ISANG abandonadong lugar ang pinuntaha nila Steven. Pagdating nila doon ay naroon na ang mga kidnaper."Ang sabi ko ay mag-isa ka lang pumunta, bakit may kasama ka?" galit na tanong ni Brando kay Steven."Kaibigan ko siya at wala siyang armas na dala tulad ko." Mahinahon na tugon ni Steven dito."Ilabas niyo na ang bihag!" tawag ni Brando sa isang kasama.Nangalit ang bagang ni Steven pagkakita kay Danica. Halatang nanghihina na ito at may pasa sa mukha. Maging ang labi nito ay putok at may bahid ng dugo doon."Kasalanan niya kung bakit nasaktan ko siya. Pilit na nanlalaban kaya iyan ang natamo." Nakangising paliwanag ni Brando."Kailan ko makukuha ang kapatid ko?" tanong ni Steven sa lalaki na may tabon ang mukha at tanging mga mata lang ang nakikita."Hintayin mo ang tawag ko. Aasahan ko na hindi ito malaman ng awturidad." Patulak na binitawan ni Brando ang hawak na bihag.Mabilis na nilapitan ni Steven si Danica at tinulongan itong makatayo. Mabilis ding nakalayo sa kanila ang tatl
"STEVEN, pag nabasa mo itong sulat ko ay wala na ako dito kaya huwag mo na akong hanapin. Patawad sa mga kasalanan nagawa ko sa iyo. Muli kong iiwan si Daniela sa iyo kasama si Sean. Kailangan kong lumayo upang hanapin ang aking sarili. Kasalanan ko rin kung bakit nakidnap sina Rita. Patawarin mo sana ako at huwag idamay sa iyong galit sa akin ang mga bata. Hangad ko ang kaligayahan ninyo ni Danica. Sa kaniya ko ipinagkakatiwala ang dalawa nating anak. Alam kong mamahalin niya ang mga bata ng higit pa sa pagmamahal ko bilang isang tunay na ina nila. Wala akong kwenta at totoo ang lahat ng sinabi ni Soledad."Nalamukos ni Steven ang papel kung saan nakasulat ang liham ni Nicole. Galit siya at hindi makakapayag na basta na lang makalayo si Nicole."Hijo, huminahon ka muna. Kailangan natin unahin ang kapatid mo bago ang problemang iyan kay Nicole." Pinapakalma ng donya ang apo."Tama si lola, Steven. Hindi ko alam kung ano na naman itong gustong mangyari ni Nicole." Malungkot na yumakap
"BAKIT bigla kang bumalik? May nangyari bang hindi maganda?" tanong ni Asuncion sa apo nang makapasok na sila sa kaniyang silid."Grandma, ano ang kasunduan sa pagitan ninyo ni Danica noon bago pa lumabas ang kambal kong anak?"Halata sa mukha ng donya na guilty ito. "Bakit mo naitanong iyan?""Kailangan kong malaman, totoo bang may ibinigay kang kundisyon kay Danica para maikasal ako sa kaniya?"Napabuntonghininga si Asuncion at nag-iwas ng tingin sa apo. Alam niyang pinakaayaw nito ay pinapakielaman niya ang buhay nito. "Alam mo naman na may problema siya sa ovary at ang estado ng angkan natin pagdating sa babae."Hindi na kailangan ni Steven marinig ang eksaktong sagot sa abuela dahil sa narinig."Ayaw kong maputol sa iyo ang angkan natin. Mahalaga ang pagkaroon mo ng anak na siyang magdadala ng pangalan ng ating pamilya." Paliwanag ng donya sa apo nito."Naintindihan ko po at salamat sa pag-intindi sa kalagayan ko." Sinserong tugon nito sa abuela.Hindi rin nagtagal si Steven sa
"MAGBABAGO ang plano, kailangang mabuhay si Rita upang maikasal kami ni Steven.""Pero baka po ipagkanulo ka niya, Ma'am? Alalahanin mo na marami siyang alam at...""Alam ko ang ginagawa ko kaya sundin mo na lang kung ano ang gusto ko!" iritableng putol niya sa iba pang sasabihin ni Brando.Ilang segundo ring hindi nakapagsalita si Brando. "Ano po ang plano mo ngayon?"Napangisi si Danica nang mahamig sa tinig ni Brando ang pagsuko. Guwapo ang lalaki at bata pa, ramdam niyang may gusto ito sa kaniya kaya kahit ano ang sasabihin niya dito ay ginagawa nito."Huwag kang mag-alala, kayamanan lamang nila ang kailangan ko." Pagsisinungaling niya dito upang hindi na ito magdalawang isip na makipagtulongan sa kaniya.Kailangan ni Danica si Brando na maging tapat sa kaniya. Magagamit niya rin ito balang araw bilang lalaki sa kaniyang buhay.Napangisi si Brando at nagkaroon ng pag-asa."Gusto kong pagsamahin mo ngayon sina Rita at Nicole dahil kakausapin ko. Pero ang bata ay huwag mong hayaang
UMIYAK ang donya pagkakita sa kaniyang apo sa hospital. Sobrang saya niya at ligtas na ito pero napansin niyang may nagbago dito. Naging tahimik ito at ayaw magsalita kahit tinatanong ng kapulisan."Huwag niyo na lang po muna siya pilitin magsalita. Naintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon dahil naranasan ko rin ang nangyari sa kaniya." Malungkot na turan ni Danica.Iniwas ni Rita ang tingin kay Danica at baka hindi niya mapigilan ang sarili. Kung nakakamatay lang ang tingin ay sisiguraduhin niyang hindi na ito sisikatan ng araw.Nang mabalitan ni Gaven na naroon sina Steven sa hospital kung nasaan sila ay pinuntahan niya ang mga ito. Hindi niya pa rin makuntak o mahanap si Nicole kaya nag-aalala siya."Sir..."Nilingon ni Gaven ang lalaking tumatawag sa kaniya. Nang mamukhaan ito ay mabilis niyang nilapitan ito."Sir, huwag ka munang lumapit kay Sir Steven." Pabulong na wika ni Tony habang iginagala ang tingin sa paligid."Ano ang ibig mong sabihin? Bakit hindi ko siya pwedeng la
GALIT na pumasok si Rita sa silid ni Danica nang makabawi na siya ng lakas."Huwag mo akong pakitaan ng ganyang attitude. Alalahanin mo na masama akong magalit." Sita ni Danica dito."Gusto kong makasiguro na hindi mo ginagawan ng masama sina Nicole at Natasha. Tawagan mo ngayon ang tao mo para makita ko na buhay pa sila." Matapang na utos niya kay Danica."At bakit ko naman sundin ang gusto mo?" mataray na tanong ni Danica dito."Mamili ka, ang masira ang plano mo ngayon din o matupad ang nais mong maikasal kay Kuya? Hindi na ako takot mamatay, Danica. Handa akong itaya ang buhay ko para sa kanila!"Naging matalim ang tinging ipinukol ni Danica kay Rita. Nasaktan siya sa sinabi nito at namumuhi siya dito. Wala siyang nagawa kundi ang tawagan ang tauhan upang ipakita dito na buhay pa ang dalawa."Rita? Salamat naman at ligtas kang nakauwi." Nag-uulap ang mga mata ni Nicole at nakangiting nakatitig kay Rita.Pinatigas ni Rita ang kaniyang damdamin upang manatiling kalmado pagkakita kay
PAGDATING ni Danica sa isa pang hideout ay sinalubong agad siya ni Brando."Gago ka, bakit mo iniwan sa car ko itong bag?" Ibinato niya dito ang hawak at tumama iyon sa dibdib nito.Napakamot sa ulo si Brando nang makita ang bag. "Sorry po, ma'am, sa pagmamadali ko ay hindi ko na naisip kung saan ko ito nailagay.""Pasalamat ka at walang nakakita nitong iba." Inirapan niya ang lalaki at nilampasan. Dumiritso na siya kung nasaan si Nicole."Ma'am baka pwede namin siya matikman bago mo ipalibing ng buhay?" Nakangising tanong ng isa sa tauhan kay Danica.Napangisi si Danica at pinagmasdan si Nicole. Naiinis siya sa pagiging perpikto ng katawan nito kaya nasisiyahan siya sa isiping baboyin ng ibang lalaki ang katawan nito."Danica, huwag mong gawin ito sa akin. Kung papatayin mo man ako ay gawin mo na ngayon." Hintakutan na pakiusap ni Nicole dito.Sa halip na maawa ay lalo lamang nainis si Danica sa dalaga. Nilapitan niya ito at sinampal ng malakas sa pisngi.Para iyan sa pagiging kontra
"NAKITA ko na siya!" tawag ni Toby sa kasama.Humahangos na lumapit ang lalaki sa kasama. Ngunit bago pa nila malapitan ang batang nakatalikod ay mabilis itong tumakbo palayo sa kanila."Huwag mong barilin!" Mabilis na tinabig ni Toby ang hawak na baril ng kasama nang itutok niyon sa batang tumatakbo."Tumatakbo, eh!""Baliw ka ba? Paano kung mapatay mo siya? Bata lang iyan at madali na nating mahuli ngayon!"Napakamot sa batok ang lalaki kahit hindi naman iyon makati."Tara na, habulin na natin bago pa siya makalayo!"Lalong binilisan ni Sean ang pagtakbo palayo sa kinaroonan ng kapatid. Kung sa pabilisan ng takbo ay mabilis siya dahil runner siya sa kanilang paaaralan. Pero mas mabilis ang dalawang lalaki kaya hindi rin nagtagal ay naabutan siya ng mga ito."Shit, hindi naman ito ang batang babae!""Bi-bitiwan niyo po ako. Patawad kung may nagawa akong mali sa inyo!" nanginginig sa takot si Sean at pilit na nagpupumiglas mula sa pagkahawak ng lalaki sa kaniyang braso."Sino ka at ba
"Daniela, anak, iligtas mo ako! Huwag kang pumayag na ilayo nila ako sa iyo!" pagmamakaawa ni Danica, nang ilabas na siya mula sa basement.Niyakap ni Nicole ang anak at alam niyang nalulungkot ito at naaawa kay Danica. Ang dalawang anak ay hindi na nila pinalabas pa upang hindi makita ang huli."Daniela, kapag hindi mo pinigilan ang daddy, hindi mo na ako makita kahit kailan!" Pananakot ni Danica sa bata habang pinanlalakihan ito ng mga mata.Naaawang tinitigan ni Daniela ang kinilalang ina. Malungkot siya dahil ito pa rin naman ang kinalakhan niyang ina."Sorry pero bad ka. Mula noon ay tinatakot mo po ako. Magbago na po kayo upang mapatawad nila Daddy at Lola."Nang tumawa si Danica ay itinalikod na ni Nicole ang anak at ayaw niyang makita nito ang mukhang nasisiraan ng bait na ang babae."Ilayo niyo na iyan dito at sa kulungan ang diritso. Hindi totoong nababaliw na ang babaeng iyan." Utos ni Steven sa pulis na may hawak kay Danica."No... Kayo ang dapat makulong dahil sinaktan nin
Mabilis na tinurukan sa braso ng nurse si Danica. Ilang segundo pa ay unti-unti itong nanghina at dilat ang mga matang nakatitig sa lahat."Iyan ang nababagay sa isang katulad mo. Iupo niyo na iyan sa wheelchair." Utos ni Gaven sa tauhan.Binuhat ni Steven si Nicole, at inupo ito sa sofa bago hinarap si Gaven. "Talagang plano mong paralisahin si Danica?""Hindi ko kasi mapaghindian ang lola mo at mga bata. Gustong pumunta rito at makita kayo." Paliwanag ni Gaven.Tumakbo palabas ng bahay si Rita nang malaman na naroon ang mga pamangkin. Agad na tumulo ang kaniyang mga luha nang makita ang tatlong hawak kamay at naglalakad na papasok ng bahay. Una niyang niyakap ay si Natasha at binuhat ito.Nahihiya pa rin si Natasha at overwhelmed sa pinapakitang pagmamahal ng lahat sa kaniya.Walang kurap ang nakamulagat na mga mata ni Danica, nang makita si Natasha, at buhat ni Rita. Tahimik na napaluha siya at hindi magawang ibuka ang bibig. Maging ang mga paa at kamay ay hindi niya rin maigalaw. S
