“Bakit apilyedo mo ang gamit niya at hindi apilyedo ko?” kunot na kunot ang kanyang noo habang tinatanong ang babae.Masakit sa loob niya na ngayon na nga lang niya nalaman na may anak siya at ngayon niya lang din ito nakita, kahit ang paglaki nito ‘y hindi man lang niya nasubaybayan, pagkatapos, hindi rin apilyedo niya ang nakadugtong sa pangalan nito.Napansin niya ang pagkabalisa ni Vanessa at hindi rin ito mapakali.“A-ahm, ‘yon nga, kasi…ahm, I have no idea na matatanggap mo siya bilang…anak.”“Ano ka ba naman, babe! Syempre dugo ‘t laman ko ‘to, paanong hindi ko matatanggap? Hindi ako papayag na apilyedo mo lang ang gagamitin niya. Dapat, parehong apilyedo natin ang nakadugtong sa pangalan niya, okay? Aasikasuhin ko ang pagpapalipat ng apilyedo ko sa kanya sa lalong madaling panahon.”Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagkabalisang nakikita niya sa mukha nito.“Babe, darating din naman tayo diyan kaya huwag kang magmadali.”“Oo nga, pero hindi ibig sabihin na kailangan pa natin iton
WALA siyang sinayang na oras at panahon dahil sa unang araw pa lang nila ay agad na niyang ipinasyal ang mag-ina na labis namang ikinatuwa nang kanyang anak.Halos ginugol lang nila ang tatlong araw sa pamamasyal sa iba ‘t ibang lugar at pasyalan at pagkain sa labas.Nang huling araw na nila sa maynila ay nagkaroon sila ni Vanessa ng pagkakataon na magkausap ng sarilinan. Maaga kasing nakatulog ang kanilang anak dahil na rin siguro sa pagod.“So, pwede na ba nating ipagpatuloy ang pinag-usapan natin no’ng nakaraan? Baka naman ngayon, masagot mo na lahat nang natitirang mga katanungan na nagpapagulo sa isip ko,” sambit niya kay Vanessa habang nakaupo sa paanan nang natutulog na anak.“Susubukan kong sagutin lahat ng tanong mo sa abot ng aking makakaya.”Tumikhim muna siya bago nagumpisang magtanong.“Bakit pala, wala na ang mga katulong ninyo at mga gwardya? Ano bang nangyari? Hindi ba halos magka-level lang sa negosyo ang mga magulang natin noon?”Bumuntung-hininga muna ito at saglit
HALOS isang linggo ang lumipas na wala man lang paramdam kay Michaela ang binata. Hindi man lang siya nito naisipang i-text o tawagan man lang para kumustahin siya o magsabi man lang ito kung nasaan at kung ano ang ginagawa.Kung hindi pa dahil kay Ms. Glydel na siyang nagsabi sa kanya na nag-text ang binata rito at nagsabing limang araw itong mawawala sa restaurant, ay hindi pa niya malalaman.Limang araw lang ang sinabi ng binata kay Ms. Glydel na mawawala ito pero heto ‘t dalawang linggo na ang lumipas simula no’ng magtalo ito at ni Geneva, pero wala pa rin ito.Medyo nabawasan lang ang pag-iisip niya rito nang magsimula ang enrolment sa eskwelahang papasukan niya. Tatlong araw siyang nagpabalik-balik nang sa wakas ay maging officially enrolled na siya.Wala siyang ibang kasa-kasama sa paglalakad kundi ang bodyguard na si Troy na halos sobrang tipid magsalita. Magsasalita lang ito kapag tinatanong niya lang.Hindi na kasi nagawa pa ng binata ang ipinangako nitong ito ang sasama sa
“Mapagbiro ka rin pala,” kunwari ‘y sinakyan niya rin ang sinabi nito.“Okay lang ba sa ‘yo na umupo ako rito sa tabi mo?” kapagkuwan ay tanong nito.Mabilis naman siyang tumango at umusog ng kaunti.“Oo naman! Sige, upo ka!”Mahaba naman kasi ang bench na kinauupuan niya, kasya ang tatlong tao. Nagkataon lang na sa gitna siya pumwesto ng upo kaya siguro nag-alangan itong tumabi at nagpaalam muna sa kanya.“By the way, I’m Albert Bonifacio,” inilahad nito ang kamay sa kanya.“I’m Michaela. Michaela Gomez,” muling pakilala niya rito.“Kilala na talaga kita noong unang araw pa lang nang klase natin.” Pangatlong araw na klase nang klase nila ngayon. “Tinandaan ko talaga ‘yong pangalan mo. Sa totoo lang, naagaw mo ang atensyon ko simula no’ng unang araw pa lang.”Napayuko tuloy siya sa hiya dahil sa hayagang pagtatapat nito.“I-I’m sorry kung na-offend kita sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang masabi ‘yon sa ‘yo. Hindi ko lang kasi mapigilang hindi humanga sa ‘yo.”Napatingin siya rito. Nap
ANG dalaga agad ang naisip niya nang makapasok siya sa restaurant. Agad siyang pumunta ng kitchen area dahil doon ito madalas lalo na kapag maraming customer.Pero nagtaka siya ng makitang wala ito roon. Inilibot niya ang paningin sa dining area, hindi rin niya ito nakita na nagse-serve.Nilibot niya ang buong area at nagbabakasakaling makita ang dalaga. Sa locker, sa restroom, maging sa staff break room, at outdoor dining area baka sakaling may customer doon at doon ito nagse-serve.Nagtataka na nga sa kanya ang iba kasi kanina pa siya paikot-ikot na parang may hinahanap. Tiningnan niya ang relong pambisig, alas quarter to four pa lang naman. Alas singko ang out ng dalaga kaya nakakapagtakang wala ito roon.O, baka naman hindi pumasok. Naisip niya na lang na puntahan sa opisina nito si Ms. Glydel para ito na lang ang tanungin niya. Siguradong masasagot siya nito.Umakyat siya papuntang second floor pero nang malapit na siya ay nakita naman niyang papalabas na nang kanyang opisina si
EKSAKTONG alas otso nang magsilabasan ang mga studyante. Napakarami ng mga ito na halos magsiksikan na palabas ng gate kaya alam niyang hindi niya basta-basta makikita ang dalaga.Pinagmasdan na lang niya ang mga nagsisilabasang mga studyante mula sa loob ng sasakyan para hintaying makita ang dalaga.Nang sa wakas ay kaunti na lang ang lumalabas na studyante, ay doon niya pa lang nakita ang dalaga. Pero nanumbalik ang galit niyang nararamdaman katulad kanina nang makita niyang kasama pa rin nito ang kausap nitong lalaki kanina.Madadaanan ng mga ito ang tapat ng kotse niya kaya bago pa man tumapat ang mga ito ay bumaba na siya. Nagulat pa ang dalaga nang makita siya nito.“Jacob? Anong ginagawa mo rito? Kailan ka pa dumating? Nasaan si kuya Troy?” sunud-sunod na tanong nito.Mas lalong nadagdagan ang galit niya dahil siya na nga ang kaharap, ibang tao pa ang hinahanap.“Huwag mo na siyang hanapin dahil hindi siya darating. Ako na ang maghahatid sa ‘yo ngayon,” seryosong sambit niya.B
Tumingin sa kanya ang dalaga ng tuwid at walang reaksyon, pagkatapos ay nagsalita.“Bakit, anong gagawin mo? Ano, ako mag-a-adjust? Kahit magkaklase kami dapat hindi nagkikita at nag-uusap?” pagkatapos ay tumawa ito ng pagak. “Paano kung may group activity kami at nagkataon na nasa iisang grupo kami? Parang hindi mo naman pinagdaanan ang maging studyante ha, para hindi maintindihan ang paliwanag ko.”“So, wala na pala akong karapatan na pagsabihan ka o pakialaman ang mga nakikita ko sa ‘yo, gano’n ba ang punto mo?” painsultong tugon niya rito.“Bakit, may sinabi ba ‘ko?” umismid ito. “Alam mo sa ating dalawa, kung mayroon mang dapat na magalit, ako ‘yon at hindi ikaw. Halos sampung araw kang nawala at wala ka man lang text message na pinadala o tumawag man lang para kumustahin ako o magsabi ka man lang kung ano na ang ginagawa mo sa buhay o kung nasaan ka mang lupalop. Pagkatapos, ngayon ka na nga lang nagpakita sa ‘kin ay ganito pa ang treatment na matatanggap ko sa ‘yo!” may himig h
HINUBAD niya ang suot na jacket at inihagis dito.“Wear this!”Mabilis naman nitong dinampot iyon at agad na isnuot. Wala pa rin itong tigil sa kaiiyak.“Shit! Shit! Damn it!” pagmumura niya habang hinahampas ang manibela ng sasakyan.Pinagmasdan niya ang dalaga sa gilid ng kanyang mga mata. Sabog ang buhok nito at may pulang likidong tumutulo sa gilid ng mga labi nito.Nakaramdam tuloy siya ng konsensya. Dahil sa selos at galit ay nasaktan niya ito. Marahil ay tama nga ito, kung ano iyong nakikita niya ay gano’n rin niya isipin.Hindi man lang siya nakinig sa mga paliwanag nito at ipinagdidiinan pang nagtataksil ito sa kanya. Muli ay tama ito, wala siyang nakita at wala siyang ebidensya.Samantalang kung tutuusin, siya ang totoong may kasalanan at nagtataksil dito dahil wala itong kalam-alam sa sinasabi niyang importanteng pinuntahan niya.Iyon ang hindi niya kayang sabihin dito dahil hindi niya makakayang iwanan siya nito. Kilala niya ito, kapag nalaman nitong may girlfriend siya sa
