"You're pregnant?"Napatayo siya. Umilap ang kaniyang mata. Hindi niya kayang salubungin ang titig ngayon ni Henrik. Bakit bigla yata siyang natakot?"Trie? Is it true, you're pregnant?Mas lalo siyang naging asiwa. Gusto niyang umarte na hindi pero sa paraan ng pagtatanong nito, hindi niya kayang umarte. Naunahan siya ng takot kung kaya ay napahawak siya sa kaniyang tiyan. Nagbaba siya ng tingin, napatitig siya sa kamay niya. Nanginginig iyon.Hindi nga niya namalayan ang pagbiglang lapit nito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. May pag-iingat ang paghawak nito na para siyang isang babasaging kristal, na dapat ingatan.Takang nagtaas siya ng tingin at lakas loob na sinalubong ang mata ni Henrik, para lamang magulat. Naluluha ang lalaki habang nakatunghay ito sa kaniya. Iba ang nababasa niya, kasiyahan. Kasiyahan na hindi niya kayang pantayan.May pagkalito, at takot sa kislap sa mata nito pero mas nangibabaw ang kasiyahan sa balitang buntis siya. Taliwas ang reaksyon
Ibang silid ang nagisnan ni Trinity nang imulat niya ang kaniyang mata. Kaagad naman na lumapit si Henrik sa kaniya at mabilis na kinuha ang kaniyang kamay. Hinalikan nito iyon ng may pag-iingat."W-what happened?""You're okay now."Hindi siya kumibo. Okay nga ba talaga? Bakit nakikita niya ang hindi matatawarang lungkot sa mga mata ni Henrik? May kasiyahan dahil nagising na siya pero mas nangibabaw ang lungkot.Napansin niya rin may IV fluid sa kaniyang kamay nakakonekta at ando'n na naman ang pakiramdam na ayaw na ayaw niya ng hospital.Itatanong palang sana niya kung pwede na ba silang lumabas ng Hospital nang pumasok ang Doctor na kilalang-kilala niya; si Dr. Vivaldi Concerto. Biglang umasim ang kaniyang panlasa. Sa mukha palang ng Doctor, mukhang sinabi na nito kay Henrik ang sitwasyon niya at nang bata sa sinapupunan niya."Now you two can go home.""Why?" Nagulat naman siya. Inasahan niyang pagalitan siya ng Doctor."Because there's nothing I can do, Trinity, I recommend you f
MALUNGKOT na nakaharap sa salamin si Trinity nang umagang iyon. Isang buwan na ang nagdaan at walang nagbago. Naaawa na rin siya kay Henrik. Kahit wala itong sinasabi, alam niyang nalulungkot at naaawa sa kalagayan niya.Nasa practice ang asawa niya at pansamantalang sinamahan siya ni Favio ngayon araw. May pupuntahan siya at iyon ay ang kaniyang kapatid na si Serenity. They need to talk. Kung sakali man na mawala siya, ayaw niyang mawala na nagtatampo at malaki ang galit nito sa kaniya dahil lang sa inagaw niya ang lalaki na gusto nito."You good?""Yeah." Ngumiti siya kay Favio. Sa Country Coffee Shop ni Serenity nagpahatid sa lalaki at hindi na rin siya nagpasama nung pumasok siya sa coffee shop ng kapatid niya.Nagulat pa ang babae nang makita siya pero ngumiti pa rin ito ng tipid. Inanyayahan siya nitong magkape pero hindi na siya nagpaunlak dahil bawal naman sa kaniya ito."What brought you here?" Agarang tanong nito nang makaupo silang dalawa.Wala pang customer sa araw na iyon
BAGSAK ang balikat na pumasok si Trinity sa sasakyan ni Favio. Tapos na silang mag-usap ng kaniyang Ina at nakokonsesnya siya kung bakit sinabi niya rito. Inexplain niya sa Ginang ang kaniyang kalagayan at mali yata siya kung bakit niya ito ginawa dahil nawalan ito ng malay, dahilan para mag-alala ang pamilya nito at pinakiusapan siyang bumalik na lang sa susunod na araw."Next location?""Henrik.""Okay."Ngumiti siya kay Favio saka sinandal ang sarili sa headrest ng upuan. Babalik siya sa susunod na araw kapag okay na ang Ginang. Sa ngayon ay pupuntahan niya si Henrik para yayain ito na sabay silang kumain tatlo ng dinner. Wala lang, gusto niya lang makasama ang lalaki ngayon. Ewan at ganito ang nararamdaman niya. Ganito siguro talaga kapag may taning na ang buhay.Dalawang oras ang kanilang binyahe ulit pabalik sa downtown at dumeretso na agad sila sa kung saan nag-ensayo ang asawa niya.Kaagad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Henrik. Hindi na siya bumaba sa kotse ni F
Nang gabing iyon, magkayakap silang natulog ni Henrik pero nagising siya madaling araw na wala sa tabi niya ang lalaki. Saglit siyang napabangon at napatitig sa hinigaan spasyo ng asawa niya.Saan ito? Ah, baka nasa banyo lang o kaya nagpapahangin. Bumalik siya ng higa at binalik sa pagpikit ang mata pero hindi siya kayang dalawin ng antok. Ang hirap na tuloy matulog.Kaya ang kaniyang ginawa ay bumangon at sinuot ang house slipper para lumabas ng silid. Hahanapin na lang niya si Henrik at mas gusto niyang katabi ito hanggang sa makatulog siya ulit.Una niyang tinungo ang terasa, dahil alam niyang mahilig ito magmuni-muni minsan at mapag-isa. Mabuti na lang at naka-roba siya kaya hindi nanunuot ang lamig sa kaniyang balat. Summer na summer pero iba ang klima sa Pinas at sa Pennsylvania.Nasa bukana na siya ng terasa nang makita niya ang malaking bulto ng katawan ni Henrik. Nakaharap ito sa labas at pinagmamasdan ang walang humpay na katahimikan ng gabi.Tatawagin sana niya ang pangala
HINDI NA hinintay ni Trinity na dumating sa araw na iyon si Favio para sunduin siya at ihatid sa kaniyang pupuntahan. Ayaw niya ng maabala pa ang lalaki lalo na at sa office ng kaniyang Ama siya pupunta.Ilang beses din niya itong pinag-isipan pero kailangan niya itong makausap. Alam niyang hindi ito naging mabuting Ama pero hindi rin siya naging mabuting Anak para rito.Ang tanging dala lang niya ay bag at cellphone. Ang kotse niya ang kaniyang ginamit at kalahating oras lang ang tatakbuhin ng sasakyan para marating ang opisina ng Ama niya.Sandali siyang napasulyap sa kaniyang mukha sa rear view mirror. Nangingitim ang eyebag niya dahil na rin siguro sa hindi siya nakatulog agad kaninang madaling araw.Mapait siyang napangiti. Paano nga pala siya makatulog ng mahimbing ulit? Nung matapos niyang marinig si Henrik na kausap nito si Lianne, ilang minuto lang niyon ay pumasok na si Henrik sa kabilang silid at nagpanggap siyang tulog..."Trinity..." Hinaplos nito ang kaniyang buhok pero
Pinunasan ni Trinity ang panay na pagbagsak ng kaniyang mga luha. Nanglalabo ang kaniyang tingin pero kaya pa rin naman niya mag-drive. Ilang beses niya munang kinalma ang sarili bago ulit nagseryuso sa pagmamaneho.Pupunta muna siya sandali sa kaniyang aguela at aguelo. Mangungumusta kung okay lang ba ang mga ito at makikipagkwentuhan saglit.Saka biglang tumunog ang kaniyang cellphone, si Henrik ito, tumatawag. Sinagot niya ang tawag ng asawa niya habang nilagay sa teynga ang earpods."Hey?""Our team has finished practicing, so I'm heading home to see you!"Napangiti siya nang marinig ang sinabi ni Henrik. "Oh, about that. I'm on my way to my Nana's house. Could you please wait for me at home, hmm?""Of course. I'll be waiting for you at home. We'll be going to New York to get some fresh air.""That would be fantastic!" Nilangkapan niya ng sigla ang boses kahit alam naman niya ang totoong rason, bakit sila pupunta ng New York. Kunwari, wala siyang alam."R-really?""Yep! I miss Ne
"Where's my wife? Where's my fucking wife!" Halos mag-hysterical si Henrik nang makalapit siya sa pinangyarihan ng aksidente. Maraming nakiusyo pero wala siyang pakialam sa mga ito! Ang importante ay makita niyang buhay si Trinity at okay lang ito."Sir, calm down.""Just tell me the hell where is my wife?! The driver of that car is my fucking wife! Where is she?!"Natakot naman ang pulis na humarap sa kaniya at kaagad na sinabi kung anong Hospital.Wala siyang sinayang na sandali, kaagad niyang tinakbo ang sasakyan niya at mabilis na sumakay roon. Nanginginig ang kamay ni Henrik pero pinipilit niyang kumalma. Ang daming pumasok na eksena sa kaniyang utak pero pinaalis niya agad ang mga eksenang ito dahil mas lalo lamang siyang kinakain ng takot.Nanginginig ang mga kamay ni Henrik habang nagmamaneho. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kaniyang pagkatao. Goddammit!'Please God, don't take away my wife. Don't take them away. Trinity needs me. Dammit! I need her! I need her so please I'