“Sa tingin mo hindi ka magmumukhang tanga sa ginagawa mo? Hindi, mas magmumukhang tanga ka lang! Hahaha… Huh?”Biglang tumigil sa pagtawa si Sif nang nakita niya ito—ang maliit na usbong na nasa palad ni Frank pagkatapos mabasag ng hale pearl. Walang duda… Tumutubo ang usbong sa loob ng perlas!At kahit na maliit ito, malinaw ito kagaya ng isang perpektong hiyas. Ang hugis nito ay gawa ng isang master craftsman, at napakaliwanag ng kulay emerald na kinang nito na masakit itong titigan nang matagal!Higit pa roon, makikita ang matingkad na berdeng dagta na dumaloy sa malinaw na usbong at ang sandamakmak na vigor na dala nito. Kahit ang isang tanga ay makikitang espesyal ito. “H-Hindi ba isa yang Hale Marrow? Hindi ba alamat lang yun?!” Tumili si Tavis nang napakalakas pagkatapos ng sandaling pagkagulat nang walang pakialam sa pagligtas sa kahihiyan ni Sif. Nagkagulo ang auction hall sa sandaling iyon. “Hale Marrow? Ano yun?”“Puta, ang Hale Marrow! Maliit lang ang tyansa n
Naramdaman niyang nagbuhol ang kalamnan niya lalo na nang may nagtanong kay Frank nang malakas kung ibebenta niya ang Hale Marrow sa halagang limampung bilyon. Dalawandaang milyon para sa limampung bilyon—hindi na kailangang sabihing kumita nang napakalaki si Frank!Kinalaban niya sana ang bid ni Frank kung alam niya lang ang salamangkang tumutubo sa loob ng hale pearl, at talagang pinagsisihan niya ngayong hindi niya ito ginawa! Kung pwede lang, babalik siya sa nakaraan para sampalin ang sarili niya nang dalawang beses!Bigla na lang, pinatunog ni Trevor ang dila niya nang tuwang-tuwa. “Kumusta, Ms. Lionheart? Hindi ko inakalang ibinenta ng pamilya mo ang Hale Marrow sa Leaf family para lang sa halagang dalawandaang libo. Ang masasabi ko lang ay… Tsk, tsk.”Tuwang-tuwa rin si Frank, at bihira siyang matuwa sa kahit na ano—ang Hale Marrow ay isang napakapambihirang kayamanan, at mas pambihira pa kaysa sa Five Elemental Wonders. Hindi na sa pagpapagaling sa sarili niya—kikita n
Gayunpaman, walang intensyon si Frank na makipagnegosasyon at direkta siyang tumanggi. “Pasensya ka na, Ms. Lionheart—may paggagamitan akong malaking bagay para sa Hale Marrow ko, at hindi ko to ibebenta kahit magkano pa ang ialok mo sa'kin.”“Ano?!” Nabigla si Sif at uminit ang ulo niya. Ito ang unang beses na may tumanggi sa kanya, ang heiress ng Lionheart!“Nagmamabuting-loob na nga ako rito!” sigaw niya. “Alamin mo ang lugar mo at ibigay mo yan sa'kin ngayon din! Walang kahit na sinong tumatanggi sa'kin, at palaging ibinibigay ng lahat ang kahit na anong gusto ko!”Tinaas lang ni Frank ang isang kilay niya at ngumiti. “Talaga? Paano mo nagawang ipaliwanag ang panghoholdap gamit ng mga makatarungang mga salita? O baka sa'yo rin ang lugar na'to? Siguro naman alam mo rin dapat kung paano sumunod sa patakaran, Ms. Lionheart?”“Manahimik ka! Ang salita ko ang batas!” Mayabang na sigaw ni Sif habang nakatitig nang masama kay Frank. “Sisiguraduhin ng mga Lionheart na magiging sulit
Ano pa bang punto ng auction ng Leaf family? Bakit di na lang nila ipamigay ang bawat isang gamit sa mga Lionheart?!“Hmph. Kung ganun, mauuna na ako.”“Oo nga, masyado namang malaki ang mga Lionheart para kalabanin natin.”Sa huli, tumayo ang isa sa mga bidder at umalis… at hindi nagtagal, grupo-grupo silang umalis. “Huh… Teka, sandali, sandali, wag kayong umalis!” Tinawag sila ni Jenny mula sa stage, ngunit karamihan ng bidders at nag-impake na para umalis. Lalo na't malinaw na ngayong wala silang dahilan para dumalo sa auction na ito. “Ano…” Natulala si Sif habang pinanood niya ang lahat na umalis ng auction hall. Hindi niya inasahang aalis na lang nang ganun-ganun ang lahat. Pero simple lang ang dahilan nila, at si Frank ang nagsimula nito—kung may kahit na sino sa kanilang makakuha ng kayamanan ngayon, makakaalis lang sila sa permiso ni Sif.Kapag sinabi niya, oras na para ibigay ito—o mahaharap sila sa bangis ng mga Lionheart. At dahil wala sa kanila ang kayang tang
