ANG dalaga agad ang naisip niya nang makapasok siya sa restaurant. Agad siyang pumunta ng kitchen area dahil doon ito madalas lalo na kapag maraming customer.Pero nagtaka siya ng makitang wala ito roon. Inilibot niya ang paningin sa dining area, hindi rin niya ito nakita na nagse-serve.Nilibot niya ang buong area at nagbabakasakaling makita ang dalaga. Sa locker, sa restroom, maging sa staff break room, at outdoor dining area baka sakaling may customer doon at doon ito nagse-serve.Nagtataka na nga sa kanya ang iba kasi kanina pa siya paikot-ikot na parang may hinahanap. Tiningnan niya ang relong pambisig, alas quarter to four pa lang naman. Alas singko ang out ng dalaga kaya nakakapagtakang wala ito roon.O, baka naman hindi pumasok. Naisip niya na lang na puntahan sa opisina nito si Ms. Glydel para ito na lang ang tanungin niya. Siguradong masasagot siya nito.Umakyat siya papuntang second floor pero nang malapit na siya ay nakita naman niyang papalabas na nang kanyang opisina si
EKSAKTONG alas otso nang magsilabasan ang mga studyante. Napakarami ng mga ito na halos magsiksikan na palabas ng gate kaya alam niyang hindi niya basta-basta makikita ang dalaga.Pinagmasdan na lang niya ang mga nagsisilabasang mga studyante mula sa loob ng sasakyan para hintaying makita ang dalaga.Nang sa wakas ay kaunti na lang ang lumalabas na studyante, ay doon niya pa lang nakita ang dalaga. Pero nanumbalik ang galit niyang nararamdaman katulad kanina nang makita niyang kasama pa rin nito ang kausap nitong lalaki kanina.Madadaanan ng mga ito ang tapat ng kotse niya kaya bago pa man tumapat ang mga ito ay bumaba na siya. Nagulat pa ang dalaga nang makita siya nito.“Jacob? Anong ginagawa mo rito? Kailan ka pa dumating? Nasaan si kuya Troy?” sunud-sunod na tanong nito.Mas lalong nadagdagan ang galit niya dahil siya na nga ang kaharap, ibang tao pa ang hinahanap.“Huwag mo na siyang hanapin dahil hindi siya darating. Ako na ang maghahatid sa ‘yo ngayon,” seryosong sambit niya.B
Tumingin sa kanya ang dalaga ng tuwid at walang reaksyon, pagkatapos ay nagsalita.“Bakit, anong gagawin mo? Ano, ako mag-a-adjust? Kahit magkaklase kami dapat hindi nagkikita at nag-uusap?” pagkatapos ay tumawa ito ng pagak. “Paano kung may group activity kami at nagkataon na nasa iisang grupo kami? Parang hindi mo naman pinagdaanan ang maging studyante ha, para hindi maintindihan ang paliwanag ko.”“So, wala na pala akong karapatan na pagsabihan ka o pakialaman ang mga nakikita ko sa ‘yo, gano’n ba ang punto mo?” painsultong tugon niya rito.“Bakit, may sinabi ba ‘ko?” umismid ito. “Alam mo sa ating dalawa, kung mayroon mang dapat na magalit, ako ‘yon at hindi ikaw. Halos sampung araw kang nawala at wala ka man lang text message na pinadala o tumawag man lang para kumustahin ako o magsabi ka man lang kung ano na ang ginagawa mo sa buhay o kung nasaan ka mang lupalop. Pagkatapos, ngayon ka na nga lang nagpakita sa ‘kin ay ganito pa ang treatment na matatanggap ko sa ‘yo!” may himig h
