At iyon ang huling ekspresyon sa mukha ni Pax bago siya namatay. Boom!Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa ere sa taas ng hotel sa South Morhen. Sumigaw ang mga nagulat na sibilyan habang bumusina naman nang malakas ang mga kotse dahil matindi ang bombang ito.Kahit na sumabog ito ilang distansya mula sa hotel, tinamaan pa rin ng shockwave ang gusali at yumanig ito nang malakas. Hindi maiiwasang napatumba sa lapag ang lahat ng mga sibilyan sa ibaba. Arf! Arf! Arf!Isang taong pinapalakad ang itim na aso niya ang nahagip sa shockwave, ngunit kaagad na tumayo ang aso at mabangis na sumigaw sa langit. Hindi nagtagal, isang sunog na bagay ang bumagsak mula sa langit papunta sa harapan nila. Lumapit ang itim na aso at inamoy ito… pagkatapos ay nagsimulang kumain. Nang lumapit ang may-ari para tignan ito, kaagad siyang bumagsak sa lapag at sumigaw. Iyon ay dahil isa itong sunog na braso ng isang lalaki!-Naalerto ang Morgen kasunod ng pagsabog at nalaman sa DNA test
Bumuntong-hininga ulit si Ned, sabay umiling. Para naman kay Frank, pinili niyang manatili roon—mas komportableng manatili sa iisang kwarto kasama nila nang wala ang mga magagandang lalaking umaaligid sa kanya. Kung hindi, aalis siya kaagad. Pagkatapos ay kinawayan ni Ned si Hux paalis bago seryosong tumingin kay Frank, isang bagay na hindi pa niya pinakita noon.“May pabor akong hihilingin, Mr. Lawrence…”Kumunot ang noo ni Frank. Inasahan niyang ipapahayag ni Ned ang pag-ibig niya sa kanya sa sandaling iyon, ngunit tumango siya sa pagod pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ned. “Magsabi ka.”“Ayos lang, Mr. Lawrence,” huminto si Ned sandali habang tahimik siyang nagsabi, “Hindi talaga ako bakla, at hindi rin ako interesado sa'yo sa paraang iniisip mo.”"Huh?"Nabigla si Frank sa katapatan ni Ned.Pero kung hindi siya bakla…“Tama ang pagkakarinig mo, Mr. Lawrence. Kinailangan kong magpanggap.” Tumango si Ned, sabay huminto nang may mapait na tawa. “Hindi
Huminto si Ned, pagkatapos ay mahinang nagtanong, “Kung ganun, pwede ko bang malaman ang tunay mong pangalan?”Malalaman kaagad ng kahit na sino na hindi Vicky ang tunay na pangalan ni Frank. Bahagyang kumunot ang noo ni Frank nang nakita niya ang matapat na mga mata ni Ned, at sa huli ay bumuntong-hininga siya. “Frank Lawrence.”“Frank Lawrence?” Seryosong tumango si Ned. “Ikinararangal kong makausap ka nang tapat, at gusto ko talagang maging magkaibigan tayo. At salamat sa pagligtas mo sa'kin kahapon, kundi talagang mapapatay ako ni Pax doon.”Pagkatapos ay pagod na ngumiti si Ned. “Hindi ko inakalang ang gang na personal kong pinalaki ay kakagatin ako pabalik.”“Pinalaki mo sila?” Tinaas ni Frank ang isang kilay niya. “Oo.” Tumango si Ned at tumingin sa paligid para tiyaking walang nakikinig sa kanila bago nagsalita, “Ang totoo, may away sa loob ng pamilya ko na lalo lang lumaki sa paglipas ng panahong. Humaling na humaling ang lahat na maging susunod na head ng pamilya. Ang
Tumingin si Frank kay Ned mula sa galit, kahit na may ideya na siya kung ano ang binabalak ni Ned. “Gusto kong mag-alok ng isang partnership, Mr. Lawrence. Tulungan mo kong pabagsakin ang kapatid ko at makuha ang pamumuno sa pamilya ko, at pwede mong makuha ang kahit na anong sabihin mo, mapa-pera, kasikatan, o babae.”Sa hindi ikinagulat ng kahit na sino, sinusubukang kunin ni Ned si Frank, at naiwan naman si Frank sa isang nakakailang na sitwasyon. Sa tapat na opinyon niya, hindi mukhang walang kwentang basagulero si Ned. Makikinabang si Frank sa pagkakaibigan nila, pero ang problema ay hindi pumunta si Frank sa Morhen para sunod-sunod na makipag-away. Nagpunta siya rito para malaman kung anong nangyari kay Vicky Turnbull… ngunit sumigla ang mga mata ni Frank sa naisip niya. “Mr. Janko, gusto kong magtanong… Sa tingin mo may pagkakataon ang pamilya mo laban sa mga Turnbull o mga Lionheart?”“Sa mga Turnbull o mga Lionheart?” Nabigla si Ned at yumuko para mag-isip bago kumun
Huminto si Ned nang marinig na nagtanong si Frank tungkol sa kondisyon ng tatay niya at naparoon ang puso niya nang naalala niya kung paano nilabanan ni Frank ang nervebreaker na ginamit ni Pax sa kanila noon. “Sabi ng kapatid ko, naging kulay lila ang labi ng tatay ko,” paliwanag niya. “Kumikibot din ang mga braso’t binti niya at kasing lamig ng yelo, at nawalan na siya ng malay. Tumango si Frank at nakikita na niya kaagad na isang ice-type na lason ang ginamit sa tatay ni Ned. Habang tahimik na nag-iisip, nagsalita siya, “Pwede nating pag-usapan ang partnership sa susunod, pero mas magandang itabi mo ang pill na'to kung gusto mo pang mabuhay para magawa yun.”“Huh? Ano?” Mukhang nagtaka si Ned nang kinuha niya ang dilaw na pill.“Isa itong pill na lumalaban sa ice-type poison. Kung tama ang paglalarawan ng kapatid mo, iyon ang lumason sa tatay mo. Gagamutin ito ng pills nang ilang araw.”Hindi rin kawalan para kay Frank ang pill dahil hindi naman ito mahalaga—isa lang itong
Takot na takot si Hux dahil naisip niyang nag-iisip si Frank ng dahilan para burahin siya. “Magaling. Pwede mo kong tawagan kapag may nahanap ka.” Tumango si Frank at nagsimulang umalis habang sinamahan siya ni Hux palabas ng bar. Doon nila nakasalubong ang ilan sa mga kaklase ni Kat, kabilang na si Mandy Doncic. Gayunpaman, habang tinitigan kaagad nang masama ni Mandy si Frank, kumaway ang ibang mga babae kay Frank bilang pagbati. Lalo na't gwapo siya. Kahit na napatunayang mayabang siya ilang gabi ang nakaraan, isa pa rin siyang malakas na martial artist. Ang mga kababaihan—lalo na ang mga dalagita pa lang—ay mahilig sa gwapong mukha. “Uy, naaalala mo ba kami?” Lumapit pa ang isa kay Frank at binati siya. Magalang na tumango si Frank at nagpakita ng kaunting respeto. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba teritoryo to ng Sunblazers?” pagkatapos ay nag-aalangang nagtanong ang babae sa harapan, sabay tumingin sa likuran ni Frank para tignan ang karatula. “Wala. Naglalakad la
“Ayos lang,” sabi ni Frank. “Hindi naman ako magtatagal sa Morhen—pwede na'to. Hindi mo ko kailangang bigyan ng iba pa.”Tumingin siya sa susi na nilagay ni Hux sa kamay niya ngunit hindi niya ito tinanggihan dahil kailangan niya rin ng masasakyan papunta sa kahit saan. Gayunpaman, ‘pagtitiyagaan’ na niya ang Maserati nang marinig ang isang grupo ng mga binatang nagulat mula sa malayo. “Puta, isang Maserati?! Sinong importanteng tao ang may-ari nito?!”“Teritoryo ito ni Mr. Darman… Kaya baka siya?”“Ang angas… Ang baba ng skirt!Habang hinangaan ng mga binata ang Maserati, mukha ring nainggit si Soren Lionheart dito. Gayunpaman, sumimangot siya sa pagtanggi. “Bibili ng bagong kotse ang tatay ko sa susunod na ilang araw—imamaneho ko to para ipakita sa inyo sa susunod. Hindi ito Maserati, pero hindi ito magpapatalo kumpara diyan.”“Ang galing! Iba talaga si Soren!”“Oh, pero di tayo makakasakay—tiyak na para iyon kay Kat.”“Hehe…” Lumaki ang ulo ni Soren sa mga papuri ng mga
Putulin ang kamay ni Frank?Hindi lang walang abilidad si Hux na gawin iyon, hinding-hindi niya tatangkaing gawin iyon! Pak!Sinampal nang malakas ni Hux si Soren sa mukha nang walang sabi-sabi, sabah tinuro siya sa ilong at sinigawan, “Sino ba sa tingin mo si Mr. Lawrence?! Sinusubukan mo ba siyang banggain, basura ka?! Bakit di mo muna tignan ang sarili mo sa salamin?! Kapag ininsulto mo pa ulit si Mr. Lawrence, bubugbugin kita tuwing makikita kita! Kaya lumayas ka ba! Ang sakit mo sa mata!”Pagkatapos, nang para bang hindi pa siya kuntento sa pagwawala niya, sinipa niya si Soren sa lapag at dinuraan siya sa mukha bago bumalik sa loob ng bar."Huh…"Naiilang na nakatitig ang mga binata kay Soren habang kinutya at binugbog siya ni Hux, at ang mga babae naman ay nakaturo sa kanya at sinesenyasan siya nang may pangungutya. Nagtanong ang isa sa mga binata sa kaibigan niyang katabi niya, “Uy, sa tingin mo ba talagang mahalagang tao si Mr. Lawrence at di niya talaga kailangan si S