"Luna! Liam!" tawag ko sa mga anak ko na abala sa paglalaro sa labas. "Coming, Mommy!" sagot ni Luna. Napapahilot sa sentido na tiningnan silang pawisan na dalawa. Tatawa-tawa silang lumapit sa akin at bahagya pa na yumakap sa binti ko. "Basang-basa na naman kayo ng pawis!" pagalit na sambit ko. Ayaw na ayaw ko pa naman ay ganito na halos maligo na sila sa pawis. "Go to your room, sabay na kayo maligo ni Luna," utos ko na agad din naman nilang sinunod. Napapikit na lang ako na tumingala. Ilang sandali pa nang maramdaman ko ang braso na pumulupot sa aking baywang. "Kaya pala ang bilis magsilabas ng mga wrinkles mo," pang-asar na bulong ni Noah. Napapairap na tinanggal ko ang braso niya sa akin. "Puputulin ko na rin 'yang braso mo. Sumosobra ka na," biro ko. "What?" natatawang aniya. "Come on, it's been six years. Hindi ka pa rin ba sanay?" dagdag niya. "E kung sanayin kita sa suntok ko?" Nakangiwi na iniwan ko siya roon at bumalik na sa loob. I can't help but to think na mata
Tahimik ko na pinagmasdan ang mga anak ko na siyang mahimbing ang tulog. Tanghali na ngunit hindi pa rin sila nagigising. Wala naman akong problema roon dahil na rin sa weekends at wala silang pasok sa paaralan.Bahagya ko na inayos ang buhok ni Luna na tumatabing sa kaniyang mukha. Tipid ako na napangiti nang makita ang napakaamo niyang mukha. She got all my features. From the shape of her face and her over all physical appearance.Kinagat ko ang loob ng pisngi ko nang balingan si Liam. We never expected na kambal ang batang dinadala ko sa akin noon. We are just expecting Luna but Liam came.Hindi ko maiwasan na makaramdam ng guilt. Si Liam ang mas nakaranas ng pananakit mula sa akin noong mga sanggol pa lamang sila. Sariwa pa ang mga nangyari noon at halos hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na sa akin nagsimula ang lahat. Sa akin sinisi ni Lucas lahat na naging dahilan upang pati mga magulang ko ay madamay pa sa gulo namin na dalawa.Kung nakuha ni Luna laha
"I can't wait to see, Lola!" maligayang sambit ni Luna habang naglulumikot sa backseat kasama si Liam.Dinig ko ang bahagyang pagtawa ni Noah. "You don't know how much they want to see you both too, Luna," sagot niya sa anak ko.Papunta na kami ngayon sa bahay nila Noah and yes... tinuloy ko pa rin ang plano ko na umuwi ng bansa. Hindi rin naging madali ang pagdedesiyon ko na umuwi. Maraming bumabagabag at katanungan sa aking isipan ngunit gusto ko rin malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko.Nakatutuwa lang din na hindi na rin ako kinontra pa ni Noah matapos niyang humingi ng paumanhin sa pagtatalo namin na dalawa.Aaminin ko na sobra akong nakaramdam ng pikon nang dahil doon lalo na at ipinagpipilitan niya na may natitira pa akong pagmamahal kay Lucas.Napaka-imposible noon na mangyari! Sino ba naman ang tao na nasa huwisyo na mamahalin ang isang tao na sumira sa buong buhay mo?Bahagya ako na napabuntonghininga at ibinaling na lang ang atensiyon sa mga kasabayan namin na mga sa
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang tao na naroroon at nakaupo sa tapat ng lapida ng mga magulang ko.Ramdam ko ang pagkabuhay ng dugo ko nang dahil sa galit. Kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi ko pa rin maitatanggi na kilala ko ang bawat pangangatawan at kilos ni Lucas. Kaya kong sabihin at patunayan na siya ang nakaupo ngayon doon.Sa ilang taon namin na magkasama ay memorya ko na ang tindig niya. Sadyang hindi ko lang inaasahan na magkikita kami ngayon at dito pa mismo.Gaano kakapal ang mukha niya upang umupo mismo sa tapat ng lapida ng mga magulang ko kung siya mismo ang siyang may kagagawan kung bakit nakahimlay ang mga magulang ko sa ilalim ng lupa?As much as I could, I calm myself while walking towards. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masasama, gusto ko siyang saktan pero bilang paggalang na rin sa pahingaan ng mga magulang ko ay hindi ko iyon ginawa.I was alone, Noah was with Bernadette while my children was with Noah's parents. Gustong isama nila Bernadette ang
"Sabi ko sasama ako sa'yo kaso hindi mo na ako tinawagan," reklamo ni Noah nang makarating ako sa bahay nila.Tulog ang mga anak ko sa itaas. Dapat nga ay isasama ko sila pero mabuti na rin na hindi ko ginawa. Grabe ang kaginhawaan nang makita ko sila na masasaya ang mukha matapos akong makauwi galing sa sementeryo. Hindi ko rin naman aakalain na makikita ko si Lucas.Napabuntonghininga ako at saka minadali na ang paghuhugas ng pinagkainan ko. May takot at pangamba pa rin akong nararamdam sa naging tagpo naming dalawa kanina. Marahas ako na umiling upang alisin iyon sa isipan ko. Hindi ko maitatanggi na kasabay nang pagkakita ko sa kaniya ay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan. Hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa akin ang lahat. Parang binabalik sa akin ang panahon na nakatayo ako sa harap ng sala at pinanonood ang nangyaring insidente sa aking mga magulang.Bumabalik sa akin ang ala-ala na nasa cctv room ako at pinanonood ang ginawang pagpapaulan ng bala ng baril ni Lucas
"Are you okay?" tanong ni Noah.He was looking at me intently. Kanina ko pa nararamdaman ang mga mata niya at kanina ko pa rin pinipilit na maging okay sa harapan niya kahit na binabagabag pa rin ako sa dahilan na naririto lang din sa resort na ito si Lucas.What a fucking damn small world."Kanina ka pa hindi mapakali. You kept wandering your eyes, what is it?" pangugulit niya.Umiling ako. "Medyo nasu-suffocate lang ako," pagdadahilan ko.Nanliit ang kaniyang mga mata na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Nagbuntonghininga na lang ako at binalingan sila Liam na abala naman sa pagkain ng mga seafoods sa harapan nila."Auntie, kain na po kayo. Ako na po bahala sa kanila," ani ko dahil siya ang panay na asikaso sa mga anak ko."No, it's okay. Tapos na rin naman ako."I was about to speak nang maramdaman ang paghawak ni Noah sa kamay ko na nakapatong sa aking hita."You're making me worried," halos pabulong na sambit niya. "Tell me what's bothering you, please.""Noah, ayos l
Tulala ako na nakatayo ngayon sa veranda. Up until now, parang hindi pa rin napo-proseso ng utak ko ang nangyari.What the hell just happened?Pinagbigyan ko si Noah na sumama kami sa resort sa kagustuhan na hindi magtampo ang mga bata pero hindi ko rin aakalain na paglabas namin sa resort na ito ay fiancé na ako ng kaisa-isang kaibigan ko.Buntonghininga na dumungaw ako sa ibaba. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng desisyon ko na ito but one thing is for sure, hindi ako pababayaan ni Noah.Noah is a good man but if I will be honest, I don't really see him as my husband or partner in life. Yet, I don't want to hurt his feelings again and again. All of these even felt like wrong. It felt incest to marry the guy you treat as your closest sibling. Damn it.Napasabunot ako sa buhok ko. Tulog na silang lahat at ako na lang ang gising. Hindi ko magawang matulog dahil sa pangyayari kanina. Halos hindi ko na nga sila kausapin nang bumalik kami rito dahil sadyang hindi ko lang inaasahan na
Tahimik ako na tumayo. Isa lang ang nais ko sa mga oras na ito at iyon ay ang makalayo sa kaniya."You can't even walk straight for at least four steps. Pupusta ako na kahit pumutok na ang araw ay hindi ka pa nakababalik sa room mo," pagdadaldal niya."Puwede ba? Iwan mo na lang ako. Hindi kita kailangan dito."Kahit balingan siya ay hindi ko magawa. Lasing ako pero nasa katinuan pa ako. Kung sakali na wala ako ngayon sa wisyo ay hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa lalaki na ito.Ni hindi ko nga alam kung bakit kinakausap ko siya at mas lalong hindi ko alam kung saan niya pinagawa ang napakakapal niyang mukha para lapitan ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa.Animo'y normal ang lahat ng mga nangyayari ngayon at para bang hindi niya ako pinagbantaan noong nagkita kami sa sementeryo. Wala ang nakakatakot an aura niya at napalitan iyon ng nakakagalit. Ang lahat ng galit sa puso ko ay nabubuhay ngayon na nakikita ko siya ngayon na parang wala naman sa pla
AURORA'S POVI was sore down there. Nang gumising ako ay mahimbing pa rin ang tulog ni Lucas.Nangialam na lang ako sa lagayan niya nga mga damit upang iyon ang isuot at ipantakip sa katawan ko. Nasira ang suot ko mula sa panlabas hanggang sa underwear ko. He was a beast!Kahit na halos hindi na makalakad nang maayos ay wala naman akong pagsisisi na nararamdaman. Ginusto ko iyon at hindi ko ipagkakaila.Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi nagmamakaawa na tumigil na siya. Nakapagpahinga lang ako nang makaidlip pero nagising din na niroromansa na naman niya ang katawan ko.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Naubusan yata ako ng tubig sa katawan dahil sa pianggagawa niya. Pinipigilan pa niya sarili niya kanina pero nang ibaba naman niya ako sa kama niya ay kulang na lang wasakin na ako.Napaubo ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa aking baywang at pagsiksik ni Lucas ng kaniyang mukha sa aking leeg."One more?" tanong niya at bahagya pa na hinila ako, dahilan upang
"Gusto mo pa?" Nilapit ko sa kaniya ang pasta na hindi ko naman nagalaw.I was busy watching her enjoying the food that I cooked. Nagdadalawang-isip niya iyon na tiningnan."Ayaw mo ba?" tanong niya.Umiling ako. "Hindi ako gutom," sagot ko."Nagsasayang ka ng pagkain. Dapat hindi ka nagluto nang marami," pagbubunganga niya kahit na nakangiti nuyang kinukuha ang plato ko."Hinay-hinay sa wine. You have low alcohol tolerance," paalala ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin at binigay ang kaniyang buong atensiyon sa pasta na kinakain."Alam ba ng mapapangasawa mo na ako ang pupuntahan mo rito? Do he even know me? Kung sino ako sa buhay mo?"Matagal siyang napatitig sa akin habang mabagal na ngumunguya. Animo'y nag-iisip."Of course," sagot niya kalaunan."Do I know him?""You do," tumatangong sambit niya."Magpapalit lang muna ako ng damit," paalam ko at iniwan siya roon.How I envy her for being able to moved on and healed her heart that fast while here I am, still stuck on the day wh
"Ibaba mo ako!" reklamo niya nang buhatin ko siya na para bang isang sako ng bigas."Huwag ka nga malikot!" nagsisimula na rin na mainis na sambit ko.Nang mabuksan ko ang sasakyan ko ay saka ko siya pinasok sa loob. Kulang na lang ay patayin na niya ako sa sama ng kaniyang mga mata."Subukan mo lumabas. Hindi na ako natutuwa sa'yo," seryosong sambit ko."Bakit ba kasi pinipilit mo ako na sumama sa'yo? Sinabi na gusto ko na umuwi—""Ako ang maghahatid sa'yo. Mag-uusap muna tayo.""Wala tayong dapat na pag-usapan, Lucas."Umikot ako papunta sa driver seat."Yes, mayroon. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pa pumunta rito? Was it too important at lumipad ka pa patungo kahit na puwede mo naman ako tawagan—"Tumawa siya na naging dahilan upang balingan ko siya. "Tawagan para ano? Para hindi ko makita 'yung girlfriend mo?""She's not my girlfriend," pagtatama ko."Naghalikan kayo tapos ngayon hindi mo siya girlfriend? Tangina, ano? Pati girlfriend mo ipagtatabuyan mo?""That was an
I gasped a breath before facing her. Tahimik lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Pinaghalong kaba at takot ang kumain sa sistema ko pero hindi ko iyon ipinahalata."Aurora," banggit ko sa pangalan niya."Lucas," tawag niya sa akin. Kita ang gulat sa kaniyang mga mata na animo'y hindi ako inaasahan na makita sa harapan niya ngayon.Tumagos ang mga mata niya mula sa akin patungo sa likod. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Justine ang tinitingnan niya."Naiwan mo 'yung girl friend mo," aniya na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko."What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.After four years, here she is... in front of me. I don't know how to act dahil masiyado akong nagulat sa mga pangyayari at sa hindi pa magandang sitwasyon niya ako nakita. If... If I can just hug her tight, I would.Nalipat ang atensiyon ko sa kaniyang labi nang kagatin niya iyon, bagay na ginagawa niya tuwing pinipigilan niya ang sarili niya na may masabi na kung ano. Hinabol
Matagal ko na tinitigan ang mukha niya. I was controlling myself to make a move just not to scare her.Iyak siya nang iyak sa harapan ko and God knows kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na hatakin siya at kulungin sa bisig ko. Seeing her crying in front of me makes me want to cry my heart too.As much as I don't want to see her crying in front of me, wala akong magawa. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang bigat din ang dinadala niya sa kaniyang puso.Umalis siya ng Pilipinas nang walang kalinawan sa mga nangyari noon. Nagtanim siya ng galit at hanggang ngayon ay tila hindi naman iyon nawala.I am not asking her to forgive me anytime soon now. I just want to apologize for what I did. Alam ko rin na hindi ganoon madali magpatawad.Wala sa plano ko ang magpaalam sa kaniya. It was never on my list to talk to her before I go pero wala akong pagpipilian dahil sadyang mukhang ito ang nakatadhana na mangyari."Goodbye," I love you.Hindi ko na napigilan pa ang mga luha na lumadas
"Aurora left her kids here. Hindi ko maiwanan," bungad ni Chris nang sagutin niya ang tawag ko."Where did she go?" salubong ang mga kilay na tanong ko.Hindi pa rin siya nadala sa nangyari noon. She still left anywhere our kids."I told you hindi ko maiwanan ang mga bata. I am here in front of Aurora parents house. The kids where playing outside," balita niya."Diyan na ako didiretso," sagot ko at pinatay na ang tawag.Niliko ko ang manibela upang bumalik. Nagpaalam na may pupuntahan si Christian at hindi ko rin naman kayang iwan ang mga anak ko na walang bantay ang mga iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila.This is the only way, I can do for them. To secure their safety. Matagal akong nawala sa tabi, though not literally since there are times that I visited in Seattle even they weren't aware."Thanks," pagpapasalamat ko aky Chris nang magpaalam na siyang aalis na."Superman!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng bata na naging dahilan n
"What are you doing here?" tanong ni Noah.He is in front of me. If eyes could kill baka kanina pa ako nakahilata at pinaglalamayan.May mga pulis lang sa paligid namin and I know how does it feels like. Ang pinagkaiba lang ay nakulong ako dahil sa kagustuhan ni Aurora na makulong ako at itong nasa harapan ko ay dahil sinubukan na pumatay ng isang tao."Did Aurora visited you?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.Nakararating sa akin ang mga nangyayari kay Aurora. Chris was helping me to keep an eye with Aurora. It's not that I want to invade her privacy but I need to. The last time that I decided to stop checking on her, in just a span of fucking second nasa panganib na naman ang buhay niya."Nakalabas na siya ng hospital for your information. It seems your mother didn't tell you nor give any update about Aurora yet," dagdag ko.Napangisi ako nang makita na mukhang naging interesado siya sa pinagsasasabi ko. Awang-awa na ako rito sa kaibigan na ito ni Aurora. Noon pa ay pinap
Naiwan ako na nakaupo rito sa labas ng bahay. Ilang oras na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay wala pa rin bumabalik na Lucas at mga anak ko.Ilang beses na akong panay ang silip sa mga sasakyan na dumaraan. Umaasa na isa sa mga sasakyan noon ay sakay sina Luna at Liam.Gusto ko na magpahinga pero hindi ko magawa. Hihintayin ko na makabalik sila rito. Hindi ko kakayanin kung maging ang mga anak ko ay mawawala pa sa akin. Sila na lang ang tanging pamilya na mayroon ako.Lucas cannot just stole my kids away and hide it from me. Ako ang mas may karapatan sa aming dalawa sa mga bata pero ano rin ang magagawa ko kung tuluyan na niyang inilayo sa akin ang mga anak ko.Pinunasan ko ang luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napapagod na ako umiyak. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay nanatili na lang kami sa loob ng bahay.Kung alam ko lang na ang pag-iwan ko na iyon sa mga anak ko para lang makausap ang ama nila ay kapalit naman ng pagkawalay ko sa mga anak ko ay hindi ko na sana si
Kulang na lang ay paliparin ko ang sasakyan ko. Ang problema ko pa ay nang dahil na rin sa rush hour ay nahihirapan akong sumingit-singit.Kanina pa ako binubusinahan ng mga sasakyan na ino-overtake-an ko pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maabutan si Lucas.Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit may kaba akong nararamadaman. Kasasabi ko lang kanina na ilalayo ko ang mga anak ko sa kaniya pero heto ako at halos ibangga na ang sinasakyan makarating lang sa condo building niya.Bakit hindi niya sinabi sa akin na aalis siya? Kung hindi pa sasabihin sa akin ni Noah ay wala akong kaalam-alam.Pagkatapos ng lahat ay aalis siya? Iiwan niya at ibabaon na lang ang lahat? Gusto na niya magbagong buhay at mamuhay nang mas tahimik?Labas sa ilong ang pagbuga ko ng hangin. Napasabunot na lang din ako sa buhok ko habang nakatingin sa sasakyan na nasa harapan ko. Ang ilang segundo na iyon ay parang ilang minuto na."Damn you, Lucas," inis na bulong ko.Panay ang sulyap ko sa cellphone. Hindi ak