Tinapos ito ni Abel, “Ang hinihingi ko lang ay mga pointers mula sa'yo, Mr. Lawrence, at habangbuhay na tatanaw ng utang na loob ang buong pamilya namin sa malaking pabor na ito.”“Ang pamilya mo?” Naging interesado si Frank doon.Nagmadali si Ned sa kanya at nagpaliwanag, “Mr. Lawrence, ang pamilya ni Mr. Loggins ay isang dinastiya ng mga doktor at manggagamot. Sila ang top family sa Morhen pagdating sa larangan ng medisina, at nagmamay-ari sila ng mga ospital at apothecary. “Ganun pala…” Hinimas ni Frank ang baba niya. Nagkaroon siya ng kaunting ideya. Papalpak siguro siya kung lalabanan niya ang mga Lionheart at mga Turnbull nang mag-isa… Pero baka hindi ganun ang mangyari sa tulong ni Ned at ng pamilya niya. Para naman sa mga Loggins, mukhang may impluwensya sila sa Morhen bilang isang pamilya ng mga doktor at gusto silang makilala ni Frank kung may pagkakataon.Habang nasa isip iyon, tumango siya. “Nakikita kong sinsero ka—ibigay mo sa'kin ang address mo. Bibisitahin kita
May katwiran ang pag-aalala ni Yed at napahinto si Lothar sa pag-iisip. “Sa nakikita ko, kasabwat niya siguro si Abel Loggins.” Malamig na tumawa si Paula. “Gumamit siguro siya ng taktika para lokohin tayong mga pangkaraniwang tao. Sa tingin ko hindi niya talaga napagaling si Ciril!”“Tama. Yun din ang nasa isip ko.” Ngumisi si Yed. “Kung ganun, di mo ko babayaran?” Naging nakakatakot ang tono ni Frank na humakbang paharap. “At ano namang magagawa mo? Nandito ka sa pamamahay ko!” Naimbag si Yed at sumenyas. Ilang Janko retainers na matapat kay Yed ang lumabas. Kumalat ang nakamamatay na aura nila. Lumingon si Frank kay Lothar sa sandaling iyon. “Mr. Janko, ganito ba ang pagtrato ng pamilya mo sa mga bisita? At sa lalaking nagligtas pa nga sa head ng pamilya?”Nabigla si Lothar ngunit mabilis na nangatwiran, “Kumalma ka lang, Mr. Lawrence. Nakikita kong pinagaling mo ang kapatid ko, at walang duda roon. At nangako rin akong mababayaran ka magtagumpay ka man o hindi, basta't
Habang mabangis na pinalibutan ng retainers at bodyguards na tapat kay Yed sina Ned at Frank, sinigawan ni Ned si Yed, “Anong ibig sabihin nito?!”“Nagtatanong ka ba kung ano? Haha!” Tumawa nang malakas at malamig si Yed. “Hindi ko na'to itatago pa sa'yo ngayon, mahal kong kapatid—oo, ako ang lumason sa tatay natin! Kasalanan niya sa pagpili niya sa'yo bilang tagapagmana niya! Siya ang nagdala nito sa sarili niya! At saka, hindi lang ako… Kasabwat ko rin si Paula! Siya ang personal na gumawa nito!”“Ano…” bulong ni Ned, na lumingon sa paligid sa gulat at galit nang lumapit sa kanya sa ng mga tao ni Yed. “Nakalimutan mo na ba si Tito Lothar?! Kapag nalaman niya ang tungkol dito—”“Oh, wag kang mag-alala. Hindi to malalaman ng tangang yun.” Mabangis na ngumisi si Yed. “Kahit na ganun, medyo ginulo niya ang mga plano ko at marami akong nasayang na oras… Inatake ko na sana siya kaagad kung hindi niya lang dala ang mga retainer na yun!”“Pero ayos lang—may kasunduan ako kay Sif Lionhear
“Ano?!”“Anong klaseng lakas yan?!”Sumikip ang dibdib ng mga Janko bodyguard nang nakita nila ang matinding lakas na mayroon si Frank. Maging si Ned ay natulala nang ilang sandali habang nakatayo siya sa tabi ni Frank! Sa kabilang banda, hindi nabahala ang mga Birthright rank na retainer ng mga Janko—hindi sila basta-basta. Lalo na't sila ang pundasyon ng lakas ng mga Janko habang umakyat sila bilang isa sa Four Families ng Morhen, na pumalit sa misteryosong Lawrence family. Habang nanood ang lahat, nanatili sa direksyon niya ang retainer na may puting buhok at sinipa sa dalawa ang limousine na ibinato sa kanya. Nang lumapag siya at hinanap si Frank, bigla siyang nakaramdam ng malamig na bugso ng hangin sa pisngi niya. "Huh?"Bago siya nakalingon, nasa pisngi na niya ang paa ni Frank. Tumalsik siya sa ere at malakas na umikot habang sumuka siya nang litro-litro ng dugo. “Ano?!”Hindi man lang napansin ng kanina pa nanonood na si Yed kung kailan lumitaw sa ere si Fran
“Kuya!” Sigaw ni Lothar, hindi na niya nasakal si Hal nang nabitawan niya siya. Nang tumingala siya, nakita niya si Ciril na biglang nakatayo. Gayunpaman, nakatayo ang buhok at balbas niya at pulang-pula ang mga mata niya habang kumikibot ang ugat niya nang parang isang nagwawalang halimaw. “Nagwawala siya…?!”Kahit na naisip niya ito, naiwang nakatulala si Lothar habang nagpakawala ng suntok si Ciril papunta sa kanya sa lapag. “Tabi!”Initsa ni Lothar si Hal sa tabi habang gumulong siya palayo at iniwasan ang suntok ni Ciril nang ilang pulgada… na nag-iwan ng isang metro kalalim na uka sa lapag. “Kuya, ako to, si Lothar! Kumalma ka!” Kinakabahang sigaw ni Lothar. Gayunpaman, para bang hindi nakarating kay Ciril ang mga salita niya. Ang mas malala pa roon, lalo lang naging bayolente si Ciril. Sumigaw siyang muli at nagpatuloy na atakihin si Lothar. “Dali… Tawagin niyo si Mr. Lawrence!” Sigaw ni Lothar sa mga retainer sa malapit kahit habang sinasalag ang atake ni Ciri
"Frank Lawrence."Hindi tumakbo si Yed.Isa rin siyang martial artist, bagaman alam din niya na hindi niya matatakasan ang isang Ascendant rank na gaya ni Frank.Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagsalita siya sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, "Bibigyan kita ng 800 million. Pero mangako ka na aalis ka sa pamamahay ko at hindi ka na mangingialam sa problema ng pamilya ko!”“Mr. Lawrence…” Kinabahan si Ned—mamamatay siya kapag umalis si Frank kapalit ng halaga na ‘yun!Sa kasamaang palad, huminto si Frank at tumingin ng seryoso kay Yed. “Talaga?" "Syempre naman,” sabi ni Yed. "Ako ang susunod na pinuno ng Janko family, at may isang salita ako." Sa isip ni Yed, mabilis na napalitan ng matinding tuwa ang takot niya nang mapagtanto niya na si Frank ay isa lamang hangal na nangialam para lang sa pera.Ang mawalan ng 800 million dollars habang binaligtad ang sitwasyon laban sa lahat at maging susunod na pinuno ng Janko family? Hindi iyon isang kawalan!Sa katunayan, kapag s
"Blargh!" Sumuka ng maitim na dugo si Yed at napaupo siya, tumingin siya ng masama kay Frank at hindi makapaniwala habang nanginginig siya sa galit. "S-Sinira mo ang cultivation ko! A-Ang lakas ng loob mo…”“Ang daldal mo." Umiling si Frank at bigla niyang sinampal si Yed sa mukha, nagtalsikan ang mga ngipin ni Yed. “Isa kang walang kwentang traydor na nakipagsabwatan para patayin ang sarili mong ama… Hindi, isa kang insulto sa mga walang kwentang tao.”Hindi inasahan ni Yed na talagang sasaktan siya ni Frank. Sumigaw siya sa galit kahit na natanggal ang mga ngipin niya, "S-Sinaktan mo ako! Papatayin kita! Ako ang susunod na pinuno ng Janko family! Pamamahay ko ‘to… Katapusan mo na!”“Bahala ka." Tumalikod si Frank, umiiling siya habang naglalakad siya palapit kay Ned at tinapik niya siya sa balikat. “Sige na, Mr. Janko. Sigurado ako na kailangan mong maglabas ng sama ng loob mo." "Oo.” Tumango si Ned.Sawa na siya sa kapatid niya na nang-api at nang-alipusta sa kanya mula
”Ned… Papatayin kita… Ikaw—" Sinuntok ni Ned si Yed sa mukha bago pa man siya matapos sa pagbabanta sa kanya, dahilan upang sumalpok sa lupa si Yed.Sumugod ang mga bodyguard ni Yed upang iligtas siya, ngunit nakita nila si Frank na papalapit sa kanila."Pwede kayong sumugod kung ayos lang sa inyong mamatay.”Napahinto ang lahat ng mga bodyguard sa takot, namroblema sila habang pinapanood nila na itupi ni Frank ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.Dumating ang isang mini tram noong sandaling iyon at bumaba ang isang retainer ng mga Janko mula dito."M-Mr. Lawrence!” Sigaw niya. "Nagwawala si Ciril Janko—pakiusap, tulungan mo siya!" "Nagwawala?” Sumimangot si Frank, biglang lumamig ang kanyang ekspresyon. "Malinaw kong sinabi sa inyo na huwag niyo siyang gagalawin. Hindi niyo ba sinunod ang mga bilin ko?" "S-Sinunod ka namin…” Naiilang na nagsalita ang retainer. "Pero nalingat lang kami sandali, at tumungtong si Hal sa ibabaw ni Ciril, at…”"Tumahimik ka na.” Pi