“Baliw ako?!” Umatras nang ilang hakbang si Pax at nilabas ang phone niya. “Kagaguhan! Kayo ang baliw dito!”Habang nakaturo kay Hux, mabangis siyang sumigaw, “Ikaw hayop ka! Minaltrato ba kita?!”“Hindi,” kalmadong ng sagot ni Hux habang tumingin siya nang masama. “Kung ganun, bakit kailangan mo kong palitan?!” Sigaw ni Pax na nanlaki ang mga mata sa galit. “Bakit?! Bakit kailangan mo akong traydurin?!”Bumuntong-hininga si Hux. “Pag-isipan mo to. Kung ikaw ang nasa lugar ko, tatanggi ka bang maging boss?”Nanigas si Pax sa mga salita ni Hux, pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Hindi.”“Kung ganun, wala kang karapatan para sisihin ako. Magkatrabaho lang tayo matagal na—hindi tayo partners na may malalim na pinagsamahan,” malamig na sabi ni Hux. “Hindi pagtatraydor ang ginawa ko. Ang malakas lang ang mamumuno! Ikaw na mismo ang nagsabi niyan.”“Hah!” Sumbat ni Pax. “Malakas? Ikaw?! Alalay ka lang na walang kahit na ano maliban sa swerte mo!”“At isa pa ring anyo ng lakas ang swe
“A-Asa…”Bago pa masabi ni Hux na ‘asa ka’, nagsimula siyang nakakita ng bituin at para bang umikot ang mundo niya, nang parang lasing siya. “Mukhang gumagana na ang lason…” Mapagmataas na tumawa si Pax habang pinanood niyang bumagsak ang lahat. Doon siya lumingon kay Frank at napahinto siya sa paghinga. Nakatayo roon si Frank, diretsong-diretso na para bang hindi siya naapektuhan. Nakatitig pa nga siya kay Pax nang mukhang interesado. “I-Imposible!” Sigaw ni Pax sa pagkataranta. “Pinanood itang inumin ang wine na yun… Paanong nakatayo ka pa rin?!”Talagang nag-iwan sa kanya ng impresyon ang lakas ni Frank habang mabilis niyang tinalo ang Four Kings. Kung hindi naapektuhan si Frank ng nervebreaker, mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya ngayon!“Malakas na droga ang nervebreaker, pero isa akong master sa medisina at nakita ko na ang mga patibong mo.” Umiling si Frank at bumunot ng isang pilak na karayom mula sa pulso niya. Initsa niya ang karayom, na lumapag sa kal
Pak!Nang may nakaikot na hawak, hinablot ni Frank si Gigi sa bukong-bukong at hinila siya. Kahit na nawalan siya ng balanse, dumiretso siya sa mga bisig ni Frank at bigla siyang namula sa hiya. Kumunot ang noo ni Frank, ngunit pagpapanggap lang ang pamumula niya mula sa umpisa pa lang. Sa isang iglap, bumagsak ang ekspresyon niya habang bumuka ang mga labi niya. Pagkatapos, isang patalim ang lumipad mula rito na pinalakas ng pure vigor habang dumiretso ito papunta sa leeg ni Frank. “Hah!” Naningkit ang mga mata ni Frank at pinakawalan ang pure vigor niya para patalbugin ang patalim. “Mukhang hindi talaga ako pwedeng mag-alinlangan…”Nang may masamang ekspresyon, hinablot niya si Gigi sa leeg at hinampas siya sa pader. Bang!“Ahhh…” umungol siya sa sakit, ngunit may dala itong bakas ng kahalayan.Ang kahit na sinong lalaking makakarinig sa kanya ay tiyak na matutulala, ngunit hindi muling mahuhulog si Frank sa mga patibong niya. Nang humigpit ang mga daliri niya, may na
“Asa ka! Ikaw lang ang mamamatay dito!”Dinampot ni Frank ang bag gamit ng isang kamay at ibinato ito palabas ng bintana bago lumitaw sa tabi ni Pax sa isang kurap. “Eh?” Huminto sa pagtawa si Pax habang napanganga siya sa gulat. Para siyang isang bibeng hinablot sa leeg. Imposible! Sa ganitong bilis… tao pa ba siya?!“Lumayas ka rito!” Sigaw ni Frank habang pinalipad niya si Pax sa isang sipa."Oof!"Sa sobrang lakas ng sipa ay tumalsik si Pax sa ere nang parang bala ng kanyon. Bumangga siya sa bintana ng hotel at lumipad sa malayo. Muntik mawalan ng malay si Pax doon, pero tiniis niya ang sakit para magkamalay at napansin niyang nasa ere siya pagkatapos siyang sipain ni Frank palabas ng bintana. “Hahaha!” Nahihibang siyang tumawa habang mabilis na nagkalkula ang isipan niya. “Maraming salamat, Vicky Lawrence—iniligtas mo ako!”Lalo na't sasabog na ang buong hotel maya-maya lang!Kahit na mabalian ng buto o kaya'y maparalisa si Pax pagkatapos masipa mula sa ganitong taas
At iyon ang huling ekspresyon sa mukha ni Pax bago siya namatay. Boom!Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa ere sa taas ng hotel sa South Morhen. Sumigaw ang mga nagulat na sibilyan habang bumusina naman nang malakas ang mga kotse dahil matindi ang bombang ito.Kahit na sumabog ito ilang distansya mula sa hotel, tinamaan pa rin ng shockwave ang gusali at yumanig ito nang malakas. Hindi maiiwasang napatumba sa lapag ang lahat ng mga sibilyan sa ibaba. Arf! Arf! Arf!Isang taong pinapalakad ang itim na aso niya ang nahagip sa shockwave, ngunit kaagad na tumayo ang aso at mabangis na sumigaw sa langit. Hindi nagtagal, isang sunog na bagay ang bumagsak mula sa langit papunta sa harapan nila. Lumapit ang itim na aso at inamoy ito… pagkatapos ay nagsimulang kumain. Nang lumapit ang may-ari para tignan ito, kaagad siyang bumagsak sa lapag at sumigaw. Iyon ay dahil isa itong sunog na braso ng isang lalaki!-Naalerto ang Morgen kasunod ng pagsabog at nalaman sa DNA test
Bumuntong-hininga ulit si Ned, sabay umiling. Para naman kay Frank, pinili niyang manatili roon—mas komportableng manatili sa iisang kwarto kasama nila nang wala ang mga magagandang lalaking umaaligid sa kanya. Kung hindi, aalis siya kaagad. Pagkatapos ay kinawayan ni Ned si Hux paalis bago seryosong tumingin kay Frank, isang bagay na hindi pa niya pinakita noon.“May pabor akong hihilingin, Mr. Lawrence…”Kumunot ang noo ni Frank. Inasahan niyang ipapahayag ni Ned ang pag-ibig niya sa kanya sa sandaling iyon, ngunit tumango siya sa pagod pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ned. “Magsabi ka.”“Ayos lang, Mr. Lawrence,” huminto si Ned sandali habang tahimik siyang nagsabi, “Hindi talaga ako bakla, at hindi rin ako interesado sa'yo sa paraang iniisip mo.”"Huh?"Nabigla si Frank sa katapatan ni Ned.Pero kung hindi siya bakla…“Tama ang pagkakarinig mo, Mr. Lawrence. Kinailangan kong magpanggap.” Tumango si Ned, sabay huminto nang may mapait na tawa. “Hindi
Huminto si Ned, pagkatapos ay mahinang nagtanong, “Kung ganun, pwede ko bang malaman ang tunay mong pangalan?”Malalaman kaagad ng kahit na sino na hindi Vicky ang tunay na pangalan ni Frank. Bahagyang kumunot ang noo ni Frank nang nakita niya ang matapat na mga mata ni Ned, at sa huli ay bumuntong-hininga siya. “Frank Lawrence.”“Frank Lawrence?” Seryosong tumango si Ned. “Ikinararangal kong makausap ka nang tapat, at gusto ko talagang maging magkaibigan tayo. At salamat sa pagligtas mo sa'kin kahapon, kundi talagang mapapatay ako ni Pax doon.”Pagkatapos ay pagod na ngumiti si Ned. “Hindi ko inakalang ang gang na personal kong pinalaki ay kakagatin ako pabalik.”“Pinalaki mo sila?” Tinaas ni Frank ang isang kilay niya. “Oo.” Tumango si Ned at tumingin sa paligid para tiyaking walang nakikinig sa kanila bago nagsalita, “Ang totoo, may away sa loob ng pamilya ko na lalo lang lumaki sa paglipas ng panahong. Humaling na humaling ang lahat na maging susunod na head ng pamilya. Ang
Tumingin si Frank kay Ned mula sa galit, kahit na may ideya na siya kung ano ang binabalak ni Ned. “Gusto kong mag-alok ng isang partnership, Mr. Lawrence. Tulungan mo kong pabagsakin ang kapatid ko at makuha ang pamumuno sa pamilya ko, at pwede mong makuha ang kahit na anong sabihin mo, mapa-pera, kasikatan, o babae.”Sa hindi ikinagulat ng kahit na sino, sinusubukang kunin ni Ned si Frank, at naiwan naman si Frank sa isang nakakailang na sitwasyon. Sa tapat na opinyon niya, hindi mukhang walang kwentang basagulero si Ned. Makikinabang si Frank sa pagkakaibigan nila, pero ang problema ay hindi pumunta si Frank sa Morhen para sunod-sunod na makipag-away. Nagpunta siya rito para malaman kung anong nangyari kay Vicky Turnbull… ngunit sumigla ang mga mata ni Frank sa naisip niya. “Mr. Janko, gusto kong magtanong… Sa tingin mo may pagkakataon ang pamilya mo laban sa mga Turnbull o mga Lionheart?”“Sa mga Turnbull o mga Lionheart?” Nabigla si Ned at yumuko para mag-isip bago kumun