Ano pa bang punto ng auction ng Leaf family? Bakit di na lang nila ipamigay ang bawat isang gamit sa mga Lionheart?!“Hmph. Kung ganun, mauuna na ako.”“Oo nga, masyado namang malaki ang mga Lionheart para kalabanin natin.”Sa huli, tumayo ang isa sa mga bidder at umalis… at hindi nagtagal, grupo-grupo silang umalis. “Huh… Teka, sandali, sandali, wag kayong umalis!” Tinawag sila ni Jenny mula sa stage, ngunit karamihan ng bidders at nag-impake na para umalis. Lalo na't malinaw na ngayong wala silang dahilan para dumalo sa auction na ito. “Ano…” Natulala si Sif habang pinanood niya ang lahat na umalis ng auction hall. Hindi niya inasahang aalis na lang nang ganun-ganun ang lahat. Pero simple lang ang dahilan nila, at si Frank ang nagsimula nito—kung may kahit na sino sa kanilang makakuha ng kayamanan ngayon, makakaalis lang sila sa permiso ni Sif.Kapag sinabi niya, oras na para ibigay ito—o mahaharap sila sa bangis ng mga Lionheart. At dahil wala sa kanila ang kayang tang
“Sana'y maunawaan mo kami.”At nang may magalang na tango, umalis si Jenny nang hindi lumilingon pabalik. Naiwang nakatayo roon si Sif na nanginginig sa galit. Ito ang pinakamasaklap na araw para sa kanya!Nagbayad siya ng tumataginting na 5.5 billion dollars para sa dalawang piraso ng basura. At ang masaklap pa roon, nakita ng bawat isang malaking taong dumalo sa auction ang mapagbantang parte ng mga Lionheart, at sa sandaling kumalat ang balita tungkol dito, ito na ang magiging image ng lahat sa kanila. Hindi lang sa Norsedam—kahit ang main branch ng similya sa Morhen ay maaapektuhan!“Hayop…”Dahil alam niyang nagkamali siya nang malaki, hinigpitan ni Sif ang kamao niya habang muntik siyang lamunin ng galit niya. Ngunit si nagtagal ay ngumiti siya nang mabangis—dahil nagkamali na rin naman siya, kailangan niya na lang ipagpatuloy ang lahat hanggang sa dulo!Pagbabayarin niya si Frank kahit na magsalita ang buong Norsedam—at ang pinakamahalaga roon, ang nakuha ang kayam
Bumuntong-hininga si Frank. “Nakakamuhi si Sif Lionheart kagaya ng pagiging… malupit niya.”Halatang huminto ang Birthright rank goon leader nang nabanggit si Sif at sumigaw sa inis, “Wala kaming koneksyon kay Mr. Lionheart. Ibigay mo ang Hale Marrow o mamamatay ka!”“Ano, sinasabi mo bang mabubuhay ako kapag binigay ko too? At saka ‘Ms. Lionheart’?” Suminghal si Frank sa pagkamuhi, nadulas ka roon, pare.”Nang mapansing naloko siya, sinukuan na ng Birthright rank goon leader ang lahat ng pagpapanggap niya. “Sugod!” sigaw niya, sabay sinenyasan ang mga tao niyang atakihin si Frank. “Teka, ito ang gusto mo, tama?” Simpleng nilabas ni Frank ang Hale Marrow. “Tigil! Wag mong sirain ang Hale Marrow!”Umatras ang ilan sa mga goon nang nakita nila ito sa takot na baka masira nila ito. Kaagad na lumapit ang Birthright rank good leader kay Frank at inutusan siyang, “Tama na yan! Ibigay mo sa'kin yan!”“Sige, kunin mo,” sigaw ni Frank at ibinato ang Hale Marrow sa ere. Sa isang k
Habang naglabas si Frank ng mga hibla ng purong vigor, mabilis niya itong nilagay sa harapan niya. Hindi ito makikita ng pangkaraniwang tao, pero nararamdaman ng mga goon na bumagal ang kilos nila kahit na sumugod sila papasok. Hindi dapat mabuhay ang mas mahihina!Sa kabilang banda, kumilos nang mas mabilis si Frank habang nasa gitna siya ng miasma. Pow!Mabilis na lumapag ang mga kamao niya at naiwang sumuka ng dugo ang limang doon, sabay tumigas ang mga katawan nila. “Ano?! H-Hindi kaya nakumpleto na niya ang Birthright rank?!”Mabilis na iniatras ng goon ang binti niya nang nakita niya kung anong nangyayari. Nabigla ang mukha niya sa gulat nang para bang nakakita siya ng multo. Masyadong swabe at banayad ang kilos ni Frank nang parang isang dumadaloy na ilog na elegante ring tignan. Habang sumugod siya sa gilid ng nakabilog na goons, umatake siya gamit ng palad, kamao, o daliri niya habang nakataas pa rin ang mga sandata nila, kung kaya't naiwan silang nanigas sa kina