“Sana'y maunawaan mo kami.”At nang may magalang na tango, umalis si Jenny nang hindi lumilingon pabalik. Naiwang nakatayo roon si Sif na nanginginig sa galit. Ito ang pinakamasaklap na araw para sa kanya!Nagbayad siya ng tumataginting na 5.5 billion dollars para sa dalawang piraso ng basura. At ang masaklap pa roon, nakita ng bawat isang malaking taong dumalo sa auction ang mapagbantang parte ng mga Lionheart, at sa sandaling kumalat ang balita tungkol dito, ito na ang magiging image ng lahat sa kanila. Hindi lang sa Norsedam—kahit ang main branch ng similya sa Morhen ay maaapektuhan!“Hayop…”Dahil alam niyang nagkamali siya nang malaki, hinigpitan ni Sif ang kamao niya habang muntik siyang lamunin ng galit niya. Ngunit si nagtagal ay ngumiti siya nang mabangis—dahil nagkamali na rin naman siya, kailangan niya na lang ipagpatuloy ang lahat hanggang sa dulo!Pagbabayarin niya si Frank kahit na magsalita ang buong Norsedam—at ang pinakamahalaga roon, ang nakuha ang kayam
Bumuntong-hininga si Frank. “Nakakamuhi si Sif Lionheart kagaya ng pagiging… malupit niya.”Halatang huminto ang Birthright rank goon leader nang nabanggit si Sif at sumigaw sa inis, “Wala kaming koneksyon kay Mr. Lionheart. Ibigay mo ang Hale Marrow o mamamatay ka!”“Ano, sinasabi mo bang mabubuhay ako kapag binigay ko too? At saka ‘Ms. Lionheart’?” Suminghal si Frank sa pagkamuhi, nadulas ka roon, pare.”Nang mapansing naloko siya, sinukuan na ng Birthright rank goon leader ang lahat ng pagpapanggap niya. “Sugod!” sigaw niya, sabay sinenyasan ang mga tao niyang atakihin si Frank. “Teka, ito ang gusto mo, tama?” Simpleng nilabas ni Frank ang Hale Marrow. “Tigil! Wag mong sirain ang Hale Marrow!”Umatras ang ilan sa mga goon nang nakita nila ito sa takot na baka masira nila ito. Kaagad na lumapit ang Birthright rank good leader kay Frank at inutusan siyang, “Tama na yan! Ibigay mo sa'kin yan!”“Sige, kunin mo,” sigaw ni Frank at ibinato ang Hale Marrow sa ere. Sa isang k
Habang naglabas si Frank ng mga hibla ng purong vigor, mabilis niya itong nilagay sa harapan niya. Hindi ito makikita ng pangkaraniwang tao, pero nararamdaman ng mga goon na bumagal ang kilos nila kahit na sumugod sila papasok. Hindi dapat mabuhay ang mas mahihina!Sa kabilang banda, kumilos nang mas mabilis si Frank habang nasa gitna siya ng miasma. Pow!Mabilis na lumapag ang mga kamao niya at naiwang sumuka ng dugo ang limang doon, sabay tumigas ang mga katawan nila. “Ano?! H-Hindi kaya nakumpleto na niya ang Birthright rank?!”Mabilis na iniatras ng goon ang binti niya nang nakita niya kung anong nangyayari. Nabigla ang mukha niya sa gulat nang para bang nakakita siya ng multo. Masyadong swabe at banayad ang kilos ni Frank nang parang isang dumadaloy na ilog na elegante ring tignan. Habang sumugod siya sa gilid ng nakabilog na goons, umatake siya gamit ng palad, kamao, o daliri niya habang nakataas pa rin ang mga sandata nila, kung kaya't naiwan silang nanigas sa kina
Hindi man lang nagtangka ang maswerteng tauhan na tumingin sa plaka ng kotse ni Frank habang umalis sila. Higit pa roon, hindi nagsinungaling si Frank—ang iba pang nakamaskarang tauhan ay nagsabing pagkalipas ng tatlompung minuto, ang bawat isa sa kanila ay nagkatinginan na para bang hindi nila maalala kung anong nangyari. Nang natauhan sila, natakot silang lahat nang napagtanto nilang may nakabangga si Sif na hindi niya dapat banggain. Kahit na ganun, dumating si Sif mismo at nakakunot ang noo niya sa kaguluhan sa paligid pati na rin sa tatlong pugot na katawan. “Anong nangyayari rito? Nasaan ang Hale Marrow ko?!” tanong niya. “Ms. Lionheart, masyadong malakas ang lalaking yun para sa'min,” lumapit ang maswerteng tauhan at hinanda ang sarili niya habang pinahayag niya ang mensahe ni Frank. “Pinatumba niya kaming lahat nang hindi man lang pinagpapawisan—talagang nalamangan niya kami.”“Wala kayong kwenta!”Nanggalaiti si Sif sa nanlulumong itsura nila at sumigaw, “Isa lang
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita