Share

Kabanata 788

Kahit na hindi ito sabihin ni Kat o ni Nash, parehong pinahahalagahan ng mag-ama ang isa't-isa.

Ipinagtanggol ni Kat ang tatay niya noong nasaktan siya, kahit na isa dapat siyang nagrerebeldeng dalaga at sa kabila ng mga kahihinatnan nito.

Ganun din si Nash, kung kaya't sigurado si Frank na medyo nagrerebelde lang si Kat at hindi bulok ang pag-uugali niya.

At normal lang ito para sa mga babaeng nasa edad niya.

“Oh, gabing-gabi na, Mr. Lawrence… Matulog ka na. Naglinis na ako ng kwarto para sa'yo.”

Mula rito, dinala ni Nash si Frank sa taas papunta sa guest room.

Hindi engrande ang disenyo rito, pero malinis ito at nasa loob ang lahat ng kailangan niya.

“Sapat na ba ito para sa'yo, Mr. Lawrence?” Nag-aalalang tanong ni Nash.

“Maganda to. Wag kang mag-alala, hindi ako mareklamo.” Tumango si Frank. “Salamat, Nash.”

Nakahinga nang maluwag si Nash at bahagyang yumuko habang sinara niya ang pinto. “Walang anuman, at dapat ikaw ang pasalamatan ko—napahamak siguro kami ng anak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Julius Manuel Allivart Flores
ang ekse nman ...ska lumayo na ang kwento ...
goodnovel comment avatar
Joey Alladin
amizing,,,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status