UMIYAK ang donya pagkakita sa kaniyang apo sa hospital. Sobrang saya niya at ligtas na ito pero napansin niyang may nagbago dito. Naging tahimik ito at ayaw magsalita kahit tinatanong ng kapulisan."Huwag niyo na lang po muna siya pilitin magsalita. Naintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon dahil naranasan ko rin ang nangyari sa kaniya." Malungkot na turan ni Danica.Iniwas ni Rita ang tingin kay Danica at baka hindi niya mapigilan ang sarili. Kung nakakamatay lang ang tingin ay sisiguraduhin niyang hindi na ito sisikatan ng araw.Nang mabalitan ni Gaven na naroon sina Steven sa hospital kung nasaan sila ay pinuntahan niya ang mga ito. Hindi niya pa rin makuntak o mahanap si Nicole kaya nag-aalala siya."Sir..."Nilingon ni Gaven ang lalaking tumatawag sa kaniya. Nang mamukhaan ito ay mabilis niyang nilapitan ito."Sir, huwag ka munang lumapit kay Sir Steven." Pabulong na wika ni Tony habang iginagala ang tingin sa paligid."Ano ang ibig mong sabihin? Bakit hindi ko siya pwedeng la
GALIT na pumasok si Rita sa silid ni Danica nang makabawi na siya ng lakas."Huwag mo akong pakitaan ng ganyang attitude. Alalahanin mo na masama akong magalit." Sita ni Danica dito."Gusto kong makasiguro na hindi mo ginagawan ng masama sina Nicole at Natasha. Tawagan mo ngayon ang tao mo para makita ko na buhay pa sila." Matapang na utos niya kay Danica."At bakit ko naman sundin ang gusto mo?" mataray na tanong ni Danica dito."Mamili ka, ang masira ang plano mo ngayon din o matupad ang nais mong maikasal kay Kuya? Hindi na ako takot mamatay, Danica. Handa akong itaya ang buhay ko para sa kanila!"Naging matalim ang tinging ipinukol ni Danica kay Rita. Nasaktan siya sa sinabi nito at namumuhi siya dito. Wala siyang nagawa kundi ang tawagan ang tauhan upang ipakita dito na buhay pa ang dalawa."Rita? Salamat naman at ligtas kang nakauwi." Nag-uulap ang mga mata ni Nicole at nakangiting nakatitig kay Rita.Pinatigas ni Rita ang kaniyang damdamin upang manatiling kalmado pagkakita kay
PAGDATING ni Danica sa isa pang hideout ay sinalubong agad siya ni Brando."Gago ka, bakit mo iniwan sa car ko itong bag?" Ibinato niya dito ang hawak at tumama iyon sa dibdib nito.Napakamot sa ulo si Brando nang makita ang bag. "Sorry po, ma'am, sa pagmamadali ko ay hindi ko na naisip kung saan ko ito nailagay.""Pasalamat ka at walang nakakita nitong iba." Inirapan niya ang lalaki at nilampasan. Dumiritso na siya kung nasaan si Nicole."Ma'am baka pwede namin siya matikman bago mo ipalibing ng buhay?" Nakangising tanong ng isa sa tauhan kay Danica.Napangisi si Danica at pinagmasdan si Nicole. Naiinis siya sa pagiging perpikto ng katawan nito kaya nasisiyahan siya sa isiping baboyin ng ibang lalaki ang katawan nito."Danica, huwag mong gawin ito sa akin. Kung papatayin mo man ako ay gawin mo na ngayon." Hintakutan na pakiusap ni Nicole dito.Sa halip na maawa ay lalo lamang nainis si Danica sa dalaga. Nilapitan niya ito at sinampal ng malakas sa pisngi.Para iyan sa pagiging kontra
"NAKITA ko na siya!" tawag ni Toby sa kasama.Humahangos na lumapit ang lalaki sa kasama. Ngunit bago pa nila malapitan ang batang nakatalikod ay mabilis itong tumakbo palayo sa kanila."Huwag mong barilin!" Mabilis na tinabig ni Toby ang hawak na baril ng kasama nang itutok niyon sa batang tumatakbo."Tumatakbo, eh!""Baliw ka ba? Paano kung mapatay mo siya? Bata lang iyan at madali na nating mahuli ngayon!"Napakamot sa batok ang lalaki kahit hindi naman iyon makati."Tara na, habulin na natin bago pa siya makalayo!"Lalong binilisan ni Sean ang pagtakbo palayo sa kinaroonan ng kapatid. Kung sa pabilisan ng takbo ay mabilis siya dahil runner siya sa kanilang paaaralan. Pero mas mabilis ang dalawang lalaki kaya hindi rin nagtagal ay naabutan siya ng mga ito."Shit, hindi naman ito ang batang babae!""Bi-bitiwan niyo po ako. Patawad kung may nagawa akong mali sa inyo!" nanginginig sa takot si Sean at pilit na nagpupumiglas mula sa pagkahawak ng lalaki sa kaniyang braso."Sino ka at ba
GALIT na bumalik sina Toby kung saan iniwan ang batang lalaki. Halatang nagsinungaling ito sa kanila dahil wala roon ang kanilang bihag."Huwag kumilos, ibaba ang mga baril niyong hawak!""Shit!" sabay na napamura ang dalawang lalaki nang makitang pinalibutan sila ng mga armadong kalalakihan."Ano po ang kasalanan namin sa inyo? Bakit niyo kami hinuhuli?" lakas-loob na tanong ni Toby sa lalaking nagkakabit ng posas sa kanila ngayon."Sa presento na kayo magtanong at magsalita, hala, lakad!" Tinulak ng pulis ang dalawang lalaki dahil ayaw humakbang.Hindi tumigil sa paghahanap si Gaven kay Sean. Nag-ingay na siya nang masigurong nahuli na ang mga kidnaper."Sean? Nasaan ka?"Nakigaya na rin ang iba upang madali nilang mahanap ang bata."Daddy Gaven?" nag-aalangan pa rin si Sean na lumabas mula sa pinagkublihan. Nagtago siya doon kanina nang makitang bumalik ang dalawang lalaki.Mabilis na nilapitan ni Gaven ang bata kung saan ito nagtatago. "Oh my God! Salamat at ligtas ka!" Lumuluha na
"DADDY Gaven, gising na po ang kapatid ko!" Ang lapad ng ngiti ni Sean habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mukha ng kapatid.Nabawasan ang takot na nadarama ni Natasha nang makilala ang batang nagpakilala sa kaniyang kapatid. Tumingin siya sa lalaking lumapit sa kanila, "siya ba ang tatay natin?" nahihiya at pabulong niyang tanong kay Sean.Nakangiting umiling sa Sean, "pero parang tatay na rin natin siya kasi siya ang nagpalaki sa akin. Puwede mo rin siyanh tawaging, daddy.""Pero paano kita naging kapatid?" biglang nagulohan si Natasha dahil lumaki siyang walang alam sa tunay niyang pagkatao."Mahabang kuwento at hindi nakbubuti sa iyo ang makinig. Basta, ang matandang nagpalaki sa iyo ay isang masamang tao. Kinuha ka niya noong baby ka pa kaya nagkahiwalay tayo. Pero huwag kang mag-alala, hindi tumigil si Mommy hanggang sa mahanap ka."Napangiti si Natasha at naluluha sa kaalamang may kapatid siya at mga magulang. Naging maayos naman ang buhay niya sa kinikilalang abuela. Pero an
MAINIT ang ulo ba bumalik sa sala si Danica. Gusto niyang umalis ngunit hindi siya makalusot sa bantay. Sinindak na niya ito sinuhulan ngunit ayaw pa rin siyang palabasin. Si Brandon ay hindi na niya makausap matino dahil hindi umano ang kalagayan nito. Gusto niyang mapuntahan si Natasha at ilipat sana ng pinagtataguan.Sobrang nag-eenjoy si Rita dahil sa nakiktang galit sa mukha ni Danica. Kulang na lang ay sumabog ito dahil hindi magawa ang gustong gawin. Ito ang gusto niya, ang baliwin lalo ang babae dahil sa galit...."DADDY Gaven, saan po tayo pupunta?" tanong ni Sean, nasa beyahe na sila at kasama ang kapatid."Dadalawin lang natin ang Lolo Kanor mo at nagising na siya. Then sunod nating pupuntahan ay ang kakambal mo at lola."Masayang tumango si Sean, gusto niya sanang dalawin din ang ina. Ngunit nakausap niya kanina ang ama at sinabi nitong hindi magandang makita ni Natasha ang ina nilang nakaratay pa sa hospital bed.Tahimik lang si Natasha hanggang sa makarating sila sa hos
"ANO ang gagawin ko riyan?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Rita, habang nakatingin sa cellphone na inaabot sa kaniya ni Danica."Tawagan mo si Steven at kumustahin si Nicole." Pagalit na utos ni Danica."Bakit ako?"Naglapat ang mga labi ni Danica at pinigilang hilahin ang buhok ni Rita. Bakas pa sa labi nito ang ngiting nang-aasar. "At sino ang puwedeng gumawa maliban sa iyo?"Lalong-nag-e-enjoy si Rita sa nakikitang galit sa mukha ni Danica. "Bakit, hindi mo na ba kayang marinig mismo ng iyong tainga kung ano na ang kalagayn ng dati mong matalik na kaibigan?" nang-aasar niyang tanong dito."Punyeta, puwede bang huwag nang maraming tanong? Tawagan mo na at sabihin din na payagan na akong makalabas ng bahay!" Halos lumuga na ang mga mata ni Danica dahil sa galit."Bakit naman kita susundin? Tiyak na pupuntahan mo lang si Nicole at papatayin." Nakalabi na aniya."Bitch, inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" tumaas na ang timbre ng boses ni Danicq dahil sa pagkapikon kay Rita."Ano po