"ANO ang ginawa mo sa silid ni Nicole?" nang-uusig na tanong ni Danica kay Rita. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya."Ikaw pala, kinausap ko siya tungkol kay Kuya."Nang-aarok ang tingin ni Danica sa kaibigan at hindi siya kumbinsido sa dahilan nito."Nahuli ko silang naghahalikan ni Kuya.""What?!" Nadidilat ang mga mata ni Danica at hindi napigilan ang pagtaas ng boses."Kaya sinugod ko siya sa kaniyang silid upang ipamukha na katawan lamang niya ang habol ni Kuya Steven." Paliwanag ni Rita dito."Ang kapal talaga ng mukha niya! Hindi na niya ginalang ako bilang fiancee ng kapatid mo!""Huwag ka ng magalit, sa sinabi ko sa kaniya ay tiyak na natauhan na siya."Napangiti si Danica nang mapansin ang pilyang ngiti sa labi ni Rita. Inakbay niya ito at isinama sa kaniyang silid."Sa tingin mo, natauhan na kaya siya?" Excited na tanong ni Danica kay Rita."Sa kapal ng mukha niya ay hindi iyon basta tablan ng katotohanan. Pero alam kong nabawasan ang confident niya." Kumpy
"ANONG balita?" tanong ni Danica kay Brando mula sa kabilang linya."Madidiin sa kaso si Soledad dahil si Steven na mismo ang nagsampa ng kaso sa kaniya sa salang pagtangka sa buhay ni Nicole at mga anak."Hayop siya! Mas pinili niyang paniniwalaan ang babaeng iyon! Hindi ako makakapayag!" lalong lumaki ang galit na nadarama ni Danica kay Nicole."Ano na ang plano mo ngayon kay Soledad, Ma'am?" tanong ni Brando dito."Hintayin mo ang tawag ko." Mabilis na ini-off ni Danica ang cellphone at matalim ang mga matang nakatutok sa isang sulok.Pakiramdam ni Rita ay para siyang magnanakaw na takot mahuli. Hindi niya alam kung nakita ba siya ni Danica. Pero siniguro naman niyang nakaalis na sa pinagkublihan bago pa ito lumingon sa gawi niya ang babae."Aalis ka?" Nakangiting tanong ni Rita kay Danica nang dumaan ito sa harapan niya."Yes, may mahalaga lang akong lalakarin."Hindi magawang salubongin ni Rita ang tingin ni Danica. Hindi siya sanay na makipag plastikan at mag-isip ng hindi magan
RAMDAM ni Danica ang malamig na pakikitungo sa kaniya ng mga magulang ni Nicole nang dalawin niya ang mga ito. Para siyang nabababliw na dahil pakiramdam niya lahat ng taong nakapaligid sa kaniya ay ramdam niyang nag-iba na ang tingin sa kaniya.Pasalampak na naupo si Danica sa loob ng kaniyang silid. Naroon siya ngayon sa kaniyang sariling bahay. Kailangan niyang mag-isip at malaman ang kung ano na ang tunay na saloobin ng lahat sa kaniya. Nag-inum siyang mag-isa dahil para na siyang nababaliw sa kakaisip. Hindi niya kayang tanggapin na mawala na lang sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan. Lalo na ang buhay na gustong marating at taong gustong makasama habangbuhay.Hindi alam ni Rita kung nakailang oras na siya doon sa labas ng building kung saan naroon ang condominium ni Danica. Mula nang malaman niya ang tunay na pagkatao nito ay lagi na niyang sinusundan ito. Tinawagan niya ito ng mainip, kailangan niya pa ring umaktong kaibigan nito upang hindi ito mag-isip ng hindi maganda."Hello
TAHIMIK na umiiyak si Rita mula sa pinagtalian sa kaniya. Gusto niyang lapitan ang pamangkin na umiiyak sa isang tabi ngunit hindi magawa dahil nakatali siya. Maging ang bibig niy ay may busal kaya hindi niya rin ito makausap. Kanina ang akala niya ay hindi siya napansin ni Danica na sumusunod dito. Nang tumigil ito sa isang tabi ay huminto rin siya at naka distansya dito. Ngunit biglang may kumatok sa kaniyang bintana, ang akala niya ay namamalimos dahil sa kasuotan nito. Bigla na lang siya tinutukan ng baril at pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan ito. Wala siyang nagawa kundi ang magmaneho at sundin ang utos ng lalaki kung saan dadaan."Bakit ka po niya itinali?" Nanginginig ang tinig ni Natasha at takot na lumapit sa babae dahil sasaktan siya ng nagngangalang Danica kapag sinuway niya ito.Tanging iling lang ang nagawa ni Rita sa pamangkin. Naaawa siya dito dahil mukhang dumaan ito sa hirap ng buhay. Hindi mapagkailang pamangkin nga niya ito dahil kahawig ito ni Daniela. Payat din
ISANG abandonadong lugar ang pinuntaha nila Steven. Pagdating nila doon ay naroon na ang mga kidnaper."Ang sabi ko ay mag-isa ka lang pumunta, bakit may kasama ka?" galit na tanong ni Brando kay Steven."Kaibigan ko siya at wala siyang armas na dala tulad ko." Mahinahon na tugon ni Steven dito."Ilabas niyo na ang bihag!" tawag ni Brando sa isang kasama.Nangalit ang bagang ni Steven pagkakita kay Danica. Halatang nanghihina na ito at may pasa sa mukha. Maging ang labi nito ay putok at may bahid ng dugo doon."Kasalanan niya kung bakit nasaktan ko siya. Pilit na nanlalaban kaya iyan ang natamo." Nakangising paliwanag ni Brando."Kailan ko makukuha ang kapatid ko?" tanong ni Steven sa lalaki na may tabon ang mukha at tanging mga mata lang ang nakikita."Hintayin mo ang tawag ko. Aasahan ko na hindi ito malaman ng awturidad." Patulak na binitawan ni Brando ang hawak na bihag.Mabilis na nilapitan ni Steven si Danica at tinulongan itong makatayo. Mabilis ding nakalayo sa kanila ang tatl
"STEVEN, pag nabasa mo itong sulat ko ay wala na ako dito kaya huwag mo na akong hanapin. Patawad sa mga kasalanan nagawa ko sa iyo. Muli kong iiwan si Daniela sa iyo kasama si Sean. Kailangan kong lumayo upang hanapin ang aking sarili. Kasalanan ko rin kung bakit nakidnap sina Rita. Patawarin mo sana ako at huwag idamay sa iyong galit sa akin ang mga bata. Hangad ko ang kaligayahan ninyo ni Danica. Sa kaniya ko ipinagkakatiwala ang dalawa nating anak. Alam kong mamahalin niya ang mga bata ng higit pa sa pagmamahal ko bilang isang tunay na ina nila. Wala akong kwenta at totoo ang lahat ng sinabi ni Soledad."Nalamukos ni Steven ang papel kung saan nakasulat ang liham ni Nicole. Galit siya at hindi makakapayag na basta na lang makalayo si Nicole."Hijo, huminahon ka muna. Kailangan natin unahin ang kapatid mo bago ang problemang iyan kay Nicole." Pinapakalma ng donya ang apo."Tama si lola, Steven. Hindi ko alam kung ano na naman itong gustong mangyari ni Nicole." Malungkot na yumakap
"BAKIT bigla kang bumalik? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ni Asuncion sa apo nang makapasok na sila sa kaniyang silid."Grandma, ano ang kasunduan sa pagitan ninyo ni Danica noon bago pa lumabas ang kambal kong anak?"Halata sa mukha ng donya na guilty ito. "Bakit mo naitanong iyan?""Kailangan kong malaman, totoo bang may ibinigay kang kundisyon kay Danica para maikasal ako sa kaniya?"Napabuntonghininga si Asuncion at nag-iwas ng tingin sa apo. Alam niyang pinakaayaw nito ay pinapakielaman niya ang buhay nito. "Alam mo naman na may problema siya sa ovary at ang estado ng angkan natin pagdating sa babae."Hindi na kailangan ni Steven marinig ang eksaktong sagot sa abuela dahil sa narinig."Ayaw kong maputol sa iyo ang angkan natin. Mahalaga ang pagkaroon mo ng anak na siyang magdadala ng pangalan ng ating pamilya." Paliwanag ng donya sa apo nito."Naintindihan ko po at salamat sa pag-intindi sa kalagayan ko." Sinserong tugon nito sa abuela.Hindi rin nagtagal si Steven sa
"MAGBABAGO ang plano, kailangang mabuhay si Rita upang maikasal kami ni Steven.""Pero baka po ipagkanulo ka niya, Ma'am? Alalahanin mo na marami siyang alam at...""Alam ko ang ginagawa ko kaya sundin mo na lang kung ano ang gusto ko!" iritableng putol niya sa iba pang sasabihin ni Brando.Ilang segundo ring hindi nakapagsalita si Brando. "Ano po ang plano mo ngayon?"Napangisi si Danica nang mahamig sa tinig ni Brando ang pagsuko. Guwapo ang lalaki at bata pa, ramdam niyang may gusto ito sa kaniya kaya kahit ano ang sasabihin niya dito ay ginagawa nito."Huwag kang mag-alala, kayamanan lamang nila ang kailangan ko." Pagsisinungaling niya dito upang hindi na ito magdalawang isip na makipagtulongan sa kaniya.Kailangan ni Danica si Brando na maging tapat sa kaniya. Magagamit niya rin ito balang araw bilang lalaki sa kaniyang buhay.Napangisi si Brando at nagkaroon ng pag-asa."Gusto kong pagsamahin mo ngayon sina Rita at Nicole dahil kakausapin ko. Pero ang bata ay huwag mong hayaang