HINUBAD niya ang suot na jacket at inihagis dito.“Wear this!”Mabilis naman nitong dinampot iyon at agad na isnuot. Wala pa rin itong tigil sa kaiiyak.“Shit! Shit! Damn it!” pagmumura niya habang hinahampas ang manibela ng sasakyan.Pinagmasdan niya ang dalaga sa gilid ng kanyang mga mata. Sabog ang buhok nito at may pulang likidong tumutulo sa gilid ng mga labi nito.Nakaramdam tuloy siya ng konsensya. Dahil sa selos at galit ay nasaktan niya ito. Marahil ay tama nga ito, kung ano iyong nakikita niya ay gano’n rin niya isipin.Hindi man lang siya nakinig sa mga paliwanag nito at ipinagdidiinan pang nagtataksil ito sa kanya. Muli ay tama ito, wala siyang nakita at wala siyang ebidensya.Samantalang kung tutuusin, siya ang totoong may kasalanan at nagtataksil dito dahil wala itong kalam-alam sa sinasabi niyang importanteng pinuntahan niya.Iyon ang hindi niya kayang sabihin dito dahil hindi niya makakayang iwanan siya nito. Kilala niya ito, kapag nalaman nitong may girlfriend siya sa
ALAS kwatro ng madaling araw ay ginising si Michaela nang pagkalam ng kanyang sikmura. Bumangon muna siya at pumasok sa banyo para na rin tingnan ang itsura niya sa salamin.Tiningnan niya ang kabuuan niya sa harap ng salamin. Nagulat siya sa nakitang hitsura niya. Namamaga at naniningkit ang kanyang dalawang mata dahil sa labis na pag-iyak kagabi, at puro pasa rin ang kanyang dalawang braso maging kanyang dalawang binti.May sugat din siya sa gilid ng labi, at namamaga ang pang-ibabang bahagi niyon. May kaunting pasa rin ang kanyang magkabilaang pisngi. Sa hitsura niya ‘y para siyang binugbog.Sobrang lakas talaga kagabi ng binata. Sa paraan pa lang nang paghawak nito sa kanya ay diin na diin at dinaganan pa siya nito kaya siya nagkanda pasa-pasa.Paano niya ngayon ito itatago? Ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa kanya? Namomroblema tuloy siya ngayon.Hindi pa naman siya sanay sa make up o maging ang mag-lipstick man lang pero ngayon, mukhang kakailanganin niya ito p
NANG mapatingin siya rito ay may nakita siyang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Wala na ang matigas na anyo nito katulad kagabi. Bumalik na ulit ito sa dati.“Ela, we need to talk about what happened last night,” may pagsusumamo sa tinig nito. “Bakit pala hindi mo ‘ko hinintay kanina? Naglakad ka lang ba o sumakay ng tricycle? Pinag-alala mo’ ko, paano na lang kung may nangyaring masama sa ‘yo?”Awtomatikong napataas ang isa niyang kilay sa ipinapakita nitong concern sa kanya. At saka, bakit sa pangalan na naman niya siya nito tinatawag? Wala na ang dating masarap sa kanyang pandinig na pagtawag nito sa kanya ng ‘sweetheart’. At kagabi niya pa iyon napansin.“Then it’s none of your business! Eh di mamatay kung mamatay! Pakialam mob a?!” biglaang sagot niya rito.Parang bigla tuloy nagrebelde ang utak niya nang makita niya ito ngayong umaga, at ang masaklap pa, kinausap pa siya nito. Napapaikot tuloy ang mga mata niya ng wala sa oras.“Ela, please! Pagbigyan mo naman ak
TUMIKHIM muna si Michaela bago sumagot sa sinabi ni Ms. Glydel sa apat na kasama.“Ma’am, hindi naman po nila ako inaaway. Wala naman po silang ginagawang masama sa ‘kin,” paliwanag niya.“Eh, ano ‘yong narinig ko kanina na parang nasasaktan ka?” tanong nito at isa-isang tinapunan ng tingin ang apat na babae.Muli silang nagkatinginan. Nakikita niya sa mukha ng apat na parang gusto nang magsabi ng mga ito kay Ms. Glydel tungkol sa mga nakitang pasa at sugat niya pero pinanlakihan niya lang ng mata ang mga ito at sunud-sunod na inilingan, senyales na huwag ituloy ng mga ito ang binabalak na sabihin sa kanilang manager ang nakita.“Pasensiyahan tayo pero, kailangan ninyong---.”Hindi na natapos ni Ms. Glydel ang dapat sanang sasabihin nito dahil tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot nitong slacks pants.Kinuha nito iyon at sinagot. Pagkatapos kausapin ang kung sinumang tumawag ay binalingan siya nito.“Michaela, pinapapunta ka ngayon din ni sir Jacob sa opisina niya.” “At kay
IPINATONG rin nito ang baba sa balikat niya.“Sorry na. Lahat naman ng tao ay nagagalit at nagkakamali. Nakakapagbitiw ng mga masasakit at hindi magagandang salita. Kaya ako humihingi ng sorry kasi nga, alam kong ako ‘yong may mali. Nagkasala ako sa ‘yo,” malambing na sambit nito.Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit mas hinigpitan pa nito iyon. Wala pa siyang balak na patawarin ito sa ngayon kaya ayaw niya ng ganitong lambing mula rito.Kung mananatili kasi sila sa gano’ng posisyon, ay baka bumigay na naman siya at hindi niya mapanindigan na pahirapan itong manuyo sa kanya.“Jacob, umalis ka diyan sabi!” malakas niyang sambit habang patuloy pa rin na tinatanggal ang pagkakayakap ng mga braso nito sa baywang niya.“Patawarin mo muna ako.”“Patawarin?! Mapang-uyam siyang tumawa. “Luh, asa ka!”“Gagawin ko ang lahat, patawarin mo lang ako,” pakiusap pa nito.Bigla siyang natigil sa ginagawang pilit na pagtanggal sa braso nito nang marinig ang sinabi nito. May
SAMANTALA pagdating ni Vanessa sa kanilang bahay ay pagalit itong naupo sa couch sa kanilang sala. Tila pagod na pagod ito sa ginawang pagsampal sa kanya nang babae ni Jacob.Hindi siya makakapayag na hindi siya makaganti. Para ano pa ‘t naging spoiled brat siya dati at naging sikat kung hindi niya gagamitin ang kakayahan niya at ang mga ang koneksyon niya.May namumuong plano sa kanyang isip kaya agad niyang tinawagan ang kaibigang si Geneva. Hindi naman nagtagal ay dumating din naman ito.Pagbungad na pagbungad pa lang nito sa pintuan ay agad ng nagtanong.“Oh, anong atin? Gabi na pero nagawa mo pa rin akong storbohin?”“Arte mo! May naisip lang akong ideya kung paano ko mapapabalik si Jacob sa ‘kin!”“Oh? Bakit hindi mo na lang muna ni-text o kaya naman ay sinabi na lang sa ‘kin sa tawag at kailangan mo pa talaga akong papuntahin dito?” Nakapamaywang nitong sambit sa harapan niya.Sa tingin niya ay halos magka-level ang init ng mga ulo nila ngayon.“Nagrereklamo ka na ba sa mga ini
SA NAKIKITA niyang ekspresyon ng binata ay halatang nagtitimpi lang ito sa kaharap. Samantalang si Vanessa ay kahit hindi man niya naririnig ang mga sinasabi nito sa binata ay alam niyang nagmamakaaawa na naman ito para balikan ng binata.Base sa mga kilos at ekspresyon ng mukha nito ay halatang ipinagpipilitan nito ang sarili. Nakakaramdam na rin siya ng inis na unti-unting naging galit lalo na nung nakita niyang hinihila nito sa braso ang binata.Napaka kapal talaga ng mukha nito kaya bumaba siya para ipamukha ang pagiging talunan nito sa puso ng binata.Pak! Pak! Isang malalakas na mag-asawang sampal ang ibinigay niya sa magkabilaang pisngi nito. Sa lakas ng pwersa niya ay nangati at sumakit ang kanyang palad. Samantalang si Vanessa ay hindi agad nakahuma.Kahit ang binata ay bahagyang natulala at walang maapuhap na sasabihin dahil siguro hindi nito inaasahan na magagawa niya iyon.Nilapitan niya si Vanessa na ngayon ay sapo ang magkabilaang nasaktang pisngi at nanunubig din ang mg
