Share

Kabanata 823

Tinignan ni Yed si Ned nang may pagdududa, pagkatapos ay direktang nagsabi, “Hindi nakukuha ng kahit na sino ang ganitong klase ng lason, at alam nating lahat kung gaano kabait ang tatay ko—walang kahit na sinong may motibo maliban kay Ned. Mag-isa si Papa sa kwarto kasama niya nang higit sa isang oras kagabi. Sigurado talaga akong siya ang may gawa nito!”

“May ebidensya ka ba?” Tanong ni Lothar, sabay tinignan si Yed.

Hindi siya tanga—si Yed ang pinakamaambisyon sa pamilya habang si Ned ay palaging natatakot at hindi sumosobra.

Kahit ilang beses pa itong isipin ni Lothar, hindi siya kumbinsidong magagawa ito ni Ned.

Sa halip, si Yed ang pinakakaduda-duda.

“H-Hindi ko nilason si Papa,” hinanda ni Ned ang sarili niya at nangatwiran. “Bakit ko gagawin ang ganun? Wag mo kong siraan, Yed…”

“Ano, sinasagot mo ba ako?!” Naging mapanganib ang mga mata ni Yed at lumapit siya kay Ned nang handa siya bugbugin.

“Ang lakas ng loob mong sigawan si Daddy, baog!” Sabat ni Hal.

“Tama na!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status