Hindi man lang nagtangka ang maswerteng tauhan na tumingin sa plaka ng kotse ni Frank habang umalis sila. Higit pa roon, hindi nagsinungaling si Frank—ang iba pang nakamaskarang tauhan ay nagsabing pagkalipas ng tatlompung minuto, ang bawat isa sa kanila ay nagkatinginan na para bang hindi nila maalala kung anong nangyari. Nang natauhan sila, natakot silang lahat nang napagtanto nilang may nakabangga si Sif na hindi niya dapat banggain. Kahit na ganun, dumating si Sif mismo at nakakunot ang noo niya sa kaguluhan sa paligid pati na rin sa tatlong pugot na katawan. “Anong nangyayari rito? Nasaan ang Hale Marrow ko?!” tanong niya. “Ms. Lionheart, masyadong malakas ang lalaking yun para sa'min,” lumapit ang maswerteng tauhan at hinanda ang sarili niya habang pinahayag niya ang mensahe ni Frank. “Pinatumba niya kaming lahat nang hindi man lang pinagpapawisan—talagang nalamangan niya kami.”“Wala kayong kwenta!”Nanggalaiti si Sif sa nanlulumong itsura nila at sumigaw, “Isa lang
Isang engrandeng prusisyon ng mga luxury cars ang nakitang umandar mula Riverton Avenue diretso sa Turnbull Villa na pinangunahan ng mga kotse ng pulis. Ang bawat isang kalsada sa daan ay sinara nang maaga para lang tanggapin ang prusisyon. Huminto ang lahat ng interesadong mga tao sa paligid at nagtaka kung aling malalaking tao ang gagawa ng ganitong magarbong pagdating. Engrandeng nakabihis sina Walter Turnbull at Susan Redford habang nakatayo sila sa harapan ng mga tauhan nila at naghintay na salubungin ang prusisyon. Nang huminto ang lahat ng kotse sa loob, dahan-dahang bumaba si Sif nang binuksan ng driver niya ang pinto para sa kanya. Nakasuot siya ng luxury brands mula ulo hanggang paa.“Maligayang pagdating, Ms. Lionheart. Pumasok kayo!” Halatang binobola ni Susan si Sif dahil siya ang kapatid ni Titus at ang nakatatandang kapatid ng young naster ng Volsung Sect. Dahil dito, tiyak na may timbang ang posisyon niya kahit sa mga Lionheart. “Ang tagal nating di nagkita, Mr
Maraming beses tinanong ni Walter si Vicky mula noon, ngunit hindi malinaw ang mga sagot ni Vicky—ang tanging sinasabi niya ay hindi na kailangang alalahanin ni Walter ang tungkol sa engagement niya kay Titus.Sa madaling salita, nagdesisyon sila Titus at Vicky na i-annul ang kanilang engagement ng palihim.At dahil dito, inasahan na ni Walter na hindi magtatagal ay magpapadala ng tao ang mga Lionheart upang bisitahin sila.Kahit na wala siyang ideya kung bakit pumayag si Titus na i-annul ang engagement, ang katotohanan na sinabi iyon ni Vicky ay nangangahulugan na pumayag si Titus dito.Habang lumilipad ang isip ni Walter, uminom ng tsaa si Sif at mabagal na nagsalita, “May isang buwan pa bago ang napagkasunduang araw ng engagement, pero sinabi sa’min ni Titus na annulled na daw ang engagement nang walang sinasabing dahilan.”Tumingin si Sif kay Walter at nagtanong, “Iniisip ko lang kung alam mo ba ang tungkol dito, Mr. Turnbull?”“Ano?” Nagulat si Walter, inisip niya ang tungko
Nang maging tensyonado ang paligid dahil sa mga sinabi ni Sif, si Vicky—na kakabangon lang sa kama at naglinis—ay naglakad pababa sa paikot na hagdan.Agad na iniba ni Susan ang usapan. "Oh, Vicky. Halika, umupo ka—pinag-uusapan namin ang engagement mo kay Titus." Subalit, nakasimangot si Vicky at itinaas ang kanyang kamay upang patigilin siya."Narinig ko ang sinabi niyo,” sabi ni Vicky, sumimangot siya nang lumingon siya kay Sif. “Pasensya na sa sasabihin ko, pero hindi na matutuloy ang engagement ko kay Titus at wala nang makakapagpabago pa ng desisyon ko." Nanigas ang lahat sa mga sinabi niya, walang sinuman sa kanila ang nag-akala na sasabihin iyon iyon ni Vicky.Mayroon nga kayang isang bagay na hindi nila alam?Sumimangot si Susan habang nagtatanong siya, “Anong sinasabi mo, Vicky? Gising ka na ba talaga? Bakit hindi matutuloy ang isang maayos na engagement, at paano ka nagdesisyon ng mag-isa?!”"Alam ko kung ano ang sinasabi ko, Mom,” kalmadong sinabi ni Vicky. "Sayang,
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na
Kahit na ganun, habang nakatulala si Gene, mukhang sanay na rito si Frank habang nakatayo siya sa tabi ni Gene. “Wag mo siyang isipin. Payaso lang siya.”Hindi pinansin ni Frank si Cindy. Handa siyang lampasan siya at pumunta sa opisina ni Helen kasama ni Gene. “Hoy, hoy, hoy. Teka.”Biglang lumapit si Cindy at humarang sa daraanan ni Gene. “May problema ba?” Tanong ni Gene, na nailang sa pagkamuhi sa mga mata ni Cindy. Siya ang pinakamayamang tao sa east coast—wala pang trumato sa kanya nang ganito noon!“Huhulaan ko. Dahil inimbitahan ka ni Frank, ibig sabihin nito ay ikaw si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast?”“Oo, ako nga.” Kalmadong tumango si Gene. Kumunot ang noo ni Frank at sinigawan si Cindy, “Umayos ka, Cindy! Wag ka nang gumawa ng gulo!”“Imposible! Ako, gumagawa ng gulo?”Ngumisi si Cindy, at tinitigan niya si Gene habang pinapatunog ang dila niya. “Sa totoo lang, hindi mo ba kayang kumuha ng propesyonal? Napakaputla ng bayarang aktor mo na p
Napangiti si Gene nang nahimasmasan siya. “Ang isang talentong kagaya mo… Ang head ng health and safety department? Sobra namang…”Kung iisipin, sa kakayahan ni Frank, dapat ay isa siyang board member na personal na may parte sa polisiya ng kumpanya. Pero head lang siya ng health and safety department? Sa madaling salita, isang pinabangong security guard? Nabigla talaga rito si Gene!“Hehe…” Tumawa lang si Frank, nang hindi galit at hindi nagpaliwanag. Habang medyo emosyonal, lumingon si Gene kay Frank at binigyan siya ang matapat na alok. “Mr. Lawrence, bakit di ka na lang sumali sa Pearce Group a halip na maging security guard dito? Maghahanda ako ng posisyong nababagay sa'yo, kasama ng isang lugar sa board bilang policy makers sa Pearce Group. Magtiwala ka sa'kin—mas magiging maliwanag ang kinabukasang aasahan mo kasama ko.”Umiling si Frank. “Masyado kong mahal ang kalayaan ko at ayaw na ayaw kong madamay sa masalimuot na usapan ng malalaking kumpanya.”“Higit pa roon…” H
Bubuksan pa lang ni Helen ang pinto ng opisina niya at papasok nang sumigaw si Cindy, “Hah! Wag kang masyadong mayabang, Helen! Distraksyon lang ang lahat ng ginawa mo kanina—tama ako, ano? Hindi niyo kayang kunin ni Frank ang mga loteng iyon mula kay Gene Pearce, ano?” Huminto si Helen sa paglalakad at lumingon para titigan nang namumuhi si Cindy. “Mali ka. Naniniwala akong makukuha talga ni Frank ang lupang kailangan ng Lanecorp. Nangako siya sa'kin, at hindi niya ako ipapahiya.”“Hah! Ikaw na nagsabi! Kung ganun, mananatili ako rito!” Nagmamatigas na sigaw ni Cindy. “Tingnan natin kung anong magagawa ni Frank… At ano namang gagawin mo kapag di niya nagawa?”“Bababa ako bilang boses chairwoman ng Lanecorp.” Suminghal si Helen at pumasok sa opisina niya. “Hahaha! Sige… sabi mo, eh!” Tumawa si Cindy at naramdaman niyang umakyat ang dugo sa utak niya. Dahil iniwan siya ni Will, naniwala siyang dinidiin ni Helen ang sugat niya sa pagpapalayas sa kanya pabalik ng Riverton, at wala
Nang bumalik si Helen sa Lanecorp, nakita niyang nag-iimpake si Cindy at handa nang umalis, ngunit dumada muna siya sa bawat isang empleyado sa malapit. “Bakit di niyo hulaan kung anong nangyari pagkatapos makinig ng pinsan ko sa mahal niyang asawa at pumunta sa Drenam Limited? Sabi niya ibibigay ni Gene Pearce ang limang loteng nakuha niya sa bid, pero anong nangyari? Hindi man lang iyon alam ng valet niya! Oh, para silang sinampal sa mukha bang dumating kami roon!“Tsk, tsk… Nakita niyo sana ang mukha nina Helen at Frank… Napakalungkot ng mukha nila! Oh, ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Isipin niyo yun—si Gene Pearce ang pinakamayamang tao sa east coast! Bakit siya makikinig kay Frank? Sino ba siya sa tingin niya?”“Oh siya, aalis na ako.” Tumawa siya habang inimpake niya ang lahat ng gamit niya at nagsimulang umalis. “Pwede kayong manatili rito habang pinapabagsak nina Helen at ng ex-husband niya ang kumpanya niyo!”Kahit na ganun, nakasalubong niya si Helen, na narinig ang laha
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn