Pagkatapos niyang ihatid sa paaralan sila Winter at Mona, nanatili si Frank sa loob ng kotse niya habang tinatawagan niya ang private number na binigay sa kanya ni Helen.“Hello?” Hindi nagtagal ay narinig ang pagod na boses ni Noel.“Ms. York? Ako ‘to, si Frank Lawrence,” sabi ni Frank. “Kamusta ka? Pwede ba kitang yayain na uminom?”Hindi niya inasahan na papayag ang isang star actress na gaya niya at hindi siya seryoso sa sinabi niya.Dahil dito, hindi niya inasahan na mananahimik sandali si Noel bago siya magtanong, “Saan?”“Huh…” Medyo nabigla siya, pinili lamang ni Frank ang unang lugar na sumulpot sa isip niya. “The Dynasty.”“Sige,” sagot ni Noel at ibinaba niya ang tawag.Napakamot ng ulo si Frank—pang pain lang niya ang imbitasyon, at hindi niya inasahan na kakagatin ito ng star actress.Ganun ba talaga siya kagwapo?Natawa si Frank habang hinihimas niya ang kanyang baba at iniliko niya ang kanyang Maybach upang magmadaling pumunta sa The Dynasty.-Gaya ng dati, m
Nang marinig ang sigaw ng lalaki, isang malaking kalbong lalaki ang naglakad mula sa malapit na bar. “Sinong gumagawa ng gulo?”Noong tumingin siya sa likod ng lalaki at nakita niya kung sino ito, agad niyang dinampot ang isang tablecloth at hinagis niya ito sa mukha ng lalaki. “Wala kang kwenta! Hindi mo nakilala si Mr. Lawrence dahil lang nakainom ka?! Sinabi ko na sayo na tumigil ka na sa paglalasing, pero ayaw mong makinig! At huwag mong isipin na idadamay mo ako sa kalat mo!”“Mr. Lawrence… Sino kamo?” Halatang hindi pa nahihimasmasan ang lalaking nasa lapag.Noong mahimasmasan siya, agad siyang lumuhod sa harap ni Frank. “Pasensya na talaga, Mr. Lawrence… Hindi kita nakilala! Sinabi din sa’min ni Bravo Lambert na libre ang lahat kapag bumisita ka—”“Umalis ka na lang,” sabi ni Frank, hindi siya interesado na parusahan ang lalaki dahil lasing siya at hindi maintindihan. “At huwag mo nang susubukan na pormahan ang mga babae ng gaya ng ginawa mo, o patay ka kapag nakita kita.”
Nagpatuloy si Frank, “Hindi ako inggarata, kaya sabihin mo sa’kin ang tungkol sa problemang kinakaharap mo at tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Natural, ang kondisyon ko ay ang iendorso mo ang farm resort gaya ng napag-usapan natin.”Naglaho ang pagdududa sa mga mata ni Noel habang nakatitig siya sa ngiti ni Frank, habang napalitan naman ng kalungkutan ang sarili niyang ngiti.“Hindi mo ako matutulungan, Mr. Lawrence.” Bumuntong hininga siya. “Pero kailangan ko ng kaibigan sa ngayon, kaya pakinggan mo na lang ako.”Muli siyang uminom ng cocktail bago niya sinabi ang lahat kay Frank—natural, siya ang biktima ng workplace bullying sa halip na ang may pakana nito.Ang Lycoris Entertainment, ang agency na kumakatawan sa kanya, ay dating pag-aari ng isang lalaki na nagngangalang Dylan Hood. Maimpluwensya siya sa east coast at matagal na siyang may gusto kay Noel. Sa katunayan, yung lalaking nagngangalang Dustin na nanghaharass kay Noel noong una siyang nakilala ni Frank ay nagtatr
Nang umupo si Burt, uminom siya ng isang bote ng alak at huminga siya ng malalim bago siya humarap kay Frank.“Tungkol ito kay Ms. Noel York…” Sabi ni Frank.“Teka, si Noel York? Yung actress?” Lumingon si Burt kay Noel ng may pagkagulat at pagkalito.“Ano, kilala niyo ang isa’t isa?” Nagtatakang nagtanong si Frank.“Hindi, hindi pa kami nagkita.” Umiling si Noel.“Hindi, hindi pa kami nagkita noon.” Natawa si Burt. “Nagkataon lang ‘to… Pero yung lalaking hinahabol ko kanina ay dating accountant sa agency mo, sa Lycoris Entertainment.”“Anong meron dun?” Tanong ni Frank, naging interesado siya.“Yung totoo, maliit na bagay lang ‘to.” Ngumiti si Burt. “Nakipagsabwatan ang accountant kay Dylan Hood, ang dating CEO, sa pamemeke ng mga finances ng kumpanya na naging dahilan ng pagbili dito ng mga Sorano kamakailan. Nagtatago na ngayon si Dylan, at iniwan niya ang accountant na ‘yun para maging scapegoat niya.”“Ano?!” Napatayo si Noel, tinitigan niya si Frank at hindi siya makapani
Nagulat si Noel sa suhestiyon ni Frank, dahil hindi niya inakala na may lakas ng loob si Frank na kalabanin ang mga Sorano.Higit pa rito, kaaway na niya ang mga Lionheart!Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank habang patuloy siya sa pagpaplano. "So, magtatayo ako ng isang biological preserve sa labas ng Riverton, na maaaring maging isang set ng pelikula na ineendorso ng isang star actress na gaya mo. Maglalabas din ako ng pera para sa paggawa ng isang pelikula kasama ka, kung saan pwede mong kunan ang ilang mga eksena sa resort ko. Pwede kang gumawa ng mga bagay tulad ng pag-aalaga sa farm at iba pa—mga bagay magmumukha kang isang karaniwang tao. Matrabaho ‘to, pero kukuha kami ng mga tour groups at mga turista sa mas mababang kalagayan..."Gumana nang husto ang isip ni Frank habang ipinapaliwanag niya ang lahat ng mga ideya na mayroon siya.Nagningning ang mga mata ni Noel dahil dito, at nang matapos si Frank, inaamin niya na may talino siya sa negosyo.Isang hamak na farm re
Bagaman umaasa si Noel na may mangyari, lumalabas na gusto lang talaga siyang ihatid pauwi ni Frank at wala nang iba.Hindi mapigilan ni Noel na madismaya.Pagkatapos, namula siya ng husto nang mapagtanto niya kung bakit, ibinagsak niya ang sarili niya sa kama, at ibinaon niya ang mukha niya sa kumot.-Sa kabilang banda, maganda ang mood ni Frank pagkalabas ng mansyon ni Noel.Gamit ang Hale Marrow na nakuha niya sa Norsedam, tutuparin niya ang mga claim na ginawa niya para sa farm resort at pagkatapos ay ang ilan.At sa pagsali ni Noel sa koponan, nakakagulat kung talagang nabigo ang kanilang mga pagsisikap sa promosyon.Gayunpaman, mayroong ilang mga ideya na kakailanganin niya ang kanyang peak form upang aktwal na gawin.Kaya naman, nang makaalis na siya sa mansyon ni Noel, tinawagan niya si Helen para sabihin sa kanya na naresolba na ang isyu ni Noel, ibinaba na ang tawag bago pa matanong ni Helen ang mga detalye.Pagkatapos ay nagmaneho siya sa Flora Hall, at nang hindi
Plop!Tila naririnig ang sigaw ni Frank, isang berdeng patak ang namuo sa loob ng meridian nexus ni Frank.Nagulat si Frank—hindi niya kayang magkaroon ng labis sa kanyang meridian nexus, bagama't hindi nagtagal ay kumalma siya.Ito ay purong kalakasan, pino hanggang sa huling butil.Ang kanyang natitirang panloob na sigla ay nadalisay din, na sa kalaunan ay mapipiga muli sa isang likidong anyo habang siya ay bumuti mula sa ranggo ng Kapanganakan hanggang sa ranggo ng Ascendant. Kung ang purong kalakasan ay maaaring mabisang pumatay sa loob ng sampung hakbang, ang likidong lakas ay hindi maiintindihan habang ang saklaw nito ay umaabot sa daan-daang metro.Naturally, hindi sinasabi na ito ay higit na nagwawasak pati na rin-kahit isang daliri na putok ng likidong lakas ay maaaring sumuntok sa bakal sa loob ng isang daang metro ang layo, na ginagawa itong mas nakamamatay kaysa sa mga bala.Sa yugtong iyon, ang isa ay talagang naging superhuman—isang halimaw sa balat ng isang tao.
Pagkatapos ay isinalin niya sa isang kasrola ang emerald longevity essence at nakahinga siya ng maluwag nang makatapos siya.Tumingin siya sa labas at nakita niya na hating gabi na.Ang kanyang silid ay magulo kahit na walang malaking butas sa dingding, at ang kanyang mga kasangkapan ay pira-piraso.Lumabas siya upang makitang tahimik at walang laman ang mansyon, maliban sa pag-alis ni Helen.Siya at ang iba pa ay umalis na. Mananatili sila sa isang hotel dahil nag-aalala siya na abalahin si Frank, ngunit may niluto na si Carol para sa kanya at iniwan ito sa refrigerator.Humalakhak si Frank pagkatapos basahin ang tala, naantig sa pakiramdam ng init ng pamilya.Ibinabaluktot ang kanyang mga paa, na lumangitngit nang malakas, naligo siya, at pagkatapos ay kinuha ang pagkain mula sa refrigerator at kinain ang lahat.Habang kumakain ay naalala niya ang phone niya at nakita niya ito sa kalat ng kwarto niya.Nabasag ang screen, ngunit nakikita niya ang mga hindi nasagot na tawag. Ki
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H
Bubuksan pa lang ni Helen ang pinto ng opisina niya at papasok nang sumigaw si Cindy, “Hah! Wag kang masyadong mayabang, Helen! Distraksyon lang ang lahat ng ginawa mo kanina—tama ako, ano? Hindi niyo kayang kunin ni Frank ang mga loteng iyon mula kay Gene Pearce, ano?” Huminto si Helen sa paglalakad at lumingon para titigan nang namumuhi si Cindy. “Mali ka. Naniniwala akong makukuha talga ni Frank ang lupang kailangan ng Lanecorp. Nangako siya sa'kin, at hindi niya ako ipapahiya.”“Hah! Ikaw na nagsabi! Kung ganun, mananatili ako rito!” Nagmamatigas na sigaw ni Cindy. “Tingnan natin kung anong magagawa ni Frank… At ano namang gagawin mo kapag di niya nagawa?”“Bababa ako bilang boses chairwoman ng Lanecorp.” Suminghal si Helen at pumasok sa opisina niya. “Hahaha! Sige… sabi mo, eh!” Tumawa si Cindy at naramdaman niyang umakyat ang dugo sa utak niya. Dahil iniwan siya ni Will, naniwala siyang dinidiin ni Helen ang sugat niya sa pagpapalayas sa kanya pabalik ng Riverton, at wala
Nang bumalik si Helen sa Lanecorp, nakita niyang nag-iimpake si Cindy at handa nang umalis, ngunit dumada muna siya sa bawat isang empleyado sa malapit. “Bakit di niyo hulaan kung anong nangyari pagkatapos makinig ng pinsan ko sa mahal niyang asawa at pumunta sa Drenam Limited? Sabi niya ibibigay ni Gene Pearce ang limang loteng nakuha niya sa bid, pero anong nangyari? Hindi man lang iyon alam ng valet niya! Oh, para silang sinampal sa mukha bang dumating kami roon!“Tsk, tsk… Nakita niyo sana ang mukha nina Helen at Frank… Napakalungkot ng mukha nila! Oh, ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Isipin niyo yun—si Gene Pearce ang pinakamayamang tao sa east coast! Bakit siya makikinig kay Frank? Sino ba siya sa tingin niya?”“Oh siya, aalis na ako.” Tumawa siya habang inimpake niya ang lahat ng gamit niya at nagsimulang umalis. “Pwede kayong manatili rito habang pinapabagsak nina Helen at ng ex-husband niya ang kumpanya niyo!”Kahit na ganun, nakasalubong niya si Helen, na narinig ang laha
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn
Sumama ang ekspresyon ni Zorn nang nakita niyang kayang harapin ni Gene ang kamatayan nang ganito kakalmado, trinato niya pa si Zorn na parang susunod siya sa lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam niya ay parang siya ang natalo kasi pinatay niya si Gene nang ganyan!At nang nakita ang kaseryosohan sa mga mata ni Gene, nagdalawang-isip siya. “Ah, naaalala ko kung paano ka nangakong susundan mo ko habangbuhay isang dekada ang nakaraan…” Biglang bumuntong-hininga si Gene nang inalala niya ito, nakangiti pa siya na parang binisita niya ang alaala ng sandaling iyon. “Matalik tayong magkaibigan simula noong mga bata pa tayo, at kahit na naghiwalay tayo sandali, lumapit ka sa'kin sa depression… may humahabol sa'yo. Kahit na ganun, pinagkatiwalaan kita nang walang kapalit. “Sa sobrang tapat ng mga salitang sinabi mo noon ay nakatatak ito sa alaala ko… Naaalala ko pa ito hanggang ngayon. Ikaw ang nag-iisang kaibigang pinagkatiwalaan ko sa buhay ko, tapos—”Habang mapait na tumatawa, pagt
“Ano?!”Hindi nakakibo kaagad ang martial artist na pinakamalapit kay Zorn at tumama ang kamao ni Zorn sa kanya. Sumabog ang ulo niya nang parang pakwan sa sandaling iyon, at nag-iwan ng kadiring pulang eksena. “Ano?! Ascendant rank siya?!”Kaagad na naramdaman ng ibang martial artist sa paligid ni Zorn na may mali. Lalo na't ang mga Ascendant rank ay mas malakas kaysa sa Birthright rank, kasama ng napakakapal na pure vigor nila na malaya nilang ginagamit. Natural na mayroong mga halimaw na kagaya ni Frank na hindi saklaw ng patakarang ito—nasa Birthright rank lang siya, pero karamihan ng mga nasa Ascendant rank ay mahihirapan sa kanya. Tanging mga nasa peak Ascendant rank ang kayang pumilit kay Frank na gamitin ang mga alas niya, at dahil iyon sa paghina niya tatlong taon ang nakaraan. Salamat sa pagdating niya sa Birthright rank nang dalawang beses, mas dumami at mas makapal ang pure vigor ni Frank, na walang binatbat sa mga nasa Ascendant rank. At ngayon, nakatago mism