PARANG walang nangyaring panununtok sa mukha niya ang naganap sa kasiyahang nakikita ngayon ni Jacob sa mukha ng dalaga habang kasalukuyang nilalantakan ang mga pagkaing nakahain sa harap nila.Tawa rin ito ng tawa sa pinapanood nilang anime cartoon movie na siya namang kabaliktaran niya. Bored na bored na siya sa kanilang pinapanood, ngunit wala siyang magawa dahil ito ang gusto nitong panoorin.Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nito kanina na gutom ito dahil kaunti na lang ang natitira sa pagkarami-rami nang mga pagkaing in-order niya.Tinanong niya ito kung gusto pa ba nitong um-order siya na agad naman nitong tinanggihan.“Huwag na, baka masayang lang. Busog na ‘ko, eh” sabay dighay nito. “Ops, sorry,” nakangiting sambit nito.Ngayon ay may ideya na siya kung ano ang makakapagpaalis ng galit nito sa kanya. Napangiti na lang siya ng lihim.kinahapunan maaga pa lang ay nagdesisyon na siyang ihatid ito dahil may ginagawa raw itong project na kailangan pang bilhin ang mga materyal
NAGISING si Jacob dahil sa malakas na paghikbi ng dalaga sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumangon habang bumukas sarado ang kanyang mga mata dahil hindi pa siya tuluyang nahihimasmasan mula sa pagkakatulog.Nang tuluyan na siyang magmulat ng mga mata, ay nakita niya itong nakaupo sa kanyang tabi habang namimilipit ito hawak ang puson. Nataranta siyang bigla at agad itong dinaluhan.“Sweetheart, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya rito.Ngunit nang tumingin ito sa kanya ay isang masamang tingin ang ipinukol nito sabay suntok sa kanyang mukha.“Ouch!!! Ano ba? Nagtatanong ako rito ng maayos tapos bigla-bigla ka na lang manununtok?” sambit niya rito habang sapo ang pisngi.Napabangon tuloy siya bigla. Paroo ‘t parito siya habang hinuhulaan kung ano na naman ang nagawa niyang kasalanan dito.“Sweetheart, ano na naman ba ang nagawa ko sa ‘yong mali? Pwede ba ‘ng sabihin mo na kasi, ang hirap manghula, eh!” muling tanong niya rito.Pero muli lang siya nito
PAGPASOK nila sa opisina ay ng binata ay agad siya nitong niyaya na umupo sa couch.“Halika, maupo muna tayo,” paanyaya nito sa kanya.Magkatabi silang umupo at inakbayan pa siya nito.“Sweetheart, ngayong nakita at nakilala mo na si Vanessa, ano ba ‘ng magiging reaksyon mo? Ano ba ‘ng mga sasabihin mo sa ‘kin?” tanong nito.“Wala. Bakit, may ine-expect ka bang sasabihin ako?” balik tanong niya rito.“Oo. At marami akong ine-expect. At saka, totoo ba ‘yong sinabi mo kay Vanessa kanina na may alam kang madilim niyang sekreto? Kilala mo na ba siya dati?”Kunwari ‘y tinawanan niya ang itinanong nito sa kanya.“Syempre hindi, ano ka ba? Ngayon ko lang siya nakita at nakilala.” Wala rin siyang balak na sabihin sa binata ang mga nalalaman niya tungkol dito. Gaya nga ng sinasabi niya, hihintayin niya ang tamang pagkakataon.“Eh bakit natakot siya sa ‘yo kanina nang sabihin mong may alam ka sa sekreto niya? Sa kanya oo, maniniwala akong pwedeng may nalalaman siya tungkol sa ‘yo dahil alam ko
SA HALIP ay binalingan nito si Vanessa at pinagsabihan.“Hoy, girl! Kapag ayaw na sa ‘yo, huwag mo nang ipipilit ang sarili mo dahil nagmumukha ka lang desperada. Akala ko ba mas maganda ka at sexy kaysa sa ‘kin, eh bakit parang mas gusto niya ‘ko kaysa sa ‘yo?” mapang-asar na sambit dito ni Michaela.Muntikan na siyang mapaubo sa sinabi nito. Palaban talaga ito at kahit noon pa man ay pansin niya na ito. Kaya nga minsan lang siya rito manalo sa tuwing nag-aaway sila.Naniningkit ang mga matang binalingan ito ni Vanessa.“Hoy ikaw, manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Baka mawala iyang pagtatapang-tapangan mo kapag ibinulgar ko ang mabaho mong sekreto.”“Ako rin, mayroon din akong alam na madilim mong sekreto,” diniinan talaga nito ang pagkakabigkas sa huling salita. “At kapag ibinulgar ko rin ‘yon, baka hindi lang ang tapang mo ang mawala, kundi pati na si…” sinadya nitong putulin ang sinasabi at tumingin ito sa kanya.Nabitiwan tuloy bigla ni Vanessa ang kanyang braso. N
