Tumingin si Frank kay Ned mula sa galit, kahit na may ideya na siya kung ano ang binabalak ni Ned. “Gusto kong mag-alok ng isang partnership, Mr. Lawrence. Tulungan mo kong pabagsakin ang kapatid ko at makuha ang pamumuno sa pamilya ko, at pwede mong makuha ang kahit na anong sabihin mo, mapa-pera, kasikatan, o babae.”Sa hindi ikinagulat ng kahit na sino, sinusubukang kunin ni Ned si Frank, at naiwan naman si Frank sa isang nakakailang na sitwasyon. Sa tapat na opinyon niya, hindi mukhang walang kwentang basagulero si Ned. Makikinabang si Frank sa pagkakaibigan nila, pero ang problema ay hindi pumunta si Frank sa Morhen para sunod-sunod na makipag-away. Nagpunta siya rito para malaman kung anong nangyari kay Vicky Turnbull… ngunit sumigla ang mga mata ni Frank sa naisip niya. “Mr. Janko, gusto kong magtanong… Sa tingin mo may pagkakataon ang pamilya mo laban sa mga Turnbull o mga Lionheart?”“Sa mga Turnbull o mga Lionheart?” Nabigla si Ned at yumuko para mag-isip bago kumun
Huminto si Ned nang marinig na nagtanong si Frank tungkol sa kondisyon ng tatay niya at naparoon ang puso niya nang naalala niya kung paano nilabanan ni Frank ang nervebreaker na ginamit ni Pax sa kanila noon. “Sabi ng kapatid ko, naging kulay lila ang labi ng tatay ko,” paliwanag niya. “Kumikibot din ang mga braso’t binti niya at kasing lamig ng yelo, at nawalan na siya ng malay. Tumango si Frank at nakikita na niya kaagad na isang ice-type na lason ang ginamit sa tatay ni Ned. Habang tahimik na nag-iisip, nagsalita siya, “Pwede nating pag-usapan ang partnership sa susunod, pero mas magandang itabi mo ang pill na'to kung gusto mo pang mabuhay para magawa yun.”“Huh? Ano?” Mukhang nagtaka si Ned nang kinuha niya ang dilaw na pill.“Isa itong pill na lumalaban sa ice-type poison. Kung tama ang paglalarawan ng kapatid mo, iyon ang lumason sa tatay mo. Gagamutin ito ng pills nang ilang araw.”Hindi rin kawalan para kay Frank ang pill dahil hindi naman ito mahalaga—isa lang itong
Takot na takot si Hux dahil naisip niyang nag-iisip si Frank ng dahilan para burahin siya. “Magaling. Pwede mo kong tawagan kapag may nahanap ka.” Tumango si Frank at nagsimulang umalis habang sinamahan siya ni Hux palabas ng bar. Doon nila nakasalubong ang ilan sa mga kaklase ni Kat, kabilang na si Mandy Doncic. Gayunpaman, habang tinitigan kaagad nang masama ni Mandy si Frank, kumaway ang ibang mga babae kay Frank bilang pagbati. Lalo na't gwapo siya. Kahit na napatunayang mayabang siya ilang gabi ang nakaraan, isa pa rin siyang malakas na martial artist. Ang mga kababaihan—lalo na ang mga dalagita pa lang—ay mahilig sa gwapong mukha. “Uy, naaalala mo ba kami?” Lumapit pa ang isa kay Frank at binati siya. Magalang na tumango si Frank at nagpakita ng kaunting respeto. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba teritoryo to ng Sunblazers?” pagkatapos ay nag-aalangang nagtanong ang babae sa harapan, sabay tumingin sa likuran ni Frank para tignan ang karatula. “Wala. Naglalakad la
“Ayos lang,” sabi ni Frank. “Hindi naman ako magtatagal sa Morhen—pwede na'to. Hindi mo ko kailangang bigyan ng iba pa.”Tumingin siya sa susi na nilagay ni Hux sa kamay niya ngunit hindi niya ito tinanggihan dahil kailangan niya rin ng masasakyan papunta sa kahit saan. Gayunpaman, ‘pagtitiyagaan’ na niya ang Maserati nang marinig ang isang grupo ng mga binatang nagulat mula sa malayo. “Puta, isang Maserati?! Sinong importanteng tao ang may-ari nito?!”“Teritoryo ito ni Mr. Darman… Kaya baka siya?”“Ang angas… Ang baba ng skirt!Habang hinangaan ng mga binata ang Maserati, mukha ring nainggit si Soren Lionheart dito. Gayunpaman, sumimangot siya sa pagtanggi. “Bibili ng bagong kotse ang tatay ko sa susunod na ilang araw—imamaneho ko to para ipakita sa inyo sa susunod. Hindi ito Maserati, pero hindi ito magpapatalo kumpara diyan.”“Ang galing! Iba talaga si Soren!”“Oh, pero di tayo makakasakay—tiyak na para iyon kay Kat.”“Hehe…” Lumaki ang ulo ni Soren sa mga papuri ng mga
Putulin ang kamay ni Frank?Hindi lang walang abilidad si Hux na gawin iyon, hinding-hindi niya tatangkaing gawin iyon! Pak!Sinampal nang malakas ni Hux si Soren sa mukha nang walang sabi-sabi, sabah tinuro siya sa ilong at sinigawan, “Sino ba sa tingin mo si Mr. Lawrence?! Sinusubukan mo ba siyang banggain, basura ka?! Bakit di mo muna tignan ang sarili mo sa salamin?! Kapag ininsulto mo pa ulit si Mr. Lawrence, bubugbugin kita tuwing makikita kita! Kaya lumayas ka ba! Ang sakit mo sa mata!”Pagkatapos, nang para bang hindi pa siya kuntento sa pagwawala niya, sinipa niya si Soren sa lapag at dinuraan siya sa mukha bago bumalik sa loob ng bar."Huh…"Naiilang na nakatitig ang mga binata kay Soren habang kinutya at binugbog siya ni Hux, at ang mga babae naman ay nakaturo sa kanya at sinesenyasan siya nang may pangungutya. Nagtanong ang isa sa mga binata sa kaibigan niyang katabi niya, “Uy, sa tingin mo ba talagang mahalagang tao si Mr. Lawrence at di niya talaga kailangan si S
Umirap si Kat na nanood habang humiga si Frank sa kama nang may blangkong ekspresyon. Yumuko siya at sumigaw direkta sa tainga niya, “Hoy! Nakikinig ka ba?!”“Nakikinig ako,” walang pakialam na sagot ni Frank habang sinusundot ang tainga niya nang lumingon siya sa kanya nang mukhang napapagod. “Kuntento ako, kaya magpatuloy ka, gawin mo ang lahat ng magagawa mo… at pwede ba umalis ka na? Kwarto ko to.”“At bahay ko to! Sabi mo tuturuan mo ko ng martial arts kung kaya kong linangin ang vigor ko!”“Malayo ka pa sa kakailanganing pamantayan.” Kinawayan siya ni Frank nang parang isang nakakainis na langaw. “Hoy, anong problema mo? Bakit parang ayaw mong mapalapit sa'kin?” Nagpamaywang si Kat nang may inis na kitang-kita sa mukha niya. “Ganun ba?” Masungit na sumagot si Frank. “Kung ganun, paano kung tigilan mong magsalita sa paraang magkakamali ng pagkakaintindi ang mga tao? Wala akong pakialam sa kasikatan, pero may reputasyon pa rin akong kailangang protektahan.”“Ano?” Blangko
Bumuntong-hininga si Frank habang umiiling. “Sige na nga.”Hindi niya talaga gustong turuan si Kat ng martial arts. May taong malapit sa kanya na kinailangang maglagay sa kanya ng seal para pigilan siya sa pagiging isang martial artist. Malamang ay si Nash ito o ang nanay niya. Gayunpaman, napatunayang hindi mapipigilan ang talento ni Kat at nilinang niya ang vigor niya sa kabila ng seal gamit lamang ng talento. Talagang napalakas nito ang interes ni Frank sa pagsasanay ng mga talentadong indibidwal. “Ipokus mo ang vigor mo sa mga pulso mo, tapos pakawalan mo ang lahat pagsuntok mo. Parang ganito—hup!”Mabilis itong pinakita ni Frank na sumuntok sa ere. May narinig na putok nang sumabog ang isang mansanas sa mesa. “Ito ang pinakasimpleng martial technique—ang Skyrush Jab,” paliwanag niya, nang hindi binabanggit kay Kat na usa itong Mystic Sky Sect technique. “Ang galing!” Natuwa si Kat na makitang ipakita ni Frank ang technique niya at tumakbo siya pabalik sa kanya niya p
Tumingin si Frank kay Frida. Nang makita siyang tumango, kinuha ni Frank ang tseke habang nakatitig kay Yonca. “Sige, kinuha mo ang tseke—ibig sabihin pumapayag ka sa kasunduan ng mga Turnbull. Tara na—hindi ko na kayang tiisin ang lugar na'to.”Kumaway si Yonca at sinenyasan si Frida na magmaneho. “Sandali!” Pinigilan sila ni Frank nang makitang paalis na sila at nakatulalang nagtanong, “Anong kasunduan? Wala akong alam tungkol dito.”“At saka…” Tumingin si Frank sa tsekeng hawak niya at itinaas ito. “Para saan to?”“Gusto mo talagang ipaliwanag ko pa sa'yo? Tanga-tanga talaga.” Suminghal si Yonca at umirap ulit. “Isa yang tsekeng nagkakahalaga ng isang bilyon. Ngayong kinuha mo yan, wag mo nang guluhin si Vicky. Kuntento ka na ba?!”Nang natapos si Yonca, galit na lumingon si Frank kay Frida. “Anong ibig sabihin nito?!”“Ito mismo ang ibig sabihin nito.” Pagod na bumuntong-hininga si Frida. “Nagpasya si Ms. Turnbull na pakasalan si Titus Lionheart, at pumayag na ang mga ma
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka