“Ano?!” Kinamot ni Kat ang ulo niya bago tinanong si Frank, “Kung ganun, pwede mo kong tignan. Malay mo isa pala akong martial prodigy?”“Malabo.” Umiling si Frank. “Iunat mo ang kamay mo.”“Sige.” Kaagad na sumunod si Kat.“Makinig kang maigi,” seryosong sabi ni Frank. “Ilalagay ko ang purong vigor ko sa katawan mo. Kung maramdaman mo ito, ibig sabihin ay may kakayahan ka para sa martial arts. Kundi ay mauuwi lang sa wala ang pagsisikap mo.”“Teka lang, kaduda-duda yan,” biglang hinila ni Kat ang kamay niya habang tinitigan nang may pagdududa si Frank. “Pinagsasamantalahan mo ba ako?”“Pwes, kung di mo gagawin, kalimutan mo na ang tungkol dito,” masungit na sabi ni Frank na sumama ang ekspresyon. Gabing-gabi na at nagpapantasya pa rin ang batang ito. At wala talaga siyang intensyon na pakinggan ang kalokohan niya!“Hoy!” Nang makitang napupuno na si Frank, iniunat ni Kat ang kamay niya at tumigil sa pagtingin sa kanya nang nagdududa. “Binibiro lang kita—di ka ba marunong tum
Sa sobrang tibay ng seal, maging si Frank ay hindi ito kayang buwagin nang ganun kadali. Kahit na ganun, napagtanto niya pagkatapos magtingin na isa itong protective seal na hindi nakakasakit sa katawan. Ang isyu lang ay pinipigilan nito ang isang tao sa paggamit ng vigor nila—ang totoo, ang kahit na anong anyo ng vigor na lumitaw sa katawan niya ay magpapagana sa seal, na nagpapawala naman sa mga ito. Mukhang natapos na ang paglalakbay ni Kat bilang isang martial artist bago pa ito nagsimula, ngayong imposible niyang magamit ang vigor niya dahil sa seal. Gayunpaman, nagdala ito ng iba pang tanong. Kailangan nito ng martial artist na nasa tuktok ng Ascendant rank para gumamit ng ganitong seal, at malaki ang kapalit nito sa kanila. Kung ganun, anong mayroon kay Kat at kailangang gamitin ng isang Ascendant rank ang seal na iyon sa kanya?At kung napatunayang hindi maayos ang seal, kakainin nito ang host nang wala pang isang segundo, kung kaya't malaking sugal ito. Hindi kaya
“Saan?” Diretsong tanong ni Frank. “Sa Sunblaze Dojo. Sa South Morhen,” sagot ni Hux. “Sige. Hintayin mo ko roon.”“Siya nga pala, Mr. Lawrence…” Pinigilan siya ni Hux bago niya maibaba ang tawag. “Kailangan mong mag-ingat. Hindi talaga natutuwa ang boss ko tungkol dito.”“Sige.”Pagkatapos nito, mabilis na naligo si Frank at lumabas. Tumawag siya ng taxi na dinala siya diretso sa Sunblaze Dojo. Hindi siya nagulat na nagalit ang boss ng Sunblazers sa sitwasyong ito—bakit niya isusuko nang ganun kadali ang posisyong pinagsikapan niyang makuha?Sa totoo lang, ang imbitasyon sa Sunblaze Dojo ay malinaw na isang patibong, dahil kitang-kita sa pangalan ng dojo na ito ang teritoryo ng Sunblazer at ang mga dojo ay lugar kung saan dumadanak ang dugo. -Nang dumating si Frank higit sampung minuto ang nagdaan, sinalubong siya ni Hux kasama ng isang grupo ng mga kalalakihan. Mapagpaumanhin siyang nakangiti at madidilim ang paligid ng mata niya. “Mag-iingat ka, Mr. Lawrence. Pinata
"Heh…" Tumingin si Pax kay Frank, sabay ngumiti na hindi umabot sa mga mata niya. "Kailan naging desisyon ng isang tagalabas ang susunod na pamumuno para sa amin na mga Sunblazer? Iniisip mo ba uto-uto ako na susuko na lang dahil may nagsabi nito?!"Nagbago ang tono ng pananalita niya habang nakatitig siya kay Frank. "Wala akong problema kung hinahamon mo ako, Hux, pero handa ka ba sa mga kahihinatnan nito?!"Nanginig ang pisngi ni Hux sa banta ni Pax, ngunit hindi nagtagal ay napansin niyang tumango si Frank sa kanya.Sa isang hakbang pasulong, kampante siyang sumigaw, "Syempre naman! At dapat handa ka rin sa mga mangyayari pagkatapos mong bumaba, Pax!""Hah! Wala kang dapat alalahanin diyan, dahil siguradong talo ka!" Ngumisi si Pax.Ang kumpiyansa niya ay nagmula sa Four Kings, na ang bawat isa ay mga martial elite na sinanay mula pagkabata at nasa Birthright rank na may mala-diyos na kakayahan.Hindi kalabisan na sabihing kaya nilang lumaban sa mahigit isang daang tao nan
”Ano? Anong nangyayari?” Lumingon si Frank kay Hux, nagtaka siya sa kanyang reaksyon.Lumapit si Hux para bumulong, "Siya si Ned Janko. Siya ang sumusuporta kay Pax Darman."Nagtaas ng kilay si Frank. "Ganyan ba talaga kahanga-hanga ang Janko family?"Napapagod na tumingin si Hux sa tanong niya. "Ang pamilya ni Ned ay kasunod ng Four Families ng Morhen sa kahalagahan, at si Ned mismo ay pangalawa sa linya para magmana ng pamumuno sa pamilya. Bukod dito, kamakailan lamang ay sinubukan ng mga Janko na kunin ang bakanteng upuan sa Four Families kasunod ng paghina ng Lawrence family.""Oh, ganun pala..." Hinawakan ni Frank ang baba niya sa realisasyon.Doon nagmadali si Pax sa tabi ni Ned kasama ng Four Kings nang nabigla nila sina Frank at Hux. "Hoho..." Tumawa siya. "Punong-puno ako ng pasasalamat, Mr. Janko… Hindi ko inakalang personal kang pupunta!"Habang nagsasalita ay tumingin si Pax kay Hux at ngumiti nang nakakaloko nang makitang namutla ang mukha ni Hux.Lalo na't walang
Napakatalino talaga ni Pax, inutusan niya ang mga tauhan niya na kumuha ng mga upuan para kay Ned at sa kanyang mga vallet.Nagbago ang kanyang ugali dahil hindi na siya gaanong nag-aalala kasama si Ned—walang maglalakas-loob na magpababa sa kanya kasama ang kanyang benefactor.Gayunpaman, kailangan niyang maglagay ng tamang palabas para sa lalaki.Lumingon siya sa mga tao, malakas at nakasimangot na sinabi niya, "Napakatapang ng binata doon... Bawat naroroon sa Sunblazer ay magiging saksi ko. Kung matatalo niya ang Apat na Hari, bababa ako sa puwesto at si Hux ang pumalit sa akin."Nagtawanan ang lahat dahil doon."Hehe." Si Frank ay pinatibay lamang ang mga pangungutya at mapang-asar na mga salita at dahan-dahang humakbang patungo sa singsing, na binali ang kanyang leeg.Lumingon si Pax sa Four Kings. "Sige na, pero tandaan niyo, magpakitang gilas kayo. Nanonood si Mr. Janko! Huwag niyo akong sisihin kapag itinakwil ko kayo kapag natalo kayo!""Yes, Mr. Barzini!" Sumagot ng oo
Subalit, tama si Ned at ang mga pogi niyang mga vallet.Ang Apat na Hari ay higit pa sa itinatag ang kanilang mga sarili-talaga bang mananalo si Frank laban sa kanila?Ang pag-iisip ay muling nawalan ng pag-asa kay Hux.Kahit na natalo ni Frank si Pax, nandito si Ned—papayag ba talaga siyang si Hux ang pumalit?Sumakit ang ulo niya sa kakaisip tungkol dito...-Samantala, ang Apat na Hari ay lumipat sa loob ng ring, nakatayo sa tapat ni Frank at nakatitig sa kanya nang may panghahamak.Kilala nila ang bawat martial elite sa Morhen at hindi pa nila nakita ang mukha ni Frank o narinig ang pangalang Vicky Lawrence.Sa madaling salita, siya ay mula sa labas ng bayan-isang bumpkin na ignorante sa katotohanan na ang tubig ay umagos nang malalim dito sa Morhen.Higit pa riyan, ang Apat na Hari ay may kakayahang talunin ang sinuman sa Morhen—hadlangan ang mga martial elite mula sa Apat na Pamilya.Dahil dito, sa paghusga kay Frank sa kanyang kabataan, ang Apat na Hari ay patay na sig
Ang malala pa dito, nabali ang mga buto sa braso ni Dono, at hindi niya ito maiangat!“Ano?!”Hindi lang din si Dono—nakanganga ang iba sa Apat na Hari at ang buong pulutong ng mga manonood.Inilagay ni Dono ang buong lakas sa likod ng suntok na iyon. Dapat ay binutas niya ang anumang bagay, pader man o bundok!Gayunpaman, hindi man lang naramdaman ni Dono ang paglapat ng kanyang kamao sa laman ni Frank kanina—parang sinuntok na lang niya ang isang metal plate, na hindi nagdulot ng pinsala habang binasag ang lahat ng sariling buto.Talagang nakakatakot... Teka, Ascendant rank kaya siya?!Lahat ng nasa ibaba ng entablado ay naiwan sa hindi makapaniwala nang makita nilang si Dono ay natataboy na halatang-halata din, dahil inakala nilang tiyak na matatalo si Frank.At gayon pa man, hindi lamang naitaboy ni Frank ang suntok ni Dono, ngunit ang pag-urong ay nagdulot din kay Dono na napilayan!"Ano ba, Dono?!" Si Ano, ang pinuno ng Apat na Hari, ay sumigaw noon, nalilitong sulyap sa
“Ano…”Naiilang na bumulong si Frank, sabay lumingon kay Rory na nakatayo sa malayo. "Hmm…?"Mabilis na naintindihan ni Gene ang ibig niyang sabihin at kinawayan si Rory para umalis. May bakas ng inis na lumitaw sa mukha ni Rory sa isang iglap, at tinitigan niyang maigi si Frank habang nagpunta siya sa kwarto niya. Ngayong wala na siya, nagtanong si Gene, “Sige, malaya ka nang makakapagsalita ngayon, Mr. Lawrence. May kinalaman ba kay Rory ang sakit ko?”Bahagyang tumango si Frank. “Ang totoo, kailangan mong kumalma at makinig sa sasabihin ko sa'yo ngayon, Mr. Pearce.”“Sabihin mo sa'kin.” Sumama ang timpla ni Gene kahit nang nakita niya ang masamang ekspresyon sa mukha ni Frank. “May nagtanim ng Chestbusters sa loob mo… Ang totoo, may tatlo nito sa loob mo, nasa kalahating metro ang haba ng bawat isa nito. Kapag naging magulang ito, bubutasin nito ang dibdib mo.”Bumagsak ang ekspresyon sa mukha ni Gene kahit na binalaan siya ni Frank na kumalma. Nagsimula siyang matara
“Nagkataon lang talaga ito.” Matapat na sabi ni Frank. “Bumalik tayo sa kung saan tayo huminto, Mr. Lawrence. Ano ang gusto mong gantimpala?” Tanong ni Gene. Hindi siya nag-aalalang baka subukan siyang lokohin ni Frank—nag-aalala siya sa mga mas pambihirang hiling. Kilala ang mga espesyalista sa pagiging kakaiba at nanghihingi ng mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera. At kung pera lang ito, marami nito si Gene, kundi ay hindi niya magiging kasintahan ang top songstress ng Draconia. “Sige pala, didiretsuhin kita.” Ngumiti si Frank. “Kanina, gumawa kami ng asawa ko ng bid para sa ilang lote sa South Zamri, ngunit may nauna sa'min.”“Hmm?” Bulong ni Gene, at mabilis niyang napagtantong gusto ni Frank ang mga loteng iyon at tumawa siya, “Oh, maliit na bagay lang yun. Sasabihan ko si Zorn Woss ngayon din at tignan kung nakaalis na siya sa bid. Kung oo, sasabihan ko siyang gawin ang paperwork—sa’yo na ang lahat ng lote, Mr. Lawrence.”“Ano?!” Sumigaw si Rory Thames sa sandalin
Nagulat din si Frank. Lalo na't hindi niya inasahang makita rito si Rory Thames, ang top singer ng Draconia na nakaaway niya noon sa opening ceremony ng farm resort niya. Naaalala ni Frank ang okasyong iyon nang parang kahapon lang ito nangyari, kaya hindi siya magkakamali. Halatang nakilala rin siya ni Rory at kaagad niya siyang sinigawan, “Sinong nagsabi sa’yong pumunta ka rito? Layas!” Sinubukan niyang isara ang pinto sa mukha niya, ngunit nasalo ito ni Frank gamit ng isang kamay. Hindi siya interesado kay Rory, pero hindi niya rin hahayaang mawala sa kanya ang pagkakataong ito. Nang nakangiti, sabi niya, “Ms. Thames, nandito ako para gamutin ang sakit ni Mr. Pearce. Hindi ba nakakabastos kung palalayasin mo ako kaagad ngayon?”“Gagamutin mo si Mr. Pearce? Talaga?” Suminghal si Rory, pero sumuko siya sa pagsara ng pinto nang makitang hawak itong maigi ni Frank. Umatras siya nang ilang hakbang, sabay pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang suminghal siya,
Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, sabi ni Frank, “Medyo kulang sa sinseridad kung pag-uusapan natin to sa telepono. Bakit di tayo mag-usap nang harapan?”“Sige,” mabilis na sagot ni Gene kahit na hihintayin pa niya ang sagot niya. Napaisip siya pagkatapos ibaba ang telepono—para bang bata pa ang lalaki, pero napakakampante niya. “Heh…” Tinawanan niya ang sarili niya. Isang taon na siyang nagkasakit, kahit na pinanatili niya itong isang lihim. Sa umpisa, napagod lang siya at naisip niyang lumamig lang ang kasintahan niya, pero hindi nagtagal ay nalanta ang katawan niya. Pagkatapos, nahirapan na rin siyang maglakad—at ngayon, hindi na niya kayang maglakad nang walang tulong, dahil iikot ang paningin niya at sasakit nang matindi ang kalamnan niya. Sinubukan na ni Gene ang lahat ng magagawa niya, bumisita siya sa bawat isang ospital at kumonsulta sa bawat isang kilalang doktor sa buong Draconia. Sinubukan niya rin ang lahat ng klase ng medical equipment at gamot, n
Kumunot ang noo ni Helen at bumuntong-hininga. “Kung ganun… sumusuko na ba tayo?”Sa totoo lang, ayaw niyang manalo si Kallum, pero isa itong imposibleng layunin at hindi niya dapat ipilit ang sarili niya. “Syempre hindi tayo susuko.” Ngumiti si Frank at tumango kay Helen. “May naisip akong ideya. Bumalik ka na lang muna sa Lanecorp at maghintay.”“Talaga?” Nagduda si Helen, pero dahil ito ang sabi ni Frank, tumango na lang siya at sinabihan si Frank na huwag masyadong magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang umalis, nag-inat ng likod si Frank. “Sige, puntahan natin ngayon ang pinakamayamang lalaki ng East Coast.”Umalis siya ng mansyon at sumakay ng taksi sa main street at sinabihan ang tsuper, “Sa Grand Coast Hotel.”Ito rin ang hotel na tinutuluyan nila ni Helen.-"Hello?" Sinagot ng nakakalbong si Gene Pearce ang telepono sa sala. Nakasuot siya ng bathrobe, at sa kabila ng pagiging pinakamayamang lalaki sa East Coast, halatang masama ang kalusugan niya mula sa nangingitim n
Mabilis na sabi ni Will, “Kumalma lang kayong lahat. Ang mga nasa taas ang nagdesisyon nito. Head lang ako ng department at hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon rito—sa kasamaang palad, walang mangyayari kung sa'kin kayo magrereklamo.”Doon lumingon si Will kay Frank, at naintindihan ito kaagad ni Frank. Gusto silang tulungan ni Will, pero may nakatataas na mangialam. “Drenam Limited? Narinig mo na ba sila noon?” Tanong ni Frank kay Helen habang tumingin sa nasa apatnapung taong gulang na si Mr. Woss na hindi mukhang may-ari ng isang negosyo. “Hindi. Baka hindi pa nga sila totoo… Kahit na totoo sila, imposibleng maging napakalaking kumpanya nila,” kampanteng sabi ni Helen. Lalo na't nagsaliksik na siya—kaya niyang ilista ang bawat isang kumpanya sa Zamri na may impluwensiya, at hindi pa niya talaga naririnig ang Drenam Limited.At ngayong gumagana pa rin ang kasunduan nina Helen at Kallum, hindi nila hahayaang mapunta sa kamay ng iba ang mga lote. Kinuha ni Frank ang phone
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n