May punto nga talaga siya—ang isang basurang kagaya ni Ned ay hindi makakakilala ng taong mas magaling pa kaysa kay Abel. Kung talagang ganun kagaling ang binatang ito kagaya ng ipinagmamayabang niya, bakit hindi pa siya sikat?Habang nasa isip iyon, tinitigan ni Yed si Frank mula sa likuran at ngumisi nang malamig. Waling milyon? Baka naman karma?!Kung hindi siya ininsulto ni Frank, kuntento na sana si Yed na bugbugin ang manlolokong ito at itapon siya palabas ng mansyon niya. Gayunpaman, sobrang nagalit si Yed sa kayabangan ni Frank—at wala pang nang-insulto sa mga Janko na hindi naparusahan!-Hindi nagtagal, nagtipon na naman ang mga Janko sa kwarto ni Ciril. Lumapit si Frank kay Ciril, at sa isang tingin lang, umiling siya at nagsabing, “Taut Snow Tree—isa sa pinakamabisa ng Hundred Bane Sect. Ilang araw lang ang kayang ibigay ng Yellow Shrive kay Mr. Janko sa halip na tuluyan siyang magamot.”Kumunot ang noo ni Abel—hindi kaya nagkamali siya? Ang paraan kung paano
Higit pa roon, napakagaling ng paraan ni Frank sa pagkontrol ng pure vigor niya—maging ang pangkaraniwang Birthright rank ay hindi ito magagawa!“Hindi kaya nakumpleto na niya ang Birthright rank?” Bulong ni Lothar. Habang nagulat siya sa sarili niyang hula, bigla ring napuno ng pag-asa ang puso niya. Baka mailigtas ng batang ito ang buhay ng kapatid niya!“Hayop…”Sa kabilang banda, nanlisik ang mga mata ni Yed habang pinanood niya si Frank na magsagawa ng acupuncture. Birthright rank din ang batang ito? Ibig sabihin ba nun kaya niyang iligtas si Ciril?!Kinabahan siya nang maisip niya ito!Sa tabi niya, tuluyang naglaho ang pagdududa ni Abel kay Frank nang pinanood niya siya at bumulong, “Ang Five Plum Spiritus technique…?!”Mga eksperto lang ang nakakakilala sa eksperto, at namutla ang mukha ni Abel habang pinanood niyang gamutin ni Frank si Ciril. Bigla siyang nagsisi matapos niyang maging bastos sa binata!Nagmatigas pa siyang nagtanong tungkol sa pagkatao ng guro n
“Nakita mo ang ginawa mo?!” Hinablot ni Yed si Ned sa kwelyo. “Tama nga ako. Talagang sinusubukan mong patayin ang tatay natin!”Gayunpaman, napasigaw si Lothar sa gulat bago masaktan ni Yed si Ned. “Tigil! Tignan niyo!”Tumingin ang lahat sa kung saan nakaturo si Lothar. Pagkatapos, nakita nila ang mukha ni Ciril na may nagbibitak na itim na yelo sa buong lapag kung saan tumama ang kumukulong tubig. “Ano? Paanong…” nabigla si Yed.Inalis ni Ned ang sarili niya sa mga kamay ni Yed nang nakangisi. “Yed, mukhang ikaw ang ayaw mailigtas si Papa!”“Anong…” Walang nasabi si Yed. “Ayusin mo ang sinasabi mo, Ned!” Kaagad na dinepensahan ni Paula si Yed. “Nag-aalala siya sa papa mo. Bakit niya susubukang saktan ang tatay mo?”“Tama!” Tumango si Yed sa kabila ng nambubulabog na konsensya niya. Sa kabilang banda, nang makitang tapos na ang trabaho niya, bumuntong-hininga si Frank at ibinaba si Ciril para pahigain siya sa kama. Bumalik din ang sigla sa pisngi ni Ciril—malayo sa kul
Tinapos ito ni Abel, “Ang hinihingi ko lang ay mga pointers mula sa'yo, Mr. Lawrence, at habangbuhay na tatanaw ng utang na loob ang buong pamilya namin sa malaking pabor na ito.”“Ang pamilya mo?” Naging interesado si Frank doon.Nagmadali si Ned sa kanya at nagpaliwanag, “Mr. Lawrence, ang pamilya ni Mr. Loggins ay isang dinastiya ng mga doktor at manggagamot. Sila ang top family sa Morhen pagdating sa larangan ng medisina, at nagmamay-ari sila ng mga ospital at apothecary. “Ganun pala…” Hinimas ni Frank ang baba niya. Nagkaroon siya ng kaunting ideya. Papalpak siguro siya kung lalabanan niya ang mga Lionheart at mga Turnbull nang mag-isa… Pero baka hindi ganun ang mangyari sa tulong ni Ned at ng pamilya niya. Para naman sa mga Loggins, mukhang may impluwensya sila sa Morhen bilang isang pamilya ng mga doktor at gusto silang makilala ni Frank kung may pagkakataon.Habang nasa isip iyon, tumango siya. “Nakikita kong sinsero ka—ibigay mo sa'kin ang address mo. Bibisitahin kita
May katwiran ang pag-aalala ni Yed at napahinto si Lothar sa pag-iisip. “Sa nakikita ko, kasabwat niya siguro si Abel Loggins.” Malamig na tumawa si Paula. “Gumamit siguro siya ng taktika para lokohin tayong mga pangkaraniwang tao. Sa tingin ko hindi niya talaga napagaling si Ciril!”“Tama. Yun din ang nasa isip ko.” Ngumisi si Yed. “Kung ganun, di mo ko babayaran?” Naging nakakatakot ang tono ni Frank na humakbang paharap. “At ano namang magagawa mo? Nandito ka sa pamamahay ko!” Naimbag si Yed at sumenyas. Ilang Janko retainers na matapat kay Yed ang lumabas. Kumalat ang nakamamatay na aura nila. Lumingon si Frank kay Lothar sa sandaling iyon. “Mr. Janko, ganito ba ang pagtrato ng pamilya mo sa mga bisita? At sa lalaking nagligtas pa nga sa head ng pamilya?”Nabigla si Lothar ngunit mabilis na nangatwiran, “Kumalma ka lang, Mr. Lawrence. Nakikita kong pinagaling mo ang kapatid ko, at walang duda roon. At nangako rin akong mababayaran ka magtagumpay ka man o hindi, basta't
Habang mabangis na pinalibutan ng retainers at bodyguards na tapat kay Yed sina Ned at Frank, sinigawan ni Ned si Yed, “Anong ibig sabihin nito?!”“Nagtatanong ka ba kung ano? Haha!” Tumawa nang malakas at malamig si Yed. “Hindi ko na'to itatago pa sa'yo ngayon, mahal kong kapatid—oo, ako ang lumason sa tatay natin! Kasalanan niya sa pagpili niya sa'yo bilang tagapagmana niya! Siya ang nagdala nito sa sarili niya! At saka, hindi lang ako… Kasabwat ko rin si Paula! Siya ang personal na gumawa nito!”“Ano…” bulong ni Ned, na lumingon sa paligid sa gulat at galit nang lumapit sa kanya sa ng mga tao ni Yed. “Nakalimutan mo na ba si Tito Lothar?! Kapag nalaman niya ang tungkol dito—”“Oh, wag kang mag-alala. Hindi to malalaman ng tangang yun.” Mabangis na ngumisi si Yed. “Kahit na ganun, medyo ginulo niya ang mga plano ko at marami akong nasayang na oras… Inatake ko na sana siya kaagad kung hindi niya lang dala ang mga retainer na yun!”“Pero ayos lang—may kasunduan ako kay Sif Lionhear
“Ano?!”“Anong klaseng lakas yan?!”Sumikip ang dibdib ng mga Janko bodyguard nang nakita nila ang matinding lakas na mayroon si Frank. Maging si Ned ay natulala nang ilang sandali habang nakatayo siya sa tabi ni Frank! Sa kabilang banda, hindi nabahala ang mga Birthright rank na retainer ng mga Janko—hindi sila basta-basta. Lalo na't sila ang pundasyon ng lakas ng mga Janko habang umakyat sila bilang isa sa Four Families ng Morhen, na pumalit sa misteryosong Lawrence family. Habang nanood ang lahat, nanatili sa direksyon niya ang retainer na may puting buhok at sinipa sa dalawa ang limousine na ibinato sa kanya. Nang lumapag siya at hinanap si Frank, bigla siyang nakaramdam ng malamig na bugso ng hangin sa pisngi niya. "Huh?"Bago siya nakalingon, nasa pisngi na niya ang paa ni Frank. Tumalsik siya sa ere at malakas na umikot habang sumuka siya nang litro-litro ng dugo. “Ano?!”Hindi man lang napansin ng kanina pa nanonood na si Yed kung kailan lumitaw sa ere si Fran
“Kuya!” Sigaw ni Lothar, hindi na niya nasakal si Hal nang nabitawan niya siya. Nang tumingala siya, nakita niya si Ciril na biglang nakatayo. Gayunpaman, nakatayo ang buhok at balbas niya at pulang-pula ang mga mata niya habang kumikibot ang ugat niya nang parang isang nagwawalang halimaw. “Nagwawala siya…?!”Kahit na naisip niya ito, naiwang nakatulala si Lothar habang nagpakawala ng suntok si Ciril papunta sa kanya sa lapag. “Tabi!”Initsa ni Lothar si Hal sa tabi habang gumulong siya palayo at iniwasan ang suntok ni Ciril nang ilang pulgada… na nag-iwan ng isang metro kalalim na uka sa lapag. “Kuya, ako to, si Lothar! Kumalma ka!” Kinakabahang sigaw ni Lothar. Gayunpaman, para bang hindi nakarating kay Ciril ang mga salita niya. Ang mas malala pa roon, lalo lang naging bayolente si Ciril. Sumigaw siyang muli at nagpatuloy na atakihin si Lothar. “Dali… Tawagin niyo si Mr. Lawrence!” Sigaw ni Lothar sa mga retainer sa malapit kahit habang sinasalag ang atake ni Ciri
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka