Hindi inasahan ni Yed na manlalaban si Ned at isang nakakamatay na aura ang dumaloy mula sa kanya. Sumali namin si Paula. “Bantayan mo ang bibig mo, Ned! Kapatid mo yang kausap mo!”“Baog!” Sumigaw din si Hal. Ang lakas ng loob mong sigawan ang daddy ko! Mamatay ka na!”Tumalon ang bata at naghandang suntukin si Ned nang bigla siyang sumigaw, “Tama na!”Pagkatapos, hinablot ni Ned si Hal sa kwelyo, sabay sinampal si Hal na sa sobrang lakas ay dumugo ang bibig ng bata. Kaagad itong umiyak sa takot. “Daddy! Tulungan mo ko…”Namula ang paningin ni Yed nang sumigaw siya, “Bitiwan mo siya! Utos ko yan, kundi papatayin kita ngayon din!”“Pinapakita mo na ba ang tunay mong kulay ngayon?!” Tumili rin si Paula. “Manahimik kayo! Sawang-sawa na ko sa inyong dalawa!” Sumigaw si Ned at lumingon kay Lothar. “Nakita mo kung anong nangyari, Tito Lothar! Nakikita mo kung sinong parang walang intensyong magligtas kay papa, di ba?!”Dumilim naman ang mga mata ni Lothar. Nang wala pang isang s
Sakay ni Frank si Kat sa Maserati niya. Umikot sila sa labasan ng Morhen at pabalik na sa cottage nang natanggap niya ang tawag ni Ned. “Pasensya na, Mr. Lawrence, pero gusto kong humingi ng pabor sa'yo…” Sabi kaagad ni Ned. Tiyak na naintindihan niya ang tunay na lalim ng kakayahan ni Frank ngayong maging ang kilalang manggagamot na kagaya ni Abel Loggins ay humahanga sa tradisyonal na pill na simpleng binigay ni Frank. Dahil alam niyang higit pa si Frank sa inasahan niya, nanatiling mapagpakumbaba ang tono ni Ned. “Ah, Mr. Ned Janko.” Tumango si Frank sa kabilang linya. “Anong problema? Meron bang hindi inaasahang nangyari at hindi gumana ang pill ko?”Sa tabi ni Frank, napabulalas si Kat sa gulat, “Ned Janko? Yung pangalawang anak ni Ciril Janko, yung sinasabi nilang bakla?!”Habang nakangiti, lumayo siya kay Frank nang parang sinasadya niyang gumawa ng distansya. “Ganun pala,” bulong niya. “Kaya pala di ka interesado sa'kin… Bakla ka!”“Tigilan mo yan.” Tinitigan siy
Lumingon si Lothar kay Yed at malamig na nagtanong, “Anong problema, Yed? Hindi ba nararapat sa isandaang milyon ang buhay ng ama mo? O baka hindi mo talaga siya gustong mailigtas?!”“A-Anong sinasabi mo?!” Pinagpawisan si Yed sa malamig na titig ng tito niya at naiilang na tumawa. “Syempre gusto kong gumaling ang tatay ko. Nag-aalala lang ako na baka pumalpak siya at lumala ang sitwasyon…”“Hmm?” Bumulong si Frank sa kabilang linya. “Mukhang hindi niyo yata gusto ang tulong ko. Kung ganun, wala na tayong pag-uusapan.”“Sandali!” Sumigaw si Lothar bago naibaba ni Frank ang tawag. “Sige, isandaang milyon. Pumapayag dito si Yed.”Pagkatapos, lumingon siya kay Yed nang para bang papatay at sumigaw, “Sabihin mo!”“Sige… isandaang milyon,” sagot ni Yed habang minumura si Lothar sa loob-loob niya. Kung hindi dahil sa pagsawsaw ng tito niya, napatay na sana niya ngayon si Ned at naging nag-iisang tagapagmana ng mga Janko. “Tsk, tsk… Parang napipilitan ka lang.” Tumawa si Frank na nil
Mas lalong sumama ang mukha ng lahat lalo na nang nakita nila si Kat—isang batang tumitingin sa paligid. Interesado siya sa lahat ng bagay sa paligid niya. Sa kabilang banda, hindi nagdalawang-isip si Ned at nilapitan niya kaagad si Frank. “Maligayang pagdating, Mr. Lawrence,” binati ni Ned si Frank habang nagdagdag nang pabulong, “Yung sagot ko sa alok mo noon… Pakiusap, kailangan mong iligtas ang tatay ko.”“Oo.” Nginitian siya ni Frank at tinapik siya sa balikat. Ngumiti nang kakaiba si Kat nang nakita niya iyon at tinitigan siya nang masama ni Frank. Alam niyo kung anong nasa isip niya. Tumawa nang malakas si Lothar at binati rin si Frank. “Ikaw siguro ang Mr. Lawrence na kinekwento ni Ned? Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?”Tumango si Frank at sumagot nang walang emosyon, “Frank Lawrence.”“Frank Lawrence…?” Palihim na nadismaya si Lothar dahil hindi pa niya narinig ang paggalang iyon, pero tinago niya ito nang maayos. Pagkatapos pumasok si Frank sa mansyon kasa
May punto nga talaga siya—ang isang basurang kagaya ni Ned ay hindi makakakilala ng taong mas magaling pa kaysa kay Abel. Kung talagang ganun kagaling ang binatang ito kagaya ng ipinagmamayabang niya, bakit hindi pa siya sikat?Habang nasa isip iyon, tinitigan ni Yed si Frank mula sa likuran at ngumisi nang malamig. Waling milyon? Baka naman karma?!Kung hindi siya ininsulto ni Frank, kuntento na sana si Yed na bugbugin ang manlolokong ito at itapon siya palabas ng mansyon niya. Gayunpaman, sobrang nagalit si Yed sa kayabangan ni Frank—at wala pang nang-insulto sa mga Janko na hindi naparusahan!-Hindi nagtagal, nagtipon na naman ang mga Janko sa kwarto ni Ciril. Lumapit si Frank kay Ciril, at sa isang tingin lang, umiling siya at nagsabing, “Taut Snow Tree—isa sa pinakamabisa ng Hundred Bane Sect. Ilang araw lang ang kayang ibigay ng Yellow Shrive kay Mr. Janko sa halip na tuluyan siyang magamot.”Kumunot ang noo ni Abel—hindi kaya nagkamali siya? Ang paraan kung paano
Higit pa roon, napakagaling ng paraan ni Frank sa pagkontrol ng pure vigor niya—maging ang pangkaraniwang Birthright rank ay hindi ito magagawa!“Hindi kaya nakumpleto na niya ang Birthright rank?” Bulong ni Lothar. Habang nagulat siya sa sarili niyang hula, bigla ring napuno ng pag-asa ang puso niya. Baka mailigtas ng batang ito ang buhay ng kapatid niya!“Hayop…”Sa kabilang banda, nanlisik ang mga mata ni Yed habang pinanood niya si Frank na magsagawa ng acupuncture. Birthright rank din ang batang ito? Ibig sabihin ba nun kaya niyang iligtas si Ciril?!Kinabahan siya nang maisip niya ito!Sa tabi niya, tuluyang naglaho ang pagdududa ni Abel kay Frank nang pinanood niya siya at bumulong, “Ang Five Plum Spiritus technique…?!”Mga eksperto lang ang nakakakilala sa eksperto, at namutla ang mukha ni Abel habang pinanood niyang gamutin ni Frank si Ciril. Bigla siyang nagsisi matapos niyang maging bastos sa binata!Nagmatigas pa siyang nagtanong tungkol sa pagkatao ng guro n
“Nakita mo ang ginawa mo?!” Hinablot ni Yed si Ned sa kwelyo. “Tama nga ako. Talagang sinusubukan mong patayin ang tatay natin!”Gayunpaman, napasigaw si Lothar sa gulat bago masaktan ni Yed si Ned. “Tigil! Tignan niyo!”Tumingin ang lahat sa kung saan nakaturo si Lothar. Pagkatapos, nakita nila ang mukha ni Ciril na may nagbibitak na itim na yelo sa buong lapag kung saan tumama ang kumukulong tubig. “Ano? Paanong…” nabigla si Yed.Inalis ni Ned ang sarili niya sa mga kamay ni Yed nang nakangisi. “Yed, mukhang ikaw ang ayaw mailigtas si Papa!”“Anong…” Walang nasabi si Yed. “Ayusin mo ang sinasabi mo, Ned!” Kaagad na dinepensahan ni Paula si Yed. “Nag-aalala siya sa papa mo. Bakit niya susubukang saktan ang tatay mo?”“Tama!” Tumango si Yed sa kabila ng nambubulabog na konsensya niya. Sa kabilang banda, nang makitang tapos na ang trabaho niya, bumuntong-hininga si Frank at ibinaba si Ciril para pahigain siya sa kama. Bumalik din ang sigla sa pisngi ni Ciril—malayo sa kul
Tinapos ito ni Abel, “Ang hinihingi ko lang ay mga pointers mula sa'yo, Mr. Lawrence, at habangbuhay na tatanaw ng utang na loob ang buong pamilya namin sa malaking pabor na ito.”“Ang pamilya mo?” Naging interesado si Frank doon.Nagmadali si Ned sa kanya at nagpaliwanag, “Mr. Lawrence, ang pamilya ni Mr. Loggins ay isang dinastiya ng mga doktor at manggagamot. Sila ang top family sa Morhen pagdating sa larangan ng medisina, at nagmamay-ari sila ng mga ospital at apothecary. “Ganun pala…” Hinimas ni Frank ang baba niya. Nagkaroon siya ng kaunting ideya. Papalpak siguro siya kung lalabanan niya ang mga Lionheart at mga Turnbull nang mag-isa… Pero baka hindi ganun ang mangyari sa tulong ni Ned at ng pamilya niya. Para naman sa mga Loggins, mukhang may impluwensya sila sa Morhen bilang isang pamilya ng mga doktor at gusto silang makilala ni Frank kung may pagkakataon.Habang nasa isip iyon, tumango siya. “Nakikita kong sinsero ka—ibigay mo sa'kin ang address mo. Bibisitahin kita