”Napakasama mo!” Sumigaw si Noel, ngunit natakot siya.Pinangalagaan niya ang kanyang puri sa maraming taon ng pagtatrabaho niya sa showbiz, at mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa gumawa ng porno!"Hindi naman. Maiintindihan mo kapag nakatikim ka ng lalaki... Hahaha!" Natawa si Willy habang hinihila si Noel sa kanyang mga braso, ready for some action.Iyon ay nang nabasag ang bintana sa tabi niya nang ang isang thumb-sized na cobblestone ay pumutok sa loob, na tumama sa pulso ni Willy nang may katumpakan."Argh!" Si Willy ay sumisigaw na parang gutted na baboy habang ang kanyang mga buto ay maririnig na nagbitak at hinawakan ang kanyang dumudugong pulso habang siya ay sumisigaw, "Anong nangyari?!"Narinig ng kanyang mga bodyguard na nakatayo sa labas ang nabasag na salamin at ang sigaw ni Willy, at agad silang nagpalit sa loob.Ang nadatnan lang nila ay si Willy na nakahandusay sa sahig habang duguan at sumisigaw."Doon!" Tinunton ng isa sa mga bodyguard ang butas para matu
Bang!Sinipa ni Frank ang isang butas sa mansyon ni Noel para sa kapakanan ng kahusayan, at umuusok pa rin ito habang naglalakad siya papasok sa mga labi.Nandoon sina Willy at Noel, at napasigaw si Noel nang makita ang mga gintong mata na gumagalaw sa usok."Ayos lang, Ms. York. Nandito ako para iligtas ka."Natahimik si Noel nang marinig niya ang mahinang boses, nanlalaki ang kanyang mga pupil sa hindi makapaniwala nang makita niya ang matayog na pigura na pumasok sa loob. "M-Mr. Lawrence...""Nandito ako." Lumapit si Frank sa kanya, pinagtanggol siya habang ang lahat ay hindi pa rin mapakali upang maiwasan siyang magamit bilang isang hostage.Pinag-aralan niya ito ng kaunti at nakahinga ng maluwag—batrobe lang ang nakatakip sa kanyang makapal na anyo, ngunit wala pa ring ginagawa sa kanya si Willy.Nagawa niya ito sa tamang oras.Umakyat si Zam, na nakatitig kay Frank habang tumatahol, "Sino ka?! Nakikialam ka sa lupain ng mga Sorano, at napilayan mo ang tagapagmana ng pamil
“Naiintindihan ko na, Lolo Zam!”Doon nagngitngit sa sakit si Willy na hawak pa rin ang dumudugong pulo niya. “Kaninang umaga, sinabihan kami na walang bisa ang pagkuha namin sa Lycoris Entertainment pagkatapos may nagsalita tungkol sa pekeng accounts.”Habang nakatitig nang masama sa walang emosyong si Frank, galit siyang sumigaw, “At ang kumpanya na nakakuha sa Lycoris Entertainment hindi nagtagal ay isang maliit na kumpanyang tinatawag na Lane Holdings… at naalala kong isa sa mga executives si Frank Lawrence!”“Hmm?” Kumunot ang noo ni Zam nang lumingon siya kay Frank. “Ikaw ang nangialam sa pagkuha ng apo ko sa Lycoris Entertainment?”“Tatlo.”Hindi nagsayang ng hininga si Frank na wala pa ring pakialam habang nagbilang siya. “Hayop ka!” Sigaw ni Zam. Ito ang unang beses na minaliit siya—mas mataas sa pang-apatnapu ang ranggo niya sa Skyrank at isa siyang Birthright rank, na isa nang malaking karangalan sa kanya… ngunit minaliit lang siya sa isang probinsya?!“Frank Lawre
“At sino namang gagawa niyan? Ikaw?”Dahan-dahang naglakad si Frank na hindi natinag kahit na sumugod si Zam sa kanya. “Sumasabog ang vigor mo habang lumalabas ito sa acupoints mo bilang purong vigor, na nagpapatindi sa timbang ng suntok mo… May kakayahan ka, pero masyado kang mahina.”Umiling si Frank sa dismaya nang makita ang buod ng technique ni Zam sa isang iglap. “Mamatay ka na, bata!”Mas lalong nagalit si Zam at kayang gibain ng sigaw niya ang mansyon!Habang lumipad ang golden shockwave niya papunta kay Frank, pumutok ang ere nang may malakas na sonicboom!At mas mataas ka sa pang-apatnapu sa Skyrank… Talagang pinapapasok na nila ang kahit na sino ngayon,” nagpatuloy na nagsalita si Frank sa sarili niya habang minamata si Zam, pagkatapos ay biglang sumigaw, “Ganito ang Bright Sun Fist!”Habang pinanood ang ginintuang kamao na paparating sa kanya, hininto ni Frank ang komento niya at dahan-dahang tinaas ang kamao niya. Sinara niya ang kamao niya at isang gintong lik