"HEY, ayos lang ako." Nakangiting hinawakan niya ang palad ni Steven."Bakit hindi mo ako tinawag? Paano kunh hindi agad ako nakabalik? Alam mong baliw ang babaeng iyon at gusto kang mawala sa kaniyang landas!"Napalabi si Nicole at galit pa rin ang binata. Sa kanilang dalawa ay mukha ito ang totoong may phobia. Hinila niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ang seryuso pa rin nito kahit ngumiti na siya rito. Nang umiwas ng tingin ito sa kaniya ay sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang palad. Mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.Napabuntonghininga si Steven sa pagitan ng halik nila ng dalaga. Mabilis na natunaw ang galit at pag-alala dahil sa halik nito. Pinalalim niya ang halik sa labi nito at parang uhaw na sinibasib ng halik at ginalugad ang loob ng bibig nito gamit ang kaniyang dila."Uhmm, Steven!" Tinampal niya da balikat ang binata nang maglumikot na rin ang isang kamay nito sa loob ng kaniyang t-shirt, habang ang halik ay bumaba sa kaniyang halik.Isang mala
"BAKIT ka hindi makapali? Hindi ka ba natutuwa at ramdam mo na ngayon ang pag-alala ni Kuya Steven sa iyo? Ayaw ka niyang palabasin at iniisip niya ang iyong kaligtasan." Pinalungkot pa ni Rita ang tono pero nakangiti kay Danica."Hindi ko kailangan ang opinion mo!" angil ni Danica pero sa mahinang tinig lamang dahil nasa paligid lang si Steven."Ayaw mong samahan kita ngayon? Ikaw din, baka magtaka si Kuya kapag nakitang hindi kita dinadamayan.""Leave me alone!" Nanlisik na ang mga mata ni Danica dahil sa gigil kay Rita."May problema ba kayong dalawa?"Biglang nag-iba ang timpla ng mood no Danica nang marinig ang tinig ni Steven. Pero ayaw pa rin niya itong kausapin at gusto niyang iparamdam sa lalaki na galit siya at nagseselos kay Nicole."Kuya, bakit kasi dito mo inuwi si Nicole? Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi mo manlang ba isinasaalang-alang ang kaniyang damdamin bilang iyong fiancee?"Kung noon ay natutuwa si Danica sa pagtatangol sa kaniya ni Rita, ngayon ay kinaiinisan
PAWISANG napabalikwas ng bangon si Danica mula sa masamang panaginip. Iginala niya ang tingin sa paligid at mataas na pala ang araw. Mabilis na kinuha qng cellphone nang maalala ang panaginip. Masama kutob niya at ang panaginip ay nilingkis siya ng ahas."Ma'am kailangan po namin ng pera at may sakit ang anak ko."Nadagdagan lamang ang pagkasira ng gising ni Danica pagkabasa sa message ng taong nag-aalala sa batang bihag niya. Kahapon pa ito humihingi ng pera sa kaniya ngunit hindi niya mapadalhan dahil hindi siya makalabas. Wala namang credit line or application online na maaring makatanggap ng pera ang mga ito."Masama rin ang kalagayan ni Brando at wala nang panggastos sa kaniyang gamot. Kapag hindi po kayo nagpadala hanggang bukas ay benta namin ang batang ito sa kaniyang ama."Pakiramdam ni Danica ay nanlaki ang kaniyang ulo pagkabasa sa bagong message ng tauhan. Galit niyang tiwanagan ito."Mabuti naman at magparamdam na kayo.""Pinagmamalakihan mo ba ako?" singhal niya sa lalak
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na