Share

Kabanata 720

Ano pa bang punto ng auction ng Leaf family? Bakit di na lang nila ipamigay ang bawat isang gamit sa mga Lionheart?!

“Hmph. Kung ganun, mauuna na ako.”

“Oo nga, masyado namang malaki ang mga Lionheart para kalabanin natin.”

Sa huli, tumayo ang isa sa mga bidder at umalis… at hindi nagtagal, grupo-grupo silang umalis.

“Huh… Teka, sandali, sandali, wag kayong umalis!” Tinawag sila ni Jenny mula sa stage, ngunit karamihan ng bidders at nag-impake na para umalis.

Lalo na't malinaw na ngayong wala silang dahilan para dumalo sa auction na ito.

“Ano…” Natulala si Sif habang pinanood niya ang lahat na umalis ng auction hall. Hindi niya inasahang aalis na lang nang ganun-ganun ang lahat.

Pero simple lang ang dahilan nila, at si Frank ang nagsimula nito—kung may kahit na sino sa kanilang makakuha ng kayamanan ngayon, makakaalis lang sila sa permiso ni Sif.

Kapag sinabi niya, oras na para ibigay ito—o mahaharap sila sa bangis ng mga Lionheart.

At dahil wala sa kanila ang kayang tang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
allan valenzuela
lapag lang nang lapag hahaha
goodnovel comment avatar
Joel Bautista Petalcorin
cge na udate na kunti kunti kasi update.. hindi kikita dyan ng malaki.
goodnovel comment avatar
Fernando Catayna
tgal mag update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status