Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Ned nang pumayag si Frank na sumama. Bigla na lang, kahit si Pax ay hindi na masyadong masakit sa mata. Hindi man lang niya napansing tumingin sa baba si Pax at kumislap ang masamang intensyon sa mga mata niya. Kahit na bumaba siya sa posisyon niya bilang boss ng Sunblazers, kukunin niya ang kanya bago siya umalis!-Pagkalipas ng kalahating oras, umalis sina Frank at ang iba pa sa Sunblaze Dojo at nagmaneho papuntang Southtown Hotel na isang kanto lang ang layo. Habang nagsalin ng wine ang isang magandang babaeng nasa dalawampung taong gulang, tumawa nang malakas si Pax, na para bang hindi nagalit na napalitan siya sa Sunblazers.“Hux.” Tumawa siya. “Hindi mo alam to, pero matagal ko nang gustong bumaba!”Umirap si Hux—imposibleng maniniwala siya roon. Kahit na ganun, nagpanggap pa rin siyang interesado at nagtanong, “Ano? Bakit?”Bumuntong-hininga si Pax. “Kung alam mo lang…Hindi talaga madaling maghawak ng napakaraming tao sa ganito kal
“Oh, anong sinasabi mo, Mr. Lawrence?”Pagkatapos ay ngumiti si Pax at ininom ang baso habang nanood ang lahat, pagkatapos ay pinakita ito sa kanila kagaya ng ginawa ni Frank. “Hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan, ano?”“Hindi naman.” Ngumiti si Frank. Pagkatapos nito, naglaho ang lahat ng pagdududa sa silid at naging masigla ang lahat sa mesa. Si Cid ang may pinakamaraming nainom habang walang katapusang nagbanggaan ang mga baso ng mga kalalakihan, nagsabi pa nga siya ng kalokohan na nagpatawa sa lahat. Nagsimula pa ngang sumayaw ang mga gwapong valets ni Ned. Kahit na malinaw na sinubukang kausapin ni Ned si Frank nang paulit-ulit, palaging may palusot si Frank para hindi siya pansinin at napagod siya. Pagkatapos, nang halos paubos na ang bote ng wine, dumighay si Pax at tumayo nang gumigiwang habang tumawa siya, “Kailangan kong gumamit ng banyo.”“Sandali.”Tumayo rin si Frank. Bakas ang kalasingan sa mukha niya nang ngumiti siya. “Pwede kang umalis… pagkatapos mong
“Baliw ako?!” Umatras nang ilang hakbang si Pax at nilabas ang phone niya. “Kagaguhan! Kayo ang baliw dito!”Habang nakaturo kay Hux, mabangis siyang sumigaw, “Ikaw hayop ka! Minaltrato ba kita?!”“Hindi,” kalmadong ng sagot ni Hux habang tumingin siya nang masama. “Kung ganun, bakit kailangan mo kong palitan?!” Sigaw ni Pax na nanlaki ang mga mata sa galit. “Bakit?! Bakit kailangan mo akong traydurin?!”Bumuntong-hininga si Hux. “Pag-isipan mo to. Kung ikaw ang nasa lugar ko, tatanggi ka bang maging boss?”Nanigas si Pax sa mga salita ni Hux, pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Hindi.”“Kung ganun, wala kang karapatan para sisihin ako. Magkatrabaho lang tayo matagal na—hindi tayo partners na may malalim na pinagsamahan,” malamig na sabi ni Hux. “Hindi pagtatraydor ang ginawa ko. Ang malakas lang ang mamumuno! Ikaw na mismo ang nagsabi niyan.”“Hah!” Sumbat ni Pax. “Malakas? Ikaw?! Alalay ka lang na walang kahit na ano maliban sa swerte mo!”“At isa pa ring anyo ng lakas ang swe
“A-Asa…”Bago pa masabi ni Hux na ‘asa ka’, nagsimula siyang nakakita ng bituin at para bang umikot ang mundo niya, nang parang lasing siya. “Mukhang gumagana na ang lason…” Mapagmataas na tumawa si Pax habang pinanood niyang bumagsak ang lahat. Doon siya lumingon kay Frank at napahinto siya sa paghinga. Nakatayo roon si Frank, diretsong-diretso na para bang hindi siya naapektuhan. Nakatitig pa nga siya kay Pax nang mukhang interesado. “I-Imposible!” Sigaw ni Pax sa pagkataranta. “Pinanood itang inumin ang wine na yun… Paanong nakatayo ka pa rin?!”Talagang nag-iwan sa kanya ng impresyon ang lakas ni Frank habang mabilis niyang tinalo ang Four Kings. Kung hindi naapektuhan si Frank ng nervebreaker, mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya ngayon!“Malakas na droga ang nervebreaker, pero isa akong master sa medisina at nakita ko na ang mga patibong mo.” Umiling si Frank at bumunot ng isang pilak na karayom mula sa pulso niya. Initsa niya ang karayom, na lumapag sa kal
Pak!Nang may nakaikot na hawak, hinablot ni Frank si Gigi sa bukong-bukong at hinila siya. Kahit na nawalan siya ng balanse, dumiretso siya sa mga bisig ni Frank at bigla siyang namula sa hiya. Kumunot ang noo ni Frank, ngunit pagpapanggap lang ang pamumula niya mula sa umpisa pa lang. Sa isang iglap, bumagsak ang ekspresyon niya habang bumuka ang mga labi niya. Pagkatapos, isang patalim ang lumipad mula rito na pinalakas ng pure vigor habang dumiretso ito papunta sa leeg ni Frank. “Hah!” Naningkit ang mga mata ni Frank at pinakawalan ang pure vigor niya para patalbugin ang patalim. “Mukhang hindi talaga ako pwedeng mag-alinlangan…”Nang may masamang ekspresyon, hinablot niya si Gigi sa leeg at hinampas siya sa pader. Bang!“Ahhh…” umungol siya sa sakit, ngunit may dala itong bakas ng kahalayan.Ang kahit na sinong lalaking makakarinig sa kanya ay tiyak na matutulala, ngunit hindi muling mahuhulog si Frank sa mga patibong niya. Nang humigpit ang mga daliri niya, may na
“Asa ka! Ikaw lang ang mamamatay dito!”Dinampot ni Frank ang bag gamit ng isang kamay at ibinato ito palabas ng bintana bago lumitaw sa tabi ni Pax sa isang kurap. “Eh?” Huminto sa pagtawa si Pax habang napanganga siya sa gulat. Para siyang isang bibeng hinablot sa leeg. Imposible! Sa ganitong bilis… tao pa ba siya?!“Lumayas ka rito!” Sigaw ni Frank habang pinalipad niya si Pax sa isang sipa."Oof!"Sa sobrang lakas ng sipa ay tumalsik si Pax sa ere nang parang bala ng kanyon. Bumangga siya sa bintana ng hotel at lumipad sa malayo. Muntik mawalan ng malay si Pax doon, pero tiniis niya ang sakit para magkamalay at napansin niyang nasa ere siya pagkatapos siyang sipain ni Frank palabas ng bintana. “Hahaha!” Nahihibang siyang tumawa habang mabilis na nagkalkula ang isipan niya. “Maraming salamat, Vicky Lawrence—iniligtas mo ako!”Lalo na't sasabog na ang buong hotel maya-maya lang!Kahit na mabalian ng buto o kaya'y maparalisa si Pax pagkatapos masipa mula sa ganitong taas
At iyon ang huling ekspresyon sa mukha ni Pax bago siya namatay. Boom!Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa ere sa taas ng hotel sa South Morhen. Sumigaw ang mga nagulat na sibilyan habang bumusina naman nang malakas ang mga kotse dahil matindi ang bombang ito.Kahit na sumabog ito ilang distansya mula sa hotel, tinamaan pa rin ng shockwave ang gusali at yumanig ito nang malakas. Hindi maiiwasang napatumba sa lapag ang lahat ng mga sibilyan sa ibaba. Arf! Arf! Arf!Isang taong pinapalakad ang itim na aso niya ang nahagip sa shockwave, ngunit kaagad na tumayo ang aso at mabangis na sumigaw sa langit. Hindi nagtagal, isang sunog na bagay ang bumagsak mula sa langit papunta sa harapan nila. Lumapit ang itim na aso at inamoy ito… pagkatapos ay nagsimulang kumain. Nang lumapit ang may-ari para tignan ito, kaagad siyang bumagsak sa lapag at sumigaw. Iyon ay dahil isa itong sunog na braso ng isang lalaki!-Naalerto ang Morgen kasunod ng pagsabog at nalaman sa DNA test
Bumuntong-hininga ulit si Ned, sabay umiling. Para naman kay Frank, pinili niyang manatili roon—mas komportableng manatili sa iisang kwarto kasama nila nang wala ang mga magagandang lalaking umaaligid sa kanya. Kung hindi, aalis siya kaagad. Pagkatapos ay kinawayan ni Ned si Hux paalis bago seryosong tumingin kay Frank, isang bagay na hindi pa niya pinakita noon.“May pabor akong hihilingin, Mr. Lawrence…”Kumunot ang noo ni Frank. Inasahan niyang ipapahayag ni Ned ang pag-ibig niya sa kanya sa sandaling iyon, ngunit tumango siya sa pagod pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ned. “Magsabi ka.”“Ayos lang, Mr. Lawrence,” huminto si Ned sandali habang tahimik siyang nagsabi, “Hindi talaga ako bakla, at hindi rin ako interesado sa'yo sa paraang iniisip mo.”"Huh?"Nabigla si Frank sa katapatan ni Ned.Pero kung hindi siya bakla…“Tama ang pagkakarinig mo, Mr. Lawrence. Kinailangan kong magpanggap.” Tumango si Ned, sabay huminto nang may mapait na tawa. “Hindi
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah