Habang mabangis na pinalibutan ng retainers at bodyguards na tapat kay Yed sina Ned at Frank, sinigawan ni Ned si Yed, “Anong ibig sabihin nito?!”“Nagtatanong ka ba kung ano? Haha!” Tumawa nang malakas at malamig si Yed. “Hindi ko na'to itatago pa sa'yo ngayon, mahal kong kapatid—oo, ako ang lumason sa tatay natin! Kasalanan niya sa pagpili niya sa'yo bilang tagapagmana niya! Siya ang nagdala nito sa sarili niya! At saka, hindi lang ako… Kasabwat ko rin si Paula! Siya ang personal na gumawa nito!”“Ano…” bulong ni Ned, na lumingon sa paligid sa gulat at galit nang lumapit sa kanya sa ng mga tao ni Yed. “Nakalimutan mo na ba si Tito Lothar?! Kapag nalaman niya ang tungkol dito—”“Oh, wag kang mag-alala. Hindi to malalaman ng tangang yun.” Mabangis na ngumisi si Yed. “Kahit na ganun, medyo ginulo niya ang mga plano ko at marami akong nasayang na oras… Inatake ko na sana siya kaagad kung hindi niya lang dala ang mga retainer na yun!”“Pero ayos lang—may kasunduan ako kay Sif Lionhear
“Ano?!”“Anong klaseng lakas yan?!”Sumikip ang dibdib ng mga Janko bodyguard nang nakita nila ang matinding lakas na mayroon si Frank. Maging si Ned ay natulala nang ilang sandali habang nakatayo siya sa tabi ni Frank! Sa kabilang banda, hindi nabahala ang mga Birthright rank na retainer ng mga Janko—hindi sila basta-basta. Lalo na't sila ang pundasyon ng lakas ng mga Janko habang umakyat sila bilang isa sa Four Families ng Morhen, na pumalit sa misteryosong Lawrence family. Habang nanood ang lahat, nanatili sa direksyon niya ang retainer na may puting buhok at sinipa sa dalawa ang limousine na ibinato sa kanya. Nang lumapag siya at hinanap si Frank, bigla siyang nakaramdam ng malamig na bugso ng hangin sa pisngi niya. "Huh?"Bago siya nakalingon, nasa pisngi na niya ang paa ni Frank. Tumalsik siya sa ere at malakas na umikot habang sumuka siya nang litro-litro ng dugo. “Ano?!”Hindi man lang napansin ng kanina pa nanonood na si Yed kung kailan lumitaw sa ere si Fran
“Kuya!” Sigaw ni Lothar, hindi na niya nasakal si Hal nang nabitawan niya siya. Nang tumingala siya, nakita niya si Ciril na biglang nakatayo. Gayunpaman, nakatayo ang buhok at balbas niya at pulang-pula ang mga mata niya habang kumikibot ang ugat niya nang parang isang nagwawalang halimaw. “Nagwawala siya…?!”Kahit na naisip niya ito, naiwang nakatulala si Lothar habang nagpakawala ng suntok si Ciril papunta sa kanya sa lapag. “Tabi!”Initsa ni Lothar si Hal sa tabi habang gumulong siya palayo at iniwasan ang suntok ni Ciril nang ilang pulgada… na nag-iwan ng isang metro kalalim na uka sa lapag. “Kuya, ako to, si Lothar! Kumalma ka!” Kinakabahang sigaw ni Lothar. Gayunpaman, para bang hindi nakarating kay Ciril ang mga salita niya. Ang mas malala pa roon, lalo lang naging bayolente si Ciril. Sumigaw siyang muli at nagpatuloy na atakihin si Lothar. “Dali… Tawagin niyo si Mr. Lawrence!” Sigaw ni Lothar sa mga retainer sa malapit kahit habang sinasalag ang atake ni Ciri
"Frank Lawrence."Hindi tumakbo si Yed.Isa rin siyang martial artist, bagaman alam din niya na hindi niya matatakasan ang isang Ascendant rank na gaya ni Frank.Pinakalma niya ang kanyang sarili at nagsalita siya sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, "Bibigyan kita ng 800 million. Pero mangako ka na aalis ka sa pamamahay ko at hindi ka na mangingialam sa problema ng pamilya ko!”“Mr. Lawrence…” Kinabahan si Ned—mamamatay siya kapag umalis si Frank kapalit ng halaga na ‘yun!Sa kasamaang palad, huminto si Frank at tumingin ng seryoso kay Yed. “Talaga?" "Syempre naman,” sabi ni Yed. "Ako ang susunod na pinuno ng Janko family, at may isang salita ako." Sa isip ni Yed, mabilis na napalitan ng matinding tuwa ang takot niya nang mapagtanto niya na si Frank ay isa lamang hangal na nangialam para lang sa pera.Ang mawalan ng 800 million dollars habang binaligtad ang sitwasyon laban sa lahat at maging susunod na pinuno ng Janko family? Hindi iyon isang kawalan!Sa katunayan, kapag s
"Blargh!" Sumuka ng maitim na dugo si Yed at napaupo siya, tumingin siya ng masama kay Frank at hindi makapaniwala habang nanginginig siya sa galit. "S-Sinira mo ang cultivation ko! A-Ang lakas ng loob mo…”“Ang daldal mo." Umiling si Frank at bigla niyang sinampal si Yed sa mukha, nagtalsikan ang mga ngipin ni Yed. “Isa kang walang kwentang traydor na nakipagsabwatan para patayin ang sarili mong ama… Hindi, isa kang insulto sa mga walang kwentang tao.”Hindi inasahan ni Yed na talagang sasaktan siya ni Frank. Sumigaw siya sa galit kahit na natanggal ang mga ngipin niya, "S-Sinaktan mo ako! Papatayin kita! Ako ang susunod na pinuno ng Janko family! Pamamahay ko ‘to… Katapusan mo na!”“Bahala ka." Tumalikod si Frank, umiiling siya habang naglalakad siya palapit kay Ned at tinapik niya siya sa balikat. “Sige na, Mr. Janko. Sigurado ako na kailangan mong maglabas ng sama ng loob mo." "Oo.” Tumango si Ned.Sawa na siya sa kapatid niya na nang-api at nang-alipusta sa kanya mula
”Ned… Papatayin kita… Ikaw—" Sinuntok ni Ned si Yed sa mukha bago pa man siya matapos sa pagbabanta sa kanya, dahilan upang sumalpok sa lupa si Yed.Sumugod ang mga bodyguard ni Yed upang iligtas siya, ngunit nakita nila si Frank na papalapit sa kanila."Pwede kayong sumugod kung ayos lang sa inyong mamatay.”Napahinto ang lahat ng mga bodyguard sa takot, namroblema sila habang pinapanood nila na itupi ni Frank ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.Dumating ang isang mini tram noong sandaling iyon at bumaba ang isang retainer ng mga Janko mula dito."M-Mr. Lawrence!” Sigaw niya. "Nagwawala si Ciril Janko—pakiusap, tulungan mo siya!" "Nagwawala?” Sumimangot si Frank, biglang lumamig ang kanyang ekspresyon. "Malinaw kong sinabi sa inyo na huwag niyo siyang gagalawin. Hindi niyo ba sinunod ang mga bilin ko?" "S-Sinunod ka namin…” Naiilang na nagsalita ang retainer. "Pero nalingat lang kami sandali, at tumungtong si Hal sa ibabaw ni Ciril, at…”"Tumahimik ka na.” Pi
Nagsalita si Ned, “Mukhang maswerte ka ngayon!" "Oof—"Sumuka ng dugo si Yed at bumagsak siya, at nawalan ng malay.Pagkatapos ay nagmadaling sumakay sa mini tram si Frank at ang Janko retainer na sinakyan ng huli kanina at bumalik sila sa main Janko mansion.“Whoa…” Nagulat si Frank nang makita niya na kalahati na lang ng mansyon ang natitirang nakatayo.Kasabay nito, patuloy pa rin sa pagwawala si Ciril, at karamihan sa mga Janko retainer na isinama ni Lothar ay patay na o kaya’y sugatan ng malubha.Kahit na mailigtas pa si Ciril, hindi na mababawi ang pinsalang tinamo ng kanyang pamilya.“Dumating na ba si Mr. Lawrence?!" Sumigaw si Lothar noong nakita niya na bumalik ang mini tram, pinunasan niya ang dugo sa mga labi niya at mukha siyang nakonsensya noong nakita niya si Frank.Kung alam lang sana niya na sisirain ni Hal ang lahat… Dapat pinatay na lang niya yung batang ‘yun noong umpisa pa lang para wala nang problema!“Pakiusap, Mr. Lawrence…" sigaw niya. “Tulungan mo ka
Tumingin si Frank kay Lothar, napahanga siya. “Pambihira ang defense technique na ‘yun.”Habang ang mga apprentice ng Mystic Sky Sect ay tinuruan ng mga secret technique mula pa noong sinaunang panahon, marami pang ibang mga secret technique na ipinamana sa ibang mga clan at mga sect. Natural, mayroong espesyal na katangian ang bawat isa sa mga technique na iyon, ngunit taglay ni Frank ang Five-Peat Archaeus.Isa lamang itong simpleng technique na itinuro sa kanya ng pinuno ng Mystic Sky Sect dati. Gayunpaman, hangga’t naaayon sa mga alituntunin ng limang pangunahing elemento ang isang technique, magagamit ni Frank ang Five-Peat Archaeus upang obserbahan, gayahin, at palakasin ang technique na ito.Iyon ang dahilan kung paano niya nagagawang kopyahin ang technique ng kahit na sino ng ganun kadali mula pa noong umpisa!“Basilisk Remittance!” Sigaw ni Frank habang ginagamit niya ang technique na ginamit ni Lothar. Itinuon niya ang paggamit ng dilaw na pure vigor patungo sa kanyang mg