MARAMI pa kasing inasikaso si Jacob bago umalis kaya halos papadilim na siya nang magtungo sa isla. Alam niyang ligtas sa isla, pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala kay Michaela sa kaisipang nag-iisa lang ito roon. Hindi naman kasi niya akalain na matatagalan siya kaya hindi na niya sinabihan ang isa sa mga tauhan niya na magpa-iwan doon para may kasama ang dalaga.Iniisip niyang baka lumabas ito ng mini mansion kahit na gabi na. Paano kung naisipan nitong maligo sa dagat tapos malunod? Paano kung magawi ito sa gubat at naligaw? Paano kung makagat ito ng ahas o mabangis na hayop?Naipilig niya ang ulo sa mga lumilitaw na senaryo sa kanyang utak. Sana naman ay hindi ito lumabas ng mansion. Hindi na siya makapaghintay na makarating agad para makita niya ang kalagayan nito.Nang sa wakas ay lumapag na sa roof top ng mansion ang sinasakyang chopper, ay dali-dali siyang bumaba. Patakbo niyang binaybay ang mahabang hagdan pababa. Pagkarating niya sa loob ay dilim ang sumalubong sa kany
DAHIL sa dami ng kanyang iniisip ay hindi maiwasan ni Jacob ang minsang bahagyang pagkatulala kasabay ng pagpapakawala ng sunud-sunod na malalalim na buntung-hininga.Marami siyang inaasikaso sa kompanya at sa kanyang private resorts at mga restaurant, sabayan pa ng palagian niyang pagpunta sa police station para mag-update sa ipina-file niyang kaso para kay congressman at sa pamilya ng tiyahin ng dalaga kasama na si Vanessa.Lahat ng iyon ay kaya naman niyang iutos sa mga tauhan, kahit na hindi na siya ang personal na pumunta. Iyon nga lang, mas gusto niyang siya na lang ang magasikaso dahil ayaw niyang mabakante ang kanyang isipan. Gusto niyang palaging may pinagkakaabalahan para hindi niya masyadong maisip ang sitwasyon nila ngayon ng dalaga.Sa katunayan, nangangati na siyang puntahan ito, pero pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw nga siyang makita ng dalaga. Magagalit at magagalit lang ito sa kanya kapag nakita na naman siya nito. Sana nga ay makatulong ang ideya niya na papunt
“SI GENEVA, naaksidente siya habang tumatakas sa mga pulis. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. At…sabi ni sir Jacob, putol daw ang dalawang paa nito at bali ang isang braso. Marami rin daw na na-dislocate na buto sa mukha nito. Kaya sa pagkakaalam ko, hindi na niya itutuloy ang pagpapakulong kay Geneva. Dahil ang nangyari raw sa kanya ay kalabisan ng bayad sa mga ginawang kasalanan niya sa ‘yo.”Biglang bumagal ang kanyang pagnguya sa sinabi nito. Iba talaga magsingil ang karma, sobra-sobra pa.“At si Vanessa naman, nagbabago na raw. Humihingi pa nga ng isang buwang palugit para makasama ang anak bago siya makulong. Ang bilis lang ng panahon, ‘no? Dati, sila ang nasa taas, ngayon sila naman ang nasa ibaba.”“Ganoon talaga ang buhay, masama man siguro ang magsalita ng deserve naman nila iyon, pero panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mamulat sila sa katotohanang mali na ang kanilang ginagawa. Malungkot man ako sa nangyari sa kanila, ay wala na ‘kong magagawa. Iyon
ABALA si Michaela sa paghahanda ng mga kakailanganing pansahog sa lulutuin niyang adobong baboy at sinigang. Napagkasunduan nila ni nanay Minerva na siya ngayon ang gagawa sa kusina at ito naman ang maglilinis sa buong kabahayan.Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw sa gawing likuran niya. “Micaaaaah!!!” Nagulat siya nang mapagsino ito, si Claire, ang kanyang kaibigan.Mabilis niyang binitiwan ang sandok na hawak at patakbo niya itong sinugod ng yakap sa may pintuan.“Claire! Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong niya sa kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.“Naku, mahabang paliwanag! Pwede ba munang magpahinga kahit saglit? Promise, mamaya sasabihin ko rin sa ‘yo ang dahilan,” nagtaas pa ito ng kanang palad.“O siya, maupo ka muna rito,” sabay hila niya nang upuan sa ilalim ng lamesa. “Panoorin mo na lang muna ako habang nagluluto, mabilis lang ito. Maya-maya lang kakain na tayo,” sambit niya sa kaibig
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh