush siya ng babae noon.Andoon lahat ng mga pictures niya sa dingding, mga jersey niya, mga wallpapers, magazines at ang huli na kumuha sa kaniyang atensyon ay ang isang babaeng matabang-mataba na katabi niya sa picture. Yakap-yakap ang jersey number
NAGPAPAHANGIN si Henrik nang gabing ito sa terasa habang umiinom ng kape. Nasa beach house sila ngayon at malaki ang nasabing beach house. Dalawang palapag ito at napapalibutan ng mga niyog at iba't ibang klase ng mga halaman ang paligid. Kulay dilaw ang mga ilaw na mas lalong nagbibigay ng kakaibang ambiance. Modern beach house ito halos salamin ang buong bahay.Sa harap ng bahay ay makikita ang magandang tanawin at dagat ng Palawan. Habang sa gilid ng bahay ay isang malaking pabilog na swimming pool at Jacuzzi.Nagbabalak siyang maligo ng dagat pero tinatamad siya ngayon kaya heto, umiinom siya ng kapeng barako at masasabi ni Henrik na napakasarap ng kapeng ininom niya ngayon."Hey?"Napalingon si Henrik. Nakita niya ang babaeng nagngangalang Misty na gustong ipa-date sa kaniya ni Favio. That asshole!"Hey.""Your first time here in Philippines?""My third."Napa-oh naman ito at namalagi sa kanila ang katahimikan. Napansin din ni Henrik na may dala itong tasa ng kape at malayang umi
TATLONG linggo ang mabilis na lumipas. Masasabi ni Henrik na na-enjoy niya ang bakasyon. Plano nila ni Favio ay manatili ng isang buwan sa Palawan at wala siyang problema roon. May apat na buwan siyang bakasyon bago sasabak muli sa hockey at makipagpatayan na naman sa rink dahil lang sa isang puck."Henrik!"Bahagyang nagulat si Henrik nang may yumakap sa kaniyang likuran pero kalaunan ay napangiti siya. It's Misty, ang babaeng dahan-dahan nagturo sa kaniya kung paano bumangon ulit."Sorry, kung natagalan ako. My Mom called me kasi.""Okay lang," simpleng sagot niya sa babae. "Shall we?"Kinakausap siya nito sa salitang tagalog at kahit papaano ay nanumbalik ang alam niya sa lengwaheng ito. Simula nung mawala si Trie, kinalimutan niya na ang paboritong lengwahe nito at ito ay ang tagalog."Yeah sure!" Mabilis na hinawakan nito ang kamay niya at nagsimula silang maglakad sa tabing dagat.May mga iilang turista rin na naglalakad, at halos sa mga ito at couple na matatawag. May iilan na
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy