Share

Kabanata 726

Maraming beses tinanong ni Walter si Vicky mula noon, ngunit hindi malinaw ang mga sagot ni Vicky—ang tanging sinasabi niya ay hindi na kailangang alalahanin ni Walter ang tungkol sa engagement niya kay Titus.

Sa madaling salita, nagdesisyon sila Titus at Vicky na i-annul ang kanilang engagement ng palihim.

At dahil dito, inasahan na ni Walter na hindi magtatagal ay magpapadala ng tao ang mga Lionheart upang bisitahin sila.

Kahit na wala siyang ideya kung bakit pumayag si Titus na i-annul ang engagement, ang katotohanan na sinabi iyon ni Vicky ay nangangahulugan na pumayag si Titus dito.

Habang lumilipad ang isip ni Walter, uminom ng tsaa si Sif at mabagal na nagsalita, “May isang buwan pa bago ang napagkasunduang araw ng engagement, pero sinabi sa’min ni Titus na annulled na daw ang engagement nang walang sinasabing dahilan.”

Tumingin si Sif kay Walter at nagtanong, “Iniisip ko lang kung alam mo ba ang tungkol dito, Mr. Turnbull?”

“Ano?” Nagulat si Walter, inisip niya ang tungko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status