PAGDATING nila sa parking lot ng restaurant ay nagusot ang mukha ni Jacob nang makita roon si Vanessa. Bihis na bihis ito na parang a-attend ng fashion show.Kung siguro katulad pa noon ang nararamdaman niya rito, ay talagang mapapanganga siya sa hitsura nito ngayon. Aminado naman siyang maganda naman talaga ito.Pero iba na ngayon, kahit siguro maghubad pa ito sa harapan niya ‘y hindi niya maiisip na galawin ito dahil puro galit at pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya ngayon para rito.Talagang sinadya siguro siyang hinatayin nito dahil nakatayo ito sa mismong pagpa-parking-an niya ng kanyang sasakyan.Tiningnan naman niya ang katabing dalaga mula sa gilid ng kanyang mga mata. Wala siyang nakikitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito pero alam niyang nakita nito si Vanessa.“Sweetheart, dito ka muna. Ako na muna ang bababa dahil kakausapin ko muna ‘tong babae sa harap natin,” pakiusap niya rito.“Ano ka ba, pwede mo naman siyang kausapin na kasama ako, right? I promise, makikin
Nagulat silang tatlo ng bigal itong umatungal na parang batang inagawan ng candy. Napailing-iling na lang silang tatlo.“Pagsisisihan niyo ‘to! Gagantihan ko kayong lahat!” Huling sambit nito bago nagmartsa palayo.Muntik pa nga itong mapasubsob nang lumusot sa butas ng bako-bakong kalsada ang heels ng isang sandals nito.Hindi tuloy nila mapigilang mapangiti ng kaibigan.“Tanga-tanga…” sambit ni Claire habang natatawa.“Pangit na, duling pa!” sambit niya habang natatawa pa rin.“Geeez! What happen to her? Mukhang nakakain ng panis!” wala sa sariling sambit naman ng binata. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanilang dalawa.“Ano ba ‘ng ginawa niyo roon at nagmukhang miserable?” tanong ng binata sa kanilang dalawa.“Eh kasi Sir, lumabas ako para bumili ng sabon. Paglabas ko nadatnan ko si Geneva na gustong sampalin itong si Micah pagkatapos pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita! Kaya kinampihan ko itong si friend!” sagot naman ng kanyang kaibigan sa binata.Napahawak naman sa b
“Hoy!” Muling dinuro-duro ng kaibigan niya si Geneva. “Huwag kang magbaliw-baliwan dito. Hatid mo muna sarili ang mo sa mental dahil wala kaming oras at panahon para maghatid sa ‘yo!” Sambit nito kay Geneva na ngayon ay masamang-masama na ang tingin sa kanilang dalawa.Animo ‘y isa itong tigre na anumang oras ay dadambahin sila para sagpangin sa leeg.“You!” Turo ni Geneva sa kanya. “And you…” Turo rin nito sa kaibigan niya. “Akala niyo ba matatakot ako sa inyo? At talagang pinagkakaisahan niyo pa ‘ko?” nanlalaki ang mga matang sambit nito sa kanilang dalawa.“Bakit, tinatakot ka ba namin? O, natatakot ka talaga sa ‘min? Kasi magkaiba ‘yon! Huwag mo namang ipangalandakan sa ‘min ang kabobohan mo. Balik ka nga ng kinder, mag-aral ka ulit!” pang-uuyam dito ng kanyang kaibigan.“Aba ‘t…” Sinugod nito ang kanyang kaibigan at akmang sasampalin pero naunahan ito.Sampal at sabunot ang ipinatikim dito ni Claire. Sigaw ito ng sigaw at iyak ng iyak na parang sisiw na iniwanan ng inahin.Sa hal