Kaagad na pinaandar ng mga bodyguard ng Sorano family ang kotse, takot na takot na baka habulin sila ng Ascendant rank at burahin silang lahat. “Ascendant rank… Nasa Ascendant rank talaga siya?!” Natakot si Willy, ngunit di nagtagal, tinamaan rin siya nang matinding inis. Mayroon ring mga taong nasa Ascendant rank ang pamilya niya. Gayunpaman, isa sa isang bilyon lang ang mga taong iyon. Kahit na siya ang third in line ng pamilya, hindi niya sila mauutusan, at wala silang gagawin nang biglaan… maliban na lang kung magbibigay ng utos ang head ng pamilya. "Ugh…" Narinig ni Willy ang mga ungol na nagmula sa bubong ng kotse sa sandaling iyon. Nang makalayo na sila sa mansyon ni Noel, kaagad na sinigawan ni Willy ang driver na ihinto ang kotse at bumaba.Napansin niyang kahit na bali ang lahat ng buto niya at sira ang meridians niya, milagroso pa ring buhay si Zam. Nang may tulong, tiyak na mabubuhay siya!Masaya sandali si Willy, ngunit nilamon na naman siya ng inis. Ito
Sumigaw si Willy, “Ipaghihihanti kita at pagdurusahin ko si Frank Lawrence!”Nakatitig nang maigi si Zam kay Willy habang bumula ang dugo sa bibig niya. Hindi niya inakalang ang batang pinalaki niya sa layaw buong buhay niya ay handa siyang patayin para sa kalibugan niya!Hindi ito kapanipaniwala!Pero iyon lang ang magagawa niya—mag-isip. Hindi siya makapanlaban!Sa kabilang banda, nakita ni Willy na hindi pa namamatay si Zam kahit na sinaksak niya si Zam sa leeg. Mabangis na kumislap ang mga mata niya. Binunot niya ang patalim at sinaksak si Zam sa dibdib. Shunk! Shunk! Shunk!Dumugo si Zam na parang kinakatay na baboy habang patuloy siyang pinagtataga ni Willy, na para bang binubunton sa kanya ang lahat ng poot niya habang humihiyaw, “Walang kwentang matanda! Sobrang walang kwenta mo hindi mo kayang talunin ang isang bata! Ikaw ang dahilan kung bakit kinailangan kong tumakas nang parang talunan! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!!!”Sa huli, tinaga ni Willy ang
Hindi nanatili si Noel sa mansyon niya dahil natatakot siyang baka bumalik ang mga Sorano. Kahit na binalak niyang manatili sa isang hotel, nag-alala si Frank sa kaligtasan niya. Pagkatapos itong pag-isipan, inimbitahan niya siyang manatili sa hilltop mansion niya sa Skywater Bay hanggang sa kumalma ang lahat. Hindi niya talagang ginustong mangyari muli kay Noel ang kagaya ng nangyari ngayong araw, dahil isa siyang partner para sa farm resort project niya na malapit nang magbukas. At muntik-muntikan na talaga siya—kung hindi umabot si Frank, mapagsasamantalahan ni Willy si Noel. “Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Noel nang hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang alok niya kahit na nailang siya sa pag-iyak niya kanina. Masasabi niya pa ngang nasasabik siya tungkol dito, dahil si Frank na ngayon ang imahe ng isang perpektong boyfriend. Hindi siya magdadalawang-isip na iwan ang sarili niya sa pangangalaga niya…Gabi na nang nakarating sila sa Skywater Bay, at nagbigay si Frank
Sa ibang salita, isang perfectionist si Noel—hindi nakakagulat na nagawa niyang maging isang top star sa Draconia. Pagkatapos tignan ang mga pasa, ngumiti si Frank at tumango. “Wag kang mag-alala—hindi malaking problema to. Kaya ko tong burahin kaagad.”“Magaling!” Sabi ni Noel sa saya at muntik nang yakapin at halikan si Frank. Naiilang na hinimas ni Frank ang ilong niya—nakasuot lang si Noel ng puting shirt at muntik siyang mahubaran sa masiglang pagtalon niya. Pinigilan niyang muli ang sarili niya at napagod siya—kung magpapatuloy sila ni Noel nang ganito, magkakasakit siya sa pagpipigil niya. -Hindi nagtagal, nakahiga si Noel sa sofa ng drawing room habang nagdala si Frank ng isang patak ng longevity essence na gagamitin niya sa hot springs ng farm resort. Hindi na kailangang sabihin kung gaano ito kaepektibo—sobra-sobra nang ganitong ito sa panggagamot ng isang pasa. Gayunpaman, gagamitin naman ito ni Frank kay Noel para maranasan niya mismo ang essence at magpakita
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita