KINABUKASAN kahit madilim-dilim pa ay agad na bumiyahe pauwi si Jacob. Hindi na siya makapaghintay na mapuntahan at makita si Vanessa.Hapon na siya nang makarating pero wala sa isip niya ang magpahinga. Ni hindi na nga niya naisipang dumaan sa bahay niya dahil agad na niyang tinahak ang papunta sa bahay nito. Nasa iisang lugar ang sila pero magkaibang bayan.Ipinarada niya ang sasakyan hindi kalayuan sa harapan ng bahay nang mga magulang nito. Gano’n pa rin ang itsura ng bahay, walang ipinagbago buhat nang huling tumuntong siya rito limang taon na ang nakararaan dahil sa pagmamakaawang sabihin sa kanya kung nasaan ang dalaga.May nakita siyang papalabas na sasakyan at kumakaway doon si Vanessa at ang batang nasa tabi nito. Magkahawak pa ng kamay ang dalawa, palatandaan na mag-ina nga ang mga ito.Natanaw niya ang sakay nang lumabas na sasakyan, ang mag-asawa. Tamang-tama pala ang timing niya dahil si Vanessa lang ang naiwan. Makakausap niya ito ng maayos.Nang mawala sa paningin niya
TUMUGON naman ang babae sa ginawa niyang paghalik dito. Matagal silang nasa gano’ng posisyon hanggang sa ito na lang ang kusang bumitiw.Pareho silang humihingal nang pakawalan nito ang kanyang mga labi. Kinabig niya ulit ito pabalik at pinagdikit niya ang kanilang mga noo at nagsalita.“I need your explanation, babe. Simula sa simula,” sambit niya rito sa humihingal na tinig.Inalis nito ang pagkakadikit nang noo nito sa noo niya at umayos ito sa pagkakaupo bago tumugon sa sinabi niya.“Sobrang dami na nang mga nangyari sa buhay ko simula no’ng mawalan tayo ng koneksyon at komunikasyon, at alam kong gano’n ka rin naman. Hindi naging madali ang buhay ko lalo na no’ng naghiwalay tayo,” nakayukong sambit nito.“Nessa, hindi tayo naghiwalay! Ikaw lang ang kusang lumayo at pumutol nang komunikasyon natin ng hindi sinasabi sa ‘kin ang sapat na dahilan. Sa tingin mo ba, naging madali rin sa ‘kin ang lahat?” wari ‘y nanunumbat ang kanyang tinig.“Jacob, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ka
“Gusto mo bang maka-bonding ang anak mo bago ka man lang umuwi?”“Oo naman! Para magkaroon kami ng time na kilalanin ang isa ‘t isa,” masiglang tugon niya.Tumayo ito at pinuntahan ang anak sa kwarto. Paglabas nito ay kasama na ang anak nila.“Daddy! Mommy said you want to play with me!” sambit nito habang nagtatalon sa tuwa habang papalapit ang mga ito sa direksyon niya.“Yes, baby. And what do you want to play, huh?” nakangiting tanong niya.“I have many toys in my room. Come on, let’ s play there!” hinawakan siya nito sa isang kamay at pilit na hinihila.Tumingin siya kay Vanessa para humingi ng permiso kung pwede ba siyang pumasok sa kwarto ng anak na agad naman nitong sinang-ayunan kaya tuluyan na siyang nagpahila sa anak.Sa maikling oras ng pakikipaglaro niya rito ay napansin niyang mabait, magalang at masayahin itong bata. Matalino rin ito lalo na sa paraan ng pananalita nito.Ang napansin lang niya rito ay himalang hindi nito namana ang pagiging spoiled brat at kamalditahan n
“Bakit apilyedo mo ang gamit niya at hindi apilyedo ko?” kunot na kunot ang kanyang noo habang tinatanong ang babae.Masakit sa loob niya na ngayon na nga lang niya nalaman na may anak siya at ngayon niya lang din ito nakita, kahit ang paglaki nito ‘y hindi man lang niya nasubaybayan, pagkatapos, hindi rin apilyedo niya ang nakadugtong sa pangalan nito.Napansin niya ang pagkabalisa ni Vanessa at hindi rin ito mapakali.“A-ahm, ‘yon nga, kasi…ahm, I have no idea na matatanggap mo siya bilang…anak.”“Ano ka ba naman, babe! Syempre dugo ‘t laman ko ‘to, paanong hindi ko matatanggap? Hindi ako papayag na apilyedo mo lang ang gagamitin niya. Dapat, parehong apilyedo natin ang nakadugtong sa pangalan niya, okay? Aasikasuhin ko ang pagpapalipat ng apilyedo ko sa kanya sa lalong madaling panahon.”Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagkabalisang nakikita niya sa mukha nito.“Babe, darating din naman tayo diyan kaya huwag kang magmadali.”“Oo nga, pero hindi ibig sabihin na kailangan pa natin iton
WALA siyang sinayang na oras at panahon dahil sa unang araw pa lang nila ay agad na niyang ipinasyal ang mag-ina na labis namang ikinatuwa nang kanyang anak.Halos ginugol lang nila ang tatlong araw sa pamamasyal sa iba ‘t ibang lugar at pasyalan at pagkain sa labas.Nang huling araw na nila sa maynila ay nagkaroon sila ni Vanessa ng pagkakataon na magkausap ng sarilinan. Maaga kasing nakatulog ang kanilang anak dahil na rin siguro sa pagod.“So, pwede na ba nating ipagpatuloy ang pinag-usapan natin no’ng nakaraan? Baka naman ngayon, masagot mo na lahat nang natitirang mga katanungan na nagpapagulo sa isip ko,” sambit niya kay Vanessa habang nakaupo sa paanan nang natutulog na anak.“Susubukan kong sagutin lahat ng tanong mo sa abot ng aking makakaya.”Tumikhim muna siya bago nagumpisang magtanong.“Bakit pala, wala na ang mga katulong ninyo at mga gwardya? Ano bang nangyari? Hindi ba halos magka-level lang sa negosyo ang mga magulang natin noon?”Bumuntung-hininga muna ito at saglit
HALOS isang linggo ang lumipas na wala man lang paramdam kay Michaela ang binata. Hindi man lang siya nito naisipang i-text o tawagan man lang para kumustahin siya o magsabi man lang ito kung nasaan at kung ano ang ginagawa.Kung hindi pa dahil kay Ms. Glydel na siyang nagsabi sa kanya na nag-text ang binata rito at nagsabing limang araw itong mawawala sa restaurant, ay hindi pa niya malalaman.Limang araw lang ang sinabi ng binata kay Ms. Glydel na mawawala ito pero heto ‘t dalawang linggo na ang lumipas simula no’ng magtalo ito at ni Geneva, pero wala pa rin ito.Medyo nabawasan lang ang pag-iisip niya rito nang magsimula ang enrolment sa eskwelahang papasukan niya. Tatlong araw siyang nagpabalik-balik nang sa wakas ay maging officially enrolled na siya.Wala siyang ibang kasa-kasama sa paglalakad kundi ang bodyguard na si Troy na halos sobrang tipid magsalita. Magsasalita lang ito kapag tinatanong niya lang.Hindi na kasi nagawa pa ng binata ang ipinangako nitong ito ang sasama sa
“Mapagbiro ka rin pala,” kunwari ‘y sinakyan niya rin ang sinabi nito.“Okay lang ba sa ‘yo na umupo ako rito sa tabi mo?” kapagkuwan ay tanong nito.Mabilis naman siyang tumango at umusog ng kaunti.“Oo naman! Sige, upo ka!”Mahaba naman kasi ang bench na kinauupuan niya, kasya ang tatlong tao. Nagkataon lang na sa gitna siya pumwesto ng upo kaya siguro nag-alangan itong tumabi at nagpaalam muna sa kanya.“By the way, I’m Albert Bonifacio,” inilahad nito ang kamay sa kanya.“I’m Michaela. Michaela Gomez,” muling pakilala niya rito.“Kilala na talaga kita noong unang araw pa lang nang klase natin.” Pangatlong araw na klase nang klase nila ngayon. “Tinandaan ko talaga ‘yong pangalan mo. Sa totoo lang, naagaw mo ang atensyon ko simula no’ng unang araw pa lang.”Napayuko tuloy siya sa hiya dahil sa hayagang pagtatapat nito.“I-I’m sorry kung na-offend kita sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang masabi ‘yon sa ‘yo. Hindi ko lang kasi mapigilang hindi humanga sa ‘yo.”Napatingin siya rito. Nap
ANG dalaga agad ang naisip niya nang makapasok siya sa restaurant. Agad siyang pumunta ng kitchen area dahil doon ito madalas lalo na kapag maraming customer.Pero nagtaka siya ng makitang wala ito roon. Inilibot niya ang paningin sa dining area, hindi rin niya ito nakita na nagse-serve.Nilibot niya ang buong area at nagbabakasakaling makita ang dalaga. Sa locker, sa restroom, maging sa staff break room, at outdoor dining area baka sakaling may customer doon at doon ito nagse-serve.Nagtataka na nga sa kanya ang iba kasi kanina pa siya paikot-ikot na parang may hinahanap. Tiningnan niya ang relong pambisig, alas quarter to four pa lang naman. Alas singko ang out ng dalaga kaya nakakapagtakang wala ito roon.O, baka naman hindi pumasok. Naisip niya na lang na puntahan sa opisina nito si Ms. Glydel para ito na lang ang tanungin niya. Siguradong masasagot siya nito.Umakyat siya papuntang second floor pero nang malapit na siya ay nakita naman niyang papalabas na nang kanyang opisina si
SA NAKIKITA niyang ekspresyon ng binata ay halatang nagtitimpi lang ito sa kaharap. Samantalang si Vanessa ay kahit hindi man niya naririnig ang mga sinasabi nito sa binata ay alam niyang nagmamakaaawa na naman ito para balikan ng binata.Base sa mga kilos at ekspresyon ng mukha nito ay halatang ipinagpipilitan nito ang sarili. Nakakaramdam na rin siya ng inis na unti-unting naging galit lalo na nung nakita niyang hinihila nito sa braso ang binata.Napaka kapal talaga ng mukha nito kaya bumaba siya para ipamukha ang pagiging talunan nito sa puso ng binata.Pak! Pak! Isang malalakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa magkabilaang pisngi nito. Sa lakas ng pwersa niya ay nangati at sumakit ang kanyang palad. Samantalang si Vanessa ay hindi agad nakahuma.Kahit ang binata ay bahagyang natulala at walang maapuhap na sasabihin dahil siguro hindi nito inaasahan na magagawa niya iyon.Nilapitan niya si Vanessa na ngayon ay sapo ang magkabilaang nasaktang pisngi at nanunubig din ang mg
PARANG walang nangyaring panununtok sa mukha niya ang naganap sa kasiyahang nakikita ngayon ni Jacob sa mukha ng dalaga habang kasalukuyang nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap nila.Tawa rin ito ng tawa sa pinapanood nilang anime cartoon movie na siya namang kabaliktaran niya. Bored na bored na siya sa kanilang pinapanood, ngunit wala siyang magawa dahil ito ang gusto nitong panoorin.Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nito kanina na gutom ito dahil kaunti na lang ang natitira sa pagkarami-rami nang mga pagkaing in-order niya.Tinanong niya ito kung gusto pa ba nitong um-order siya na agad naman nitong tinanggihan.“Huwag na, baka masayang lang. Busog na ‘ko, eh” sabay dighay nito. “Ops, sorry,” nakangiting sambit nito.Ngayon ay may ideya na siya kung ano ang makakapagpaalis ng galit nito sa kanya. Napangiti na lang siya ng lihim.kinahapunan maaga pa lang ay nagdesisyon na siyang ihatid ito dahil may ginagawa raw itong project na kailangan pang bilhin ang mga materyal
NAGISING si Jacob dahil sa malakas na paghikbi ng dalaga sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumangon habang bumukas sarado ang kanyang mga mata dahil hindi pa siya tuluyang nahihimasmasan mula sa pagkakatulog.Nang tuluyan na siyang magmulat ng mga mata, ay nakita niya itong nakaupo sa kanyang tabi habang namimilipit ito hawak ang puson. Nataranta siyang bigla at agad itong dinaluhan.“Sweetheart, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya rito.Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay isang masamang tingin ang ipinukol nito sabay suntok sa kanyang mukha.“Ouch!!! Ano ba? Nagtatanong ako rito ng maayos tapos bigla-bigla ka na lang manununtok?” sambit niya rito habang sapo ang pisngi.Napabangon tuloy siya bigla. Paroo ‘t parito siya habang hinuhulaan kung ano na naman ang nagawa niyang kasalanan dito.“Sweetheart, ano na naman ba ang nagawa ko sa ‘yong mali? Pwede ba ‘ng sabihin mo na kasi, ang hirap manghula, eh!” muling tanong niya rito.Pero muli lang siya nito
PAGPASOK nila sa opisina ay ng binata ay agad siya nitong niyaya na umupo sa couch.“Halika, maupo muna tayo,” paanyaya nito sa kanya.Magkatabi silang umupo at inakbayan pa siya nito.“Sweetheart, ngayong nakita at nakilala mo na si Vanessa, ano ba ‘ng magiging reaksyon mo? Ano ba ‘ng mga sasabihin mo sa ‘kin?” tanong nito.“Wala. Bakit, may ine-expect ka bang sasabihin ako?” balik tanong niya rito.“Oo. At marami akong ine-expect. At saka, totoo ba ‘yong sinabi mo kay Vanessa kanina na may alam kang madilim niyang sekreto? Kilala mo na ba siya dati?”Kunwari ‘y tinawanan niya ang itinanong nito sa kanya.“Syempre hindi, ano ka ba? Ngayon ko lang siya nakita at nakilala.” Wala rin siyang balak na sabihin sa binata ang mga nalalaman niya tungkol dito. Gaya nga ng sinasabi niya, hihintayin niya ang tamang pagkakataon.“Eh bakit natakot siya sa ‘yo kanina nang sabihin mong may alam ka sa sekreto niya? Sa kanya oo, maniniwala akong pwedeng may nalalaman siya tungkol sa ‘yo dahil alam ko
SA HALIP ay binalingan nito si Vanessa at pinagsabihan.“Hoy, girl! Kapag ayaw na sa ‘yo, huwag mo nang ipipilit ang sarili mo dahil nagmumukha ka lang desperada. Akala ko ba mas maganda ka at sexy kaysa sa ‘kin, eh bakit parang mas gusto niya ‘ko kaysa sa ‘yo?” mapang-asar na sambit dito ni Michaela.Muntikan na siyang mapaubo sa sinabi nito. Palaban talaga ito at kahit noon pa man ay pansin niya na ito. Kaya nga minsan lang siya rito manalo sa tuwing nag-aaway sila.Naniningkit ang mga matang binalingan ito ni Vanessa.“Hoy ikaw, manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Baka mawala iyang pagtatapang-tapangan mo kapag ibinulgar ko ang mabaho mong sekreto.”“Ako rin, mayroon din akong alam na madilim mong sekreto,” diniinan talaga nito ang pagkakabigkas sa huling salita. “At kapag ibinulgar ko rin ‘yon, baka hindi lang ang tapang mo ang mawala, kundi pati na si…” sinadya nitong putulin ang sinasabi at tumingin ito sa kanya.Nabitiwan tuloy bigla ni Vanessa ang kanyang braso. N
PAGDATING nila sa parking lot ng restaurant ay nagusot ang mukha ni Jacob nang makita roon si Vanessa. Bihis na bihis ito na parang a-attend ng fashion show.Kung siguro katulad pa noon ang nararamdaman niya rito, ay talagang mapapanganga siya sa hitsura nito ngayon. Aminado naman siyang maganda naman talaga ito.Pero iba na ngayon, kahit siguro maghubad pa ito sa harapan niya ‘y hindi niya maiisip na galawin ito dahil puro galit at pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya ngayon para rito.Talagang sinadya siguro siyang hinatayin nito dahil nakatayo ito sa mismong pagpa-parking-an niya ng kanyang sasakyan.Tiningnan naman niya ang katabing dalaga mula sa gilid ng kanyang mga mata. Wala siyang nakikitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito pero alam niyang nakita nito si Vanessa.“Sweetheart, dito ka muna. Ako na muna ang bababa dahil kakausapin ko muna ‘tong babae sa harap natin,” pakiusap niya rito.“Ano ka ba, pwede mo naman siyang kausapin na kasama ako, right? I promise, makikin
Nagulat silang tatlo ng bigal itong umatungal na parang batang inagawan ng candy. Napailing-iling na lang silang tatlo.“Pagsisisihan niyo ‘to! Gagantihan ko kayong lahat!” Huling sambit nito bago nagmartsa palayo.Muntik pa nga itong mapasubsob nang lumusot sa butas ng bako-bakong kalsada ang heels ng isang sandals nito.Hindi tuloy nila mapigilang mapangiti ng kaibigan.“Tanga-tanga…” sambit ni Claire habang natatawa.“Pangit na, duling pa!” sambit niya habang natatawa pa rin.“Geeez! What happen to her? Mukhang nakakain ng panis!” wala sa sariling sambit naman ng binata. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanilang dalawa.“Ano ba ‘ng ginawa niyo roon at nagmukhang miserable?” tanong ng binata sa kanilang dalawa.“Eh kasi Sir, lumabas ako para bumili ng sabon. Paglabas ko nadatnan ko si Geneva na gustong sampalin itong si Micah pagkatapos pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita! Kaya kinampihan ko itong si friend!” sagot naman ng kanyang kaibigan sa binata.Napahawak naman sa b
“Hoy!” Muling dinuro-duro ng kaibigan niya si Geneva. “Huwag kang magbaliw-baliwan dito. Hatid mo muna sarili ang mo sa mental dahil wala kaming oras at panahon para maghatid sa ‘yo!” Sambit nito kay Geneva na ngayon ay masamang-masama na ang tingin sa kanilang dalawa.Animo ‘y isa itong tigre na anumang oras ay dadambahin sila para sagpangin sa leeg.“You!” Turo ni Geneva sa kanya. “And you…” Turo rin nito sa kaibigan niya. “Akala niyo ba matatakot ako sa inyo? At talagang pinagkakaisahan niyo pa ‘ko?” nanlalaki ang mga matang sambit nito sa kanilang dalawa.“Bakit, tinatakot ka ba namin? O, natatakot ka talaga sa ‘min? Kasi magkaiba ‘yon! Huwag mo namang ipangalandakan sa ‘min ang kabobohan mo. Balik ka nga ng kinder, mag-aral ka ulit!” pang-uuyam dito ng kanyang kaibigan.“Aba ‘t…” Sinugod nito ang kanyang kaibigan at akmang sasampalin pero naunahan ito.Sampal at sabunot ang ipinatikim dito ni Claire. Sigaw ito ng sigaw at iyak ng iyak na parang sisiw na iniwanan ng inahin.Sa hal
KINAGABIHAN habang nakahiga na sa kanyang kama ay hindi mapigilan ni Michaela ang balikan sa kanyang isip ang naging pag-uusap nina Geneva at Vanessa.Wala siyang ideya kung bakit masama ang ugali ni Vanessa, ayaw man niyang husgahan ito pero sa ginagawa nito, ay ito na mismo ang nagpapakilala sa sarili na masama itong tao.Hindi man lang nito iniisip ang magiging kapakanan ng anak nito. Ayaw nitong ipakilala sa anak ang tunay na ama at ibang lalaki pa ang napili nitong ipakilala.Nakapa-unfair nito dahil kawawa ang tunay na mag-ama dahil pinagkaitan nito na makilala at makasama ang isa ‘t isa. Unfair din kay Jacob na kumilala ng hindi nito tunay na anak at kadugo, lalo na ‘t hanggang ngayon ay wala pa itong sinasabi sa kanya.Ngayon niya naintindihan ang sinasabi nitong kumplikado. Kahit siguro sino naman, kapag may involve na anak ay ito talaga ang unang poprotektahan nito.Napabuntung-hininga siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jacob ang mga nalaman. Baka kasi hindi siya