Maging si Ned, na maraming sinabi tungkol kay Frank bago nagsimula ang laban, ay napatitig sa malaking bitak na ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya.Kumuyom ang pisngi niya, ramdam na ramdam niya ang panginginig ng sariling mga paa!Ang kanyang pretty boy valets ay namumutla na rin, na may dalawa talagang nakaluhod.Thud.Nakaluhod na rin si Pax, nakatingin ng blangko kay Frank na itinuon ang kamao sa kanya, at pagkatapos ay sa malalim na bangin sa ilalim ng kanyang mga paa.Blanko ang kanyang ulo kahit na nagmumuni-muni, "Tao ba talaga siya? Paano niya ito ginagawa? Nasa set ba ako ng pelikula o ano?"Pagkatapos, lumingon sa isa sa kanyang mga tauhan, sumimangot siya, "Hoy, pumunta ka rito at kurutin mo ako. Kailangan kong tingnan kung ito ay totoo."Sa kabilang banda, ang mga Sunblazer goons ay nawalan ng lahat pagkatapos ng kanilang unang pagkabigla.Kahit gaano pa ito tingnan, may kinalaman ito sa kapangyarihan ng isang diyos! Talaga, sinong tao ang maaaring gumawa ni
"Ano, may problema ka ba?” Naglakad si Frank ng mabagal papunta sa kanila, magkadikit ang mga kamay niya sa likod niya habang sinasabi na, “Kung may iba ka pang mga martial elite, pasugurin mo sila sa’kin. Kaya kong gawin ‘to buong araw.”Sa mga sinabi ni Frank, napagtanto ni Pax na wala na siyang magagawa—ano pa ba ang pwede niyang sabihin? Maging si Ned ay isinuko ang kanyang posisyon bilang pinuno ng Sunblazers dahil sa takot niya kay Frank!Sumuko siya ng may namumutlang mukha. "Syempre naman. Wala akong rason para tumanggi dahil nagsalita ka na, Mr. Janko.”Gayunpaman, makikita ang inis at kawalan ng pag-asa sa kanyang ekspresyon nang humarap siya kay Hux Darman at inanunsyo ng malakas na, “Simula sa araw na ito, ako, si Pax Barzini, ay bababa sa pwesto ko bilang pinuno ng Sunblazers—at si Hux Darman ang papalit sa’kin!”Bumuntong hininga siya at pagkatapos ay magalang siyang tumango kay Ned. “Paalam.”Hindi pagmamalabis ang sabihin na nawala kay Pax ang lahat—natalo ang Four
“Hindi, hindi, hindi—imposible yun.”Nagulat si Hux sa mainit na pagbati ni Ned at mabilis siyang ngumiti nang naiilang. “Hindi ako hahayaang pumalit sa'yo kung tumanggi ka. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang at tapos na yun.”Malinaw na mahilig makisalamuha si Hux sa iba, pinagaan niya ang loob ni Frank sabay nangako ng katapatan kay Ned pagkatapos. Nagmadaling lumapit si Cid at masigasig na ipakita ang mukha niya. “Wag kang mag-alala, Mr. Janko. Tiyak na dadalhin ng kuya ko ang Sunblazers sa mas mataas na antas.”Ngumiti si Ned at tumango, tapos ay pinakita sa wakas ang tunay na kulay niya sa sandaling iyon. “Pwede ka ba mamaya, Vicky? May reservation ako sa isang hotel restaurant sa malapit. Gusto mo ba kaming samahan? Kilalanin natin ang isa't-isa…”Narinig siya ni Pax na paalis na dapat nang nanlulumo. Sumigla ang mga mata niya, pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa kanila nang may nambobolang ngiti. “Magkaibigan pa rin tayo kahit na ipinasa ko ang posisyon kay Hux, ta
