Umirap si Kat na nanood habang humiga si Frank sa kama nang may blangkong ekspresyon. Yumuko siya at sumigaw direkta sa tainga niya, “Hoy! Nakikinig ka ba?!”“Nakikinig ako,” walang pakialam na sagot ni Frank habang sinusundot ang tainga niya nang lumingon siya sa kanya nang mukhang napapagod. “Kuntento ako, kaya magpatuloy ka, gawin mo ang lahat ng magagawa mo… at pwede ba umalis ka na? Kwarto ko to.”“At bahay ko to! Sabi mo tuturuan mo ko ng martial arts kung kaya kong linangin ang vigor ko!”“Malayo ka pa sa kakailanganing pamantayan.” Kinawayan siya ni Frank nang parang isang nakakainis na langaw. “Hoy, anong problema mo? Bakit parang ayaw mong mapalapit sa'kin?” Nagpamaywang si Kat nang may inis na kitang-kita sa mukha niya. “Ganun ba?” Masungit na sumagot si Frank. “Kung ganun, paano kung tigilan mong magsalita sa paraang magkakamali ng pagkakaintindi ang mga tao? Wala akong pakialam sa kasikatan, pero may reputasyon pa rin akong kailangang protektahan.”“Ano?” Blangko
Bumuntong-hininga si Frank habang umiiling. “Sige na nga.”Hindi niya talaga gustong turuan si Kat ng martial arts. May taong malapit sa kanya na kinailangang maglagay sa kanya ng seal para pigilan siya sa pagiging isang martial artist. Malamang ay si Nash ito o ang nanay niya. Gayunpaman, napatunayang hindi mapipigilan ang talento ni Kat at nilinang niya ang vigor niya sa kabila ng seal gamit lamang ng talento. Talagang napalakas nito ang interes ni Frank sa pagsasanay ng mga talentadong indibidwal. “Ipokus mo ang vigor mo sa mga pulso mo, tapos pakawalan mo ang lahat pagsuntok mo. Parang ganito—hup!”Mabilis itong pinakita ni Frank na sumuntok sa ere. May narinig na putok nang sumabog ang isang mansanas sa mesa. “Ito ang pinakasimpleng martial technique—ang Skyrush Jab,” paliwanag niya, nang hindi binabanggit kay Kat na usa itong Mystic Sky Sect technique. “Ang galing!” Natuwa si Kat na makitang ipakita ni Frank ang technique niya at tumakbo siya pabalik sa kanya niya p
Tumingin si Frank kay Frida. Nang makita siyang tumango, kinuha ni Frank ang tseke habang nakatitig kay Yonca. “Sige, kinuha mo ang tseke—ibig sabihin pumapayag ka sa kasunduan ng mga Turnbull. Tara na—hindi ko na kayang tiisin ang lugar na'to.”Kumaway si Yonca at sinenyasan si Frida na magmaneho. “Sandali!” Pinigilan sila ni Frank nang makitang paalis na sila at nakatulalang nagtanong, “Anong kasunduan? Wala akong alam tungkol dito.”“At saka…” Tumingin si Frank sa tsekeng hawak niya at itinaas ito. “Para saan to?”“Gusto mo talagang ipaliwanag ko pa sa'yo? Tanga-tanga talaga.” Suminghal si Yonca at umirap ulit. “Isa yang tsekeng nagkakahalaga ng isang bilyon. Ngayong kinuha mo yan, wag mo nang guluhin si Vicky. Kuntento ka na ba?!”Nang natapos si Yonca, galit na lumingon si Frank kay Frida. “Anong ibig sabihin nito?!”“Ito mismo ang ibig sabihin nito.” Pagod na bumuntong-hininga si Frida. “Nagpasya si Ms. Turnbull na pakasalan si Titus Lionheart, at pumayag na ang mga ma
Alam na alam ni Frida na ang kakayahan ni Frank ay higit pa sa kaya niya o ng mga bodyguard ni Yonca. Kapag talagang ginalit nila si Frank dito, tiyak na magbabayad sila. Dahil dito, nagmakaawa si Frida, “Pakiusap, Mr. Lawrence—hindi talaga tayo ang magdedesisyon. Ginawa ko ang lahat, pero…”“Yan na ang lahat ng magagawa mo?!” Galit na sigaw ni Frank habang nakaturo sa maputlang si Yonca.“Sige!” Sumigaw si Kat mula sa taas, malinaw na napanood niya ang lahat ng nangyari. “Bugbugin mo na ang tangang gurang na yan!”“Sinong tinatawag mong gurang, puta ka?!” Sumigaw si Yonca nang parang palengkera at nakapamaywang. Nainis siya ni Kat dahil kinaaayawan niya ang kahit na sinong mangutya sa itsura niya. “Kumalma kayo!” Sigaw ni Frida. Kahit na ganun, alam niyang hindi na niya mapapakiusapan si Frank ngayon—malinaw na hindi siya susuko. At kapag hinayaan nilang lumala ang lahat, baka sugurin niya talaga ang Turnbull House at guluhin ang lahat. “Heto!” Naglakad si Frida sa pa
Bago nakapasok si Nash sa pintuan, hinila siya ng babaeng nakatira sa katabing bahay papunta sa isang tahimik na sulok at sinabi sa kanya ang lahat ng nangyari. Natural na isa itong pasabog na halos matumba si Nash. “Ano?! Buntis si Kat, at ang ama ay isang mayamang lalaki?! Nagmamaneho siya ng Maserati at mukhang mahirap sa unang tingin?!”Muntik siyang sumabog sa galit nang nakita niya ang Maserati na nakaparada sa tapat ng pinto niya. Simula nang namatay ang asawa niya, si Kat na lang ang nag-iisang dahilan niya para manatili sa mundong ito. Bakit pa niya kailangang yumuko sa lahat ng bagay? Ang gusto niya lang ay mabuhay si Kat nang ligtas… ngunit nabuntis kaagad siya pagkatapos niyang matapos sa pagiging bata!Hindi ito katanggap-tanggap at muntik na siyang mabaliw. Gayunpaman, nang naglakad siya sa bakuran niya ay may napansin siyang mali—isang itim na sedan ang nakataob habang nakatayo lang si Frank sa malapit. Sa tabi niya, sabik na dumadaldal si Kat tungkol sa isan
Habang sinakay ni Frank sa Kat sa Maserati niya, nakauwi na si Ned Janko sa dati niyang bahay. Nang sumugod siya sa kwarto ng tatay niya, nakita niya kaagad si Hal, ang anim na taong gulang na anak ng kapatid niya, sa labas ng pinto. Naglalaro si Hal ng water gun niya kasama ng mga katulong at kaagad niyang tinutok ang baril sa mukha ni Ned nang nakita niya siya. “Hahaha!!!” Pinalo niya ang hita niya habang binasa niya ang mukha at damit ni Ned, sabay ininsulto pa siya gamit ng isang tula. “Ned, anong nangyari sa'yo? Sinipa ka sa ulo ng gwapo mong kalaguyo!”“Ikaw…!” Tinitigan nang masama ni Ned ang bata habang hinawi niya ang basang buhok niya mula sa mukha niya.Pwede niyang sampalin ang batang ito para sa pang-iinsulto niya, pero hindi niya magawa—kapag sinaktan niya ang pamangkin niya, bubugbugin naman siya ng sarili niyang kapatid. “Hmph,” suminghal siya, pagkatapos ay nagngitngit ang ngipin at hindi pinansin ang bata nang pumasok siya sa kwarto ng tatay niya. “Haha!
"Hahaha…"Ibinato ni Hal ang water gun niya sa lapag at tumawa nang malakas habang hinawakan ni Ned ang sarili niyang mukha. Ang ‘tubig’ na ginamit sa kanya ni Hal ay mainit at may hindi maipaliwanag na mabahong amoy. Habang nakatitig nang masama kay Hal na mapangutyang nakatingin sa kanya, pinatunog niya ang mga kamao niya. Sinigawan naman siya ni Paula. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ned?! Bubugbugin mo ba ang pamangkin mo sa harapan ng tatay mo?! Ang kapal ng mukha mo!”“H-Hindi…” Bumuntong-hininga si Ned habang pinakalma niya ang kamay niya. Tumawa nang mas malakas si Hal doon at tumalon pa nga para suntukin si Ned nang paulit-ulit sa tuhod, “Lumuhod ka! Nandito ang daddy ko!”"Hal." Biglang nagsalita si Yed nang nakakunot ang noo. Huminto si Hal at nagtanong, “Ano yun, Daddy?”Inisip ni Ned ay pipigilan ni Yed si Hal, ngunit suminghal si Yed. “Bakit mo siya hinahawakan? Basura siya.”“Sige…” Masunuring tumango si Hal at inapakan nang malakas ang paa ni Ned bag
Tinignan ni Yed si Ned nang may pagdududa, pagkatapos ay direktang nagsabi, “Hindi nakukuha ng kahit na sino ang ganitong klase ng lason, at alam nating lahat kung gaano kabait ang tatay ko—walang kahit na sinong may motibo maliban kay Ned. Mag-isa si Papa sa kwarto kasama niya nang higit sa isang oras kagabi. Sigurado talaga akong siya ang may gawa nito!”“May ebidensya ka ba?” Tanong ni Lothar, sabay tinignan si Yed. Hindi siya tanga—si Yed ang pinakamaambisyon sa pamilya habang si Ned ay palaging natatakot at hindi sumosobra. Kahit ilang beses pa itong isipin ni Lothar, hindi siya kumbinsidong magagawa ito ni Ned. Sa halip, si Yed ang pinakakaduda-duda. “H-Hindi ko nilason si Papa,” hinanda ni Ned ang sarili niya at nangatwiran. “Bakit ko gagawin ang ganun? Wag mo kong siraan, Yed…”“Ano, sinasagot mo ba ako?!” Naging mapanganib ang mga mata ni Yed at lumapit siya kay Ned nang handa siya bugbugin. “Ang lakas ng loob mong sigawan si Daddy, baog!” Sabat ni Hal. “Tama na!