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Ned nang pumayag si Frank na sumama. Bigla na lang, kahit si Pax ay hindi na masyadong masakit sa mata. Hindi man lang niya napansing tumingin sa baba si Pax at kumislap ang masamang intensyon sa mga mata niya. Kahit na bumaba siya sa posisyon niya bilang boss ng Sunblazers, kukunin niya ang kanya bago siya umalis!-Pagkalipas ng kalahating oras, umalis sina Frank at ang iba pa sa Sunblaze Dojo at nagmaneho papuntang Southtown Hotel na isang kanto lang ang layo. Habang nagsalin ng wine ang isang magandang babaeng nasa dalawampung taong gulang, tumawa nang malakas si Pax, na para bang hindi nagalit na napalitan siya sa Sunblazers.“Hux.” Tumawa siya. “Hindi mo alam to, pero matagal ko nang gustong bumaba!”Umirap si Hux—imposibleng maniniwala siya roon. Kahit na ganun, nagpanggap pa rin siyang interesado at nagtanong, “Ano? Bakit?”Bumuntong-hininga si Pax. “Kung alam mo lang…Hindi talaga madaling maghawak ng napakaraming tao sa ganito kal
“Oh, anong sinasabi mo, Mr. Lawrence?”Pagkatapos ay ngumiti si Pax at ininom ang baso habang nanood ang lahat, pagkatapos ay pinakita ito sa kanila kagaya ng ginawa ni Frank. “Hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan, ano?”“Hindi naman.” Ngumiti si Frank. Pagkatapos nito, naglaho ang lahat ng pagdududa sa silid at naging masigla ang lahat sa mesa. Si Cid ang may pinakamaraming nainom habang walang katapusang nagbanggaan ang mga baso ng mga kalalakihan, nagsabi pa nga siya ng kalokohan na nagpatawa sa lahat. Nagsimula pa ngang sumayaw ang mga gwapong valets ni Ned. Kahit na malinaw na sinubukang kausapin ni Ned si Frank nang paulit-ulit, palaging may palusot si Frank para hindi siya pansinin at napagod siya. Pagkatapos, nang halos paubos na ang bote ng wine, dumighay si Pax at tumayo nang gumigiwang habang tumawa siya, “Kailangan kong gumamit ng banyo.”“Sandali.”Tumayo rin si Frank. Bakas ang kalasingan sa mukha niya nang ngumiti siya. “Pwede kang umalis… pagkatapos mong
“Baliw ako?!” Umatras nang ilang hakbang si Pax at nilabas ang phone niya. “Kagaguhan! Kayo ang baliw dito!”Habang nakaturo kay Hux, mabangis siyang sumigaw, “Ikaw hayop ka! Minaltrato ba kita?!”“Hindi,” kalmadong ng sagot ni Hux habang tumingin siya nang masama. “Kung ganun, bakit kailangan mo kong palitan?!” Sigaw ni Pax na nanlaki ang mga mata sa galit. “Bakit?! Bakit kailangan mo akong traydurin?!”Bumuntong-hininga si Hux. “Pag-isipan mo to. Kung ikaw ang nasa lugar ko, tatanggi ka bang maging boss?”Nanigas si Pax sa mga salita ni Hux, pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Hindi.”“Kung ganun, wala kang karapatan para sisihin ako. Magkatrabaho lang tayo matagal na—hindi tayo partners na may malalim na pinagsamahan,” malamig na sabi ni Hux. “Hindi pagtatraydor ang ginawa ko. Ang malakas lang ang mamumuno! Ikaw na mismo ang nagsabi niyan.”“Hah!” Sumbat ni Pax. “Malakas? Ikaw?! Alalay ka lang na walang kahit na ano maliban sa swerte mo!”“At isa pa ring anyo ng lakas ang swe
“A-Asa…”Bago pa masabi ni Hux na ‘asa ka’, nagsimula siyang nakakita ng bituin at para bang umikot ang mundo niya, nang parang lasing siya. “Mukhang gumagana na ang lason…” Mapagmataas na tumawa si Pax habang pinanood niyang bumagsak ang lahat. Doon siya lumingon kay Frank at napahinto siya sa paghinga. Nakatayo roon si Frank, diretsong-diretso na para bang hindi siya naapektuhan. Nakatitig pa nga siya kay Pax nang mukhang interesado. “I-Imposible!” Sigaw ni Pax sa pagkataranta. “Pinanood itang inumin ang wine na yun… Paanong nakatayo ka pa rin?!”Talagang nag-iwan sa kanya ng impresyon ang lakas ni Frank habang mabilis niyang tinalo ang Four Kings. Kung hindi naapektuhan si Frank ng nervebreaker, mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya ngayon!“Malakas na droga ang nervebreaker, pero isa akong master sa medisina at nakita ko na ang mga patibong mo.” Umiling si Frank at bumunot ng isang pilak na karayom mula sa pulso niya. Initsa niya ang karayom, na lumapag sa kal
Pak!Nang may nakaikot na hawak, hinablot ni Frank si Gigi sa bukong-bukong at hinila siya. Kahit na nawalan siya ng balanse, dumiretso siya sa mga bisig ni Frank at bigla siyang namula sa hiya. Kumunot ang noo ni Frank, ngunit pagpapanggap lang ang pamumula niya mula sa umpisa pa lang. Sa isang iglap, bumagsak ang ekspresyon niya habang bumuka ang mga labi niya. Pagkatapos, isang patalim ang lumipad mula rito na pinalakas ng pure vigor habang dumiretso ito papunta sa leeg ni Frank. “Hah!” Naningkit ang mga mata ni Frank at pinakawalan ang pure vigor niya para patalbugin ang patalim. “Mukhang hindi talaga ako pwedeng mag-alinlangan…”Nang may masamang ekspresyon, hinablot niya si Gigi sa leeg at hinampas siya sa pader. Bang!“Ahhh…” umungol siya sa sakit, ngunit may dala itong bakas ng kahalayan.Ang kahit na sinong lalaking makakarinig sa kanya ay tiyak na matutulala, ngunit hindi muling mahuhulog si Frank sa mga patibong niya. Nang humigpit ang mga daliri niya, may na
“Ano…”Naiilang na bumulong si Frank, sabay lumingon kay Rory na nakatayo sa malayo. "Hmm…?"Mabilis na naintindihan ni Gene ang ibig niyang sabihin at kinawayan si Rory para umalis. May bakas ng inis na lumitaw sa mukha ni Rory sa isang iglap, at tinitigan niyang maigi si Frank habang nagpunta siya sa kwarto niya. Ngayong wala na siya, nagtanong si Gene, “Sige, malaya ka nang makakapagsalita ngayon, Mr. Lawrence. May kinalaman ba kay Rory ang sakit ko?”Bahagyang tumango si Frank. “Ang totoo, kailangan mong kumalma at makinig sa sasabihin ko sa'yo ngayon, Mr. Pearce.”“Sabihin mo sa'kin.” Sumama ang timpla ni Gene kahit nang nakita niya ang masamang ekspresyon sa mukha ni Frank. “May nagtanim ng Chestbusters sa loob mo… Ang totoo, may tatlo nito sa loob mo, nasa kalahating metro ang haba ng bawat isa nito. Kapag naging magulang ito, bubutasin nito ang dibdib mo.”Bumagsak ang ekspresyon sa mukha ni Gene kahit na binalaan siya ni Frank na kumalma. Nagsimula siyang matara
“Nagkataon lang talaga ito.” Matapat na sabi ni Frank. “Bumalik tayo sa kung saan tayo huminto, Mr. Lawrence. Ano ang gusto mong gantimpala?” Tanong ni Gene. Hindi siya nag-aalalang baka subukan siyang lokohin ni Frank—nag-aalala siya sa mga mas pambihirang hiling. Kilala ang mga espesyalista sa pagiging kakaiba at nanghihingi ng mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. At kung pera lang ito, marami nito si Gene, kundi ay hindi niya magiging kasintahan ang top songstress ng Draconia. “Sige pala, didiretsuhin kita.” Ngumiti si Frank. “Kanina, gumawa kami ng asawa ko ng bid para sa ilang lote sa South Zamri, ngunit may nauna sa'min.”“Hmm?” Bulong ni Gene, at mabilis niyang napagtantong gusto ni Frank ang mga loteng iyon at tumawa siya, “Oh, maliit na bagay lang yun. Sasabihan ko si Zorn Woss ngayon din at tignan kung nakaalis na siya sa bid. Kung oo, sasabihan ko siyang gawin ang paperwork—sa’yo na ang lahat ng lote, Mr. Lawrence.”“Ano?!” Sumigaw si Rory Thames sa sandalin
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n